CHAPTER 8 - JAYSON POINT OF VIEW

1114 Words
"Bro, hindi mo kailangang laging magpaalam kay Kassandra kung nasaan ka. Para ka naman niyang under." "Hindi ako under. Medyo tinatansya ko lang siya," sagot ko sabay baba ng cellphone na hawak ko. "Pre, matagal na tayong magkakakilala, hindi ba?" Pagseseryoso ko habang sumasandal. Kinuha ko ang alak na nasa harap ko at ininom 'yon bago muli silang tingnan. Nahinto sila, hindi ko mapaliwanag ang itsura ng mga mukha nila nang itanong ko 'yon. "Oo naman," alangan na sagot ni Cezar. "Anong klaseng tanong 'yon?" Saka ako tinawanan bago uminom sa hawak niyang bote. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin. Para kasing may mali at hindi ko ito ma-explain. Parang matagal na kong nagpapakagago. Mula noong marinig ko si Lisa habang kausap niya ang Robi na 'yon sa hospital hanggang sa malaman kong siya rin ang babae sa panaginip ko ay hindi na ko mapakali at makatulog. "CR lang ako," paalam ko nang mapagtantong matagal na silang nakatingin sa akin. "Ayos ka lang, tol?" "Oo, sandali lang ako." "Konti pa lang ang nainom no'n, 'di ba?" Rinig kong bulungan nila nang tumalikod na ko. Nalilito na talaga ako nang dahil kay Lisa. Bakit may mga alaala kong siya ang kasama ko? "Ang bagal mo naman." Nahinto ako sa pag-iisip at paglalakad nang may marinig akong pamilyar na boses. Nang lumingon ako ay si Kassandra 'yon. May kasama siyang lalaki at nakaupo sila ngayon sa may gawi ng bartop. Kahit pa nakatalikod ngayon sa akin si Kassandra ay sigurado kong siya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali kaya naman inaninag ko kung sino ang kausap niyang nahaharangan ng bartender. Hindi ko na alintana ang suot niyang sexy dress. Basta pilit kong tinatanaw kung sino ang kausap niya. Buong araw siyang hindi nag-text sa akin o tumawag pagkatapos may katagpo siya ngayong lalaki? "Bilis-bilisan mo naman ang pagkilos nang malayo na 'yang Lisa na 'yan sa amin," madiin niyang salita na ikinataas na ng kilay ko. Tama ba ko ng rinig sa pangalan na binanggit niya? "Sa dating mo na 'yan parang inuutusan mo ko, ha? Aba, Kassandra, baka nakakalimutan mo, hindi mo ko tauhan at hindi ako nakikipagsabwatan sa'yo. Ginagawa ko lang 'to dahil matagal ko na ring gusto si Lisa. Kaya 'wag mo kong pagsasalitaan nang ganyan." "Whatever," mataray na sagot ni Kassandra. "Basta lumayo na kayo ni Lisa. Kung pwede lang na buntisin mo na siya agad, mas mainam 'yon. Hindi 'yung umaaligid pa siya sa boyfriend ko." "Parang kadali lang sa'yo ng sinasabi mo." Ngumisi nang mapait si Robi. Napakunot na ko ng nuo. Magkakilala sila? "Ayaw mo ba no'n? Wala na sa 'yong kawala no'n si Lisa." Tumawa naman ito nang sarkastiko bago uminom sa basong hawak niya. Muli niyang nginisihan si Kassandra at binaba ang baso. "'Wag mo kong pakialaman. Ang gawin mo, bantayan mo 'yung boyfriend mo. Hindi 'yung umaaligid din siya kay Lisa. Kahapon lang nasa amusement park sila. Kung hindi pa ko dumating baka may nangyari pang iba." "Amusement park?" "Nagulat ka?" "Sila ng babae na 'yon?" mariing tanong ni Kassandra. Gusto kong lumapit pero hindi ko makontrol ang mga paa ko. Tanging mga mata ko lang ang sumunod ng tingin sa gigil na paghawak ni Kassandra sa baso. Kung hindi lang 'yon makapal baka nayupi niya na. "Paanong nanggaling sila do'n?" tanong niya ulit na tinawanan na ni Robi. "See? Ikaw 'tong hindi marunong bumakod." "Paano mo nalaman?" "Pumunta ko kila Lisa at FYI." Mayabang siyang ngumisi paharap kay Kassandra. "Gustong-gusto na ko ng mga magulang ni Lisa kaya naman sinabi nila sa akin kung nasaan siya. Sila pa 'tong nagtulak sa akin na sunduin siya do'n." "'Wag kang magmayabang hangga't hindi pa kayo. Wala ka pang napapatunayan." "Soon." Hindi ko na sila nilapitan, agad akong tumalikod nang tumigil sila at muling bumalik sa pwesto ng barkada. Nagpaalam akong uuwi na, bigla akong nakaramdam ng kung ano, 'yung feeling na para bang pinagtaksilan ako. Hindi ko pa rin mapaliwanag. Ako pa rin naman ang may mali at tama lang na magselos si Kassandra pero kakaiba talaga 'tong nararamdaman ko. Para ko ngayong nadehado. Hindi ako pumasok sa trabaho pero parang ang bigat-bigat ng katawan ko habang nahihiga sa kama. "Ahhhhhhh!!!!" "Aray!" Inis akong napapikit dahil sa babaeng takot na takot na nagtatago sa likuran ko. Nakasabunot siya sa buhok ko at nakahawak nang mahigpit sa braso ko. Kung pumapatol lang talaga ako sa babae baka kanina ko pa 'to siniko. "Sorry, nasira ko 'yung t-shirt mo kanina. Heto binilan naman kita ng bago." Naiinis ako sa kanya pero hindi ko mapigilang mangiti. Ang cute niya. "Schoolmate kita?" pasimpleng tanong ko nang makita ang damit niyang suot. "Oo, magkaklase tayo sa math at PE." "Bakit wala kang kasama?" usisa ko sa kanya habang nagpapalit ng damit. "Pinagkaisahan kasi nila kong ipasok diyan sa horror house." Bigla naman siyang namula nang hubarin ko 'yung nasira kong damit. Bigla siyang tumalikod na sobrang kinatawa ko. "Takot din siya sa horror house." Napapikit ako. Una 'yung pansit na may maraming calamansi, tapos ito namang horror house. Kilala rin siya nina Robi at Kassandra. Ano pa bang susunod? Hindi ko na namalayan na nakatulog ako nang mahimbing. Paggising ko, tanghali na at nakatayo si Kassandra sa harapan ng higaan ko. Sa tansya ko ay kanina pa siya diyan at hinihintay na makita ko siya. Nakapamewang siya, galit ang mukha at handa na kong awayin. "Ano?" tanong ko habang bumabangon. Para pa rin akong pagod na pagod kahit kagigising ko pa lang. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? "Oo o hindi! Lumabas ka ba kasama ni Lisa?!" Tinignan ko siya bago ko naisipang tumayo na lang kaysa sumagot. "'Wag mo kong talikuran! Kinakausap pa kita!" sigaw ni Kassandra. "'Wag mong tanungin 'yung bagay na alam mo na ang sagot." Sinulyapan ko lang siya. Namumula na ang mukha niya kaya naman napabuntong hininga ko bago huminto. Sasabihin ko ba sa kanyang nakita ko siya? Magtatanong ba ko? O 'wag na lang dahil baka magsinungaling lang siya? "Anong sagot 'yon?" asar niyang balik. "Saka anong klaseng tingin 'yan, Jayson? Parang ikaw pa 'tong ginawan ko ng masama. Lumabas ka kasama ang babae na 'yon?! Tapos gaganyan ka?!" "Saan mo naman nalaman na lumabas ako kasama niya?" malamig kong tanong. Huminto naman siya at tila ba nag-isip. "Bigyan mo ko ng ebidensya na lumabas kami bago mo ko awayin nang ganyan." "Nakita kayo ng kaibigan ko," utal niyang sagot na nginisihan ko nang mapait. "Sinong kaibigan?" "Basta, bakit ba ako pa ang inuusisa mo nang ganyan?!" "Iharap mo muna siya sa akin. Wala ka bang tiwala?" Huminto siya at umiwas ng tingin. "Pinagkatiwalaan kita kaya dapat pagkatiwalaan mo rin ako, 'di ba?" dugtong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD