Chapter 6

1692 Words
Nakakapagtaka lang sa inasal ng babae dahil parang takot ito sa tao. Nasabi na din nila sa akin ang dahilan kung ano ang nangyari sa kan'ya noon mahigit isang taon na ang nakalipas bago pa man mawala sa akin ang aking mga mahal sa buhay. Nakumbinsi din namin siya mapapayag na sumama sa amin dahil nahirapan pa kami sa una. Nakakawa ang kan'yang sinapit. Nakakagigil talaga ang mga taong gumawa nito sa kan'ya dahil walang awa nilang sinaktan at muntikan pa niyang ikamatay dahil lang sa asidong naibuhos sa kan'yang buong mukha at katawan nito. Walang gustong kumausap at gustong lapitan siya dahil na din sa kan'yang nakakatakot na itsura. Bihira lang din ito makausap at pinipili niya lamang ang mga taong kan'yang nakakasalamuha. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pinili na lang niya manahimik at tila takot itong magsalita at magsabi kung ano ang buong nangyari sa kan'ya. Habang tumatagal ang pagtira niya sa amin, naging matalik ko na siyang kaibigan. Ngunit gaya ng dati ay ganoon pa din siya pero nasasanay na siyang makisalamuha sa ibang tao dito sa loob ng mansion. ................. Another years had been past....... It's almost three years from now, wala pa din akong balita sa aking anak. Hindi pa din ako tumtigil sa paghahanap sa nawawala kong anak at hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na buhay pa siya at makakasama ko pa siya dahil pakiramdam ng aking puso na buhay pa siya at hindi ako nawawalan ng pag asa hangga't wala pa kong nababalitaan na may namatay na sanggol sa kung saan. Narito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakahimlay ang aking asawa. Sobrang miss ko na siya. Sobrang sakit sa dibdib dahil araw araw na hindi siya nawala sa aking isip. Gusto kong manghina ngunit kailangan kong magpakatatag dahil kailangan pa ko ng anak ko at hahanapin ko siya saan man lupalok siya naroon. Pauwe na ko nang magring ang aking cp at nakita kong si mom ang tumatawag. Napakunot ang aking noo dahil ngayon man lang siya tumawag makalipas ang tatlong taon. Agad kong sinagot ang tawag at nakakonekta ito sa aking earphone device na nakasalpak sa aking tenga habang ako ay nagmamaneho nang mabagal. Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya na kailangan ko pa daw patatagin ang aking loob. Hindi ko maunawan ang kan'yang nga tinuran sapagkat may gusto itong ipahiwatig nang hindi ko maisaisip dahil sa may gumugulo sa aking isip. Ewan ko ngunit kinabahan ako. Natapos din ang mahaba haba naming kwentuhan sa cp. Naputol lamang ito nang may magsalitang lalaki sa kabilang linya. Bigla akong kinilabutan. Hindi ko mawari dahil imposible ang aking iniisip. Habang binabaybay ko pauwe sa mansion, dumaan muna ako sa bar kung saan dating napadaan ako dito. Huminto ako sa may parking lot at doon ipinarada ko ang aking motor. Gaya ng dati ganun pa din ang patakaran. No VIP card No Entry. Mabuti na lang at meron na kong VIP card na bigay sa akin ni Martin. Palakad na ko patungo doon. Kinuha ko ang maliit kong pouch na nakalagay sa aking pocket. Maygad! Bakit wala dito? Kinabahan ako sa mga oras na ito. Napahinto tuloy ako sa paglalakad nang makalapit na ko sa mga nagbabantay sa may entrance. "P'wede ba Miss sexy, kung hindi ka papasok sa loob at wala kang maipakitang VIP card. P'wede bang tumabi ka na muna riyan dahil nakakaabala ka lang sa mga ibang taong pumapasok sa loob," sabi ng isang maskuladong bantay. Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya. "Saglit lang po kuya, papasok ako sa loob. Kaya lang.... hindi ko mahanap 'yung hinahanap ko!" kabado kong turan. Suminghal si maskuladong bantay at ngumisi. Tinawag niya ko papuntang gilid ngunit nasa maliwanag na parte kami nag uusap at doon may sinabi siya. Muntik ko na siyang masapak dahil lamang sa hindi kanais nais na salitang sinabi niya. Napangiwi ako sa kan'yang mga sinabi. "Ano pumayag ka na para hindi mo na kakailanganin pa ang VIP card," suhestiyon nito. Ngumiti ako nang pagkalawak na ngiti pero nasa loob loob ko ang panggigigil ko sa taong kausap ko. Ano ako? Bayarang babae na bibigay na lang basta basta sa kan'yang boss para lamang paligayahin siya. "Pag iisipan ko pa," mabilis kong turan. "Oh sige kung ayaw mo naman at kailangan mo pang pag isipan pa talaga. Huwag na lang dahil hindi lang ikaw ang babaeng p'wedeng ikama ni boss. Maraming pang iba diyan," sabay ngiwi nito at umalis na siya sa aking harapan. "Aba!" singhal ko na lang at nakapamewang dahil sa kan'yang tinuran.. Agad kong sinundan ang maskuladong bantay na nakausap ko kanina. Kung gusto nilang makipaglaro sa akin p'wes pagbibigyan ko sila. Pero hindi ko hahayaan na makuha ng kan'yang boss ang aking sarili. Matapang kong hinarap ang lalaking maskulado. "Deal," agad kong sabi ngunit nginisian niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit may nag udyok sa akin na pumayag at bigla ko na lang nasabi 'yon. "Wala ng urungan 'to Miss sexy. Hayaan mo't hindi ka naman lugi kay boss eh. Mayaman na, guwapo pa pero kailangan mo lang ihanda ang iyong sarili dahil sabik na sabik pa naman si boss Ed," mayabang niyang sabi. "Hindi siya magsisisi sa 'kin," dugtong kong pagtataray sa kan'ya. "Kaya nga hindi ako nagkamaling ikaw ang napili ko at tiyak na magugustuhan ka ni boss agad," sabay tingin nito sa akin pababa hanggang sa papaitaas na ang kan'yang tingin. Nagpipigil lang ako sa galit dahil hindi ko naman gusto na gawin 'to eh. May inilabas siyang card sa kan'yang pitaka. Inabot niya ito sa 'kin. Kinuha ko naman agad 'yon. Napatingin ako sa card na hawak ko. Napanganga ako sa nakita ko nang mabasa ko. Umling ako ng ilang beses. Hindi! Baka ibang tao ito. "Bakit Miss? Kilala mo ba siya?" tanong nito. "Ahm.... hindi," agad kong sagot ngunit mahina lamang ang pagbigkas ko dahil nakatuon ang aking isip sa card na hawak ko. Dumadagundong na din sa kaba ang aking dibdib dahil kanina pa ko nanggigigil at pinipigilan ko lang ang galit ko sa taong kausap ko. Nagpalitan kami ng number ng maskuladong bantay. Tatawagan na lang daw niya ko kapag hindi na busy ang kan'yang boss. Gusto ko sanang tumanggi ngunit naka oo na ko sa kan'ya. Gusto kong matapos na 'to dahil lamang sa lintik na card na yan. Matapos ang pag uusap naming dalawa binalak ko ng umuwe dahil ginabi na naman ako sa pag uwe. Hindi na ko dumaan sa mansion kina mom dahil pangit naman kung darating pa ko doon na sobrang late na kaya dumiretso na lang ako sa mansion ni kuya at tiyak na mabubungangaan na naman niya ko. Nakarating din ako agad sa mansion. Maliwanag pa naman ang buong kahabayanan at parang gising pa naman ang mga tao dito. Napakunot ang aking noo pagkababa ko ng motor dahil may bisita ata si kuya Damian ngayon. Pumasok ako sa loob at nahinto ako sa paglalakad dahil narito si mom at dad. Ang mga magulang ng aking asawa ay narito. Kausap nila ang kuya ko at mukhang napakaseryoso ng kanilang pag uusap. Anong ginagawa nila rito at gabi na? Ibig sabihin si kuya Damian 'yung narinig ko sa kabilang linya at narito na ang dalawa nang makausap ko si mom kanina? So mali ang aking kutob. Para ako tuloy nanghina dahil umaasa pa kong buhay pa ang aking asawa ngunit paano mabubuhay ang taong patay na? "Ysa!" tawag ni kuya. Napalingon sina mom at dad sa gawi ko at ngumiti silang pareho sa 'kin at ngumiti din ako sa kanila. "Ano pang ginagawa mo diyan at para kang tuod riyan na nakatayo?" tanong ni kuya na parang galit sa kan'yang tono. Mabuti na lang hindi ako uminom ngayon at hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob ng bar. Salamat na lang talaga at naligtas ako ng card na 'yon kundi nakakahiya lang kina mom at dad na manginginom na ko ngayon. Lumapit ako kina mom at dad. Bigla ang pagyakap sa akin ni mom. Sobrang higpit at tila namis niya ata ako. May pahagod hagod pa ito sa aking likod. Ramdam ko din ang pagbuntong hininga nito nang malalim dahil sa magkadikit lang ang aming mga katawan. Hindi naglaon ay bumitaw din siya. Nasa kan'yang mga mata ang lungkot. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang kan'yang ipinapahiwatig ngayon. "Masaya ako't nakauwe ka na," panimula nito. Ngumiti ako at sabay na umupo sa malambot na sofa. Tumingin muna si mom kay dad na parang nauunawan naman ni dad ang gustong iparating ni mom sa kan'ya. Lumabas si dad kasama si kuya at naiwan kaming dalawa dito sa loob ni mom. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kay mom. Itatanong ko sana kung bakit sila naririto ngayon pero naunahan ako ng hiya. Hinawakan ni mom ang isa kong kamay. Napatingin ako banda roon. "Alam kong nagtataka ka kung bakit kami naririto ng dad mo sa ganitong oras. Hindi na kasi namin matiis na hindi sabihin sayo ito," sabi nito. Wala akong idea kung ano ang kan'yang sasabihin at tila napakahalaga nito dahil kahit gabi na ay nagpunta pa din sila dito. Ano ang ipinunta nila dito at ano ang dahilan? Mga katanungan sa aking isip. "Sa totoo po niyan mom wala po akong ideya pero iniisip ko po ay ang anak ko," malungkot kong sabi. Mariin niyang pinisil ang pagkakahawak nito sa aking kamay kasabay niyon ang pagpikit ng dalawa kong mga mata dahil sa pangungulila ko sa dalawang napaka importanteng taong kinuha sa akin. "Hayaan mo't hindi kami titigil sa paghahanap sa nawawala niyong anak ni Davis. Gagawin namin ang lahat mahanap lamang ang aming apo. May awa ang Diyos anak. Lahat nang 'to ay kayang kaya mong malalagpasan ang lahat. Magkpakatatag ka pa sana Ysa at kung hindi mo na kaya talaga ay narito lang kami ng dad mo. Napakabuti mong tao Ysa," mahabang turan nito. Napatingin ako kay mom. Nag uumpisa nang mangilid ang aking mga luha dahil sa emosyong aking nadarama. Yung bigat sa aking loob ay tila biglang nawala dahil sa mga taong naririyan na nagmamahal sa akin at patuloy na pinalalakas ang aking loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD