"Ano? Wala kang masagot ngayon? Ramdam mo na ba kung gaano mo ko nasaktan? Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na paulit-ulit na bumabalik lahat ng mga katagang 'hindi ikaw ang pinili niya' 'na hindi ikaw ang una niyang tinabihan sa kama kahit kasal kayo' 'na ibang babae ang minahal niya' Sobrang sakit, Jayson!" "Lisa, kung sino man ang nagsabi ng mga 'yon sa'yo, hindi 'yon totoo. Oo, pinaniwalaan ko si Kassandra. Pero ni isang beses walang nangyari sa aming dalawa," mahinahon kong sagot, nalilito dahil sa sobrang galit niya. "At ngayon magsisinungaling ka pa?" Umirap siya at mabilis na umakyat ng kwarto. "Lisa!" "Hindi mo ko mapapaniwala, Jayson! Ikaw na ang nagsabi! Lalaki ka! Hindi mo kayang magtimpi sa gano'ng bagay!" "Maniwala ka man o hindi. Walang nangyari sa aming dalawa. Li

