CHAPTER 11 - LISA POINT OF VIEW

1107 Words

"Beshy Boss, pansin ko napapadalas dito si Robi, ah? Kayo na ba?" Siko sa akin ni Layla na tila ba kinikilig. Natawa tuloy ako habang naiiling. "Oh? Bakit ganyan ang reaction mo? Ang haba-haba nga ng hair mo, eh. Ano pa ba naman ang hahanapin mo kay Robi? Mukhang masipag naman siya at isa pa gwapo!" dugtong niya kaya napatingin ako kay Robi na nagpupunas ng lamesa. Okay naman talaga si Robi. Wala rin naman akong mapipintas sa kanya. Mula noong nagtapat siya sa akin ay pinapakita niya talagang handa siyang hintayin ako. Hindi siya nawawala sa tabi ko kahit alam kong nasasaktan din siya. "Kung ayaw mo sa kanya, sa akin mo na lang ireto," bulong ni Layla saka tumawa nang malakas nang tumingin ako. "Ikaw nga, eh, tumigil ka. Salit na tulungan mo 'yung tao do'n, ayan at pinagpapantasyahan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD