Yessa POV Nandito ako ngayon sa bahay ni Greg dahil nagka sakit sya. Nakiusap sya na kung pwedeng saka nalang daw ako mag resign kapag magaling na sya. Grabe ang sakit nya halos 1 week na! Nag suggest ako na mag pa check-up na sya dahil lagi nalang syang matamlay pero ayaw nya. Pahinga lang daw ang katapat. Ako ang naging personal maid nya. Syempre gusto ko naman. Lagi ko syang kasama.hehehe " Sir kumain ka muna. Nagluto si Aling Mutya ng sinigang na hipon at saka may corn soup." gising ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa kwarto nya dala ang pang almusal nya. Dapat heavy meal para lumakas agad sya " Hmmmp. Isay subuan mo ako." parang batang nakikiusap. Grabe ang gwapo nya talaga. Manang-mana si Gracia sa kanya. " Sige sir." hanggang sa naubos nya lahat ng dinala ko. " Heto sir saging.

