Napanganga na naman ako nang makita ko ang mga pasalubong na dala dala nila kuya at tito. Sinabihan ko na sila na huwag na muna sila bibili ng mga gamit at laruan ni baby dahil puno na sa loob ng kan'yang kuwarto.
"Sa tuwing darating kami dito panay ang simangot mo. Ano ba ang nangyari?" Tanong ni kuya habang karga karga niya si baby.
"Sinabihan ko na kasi kayo na huwag na muna kayo bibili ng mga gamit niya. Ang kukulit niyo talaga, mga bilyonaryo nga naman. Walang tigil sa paglustay ng pera," dagdag ko pang sabi.
"Hindi naman lahat ng 'yan ay para kay baby," singit ni tito Ronan.
"Kapag handa ka na, pwede mong gamitin ang mga 'to at kakailanganin mo din ito balang araw. Ingatan mo lang na itago ito upang hindi makita ng asawa mo," dagdag pa niyang sabi. "Nasaan ba ang asawa mong 'yan? Akala ko ba darating siya?"
"Kakaalis niya lang kanina dahil nagkaroon ng problema sa kan'yang kompanya," malungkot kong sabi. Pero napalitan ng saya nang makita ko ang mga ibang pasalubong sa akin ni tito.
"Wow ang gaganda naman 'to tito," manghang sabi ko sa kan'ya
Pinakita sa akin ni tito ang iba't-ibang klaseng kagamitan na gagamitin ko bilang isang spy/agent. Pero sa ngayon ay hindi ko na muna ito magagamit dahil uunahin ko pa munang palakihin si baby Dyanella.
"Wala ka na masasabi riyan dahil binili ko pa ang mga ito sa ibang bansa," sabi pa ni tito.
Parang gusto ko na agad ituloy ang pagiging agent ko pero hindi pa ito alam ng aking asawa na isa akong agent dahil hindi ko pa sinasabi sa kan'ya at baka bawalan lang niya ko kapag nalaman niya ito.
Hindi nagtagal ay nagpaalam din sila kuya at tito dahil kailangan din nilang makabalik sa Maynila para sa kani kanilang mga trabahong naiwan. Kadarating din ni Aling Simang nang makaalis silang dalawa. Siya ang sinasabi kong kasa kasama ko dito sa bahay sa tuwing wala ang aking asawa. Kaya ko namang mag isa na hindi na kailangan ng kasama subalit tumanggi naman ang aking asawa. Ayaw nitong kaming dalawa lang ni baby ang naiiwan.
Nasa malayong bayan kami nakatira at malayo din sa amin ang police station kaya nag aalala ang aking asawa. Pero ramdam ko sa kan'ya ang takot dahil malayo kami sa kabihasnan. Ewan ko ba sa kan'ya dahil siguro nadala na siguro ito dahil kay Martin nang makilala ko siya dati sa Probinsiya nila na hanggang ngayon ay wala na kong balita sa kan'ya simula nang maging asawa ko na ang aking asawa. Hindi na siya nagparamdam sa 'kin. Pero nakakamis din siya kahit papaano. Malaki rin ang kan'yang naitulong no'ng ako'y nagdadalang tao pa lang.
Natapos na kaming mag hapunan at nakatulog muli ang aking anak. Napatingin ako sa orasan, time check. 8pm na pero hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag ang aking asawa. Biglang kumaba ang aking dibdib. Sinubukan ko siyang kontakin ngunit naka off na naman ang kan'yang cp. Nag message na lang ako sa kan'ya baka sakaling mabasa niya din ito mamaya at baka hindi pa tapos ang kan'yang trabaho.
Nakatulog ako sa pag aantay ng text ng aking asawa subalit nagising na lang ako bandang alas dos nang madaling araw nang marinig ko na tumutunog ang aking cp.
Napabangon ako agad nang makita ko na may text si Mom at tatlong miskol. Naihulog ko na lamang ang cp sa kama nang mabasa kong hindi pa daw dumadating ang aking asawa doon. Tinanong ko din kay Mom kung nagkaroon ng problema sa kan'yang kompanya pero ang sabi nito ay maayos naman daw ang kan'yang kompanya at wala naman daw ito naging problema. Hindi ko na magawang makatulog sa oras na ito dahil sobrang nag aalala ako sa aking asawa.
Ayaw kong mag isip sa kan'ya ng kung anu ano at ipinagdadasal na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. Pero bakit? Sinong tao ang nangahas na mangloko sa aking asawa at sinabing nagkaroon ng problema ang kan'yang kompanya pero ang kan'yang secretary ang nagsabi nito.
Nawala ang aking pag iisip nang biglang umiyak ang aking anak kaya agad ko siya pinadede sa bote. Nakatulog muli ang aking anak ng maubos niya na ang laman ng bote ng gatas. Pinadighay ko muna siya bago ko siya ipinahiga sa kama.
Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos na ko ay agad akong nagbihis. Sa pagmamadali ko, narinig ng dalawa kong tenga na parang may mga kaluskos ng mga paa na nagmumula sa ibabang parte ng bahay at baka si Aling Simang lang 'yon dahil maaga itong nagluluto ng pang umagahan.
Maaga akong aalis ngayon papuntang Maynila at isasama ko si baby. Konting gamit lang namin ni baby ang idadala ko dahil hindi din kami doon magtatagal sa Maynila. Tumingin ulit ako sa relong pambisig at mag aalasingko na ngunit madilim pa din ang paligid. Lumabas ako ng kuwarto upang tignan si Aling Simang kung nagluluto na ito ngunit sa paghakbang ko pa lang ng dalawa kong mga paa sa ikatlong baitang ng hagdanan ay kinabahan na ko dahil medyo madilim sa ibaba dahhil walang nakasinding ilaw. Akala ko ay nagluluto na si Aling Simang sa mga oras na ito ngunit mali pala ako.
Dahan dahan ulit ako pumaitaas upang balikan ang kuwarto ni Aling Simang dahil nasa ikatlo mula rito sa aking kuwarto ang kuwarto niya.
Nang marating ko na ang silid ni Aling Simang ay agad akong kumatok sa pintuan ng kan'yang silid at maya't-maya ay binuksan din niya ito agad. Napakunot ang aking noo dahil naririto pa siya sa kan'yang kuwarto na bagong ligo na din.
"Iha, bakit ang aga mong nagising?" Tanong niya agad.
"Akala ko po ay kanina pa po kayo gising dahil nakarinig ako kanina ng mga yabag ng mga paa kanina sa ibaba," takang sabi ko.
"Ako nga din ay narinig ko din 'yon. Ang akala ko ay ikaw 'yon kaya agad na ko naligo para makapagluto na ng agahan sana ngunit hindi naman pala ikaw 'yon," paliwanag nito sa 'kin.
Kinuha ko ang isang kamay ni Aling Simang. "Nasa peligro po tayo Aling Simang, tumakas na po kayo ni baby. Sa underground na kayo dumaan at delikadong may nakapasok na ibang tao rito," mariing paliwanag ko. Tila nagulat pa ito sa sinabi ko sa kan'ya at bakas saukha nito ang takot.
Hila hila ko siya papuntang silid namin upang kunin si baby na hanggang ngayon ay sarap na sarap pa din ito sa pagtulog. Dahan dahan ko siyang kinarga upang hindi ito magising saka ko siya mariin na hinalikan at niyakap. Napaluha pa ko ng konti ngunit saglit ko din pinahid 'yon.
"Papaano ka Ysa?" Alalang sabi nito.
"Sumama ka na sa amin ng baby mo. Ayaw kong isa sa atin ang mahiwalay."
Umiling ako, "iligtas mo ang aking anak____." Naputol ang aking sasabihin ng may biglang nabasag na salamin mula sa ibaba. Natakot bigla si Aling Simang kaya agad ko sila dinala ng aking anak sa sekretong daanan dito sa loob ng aking kuwarto na kuwarto pa ito ng aking mga magulang noon. Hindi ko pa alam ito dati noong maliit pa ko ngunit ang aking asawa ang nakatuklas nito.
Gusto sanang ipagawaan ng elevator ito papunta sa may underground ngunit tumanggi ako dahil ayaw kong burahin ang alaala ng aking mga magulang kung ano ang meron sila noon.
"Huwag po kayong matakot Aling Simang dahil hindi po ito nakakatakot," sabi ko dahil halatang takot na takot ito dahil sa madilim ngunit nawala ang kan'yang takot ng sindihan ko na ang ilaw para makita nila ang daanan.
"Mag iingat ka Ysa, aantayin ka namin ng anak mo," malungkot nitong sabi.
"Dadalhin po kayo nito hanggang gubat. May makikita po kayong kubo doon. Hintayin niyo na lang ako doon Aling Simang. Sige na po lumayo na po kayo at nariyan na sila," nagmamadali kong sabi.
Nilakasan ko ang aking loob nang makita kong papalayo na sila sa akin. Masakit man sa aking loob na habang lumalayo sila sa paningin ko ay parang tinutusok tusok ng ilang karayom ang puso ko. Agad ko din sinarado ang sikretong pintuan upang hindi nila ito matunton at upang maging ligtas sila hanggang makarating sa kubo.
Tinungo ko agad kung saan ko itinago ang mga bigay ni tito kahapon lang at magagamit ko din pala ito agad agad.
Ramdam kong naririto na sila sa itaas ng aking kuwarto. Dinoble check ko muna ang mga lock ng pintuan upang hindi nila ito mabuksan agad.
Agaran ang aking pagsasaayos para sa gagamitin kong mga armas laban sa mga hindi ko kilalang mga taong naririto ngayon sa loob ng bahay ngunit napakaraming mga katok na nagmumula sa pintuan ng aking kuwarto ang bumulabog sa 'kin. Nataranta ako bigla dahil hindi pa ko natatapos na mailagay ang bulletproof vest sa aking katawan.
Kailangan ko ulit magsanay dahil tila bumagal ang aking kilos simula nang ako ay manganak.
Inopen ko ang laptop upang masiguro kung ilan sila. Ngunit bumungad sa akin ang napakaraming mga armadong lalaki habang ang iba ay papaakyat sa may gate.
Saan galing ang mga 'to at sino ang mga ito? Napangiwi na lang ako dahil hindi ko masasabing makakaya ko itong mag isa. Pero gusto kong alamin kung sino ang may pakana nito at ito ang rason kung bakit ako nagpaiwan dito.