Nagtago ako sa may likod ng pintuan saka ini off ko ang ilaw dito sa loob ng aking kuwarto upang masiguro ko kung papasok ba sila o hindi pero mali ang nasa isip ko dahil nag uumpisa na nilang buksan ang mga lock ng pintuan dito sa loob ng aking kuwarto. Pero agad ding natigil 'yon dahil sa sikat ng araw tanda ng malapit nang mag umaga. Naramdaman ng aking puso ang pag asa dahil ligtas na ko sa kapahamakan ngayon.
"Ang kukupad niyong kumilos. Buwisit!" galit na sabi niya mula sa labas ng aking kuwarto. Dinig na dinig ko mula dito sa loob ng aking kuwarto ang isang matinis na boses ng babae. Nangunot ang aking noo na parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Dinig na dinig ko din na parang nagsisi alisan na silang lahat sa labas ng kuwarto.
Nakahinga ako ng maluwag dahil walang anumang nangyari sa 'kin. Pero ang baby ko? Natigagal ako rito sa kinaroroonan ko nang maalala ko ang aking anak. Kumaripas ako ng takbo at tinunton ang daan papunta sa kinaroroonan ng aking anak at si Aling Simang.
Kalahating oras nang marating ko ang kubo kung saan ko sinabi kay Aling Simang na doon nila ko antayin ngunit sa pagdating ko dito ay nabigla ako sa aking nakita na halos mga bakas ng dugo papasok sa kubo nang datnan ko ito. Isa isang patak ng luha sa aking mga mata habang papalapit at papasok sa may loob. Naikuyom ng dalawang kamao ko nang makita kong wala ng buhay ang matandang si Aling Simang.
Napaluhod ako dahil sa sinapit niya.
Im sorry Aling Simang. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa inyo, hagulhol kong sabi. Hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan ang aking anak ngunit hindi ko ito mahanap sa paligid.
Nasaan ang anak ko? Natatarantang sigaw ko mula dito sa kagubatan. Paano kayo natunton dito Aling Simang, kausap ko ito kahit wala na siyang buhay. Ang sakit, sana ako na lang, hinagpis kong sabi. Ligtas nga ko pero kayo naman ng anak ko ang nawala. Magbabayad sila, magbabayad silang lahat.-
Arrgghh.... Napasabunot pa ko sa aking buhok dahil parang mababaliw na ko dahil sa hindi ko matanggap na hindi ko mahanap ang aking kaisa isang anak.
"Ysa!" isang malakas na sigaw ng lalaki kaya ako'y napatayo sa kinaluluhuran ko sa mismong bangkay ni Aling Simang. Lumabas ako para tignan sa labas ang taong 'yon. Mas lalo lamang ako napahagulhol ng iyak nang makita kong sina kuya at tito ang naririto sa gubat. Agad kong sinalubong si kuya ng yakap at ganoon din kay tito.
"Kuya nawawala ang anak ko," sumbong ko na para akong isang bata na inagawan ng candy.
"Yeah I know, kinuha nila ang anak mo," sabay kalas ko sa pagkakayakap ko mula sa kan'ya.
"Papaano nangyari 'to kuya at sino sila? Sino ang mga taong 'yon?" Nangangalit kong sabi.
"Wala pa kaming lead kung sino ang nasa likod ng pangyayaring 'to."
Umiling ako, "hindi maaari 'to kuya."
Madiin kong hinawakan ang dalawang kamay ni tito, "wala ba tayong gagawin man lang? Papaano 'yung anak namin ni Davis? Please kuya, tito hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko," kasabay niyon ang patuloy na pag agos ng aking luha.
"Ysa, kailangan mong magpakatatag. Lahat ng ito ay may rason. Maayos mo din lahat nang ito," sabi ni kuya.
"Paano ako magpapakatatag ha kuya? Pati 'yung asawa ko ay hindi ko na din alam kung ano ang nangyari sa kan'ya. Ni hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung nakarating ba siya sa Manila o hindi. Parang hindi ko na kayang mabuhay kuya na mawala sa akin ang mga pinakamahalagang tao sa buhay ko.-" madiing sigaw ko habang patuloy lang sa pag agos ng luha ko sa aking mga mata.
"Ysa, nandidito pa kami ng kuya mo, ang lola mo. Marami pa kaming mga pamilya mo. Hindi ka nag iisa Ysa," sabay yakap sa akin ni tito. Napahagulhol ako ng iyak sa dibdib ni tito.
Dahil sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na namalayan na nawalan ako ng ulirat habang damang dama ng aking puso ang hinagpis at kalungkutan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari dahil sa bigat ng aking nararamdaman.
.................
Mabigat na talukap ng aking mga mata nang maimulat ko ang mga ito. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nag umpisa na naman tumulo ang masagana kong mga luha nang maalala ko ang mga pangyayaring nagaganap sa akin ngayon.
Humagulhol muli ako sa pag iyak at may isang babaeng humawak sa aking kamay. Tumingin ako kung sino 'yon at si mom ang narito ang ina ng aking asawa.
"Anak, huminahon ka muna. Bawal sayo ang maistress at baka mawalan ka na naman ulit ng malay," pang aalo niya sa akin ngunit hindi ko magawang magpakahinahon dahil sobrang sakit ng aking puso dahil para itong tinutusok tusok ng napakaraming karayom sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit na.
"Hindi ko po kaya mom, nawala na sa akin ang lahat. Parang gusto ko na din mawala at ayaw ko ng mabuhay pa," malungkot kong sabi habang wala ng tigil sa pagdaloy ng aking luha sa mga mata. "Si Davis mom? Ano na pong balita sa kan'ya?"
Ramdam ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa aking kamay. Nangunot ang aking noo dahil napakalungkot ng kan'yang mukha. Matagal bago pa man niya ko sagutin sa tanong ko.
"Im sorry anak, gaya nang sa anak niyo ni Davis ay hindi na mahanap ng mga kapulisan ang trahedyang nangyari sa kan'ya kahapon," diretsahang sabi niya. Napailing ako at wala sa huwisyong napabangon at bumaba agad sa aking kama.
"Ano pong ibig niyong sabihin mom?" nanginginig kong sabi.
Umiling ito ng umiling saka tumulo na din ang kan'yang luha. Lumapit siya sa 'kin at mahigpit na niyakap.
"Hindi ko alam kung pa'no ko ito sasabihin sayo. Pero kailangan mong malaman ang totoo. Wala na si Davis," hagulhol nitong sabi. Natulala na lang ako nang marinig ko ang huling salitang binigkas niya.
Wala na siya? Ibig sabihin patay na siya. Patay na ang asawa ko? Hindi!!! Panay iling ang aking ulo dahil hindi ko matanggap na pati siya ay kinuha na din sa akin. Bakit ang lupit ng tadhana para sa akin? Ano ang nagawa kong kasalanan para mangyari sa akin ang mga bagay na ito? Ayokong mag isa at hindi ko kayang mabuhay na wala sila. Ang mga taong mahahalaga sa akin ay kinuha din agad sila sa akin. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa kaunting panahon ko lang nakasama ang mga mahal ko sa buhay ay parang wala na kong ganang mabuhay pa.
Hiniling ko sa kanila na gusto kong puntahan at makita kung saan nahulog ang sasakyan ng aking asawa at sobrang nadurog ang aking puso nang makita ko ang sinapit niya na sunog na sunog ang kan'yang sasakyang gamit niya pa kahapon ng umaga nang siya ay umalis. Wasak na wasak din ang kan'yang sasakyan at sobrang nangulila ako sa kan'yang sinapit. Parang ayaw kong makita ang kan'yang sunog na bangkay sa morgue at baka hindi ko kayaning makita ang sinapit ng aking asawa. Tanging marriage ring lang namin ng aking asawa ang naiwang alaala namin noong kami ay kinasal.
Malungkot akong umuwe kasabay sina kuya at tito ngunit pingilan nila akong umuwe pa roon sa tinitirahan namin dahil hindi na ko ligtas kong mananatili pa ako doon. Planado na daw ng taong may gawa 'yon kaya ito nangyayari sa akin ang mga bagay na ito.
"Kuya, tito," sabay silang lumingon sa akin dahil nasa back seat ako nakaupo habang binabaybay pauwe sa bahay upang kuhanin ang mga ibang gamit ko. Sa Manila ulit ako maninirahan sa bahay ni kuya Damian.
"Bakit Ysa?" kunot noong tanong ni kuya.
"May ilang kuha ako sa cctv footage kahapon na may nagmamasid sa bahay kahapon nang umalis si Davis sa bahay. Malakas ang pakiramdam ko dahil baka sila din 'yong sumugod kaninang madaling araw," sabi ko.
Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko.
"So anong plano mo?" tanong ni tito Ronan.
"Sa ngayon, hahanapin ko muna ang aking anak dahil alam ko na sila at 'yong taong gumawa ng krimen sa asawa ko ay iisa ang gumawa nito. Magbabayad sila ng malaki," madiing sabi ko kasabay 'yon ang pagkuyom ng aking dalawang kamao.
Narating din namin agad ang bahay. Nadatnan naming napakagulo at maraming kalat sa loob ng bahay.
"What the f***!" mura ni tito. "May nagmamanman na sa inyo dati pa."
"Sira din ang mga cctv na nakakabit pa dito sa bawat sulok ng bahay niyo," dagdag ni kuya.
Kinabahan ako bigla at dali daIi kong inakyat ang aking kuwarto sa ikalawang palapag. Sabog din ang pintuan ng aking kuwarto. Nakita ng dalawang mata ko ang sira sirang laptop na nagkalat pa sa kamang hinihigaan pa namin ng aking asawa.
"Malala na 'to," sabi ni tito nang makita nilang dalawa ang loob ng aming kuwarto ng aking asawa.
"Si Lance," bulalas ko.
"Ha? bakit si Lance?" kunot noong tanong ni kuya.
"Siya ang naririto kahapon ng umaga at naamasid sa labas ng gate. Pero dali dali din siyang umalis dito nang lumabas ako ng gate at sumakay sa nakaparadang sasakyan nila kahapon," wala sa kontrol kong sabi dahil sa nanginginig na ang aking boses sa sobrang galit.