bc

Amnesia

book_age16+
999
FOLLOW
3.6K
READ
sex
others
kidnap
second chance
drama
comedy
twisted
betrayal
illness
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Sa hindi inaasahang trahedya, naglahong bigla ang masaya na sanang buhay may asawa ni Lisa. Dahil sa malagim na nangyari, ngayon ay muli siyang nag-iisa. Nagkaroon ng selective amnesia si Jayson, tanging si Lisa lang ang hindi niya maalala at ngayon ay may mahal na rin siyang iba. Kasal sila pero si Lisa na lang itong lumalaban. Sobrang sakit para kay Lisa na makitang may mahal ng iba ang asawa niyang si Jayson ngunit wala siyang magawa.

Tuwing pupunta ang binata sa kanya ay pinipilit siya nitong pirmahan ang divorce papers nila. Para kay Jayson ay isang malaking pagkakamali lang ang nangyari, dahil nga hindi niya naaalala si Lisa ay pinipilit niyang may nagkamali lang at naikasal silang dalawa. Lahat ay natatandaan niya bukod kay Lisa kaya naman napanghihinaan ng loob ang dalaga.

Ang sabi ng marami, utak lang ang nakakalimot at hindi ang puso. Ngunit hanggang kailan magtitiis si Lisa? Hanggang kailan siya masasaktan nang paulit-ulit dahil sa lalaking kabiyak ng puso niya, ang lalaking mahal na mahal niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ISANG TAON na mula nang mangyari ang isang trahedya na bumago sa buhay ko, ang sumira sa sana'y masaya ko ng buhay ngayon. Alam kong hindi mo na ko natatandaan at hindi ko alam kung may pag-asa pang makilala mo ko pero heto pa rin ako ngayon, handa kong ikwento sa'yo ang lahat para lang maalala mo ko. Kahit pa ayaw mo na.. Araw ng kasal natin noon, nakasakay na tayo sa puting kotse upang pumunta sa huling stop over bago ang honeymoon. Nagkakatuwaan tayong tatlo, ako, ikaw at ang driver nating si Mang Eddie. Sobrang saya ko noong mga oras na 'yon, panay titig lang ako sa'yo dahil hindi ako makapaniwalang kinasal na tayo, na ang lalaking mahal ko ay kabiyak ko na ngayon. Ang tatamis ng mga pinakakawalan mong ngiti na nagpapangiti ring kusa sa labi ko. Kaya nga hindi ako makapaniwala na mawawala ka pa pala sa akin. Kahit kailan sa buhay ko, hindi ko na imagine na pwede ka pa palang mawala, na pwede mo pa pala kong makalimutan, na may chance pa palang bumalik tayo sa dating tayo kung saan walang tayo. Kasal tayo pero hindi mo na matandaan. Minsan nga gusto ko ng mamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sa sobrang pag-iisip kung paano kita ulit mayayakap nang sobrang higpit at sabihin sa 'yong muli na "Mahal na mahal kita." At sabihin mo rin sa akin na mahal mo ko ulit. Pero sino nga ba ang niloloko ko ngayon? Dahil ngayon, may mahal ka ng iba, na sa tuwing ipipilit nila sa'yo na kasal ka sa akin ay lagi kang nagwawala, na para bang ayaw mo na talaga akong maalala, na parang wala na talaga ako sa'yo. Sabi nila, ang utak lang ang nakakalimot. Pero bakit hindi pa rin ako maalala ng puso mo? Hanggang kailan ba ko maghihintay? Hanggang kailan ako masasaktan sa tuwing makikita ko kayong dalawa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook