Chapter 7

1530 Words
Hindi na nasabi ni mom kung ano ang dahilan ang kanilang pagpunta dito sa mansion ni kuya dahil sa tumawag si Mica sa kanila. Kung maaari lang daw ay ako na lang ang bibisita sa kanila. Marami sana akong gustong gawin sa araw na to kaya't naisipan ko din pumunta kina mom at dad. "Anong klaseng suot ba yan Ysa? Para kang sasabak sa giyera sa angas ng suot mo. Magsuot ka naman ng simple lang at baka magsitakbuhan ang mga tao sa pupuntahan mo eh." "Kuya naman! imbes na icheer up mo ko sa ayos kong pananamit pero dinadown mo lang ako," inis kong sabi. "Hindi mo ba ko sasamahan pupunta doon?" lambing kong sabi. "Ayoko! ikaw na lang at marami pa kong gagawin. Hindi ka na bata Ysa para magpasama. Angas ng suot mo pero duwag ka din naman pala. Alis na at kanina ka pa nila inaantay doon. Palitan mo na din yang suot mo kung hindi...... itatali kita sa taas para hindi ka na matuloy," turan nito. "Problema mo ba kuya sa suot ko? Maayos naman ah," sabay pose ko sa kan'yang harapan. Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. "Baka ikaw ang duwag kasi nahihiya ka lang kay Mica. 'Yon ang sabihin mo," pang iinis kong sabi sa kan'ya. Sinamaan ako ng tingin ni kuya. "Antayin mo ko dito at magbibihis lang ako. Saglit lang 'to," madaling umalis siya sa harapan ko. Wala pang dalawang minuto ay pababa na siya ng hagdan subalit hindi naman ito nakapagpalit ng damit. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang hawak hawak niya sa kan'yang kamay na nakatago pa sa kan'yang likuran. Napaurong ako bigla sa bandang bahagi ng pintuan. "Maygad kuya! rehas na bakal talaga," sigaw ko nang papalapit na siya. Dagli ang pagtakbo ko palabas ng mansion at baka ituloy niya pa ang kan'yang sinabi at hindi na matuloy kung saan ako pupunta. Dahan dahan ang pag pasok ko sa loob ng bakuran nang makarating ako agad sa mansion nila mom and dad. Napaaga ata ang pagdating ko at mukhang nag uumagahan pa lang sila. "Magandag umaga mam Ysa," bungad na bati ng isang hardinerong nakasulubong ko sa may hardin. "Gandang umaga din sayo," agad kong sagot. Pinagpatuloy niyang muli ang pagdidilig ng halaman. Papasok na sana ako sa loob nang maunahan ako ng kaba kaya bumalik ulit ako kay kuyang hardinero. "Manong nariyan ba sila sa loob sina mom and dad?" tanong ko. "Ahm wala pa po eh," magalang na sagot nito. "Mamaya pa po sila darating kasama yung isa nilang anak na babae," sabi nito. "Sa loob na muna kayo mam habang inaantay niyo sila. 'Yon po kasi ang bilin nila Sir at Ma'am Ellison." Napakunot ako ng noo at napaisp. Alam kong isa lang anak nilang babae at si Mica 'yon. Di bale na lang, makikita ko din sila mamaya. Lumipas ang ilang mga oras na pag aantay, dinig ko na may kasiyahang nagaganap sa may living area. Naghugas muna ko ng mga kamay dahil sa ako ang nagluto ng mga iba't ibang putaheng ulam. Pinigilan pa ko ni ate Lala na huwag daw ito ang lulutuin kong ulam. Subalit ito ang paboritong pagkaing niluluto ko sa asawa ko noong siya ay nabubuhay pa lamang. Naghanda na lang ako ng ilang meryenda at inilagay sa tray dahil alam kong pagod sila sa biyahe. Alam kong matutuwa sina mom at dad sa sasabihin ko dahil napag isipan kong dito na lang ako maninirahan kasama nila. Bitbit ko ang tray na may lamang juice at ilang slice na sweet cake nang makapasok na ko sa living room. Nakangiti akong bumungad sa kanila nang makita ko silang nagtatawanan. Hindi ko na napansin na lima sila at may batang lalaki na sobrang cute. "Hi mom..... hi dad....." ngiting bati ko sa kanila. "Ysa!" sabi ni mom. Lumingon ang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Bigla kong nabitawan ang hawak hawak kong tray at umalingawngaw sa loob ng mansion ang ingay na naging dahilan sa pagkakapira piraso ng mga basag na babasaging pitsel at baso. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko't nabato na lang ako sa pagkakatayo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil sa totoo ang nakikita ko. Kinusot ko pa ang dalawa kong mga mata baka namamalikmata lang ako. Napailing ako dahil sa talim ng kan'yang mga matang nakatitig sa akin. "Is she your maid mom, dad?!" galit nitong tanong sa kanila. Hindi agad na nakasagot sila mom at dad dahil hindi nila alam ang kanilang sasabihin. "Yeah! She's our maid," sakartiskong saad ni dad na hindi tumitingin sa 'kin at halata sa kan'yang mukha ang lungkot. Tumayo si mom at lumapit sa 'kin. Matindi ang kan'yang pagkakahawak sa aking mga kamay. Malamig at tila nanginginig. "Ysa! let me explain this later at pasensiya ka na sa dad mo. Hindi pa namin kayang sabihin sa kan'ya at ipaliwanag na ikaw ang asawa niya. Its because Safhira na siya ang kinikilalang asawa niya ngayon," mahinang saad ni mom. Nag umpisa nang mangilid ang aking luha dahil sa sakit na nararamdaman ng aking puso. Parang isang babasagin na nagkapira piraso na hindi na p'wedeng mabuo dahil sa tindi ng pagkasira. "If she's a maid? What she is doing here na dapat ginagawa niya na ang kan'yang tungkulin bilang isang katulong?" saad nito. "And mom, dapat hindi niyo na siya kinakausap dahil hindi natin sila kauri." "Davis enough!" sigaw ni dad. Lumapit si mom sa kan'ya at dahil nag aalala ito at baka tumaas ang pressure nito. "Davis anak, Im sorry to say this. Hindi dapat ganyan ang pakikitungo mo sa mga tao. Tao din silang nasasaktan kagaya natin. Alam kong wala kang maalala sa nakaraan mo pero hindi na dapat umabot pa sa ganito dahil lamang sa isang pagkakamali na hindi naman niya ginusto," pag gigiit ni mom. Lumapit ng husto ang babae sa kan'ya at hinaplos ang pisngi ng aking asawa. Napawi niya agad nito galit nito dahil sa simpleng ngiti niya sa asawa ko. Yung isang simpleng ngiti lang niya nito sa kan'ya ay agad na umaaliwalas ang kan'yang mukha. Oo buhay siya at narito siya ngayon mismo sa harapan ko. Kitang kita ng dalawa kong mga mata na parang hindi niya ko kilala na kan'yang asawa. Parang tinutusok tusok ng maraming karayom ang puso ko sa tindi ng sakit at selos na aking nadarama ngayon. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko ngayon dahil nasasaktan ako. Gusto ko siyang yakapin at hagkan ng halik sa kan'yang labi ngunit parang may kakaiba sa nangyayari ngayon. Lumapit ako sa kan'ya dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kan'ya. Napayakap ako bigla sa kan'ya nang mahigpit. Subalit ramdam ng aking katawan ang higpit na pagkakahawak nito sa aking braso at pilit na inilalayo ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya. "Who is she dad?" tanong ng batang paslit na nasa tatlong taong gulang na. Hindi sumagot si Davis nang kuhanin na siya ni dad at inilayo na ang bata mula dito. Yakap yakap ko pa din siya nang mahigpit dahil sa galak at totoong buhay talaga siya at ramdam 'yon ng aking puso. Pero ang puso niya ay mukhang wala ng pakiramdam dahil sa lamig na pakikitungo nito sa 'kin. "Stay away from me!" matigas na sabi nito. "Please Davis... ako to! ang asawa mo," paghaharap ko sa kan'ya upang magtama ang aming mga mata habang basang basa nang luha ang buo kong pisngi dala sa matinding pag iyak. Kumunot ang kan'yang noo at ang kan'yang mga mata ay nanlilisik na ngayon. "I don't even know you at wala akong maalala na asawa kita!" madiin niyang sabi kasabay 'yon ang malakas na pagtulak nito sa 'kin. Napatayo si mom dala nang pagkagulat. Ganun din si Safhira , hahakbang na sana siya patungo sa akin para alalayan ako, ngunit hinawakan ng asawa ko ang kamay ni Safhira upang pigilan siya. Wala itong nagawa kundi ang bumalik ito sa kan'yang kinauupuan. Napaupo ulit ako sa sahig kahit na nahihilo pa ko dahil sa lakas ng pagkakatama ng ulo ko sa muwebles na mesa at nagsanhi ito ng malaking bukol sa aking noo. Hindi ko iniinda ang sakit dahil may mas sasakit pa dahil tagos sa puso ko ang sakit, selos na nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako at lumuhod sa kan'yang harapan at hinawakan ang dalawa niyang mga kamay at mariin kong hinawakan 'yon. Malamig ang kan'yang mga palad hindi gaya noon na maiinit. Nagpapahiwatig na wala na talaga siyang pagmamahal sa akin dahil hindi ko na maramdaman 'yon sa kan'ya. Alam kong wala siyang maalala kaya ganito siya sa akin. Binawalan ako ni mom na huwag kong gagawin ito ngunit hindi ako nakinig sa kan'ya. Lumapit sa akin si mom at agad na pinatayo mula sa pagkakaluhod ko pero nakahawak pa din ako sa mga kamay ng aking asawa. Habang inilalayo ako ni mom ay unti unti ko na din binibitawan ang kan'yang mga kamay. Napatayo si Davis at hinawakan ang kamay ni Safhira. "Let's go upstairs," pag aya niya kay Safhira. Hindi maalis sa paningin ko habang sabay silang naglakad patungong hagdanan na magkahawak kamay at patuloy pa din ang pag agos ng aking luha na parang wala ng katapusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD