CHAPTER ONE

1160 Words
CHAPTER ONE PROVINCE 11 YEARS AGO... ASHIANNA XEI MONFERTE POINT OF VIEW "Ashianna! Ija mabuti at nakarating ka. Nasaan si Mang Tomas hindi mo ba kasama?" salubong na tanong sa akin ni Mrs. Navarro. Ang pamilya nila ang may ari ng hacienda kung saan nag tatrabaho ang ama't ina ko. Malapit ang loob ng mga Navarro sa pamilya namin dahil mahigit tatlong decada na nilang katiwala si itay. "Mrs. Navarro ipagpaumanhin n'yo po ngunit hindi makakadalo si itay. Hindi po kasi maganda ang kaniyang pakiramdam mag mula pa kaninang umaga pasensya na po," mahaba kong tugon kay Mrs. Navarro na may matamis na ngiti. Nagugulat ko siyang nilingon nang hawakan niya ang balikat ko. "Ano ka ba ija? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na Tita Zaimin na lamang ang itawag mo sa akin? Hindi ka na iba sa akin ija alam mo 'yan," matamis ang ngiti niyang ani. Napanguso ako at nahihiya pa ring nag angat ng tingin sa kaniya. "Ipagpaumanhin mo po Tiya Zaimin, hindi lamang po ako sanay na tawagin kayo ng ganoon. Nasanay po ako sa Mrs. Navarro," nahihiya kong pag hingi ng paumanhin. Napaka swerte ng pamilya namin dahil nakilala namin ang pamilyang Navarro. Napakababait nila. Hindi ako mahiyaing tao ngunit nahihiya ako pag dating sa pamilya nila. "Ija halika, kumain ka na at ipapakilala ko ang anak ko sa iyo. Galing siyang amerika at kauuwi lamang dito sa Pilipinas," nakangiting anyaya sa akin ni Tiya Zaimin. Nakangiti ko ring tinanggap ang paanyaya niya. Nag lakad kami patungo sa isang lamesa. May Tatlong tao ro'n. Dalawang makikisig na lalaki at isang babae. "Ija, I would like you to meet my sons and dauther." Ani Tiya Zaimin ngunit napako na ang atensyon ko sa isang makisig na lalaki sa aking harapan. *TUG*DUG*TUG*DUG* "This is my son Cade Marson," pag papakilala niya sa anak na lalaking natitiyak kong mas bata sa akin ng ilang taon. "Cade this is Yannah bunsong anak siya ni Mang Tomas," dagdag ni tiya ngunit tila ba walang pakialam ang anak niyang si Cade. Tumango lamang ito at ni hindi man lamang ako tinignan. Hay what a brat. "..." (-_-) "And over here is my only dauther Zeila Mashana Navarro," sunod niyang ipinakilala ang anak na babae na kilala ko naman na. Si Zeana at ako ay matalik na mag kaibigan. Ngunit sekreto lamang namin iyon. "Zeana this is-" pinutol ni Zeana si Tiya Zaimin. "We actually knew each other mom. She's one of my friend Yannah," nakangiting pag papakilala ni Zeana. Ngumuso si Tiya Zaimin kaya lihim akong napangiwi. Kinakailangan ba talagang ingles kausapin ang mga anak nila? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya eh. Iyong mga pangalan lamang ang na iintindihan ko. Jusmeyo Marimar. Wala naman akong iabang magawa kundi ang ngumiti sa kanila para hindi mag mukhang snob. Nagugutom na ako sa totoo lang. Bakit kasi kailangan pang ipakilala eh mukhang hindi naman interesado ang mga anak n'ya. "And lastly, Zade Michael Navarro," pag papakilala ni Tiya Zaimin sa anak niyang makisig at gwapo. Ay hala grabe s'ya ang ganda ng pangalan. "Zadie ito nga pala si Yannah, bagay kayo anak." Napaubo ako bigla dahil sa biglaang pag sabi ni Tiya Zaimin. A-Ano daw? Bagay kami ng anak niya? Feeling ko din Tiya Zaimin... biro lang. Jusmeyo Marimar itong si tiya. "Mom she's gonna die because of your joke," masungit na ani Zade at inabutan ako ng malamig na tubig. Tinanggap ko iyon at ininom. "Bakit? Bagay nga kayo! Gusto mo ba ang anak ko ija?" bigla na namang tanong ni tiya. Sa gulat ay naibuga ko ang tubig na iniinom sa mukha mismo ng taong kaharap ko. Na walang iba kundi si Zade. Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan at agad na kumuha ng pamunas saka siya pinunasan. Nanginginig pa ako dahil sa lamig ng tubig at gabi nagyon. "Pasensya na, pasensya talaga. Naku pasensya na talaga sir," nanginginig na sa lamig kong pag hingi ng paumanhin habang pinupunasan ang suot niyang suit. Hindi gumagalaw si Zade at nanatiling nakatingin sa akin pinapanood akong punasan ang damit niya. Hindi naman siya mukhang galit ngunit walang ekspresyon ang mukha niya. Huhu nakakatakot Jusmeyo Marimar ka Yannah! "It's okay. Please stop ayos lang ako. Ikaw itong nanginginig sa lamig," sa wakas ay nag salita na siya. Nag salita na siya ngunit dahil nanginginig na ako...? Napatanga ako saglit at tumungo na lamang. "Tama siya ija. Zeana paki samahan naman si Yannah sa loob para makapag bihis na siya," dag dag ni tiya Zaimin. Nanlalaki ang mga mata akong nag angat ng tingin sa kanila. "H-Hindi na po Tiya Zaimin uuwi na lamang po ako," nanginginig kong pag tutol. "Ano ka ba Yannah malayo pa ang bahay n'yo sige na at dito ka na lamang mag bihis," pinal na usal ni tiya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Tatayo na sana si Zeana upang samahan ako ngunit nagulat kami sa pag tutol ni Zade. "Ako na lang ang sasama sa kaniya. Tutal ay mag bibihis din naman ako just stay here and enjoy the party lil' sis," derederetsong sambit ni Zade na nakapag patanga sa aming lahat. Pinag titinginan na kami ng ibang bisita. Hindi kami o ako nakasagot agad kaya naman walang pasabi na hinila ako ni Zade patungo sa loob ng kanilang bahay. Nag patianod lamang ako dahil hindi ko naman kabisado ang bahay nila. Sa laki no'n ay baka maligaw pa ako. NANG marating namin ang harap ng isang kulay asul na pintuan ay tumigil na siya sa pag hila sa akin saka ako pinakawalan. "Here that's my sister's room. You can take a shower and choose whatever you wanted in her walk in closet. Feel free I'm sure you wouldn't steal anything so just go inside," derederetsong pag iingles niya na nag patang@ sa akin. Jusmeyo Marimar wala akong naintindihan. "P'wede bang paki tagalog ang iyong sinabi? Hindi ako nakaka intindi ng ingles pasensya na," nakagiti kong ani. Wala naman akong nakikitang mali sa hindi pagiging marunong mag ingles. "Serioulsy that's cool, mon amour," natatawa niyang sabi pa. Aba tinatawanan ako. What a bad breath! Tama ba 'yon? Ah basta masamang tao! "H-Ha? Ano 'ka mo? Monde mamon?" gulong gulo kong tanong. Wala akong naintindihan lalo na ang salitang elyen na huli niyang sinabi. Mahina siyang natawa. Jusmeyo marimar. "Ang ibig kong sabihin. Iyan ang kwarto ni Zeana," aniya at itinuro ang pintuang asul sa harap namin, tumango-tango ako. "Maaari kang maligo at mamili ng kahit anong damit na gusto mo sa walk in closet n'ya, ako naman ay nasa katabing kwarto lang kumatok ka lang kapag tapos ka na," mahaba pang dagdag niya. Tumango ako at ngumiti sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Zeana. *** -KL Sinong nakaka alam ng ibig sabihin ng mon amour ? Paki inform nga si Ashianna kung anong ibig sabihin no'n. Monde Mamon daw eh. Mapapa JUSMEYO MARIMAR ka na lang talaga. Hihihi Daily update!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD