"Ikaw?! mulagat kong sabi sa kan'ya. Ngumiti ito ng tipid bago pa man niya ko hawakan sa braso.
"Kasama ko siya," sabi niya habang kausap nito ang dalawang mga bantay sa may entrance.
"Pero boss! wala siyang maipapakitang card sa amin kaya hindi siya puwedeng makapasok sa loob at baka kami po ang mananagot kapag may nangyari sa kan'ya," sagot nito.
Napahawak ako sa kan'ya nang mahigpit. "See? Ayaw nila ako papasukin at kailangan ko pa daw harapin kung sino yang Ed na boss nila," reklamo ko.
"Ako na ang bahala sayo para makapasok ka riyan sa loob," sabi nito sabay kindat nito sa 'kin. Naningkit ang aking dalawang mata sa pagkindat nito sa 'kin. "Ahm... I have an extra VIP card here," sabay labas nito sa kan'yang pitaka at dalawa ang kan'yang ipinakita na VIP card sa dalawang bantay.
"Okay sir, p'wede na po siyang pumasok. Pasensya na po talaga sir sa nangyari kanina dahil naghigpit na po kasi yung bagong boss dito sa bar," sabi nito.
"Its okay, basta tatandaan niyo lang ang kan'yang itsura. Kita niyo naman ang angas ng kan'yang dating," sabi nito. Napasinghal na lang ako sa inasal niya.
Hawak hawak pa din niya ang aking kaliwang kamay habang papasok na kaming dalawa sa loob ng bar. Nagpatangay na lang ako sa kan'ya hanggang sa makarating na kaming dalawa sa may counter bar.
He offered me a hard drink but I refused it because I didn't want to get drunk right away. Then I suddenly remembered something about the past. The past memories when I was drunk. I smiled a little bit because I remembered the past when my husband alive.
May konting luhang pumatak sa aking pisngi. Agad ko din 'yon pinahid dahil sa mga alaalang 'yon. Mabuti at hindi 'yon napansin ng aking katabi dahil abala ito sa kan'yang cp.
Ininom ko na lang ang natitirang alak sa aking kopita na halos mapapikit ako sa sobrang pait nito.
Muli na naman naglagay ng alak ang bartender sa aking kopita. Agad ko naman ito nilagok. Tuloy tuloy lamang ang aking pag inom ng alak at napansin naman 'yon ng aking katabi.
"Hey stop!" suway nito sa 'kin. "Huwag mo sana idaan sa pag inom ng alak kung ano man ang mga pinagdadaanan mo ngayon," alalang sabi nito sa 'kin.
Ngumiti ako ng tipid. "I know what Im doing Martin," madiin kong sabi. "Alam kong hindi ito solusyon sa problema ko ngunit kailangan kong gawin 'to para kahit man lang maalis ng konti ang sakit nito," turo ko sa aking kaliwang dibdib. "Pero kahit ano ang gawin ko ay ganun pa din. Sobrang sakit Martin," sabi ko na may panggigil na at muli na naman tumulo ang aking luha sa aking mga mata.
"I know what you are going through in your life. Pero kung hindi mo na kaya...." Nahinto sa sasabihin niya. Hinawakan niya ang isa kong kamay. Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa aking kamay at mariin niya itong pinisil. "Narito lamang ako Ysa. Maghihintay pa din sayo."
Hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'ya. Bagamat nasa mga kamay namin ako nakatingin. Alam kong matagal nang may gusto sa akin si Martin pero hindi ko kayang palitan ang aking asawa dahil narito pa din siya sa puso ko. Agad kong binawi ang aking kaliwang kamay.
Gaya pa din kanina ay hindi pa din ako makatingin sa kan'ya. Itinuon kong muli ang aking paningin sa kopita. Puno ang laman nito. Agad ko itong kinuha at inisang lagok ko lang ito para matanggal ng konting kaba ang aking dibdib.
"Mukhang may ihahatid ata ako ngayon ha," sabi nito habang nakahawak siya sa kan'yang baba.
Nginisian ko siya at tuwid ko na siyang tinitigan sa kan'yang mga mata.
"Sa tingin mo lang 'yon Martin. Huwag mo ko maliitin dahil matagal akong malasing. You don't even know me. Lahat ay puwedeng magbago," sabi ko.
"Gaya ng?" kunot noo niyang tanong.
"Bakit kailangan mo pang alamin?"
Suminghal ito at ngumiti. "Halata na nga eh. You've change a lot," sabay pisil niya sa aking ilong. Napahawak ako doon. Hindi ko akalain na gagawin niya ito. Naningkit ang aking mga mata.
"Don't do that again," inis kong sabi.
"Im sorry for what I did. Namiss lang siguro kita," sabi nito at nilagok na niya ang laman ng kan'yang kopita.
"Your sorry is my appreciated," mahina kong sabi.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa pagkatapos namin maubos ang isang bote ng alak. Napakarami na din pala ang nagbago kay Martin simula noong ikinasal ako kay Davis. Nagkaroon din ito ng lovelife kaso sa maling tao pa ito umibig. Kaya wala na daw siyang makitang kagaya ko dahil nag iisa lang naman ako.
Lumalalim na ang gabi kaya nag aya na kong umuwe. Gusto niya kong ihatid pero tumanggi ako dahil kaya ko naman umuweng mag isa at may dala naman akong sasakyan.
"Yan ang dala mong sasakyan?" takang tanong nito at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"Yeah!" tipid kong sagot nang makasakay na ko sa aking dalang motor.
"What the heck! ang astig mo ha," mangha niyang sabi.
"I told you lately. You don't even know me," tuwid kong sabi habang pinapaandar ko na ang dala kong motor. "Una na ko. Bye!" saka mabilis na pinasibad ang motor.
"Ysa!" dinig ko pang sigaw niya ngunit nasa malayo na ko mula sa kinaroroonan niya.
Nakarating ako agad ng ligtas sa mansion ni kuya. Halos tulog na ang mga maids ni kuya nang makapasok na ko sa loob. Tahimik akong nangangapa sa dilim habang papaakyat na ko sa may hagdanan upang hindi ako makagawa ng ingay at baka magising si kuya. Malapit na kong makarating sa dulo nang itaas ng hagdanan nang biglang sumindi ang ilaw. Nakapamewang sa harapan ko si kuya at halatang galit ang kan'yang itsura.
"K-Kuya!" utal kong sabi na may ngiti sa aking labi.
"You're late Ysa," madiin niyang sabi.
"Sorry kuya," hinging paumanhin ko na nakayuko.
"Okay! pero sa susunod ay huwag mo na uulitin," sabi nito. Napaangat ako ng ulo at ngumiti pero namumungay na ang aking mga mata dahil antok na antok na ko. Its almost past 1 na nang makarating ako dito sa mansion. "Next time na gawin mo pa ulit ito. Idadala na kita sa ibang bansa," seryosong sabi niya.
Napasimangot ako pagkasabi ni kuya 'yon. Nauna na siyang pumasok sa loob nang kan'yang kuwarto habang ako ay narito pa din sa may hagdanan. Sumunod na din ako at pumasok na sa loob ng aking silid.
.............
Kinabukasan, napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod sunod na katok mula sa pintuan ng aking silid. Tamad akong tumayo habang nakaupo pa din sa aking kama. Inis akong tumayo dahil sa walang tigil ang pagkatok nito sa pintuan. Inis kong binuksan ang pintuan ng aking kuwarto dahil inaantok pa ko sa mga oras na ito.
Napasimangot ako nang si kuya ang nasa harapan ko. "Kuya naman, ang aga aga pa naman eh," inis kong sabi.
"Ysa!" madiin nitong sabi halos galit na naman ang kan'yang itsura. "Nakalimutan mo na ba na ngayon na natin susunduin 'yung pamangkin ni nanay Felly?"
Napamulagat ako sa sinabi ni kuya. "Sorry kuya, mag aayos lang ako," taranta kong sabi. Agad ko siyang iniwan habang nakatayo pa lang siya sa may pintuan at patakbong natungo na agad sa banyo.
Nang matapos na ko mag ayos ay dali dali na ko nagtungo sa ibaba. Nakita ko pang nag uusap ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit umiiyak si nanay Felly. Parang bumabalik na naman sa aking nakaraan ang mga malulungkot na alaala. Nadadala ako sa emosyon kapag nakakakita ako ng mga taong may pinagdadaanan kagaya ko. Pilit ko itong nilalabanan at umaasa pa din ako na makikita ko pa din ang aking anak. Hindi man ngayon kahit matagal basta makita ko lang at makasama ang aking pinakamamahal na anak.
Papunta kami ngayon sa Ilocos upang sunduin ang pamangkin ni nanay Felly. Kasama namin siya ngayon dahil kapag kami lang ni kuya ang pupunta at magsusundo sa kan'ya ay malamang na hindi sasama ang kan'yang pamangkin sa amin.
Hindi ko maintindihan kung ano ang sinapit ng kan'yang pamangkin subalit pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ito. Wala na din mga magulang ang kan'yang pamangkin kaya siya na ang tumayong magulang nito.
Mahaba habang biyahe ang aming nilakbay. Nakarating din kami sa wakas kung saan nanunuluyan ang kan'yang pamangkin. Kailangan pa namin umakyat ng bundok at hindi ko alam kung bakit dito siya tumitira. Ayaw daw nitong tumira sa kalapit bayan kahit na naroon pa ang bahay ni nanay Felly.
"Are you alright Ysa? Kaya mo pa bang umakyat sa bundok?" alalang tanong ni kuya.
"Don't worry kuya, kayang kaya ko ito," agad kong sabi habang tagiktik na ang pawis sa aking noo. "Baka si nanay Felly pagod na siya."
Ngumiti ito sa akin, "sanay na ko dito sa pag akyat ng bundok iha. Aaminin ko dati hindi ko talaga kaya pero habang tumatagal ay nasasanay na din ako. Kailangan kong gawin ito dahil wala ng ibang maaasahan si Yana kundi ako na lang."
Ngumiti ako sa kan'ya at pansin kong may tumulong konting luha sa kan'yang mga mata.
Narating din namin ang tuktok ng bundok. Napakaganda dito dahil dito ay payapa kang makakapag isip nang malinaw. Nakakatanggal din ng stress dahil sa may magandang tanawin dito bukod pa rito kay sarap damhin ang sariwang hangin na malalanghap pa dito.
"Ysa!" lumingon ako sa nagsalitang si kuya. "Hindi ka pa ba papasok sa loob?" tanong nito.
"Susunod na lang ako kuya," at tinalikuran ko ulit siya.
"Bahala ka! May gorilya daw dito sabi ni nanay Felly. Mahilig pa naman daw 'yon sa mga biyuda," dinig kong sabi ni kuya nang makapasok na siya sa loob ng kubo.
Ano daw? Gorilya? Napatakbo tuloy ako sa loob ng kubo. Ngunit nahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang isang babae na halos hindi mo na makilala ang itsura nito. Napatingin silang tatlo sa akin. Pumasok naman agad sa loob ang babae pagkapasok ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit ganun na lang ang kan'yang inasal na parang takot sa tao.