Greg POV Hindi ko akalain na ngayon darating ang pinsan kong galing Paris. At talagang dito pa dumeretso sa bahay ko. Alam nya na nandito sa bahay ko si Yessa kaya naman alam kong pinag selos nya lang to kanina. At mukhang nagtagumpay naman sya. Dahil mukhang inis na inis nga si Yessa dahil padabog pa nyang sinarado ang pinto. " Yakkk insan iwwww!!!!" tinulak nya ako ng umalis si Yessa " Bakit kasi may payakap yakap kapa sa leeg ko." natatawang sabi ko " Oh di ba effective mukhang selos na selos ang reyna ng buhay mo." sabay tawa nya pa. Ano ba yang tinitingnan mo sa laptop mo. At may pangiti-ngiti ka pa. Patingin nga." agaw nya sa laptop ko " Oh!!!! Ang cute na bata.... Kamukha mo insan." titig na titig sya sa screen ng laptop ko, ginawa ko kasing wallpaper yung sinend na picture

