ASHIANNA XEI POINT OF VIEW
Napakaganda. Pag pasok ko pa lamang sa kwarto ni Zeana ay humanga na ako. At tiyak kong ito rin ang magiging reaction n'yo kung kayo Ang nasa posisyon ko.
Bagama't nasa probinsya kami napaka moderno ng kaniyang silid. Natitiyak Kong bawat isang gamit na naroon ay pulos mamahalin. Na kailanman ay hindi ko magagawang bilhin. Hays.
Sana ay kagaya rin n'ya ako. Kagaya niya na may pera. Na nakapag aral sa unibersidad. Nakakalungkot na maski high school ay hindi ko natapos. Dahil nga mahirap kami. Naniniwala ako na kahit anong talino kung walang suporta ng pera ay hindi ako makakapag aral. Mali man ito para sa iba, ngunit ang mga tao ay hindi pare pareha. May karapatan ang bawat isa na paniwalaan kung ano ang nais n'ya.
Nabalik ako sa katinuan nang may kumatok sa pinto ng silid ni Zeana. Agad ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang naka roba na si Zade.
"Bakit hindi ka pa din naliligo?" tanong niya, nakakunot ng noo. Nahihiya akong nag kamot ng ulo.
"A-Ah eh..." nauutal kong ani, hindi maka isip ng dahilan. Ngunit nang masulyapan ko ang hawak niyang tuwalya. Napangisi ako sa loob loob. "Kasi wala akong tuwalya," ani ko.
Kamot ulo siyang nag iwas ng tingin at saka tumawa ng maikli. Ang tipid naman. "I'm sorry nakalimutan kong ibigay," aniya at inibot ang tuwalyang hawak niya. Malugod ko iyong tinanggap at aksdenteng nagka tagpo ang aming mga daliri. Bulta bultaheng kuryente ang naramdaman ko. Bigla na lamang bumilis nag t***k ng puso ko sa sasaglit na pag tama ng mga daliri namin.
Na pailing iling ako. Ano ba itong iniisip ko. Jusmeyo.
"Salamat," pasalamat ko na lamang. Tinanguan n'ya ako at nag lakad na palabas. Nang tuluyan na niyang naisarado ang pinto ay nag tungo na ako sa paliguan upang maligo.
Nag hahanap ako ng tabo ngunit shower ang nakita ko. Napabuntong hininga na lamang ako at hinanap ang bukasan no'n. Ngunit kahit anong libot ng mga mata ko ay hindi ko makita kung saan naroon ang bukasan. Muli akong napabuntong hininga at nag tungo sa may tabi ng toilet. Nakakita kasi ako ng hose ro'n. Nang hugutin ko iyon ay mukha iyong shower na maliit. Nakapag tataka at nasa tabi iyon ng toilet.
Hindi ko talaga maintindihan ang sapak ng mga mayayaman.
Nang pindutin ko ang kung ano ay bumuhos ang tubig mula ro'n na parang shower.
Mukhang pang display lang ang shower na naroon at ito talaga ang pang ligo! Jusmeyo marimar.
"Hays pinahirapan pa ako."
Nag simula akong maligo at medyo nahirapan ng kaunti dahil malayo ang shampoo at sabon sa akin. Isa pa ay mababa ang shower nila at halos katabi lamang ng toilet kaya kailangan ko pang umupo. Hindi ko aakalain na mapapagod ako sa paliligo sa paliguang ito.
Nang matapos ay sumakit ang likod ko kaya ininda ko iyon ng kaunti. Nag tungo ako sa 'walk in closet' kuno ni Zean upang mamili ng damit.
Jusmeyo Marimar! Napakaraming damit ro'n wala man lang akong makitang bestida na simple lamang! Halatang pulos mamahalin. Ano ba naman 'yan.
Nag lakad lakad pa ako ng kaunti upang patuloy na mamangha sa mga iba't ibang uri ng sapatos, bags, sandalyas, at iba pang mamahaling mga palamuti niya.
Tiyak na mamahalin ang mga iyon. Nakakamangha.
Napanguso ako at nag balik na lamang sa pag hahanap ng kung anong maisusuot. Pinili ako ang isang kulay asul na bestida na hanggang kalahati ng aking binti ang haba. Kinuha ko iyon at sinuri.
Naihagis ko iyon nang makita ang likurang bahagi! Kinulang yata sa tela ang mananahi kaya butas ang likurang bahagi! Wala naman na akong ibang pamimilian dahil ang iba sa mga naroon ay hindi nga butas ang likudang bahagi ngunit napakaikli o 'di kaya ay masyadong revealing!
Napabuntong hininga ako at pinulot iyon mula sa sahig. Sinuot ko iyon at nag suklay ng bahagya matapos ay hinayaang nakalugay ang hindi masyadong kulot na buhok ko. Humarap ako sa malaking salamin sa silid niya at tinignan ang aking repleksyon.
Bagay naman sa akin iyon. Ngunit nahihiya ako tuwing naaalala ang butas na likurang bahagi. Kaya naman tikapan ko na lamang iyon gamit ang nakalugay na buhok.
"Hindi ko akalain na sa yaman nila, kinulang sa tela ang mananahi niya."
MAYA-maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Zeana. Inakala kong si Zade iyon ngunit napa simangot ako nang makita si Zeana sa harap ko.
"Wow. You look gorgeous Yanna!" nakangiti niyang papuri ngunit nanatili akong nakasimangot sa kaniya.
"H'wag mo nga akong inglesin!" inis na sabi ko at sumimangot. Natawa siya at nilapitan ako.
"Sabi ko ang ganda mo. Bagay sa 'yo 'yang dress!" todo ngiti niyang papuri. Nag iwas ako ng tingin.
"Ayoko nito," ani ko.
"Ha? Bakit naman? Bagay kaya sa 'yo," kuno't noong tanong niya.
"Jusmeyo eh kinulang sa tela 'tong damit mo Zeana eh!" nakasimangot pa ring angil ko sa kaniya. Napahalakhak siya sa tawa. Hala anong nakakatawa?!
"Ano ka ba? Style 'yan! Dadalhin kita sa maynila minsan," nakangiti na niyang ani na nakapag pangii rin sa akin. Ang bait talaga niya.
Ngunit muli akong napasimangot nang maalala ang shower!
"Iyong shower mo ang liit!" angil ko. Taka niya akong tiningnan.
"A-Anong maliit? Sakto lang naman ah."
"Maliit! Halika ipakikita ko sa 'yo!" angal ko at hinila s'ya papuntang paliguan.
Hinila ko siya deretso sa may toilet at ipinakita ang shower niyang nag pahirap sa akin!
Nang makita niya iyon ay tawa siya ng tawa. Ay hala nabaliw na si Zeana.
"Ano ka ba? Haha. Yanna Bidet ang tawag dito. And this is not a shower! Pang linis iyan ng toilet!" natatawang aniya na nakapag patanga sa akin. P-Pang linis ng toilet?
"Nag bibiro ka 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko at umiling siya habang natatawa pa din. Hinili niya ako sa tapat ng shower.
"Here. Ito ang shower Yanna," natatawa pa rin niyang turo sa display na shower niya. Nginiwian ko siya.
"Alam kong shower iyan! Pero nasaan ang bukasan sige nga?" hamon ko sa kaniya. Pinausog niya ako ng kaunti. Lumbas kami sa may sliding door ng shower area kuno.
"Ganito kasi 'yan. Pour out," aniya at tumapon nga ang tubig galing sa shower. Ay hala ang galing! May passcode pala!
Ano daw? Poor? Edi ba 'dukha' iyon sa tagalog? Ay hala mapang mata!
"Kung iniisip mong ang ibig sabihin ng 'pour' ay dukha mali ka Yanna, 'pour out' ibig sabihin no'n ibuhos o dumaloy," nakangiti niyang paliwanag at niyaya na akong lumabas sa paliguan. Ganoon pala iyon.
Dinala niya ako sa walk in closet kuno niya at pinamili ng pang ipit ba.
"May ibibigay ako sa 'yo. Pina customized ko pa ito. Para sana sa birthday mo pero ngayon ko na lamang ibibigay tutal ay babagay ito sa suot mo," aniya at iniabot sa akin ang 'hairpin' daw kuno.
Napakaganda no'n masasabi ko talagang akin dahi n"akasulat ang pangalan ko!
'YANNA' pulos dyamante iyon. Natitiyak kong mamahalin.
"Pero mamahalin ito ah, wala akong kayang ibigay na kapalit Zeana," nakasimangot kong ani at nang hihinayang na tiningnan ang diamond hairpin na binigay niya.
"Sino bang may sabing kailangan ko ng kapalit? Tanggapin mo 'yan twinny tayo oh tingnan mo!" aniya at ipinakita sa akin ang katulad ng sa akin na kulay asul na may pangalan naman niya. 'ZEANA'.
"Salamat," nakangiting sambit ko at isinuot na ang hairpin. Bagay nga iyon sa asul na bestida ko. Wala mang make up o ano mang kolorete sa mukha ay natitiyak ko ang kagandahan ko.
"Bagay na bagay talaga sa 'yo Yanna!" papuring muli ni Zeana sa akin. Nginitian ko siya ng malawak.
"Sa'yo din bagay na bagay, salamat Zeana."
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nang bigla na lamang bumukas ang pinto mula sa labas ng Walk In Closet.
Lumabas kami ng Walk In Closet at nakita si Zade na naroon sa may sofa at makisig na nakatayo...
Nag tagpo ang aming mga mata ngunit ako rin ang nag iwas.
"You look nice," ani Zade. Sino daw? Ako ba o si Zeana? Look alike? Hay ewan. Ingles pa kasi ng Ingles nasa pinas naman.
"Nice my foot! She look gorgeous kuya!" asik ni Zeana. Okay ayos lang naman ako dito sa isang tabi.
"Pfft. I already have someone in my heart Zea. Don't ship us," natatawang ani Zade. Litong lito na ako sa kanila. Wala akong naiintindihan.
"Teka nga, bakit ba ingles kayo ng ingles d'yan ha? What do you think of me thinking of you?! In tagalog, hindi ko kayo maintindihan."
***
-KL