Mariin na hinawakan ni kuya ang aking balikat habang humahagulhol na naman ako sa iyak. Pati ang bahay na alaala ng aking mga magulang ay kanilang winasak. Naikuyom ko ang dalawang kamao ko dala ng matinding galit.
Magbabayad ang sinumang gumawa ng lahat ng ito. Sisingilin ko sila ng sobra sobra at buhay din nila ang magiging kapalit kahit na maging masama pa ko. Ako ang tutuldok sa inumpisahan nilang laban. Pahihirapan ko din sila gaya ng pagpapahirap nila sa 'kin ngayon.
"Let's go Ysa," pagmamadaling sabi ni tito. "Masama ang kutob ko at baka isusunod ka na din nila."
"Tara na Ysa," sabay tapik sa aking balikat ni kuya.
"P-paano ang mga gamit ko?" nauutal kong sabi.
"Ako na ang bahala sa mga gamit mo kung 'yan ang iniisip mo," sabay hawak sa akin ni kuya sa isa kong kamay. Ngunit pilit ko pa din kinuha 'yung laruan ng aking anak.
Patakbo kaming bumaba ng hagdanan. Saktong papalabas na kami ng bahay nang biglang may malakas na pagsabog sa may bandang kusina namin. Nataranta kaming tatlo dahil sa malakas na pagsabog na 'yon. Agad naming tinakbo ang gate nang may malakas na naman na pagsabog sa buong kabahayanan. Napadapa kaming tatlo nila tito at kuya sa may kalsada. Hindi ako aware sa mga nangyayari ngayon kaya't nagkaroon ako ng sugat sa may bandang tuhod at braso dahil sa lakas ng pagkakatama ko sa may semento.
Pinatayo agad ako ni kuya habang si tito ay nauna na siyang nagpunta ng sasakyan. Agad din kami nakasakay ni kuya sa sasakyan at agad na pinasibad ni tito ang sasakyan. Habang papalayo ang aming sinasakyan ay hindi maalis sa paningin ko kung saan kami nag umpisang mamuhay na ngayon ay tinutupok na nang malaking sunog ang aming bahay. Ang mga masasayang araw na magkakasama kami ng asawa ko at ang anak ko ay biglang kaybilis maglaho.
"Ysa," sambit ni kuya habang kaming dalawa lang ni kuya nakaupo dito sa may backseat.
Hindi ko siya matignan ng diretso bagamat napapahagulhol na lang ako ng iyak sa sobrang hinanakit ng aking nararamdaman ngayon. Pinahiga ako ni kuya sa may lap niya kahit na ilang ako pero agad din ako nakatulog dahil sa hindi maayos ang aking tulog simula pa kagabi.
..................
Gabi na nang magising ako. Nasa biyahe pa din kami hanggang ngayon. Napatingin ako sa paligid at tila papunta ito sa mansion ng mga magulang ng aking asawa.
Ipinasok agad ni tito Ronan ang kan'yang sasakyan sa loob ng malawak nilang bakuran.
"Hindi ka pa ba bababa Ysa?" tanong sa akin ni kuya.
"Nanghihina pa ko sa ngayon kuya. Parang hindi pa ko handang makita ang aking asawa na makikita ko na lang siya sa isang--" sabay hagulhol ko. Panay pang aalo naman sa akin ni kuya at tito. Minsan nawawalan na lang ako ng malay kapag nasosobrahan ko ang pag iyak.
Makalipas ang ilang mga araw, nailibing na din ang labi ng aking asawa. Wala na kong kain at tulog simula nang mawala sa akin ang mga taong mahalaga sa akin. Halos ito na ang naging kagawian ko ang umiyak at magmukmok na nag iisa dito sa loob ng mansion ni kuya Damian. Dalawin man ako ng ilang mga kaibigan rito ay walang sinumang tao ang makakapagpasaya sa akin kundi ang aking asawa't anak na hanggang ngayon ay wala pa din akong balita kung nasaan na ang nag iisang anak namin ni Davis.
Hindi ko kaya itong mga nangyayari sa akin ngayon. Paano ko pa maipagpapatuloy ang aking buhay kung nawala na sa akin ang mga taong nagpapasaya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako buo dahil sa wala na sa piling ko ang mga mahal ko sa buhay.
Tinangka ko na din kitilin ang buhay ko ngunit naawa naman ako sa aking lola dahil pati siya ay nadadamay sa akin. Itinakbo namin siya sa hospital dahil sa nahuli niya kong naglalaslas ng pulso sa loob ng banyo kaya tumaas ang presyon niya na muntikan na niyang ikinamatay at mauna pa itong mawala kaysa sa 'kin.
Narito na si lola sa mansion ni kuya. Dito niya piniling magpagaling para mabantayan daw niya ko. Imbes na ako ang nagbabantay kay lola ay mas iniintindi pa niya ang kalagayan ko para lang mabantayan ako kung may binabalak na naman daw akong magpakamatay.
Unti unti din humuhupa ang sakit ng aking nararamdaman. Subalit naririto pa din sa puso ko ang sakit na kailanman ay hindi na maiaalis. Pinagpatuloy kong muli ang mamuhay alang ala sa mga taong mangungulila din sa akin kapag ako'y nawala. Ayokong mamatay na hindi ko nakakamit ang hustisya para sa dalawang napakahalaga sa buhay ko. Tutugisin ko muna ang taong nasa likod nito kung bakit ito nangyayari sa akin.
.....................
Lumipas ang isang taong pangungulila ko sa aking asawa't anak, nakarecover din ako agad with the help of my family and friends. Bumalik ang aking sigla because of them. Tito Ronan trained me again as an agent. Mas hinasa pa niya ko upang sanayin muli sa pagsasanay at upang mas lumakas pa ko ng husto. Bumalik ulit ang aking lakas at pakiramdam ko ay mas lumakas ako ngayon kaysa dati.
"What you gonna do now Ysa?" tanong ni tito Ronan. Katatapos ko lang magsanay dito sa isang malawak na lote kung saan ako dati nagsanay noong nag uumpisa pa lang ako.
"I can do what I can and believe me tito. Hindi kita bibiguin," diretsahan kong sabi.
"Pero kailangan mo pa din mag ingat," pag aalala niya.
"Yes, I will," agad kong sagot. "Don't worry tito. Bye!" paalam ko sabay halik sa kan'yang pisngi.
"Saan ka na naman ba pupunta?" pahabol niyang tanong subalit nakasakay na ko sa Black Yamaha R1 Modified motorcycle. Saka ko ito mabilis na pinasibad sa maluwag na kalsada. Patungo ako ngayon sa puntod ng aking asawa at doon muna ako mamamalagi hanggang sa mag-takipsilim.
Narating ko din agad sa sementeryo. May mangilan ngilan ding mga taong naririto sa sementeryo na dinadalaw din ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Limang oras ako naglagi dito sa puntod ng aking asawa at binalak ko ng umuwe. Magdidilim na at ako na lang ang tanging taong naririto.
Wala pa kong balak na umuwe ngayon dahil gusto kong magwalwal kahit ngayon man lang upang maibsan ng konti ang lungkot ng aking nararamdaman ngayon.
Huminto at ipinarada ko muna ang aking motor sa parking lot kung saan may mga taong naglalampungan dito sa kani-kanilang mga sasakyan. Tinanggal ko muna ang suot kong black fitted leather jacket saka ko isinampay sa aking balikat. Im wearing a black leather sleeveles na kita ang aking pusod at black leather skinny jeans.
"Nyeta ka Paulo, andun na 'yon eh," dinig kong reklamo ng babae. Nasampal niya ang lalaking kahalikan nito na sa akin na pala nakatingin. "Nyeta kang babae ka, panira moment ka talaga," inis nitong sabi sa 'kin. Aambahan niya sana ako ng sampal ngunit nasalo ko agad ang kan'yang kamay na dadapo sana sa aking pisngi.
"Don't try me woman at baka sayo ko ito isampal sa makapal mong mukha," turo ko sa kan'yang kamay sabay wasiwas ko sa nanlalamig niyang kamay. Napanganga siya dahil sa inasta kong pag uugali 'coz I won't let anyone who want to destroy me.
Iniwan ko na silang dalawa na may inis sa kan'yang mukha at pumasok na ko sa loob sa pribadong bar na halos mga sikat na tao ang naririto sa loob. Ibig sabihin mga high class ang mga taong nakakapasok lang dito. Pero bago pa ko makatapak sa mismong loob nito ay hinarangan ako agad ng dalawang nakabantay dito at hinahanapan ako ng VIP card ngunit wala akong anumang dalang ganun. Wala ako maipakita sa kanila kaya hindi nila ko pinayagang pumasok sa loob kahit na may dala naman akong perang pambayad.
"May dala akong pambayad kuya kaya't maaring papasukin mo na ako sa loob," pilit kong sabi sa nakabantay.
"Im sorry ma'am, sumusunod lang po kami sa patakaran dito," sabi niya.
"So, saan ba ko puwedeng makakuha ng card na yan?" kunot noo kong sabi.
"Kay sir Ed po ma'am," agad niyang sagot.
"Hindi ko naman kilala yang Ed na yan eh. Paano ako kukuha ng VIP card sa kan'ya at nasaan ba siya?" inis kong tanong.
"Nasa vacation leave po siya ma'am at baka sa isang taon pa siya makakabalik dito," agad nitong sagot.
Lumaki ang dalawa kong mga mata dahil sa sinabi niya.
"Ibig mo bang sabihin na mag aantay pa ko ng isang taon bago pa ko makakuha ng lintik na VIP card na yan?" galit kong sabi. Maraming tao na din ako nakakasagabal dito dahil sa nakaharang ako sa papasukan nilang daanan. Who cares? Kasalanan nila ito eh dahil hindi man lang nila ako pinapasok dito sa loob.
Kainis! bulalas ko. Padabog akong tumalikod sa kanila dahil sa inis ko nang may hindi ako sinasadyang makabanggaan at muntikan na kong mapasubsob dahil napatid ako sa kan'yang paa. Mabuti't maagap niya kong nasalo ang lalaking estranghero.
"Nananadya ka ba ha?" inis kong sabi nang maayos na ko sa pagkakatayo ko.
"Oh Im sorry Ysabelle, hindi ko naman alam na ikaw pala yan," sabi nito habang ako ay hindi nakatingin sa kan'ya sapagkat nakasuot ito ng black shades at sombrerong itim at wala akong balak na tignan siya.
Ngunit nangunot ang aking noo dahil sa pagsabi niya ng pangalan ko at pakiramdam ko ay magkakilala kami dahil sa pamilyar ang kan'yang boses.