Chapter 1

1573 Words
Napaigtad ako bigla nang may nagtapon sa akin ng isang diaper na maayos naman ang pagkakatupi habang nagbibihis ako rito sa loob ng kuwarto. Humarap ako at pinamewangan ko ang aking mahal na asawa dahil sa pasadya niya'ng itinapon 'yon sa 'kin. "Ang sama mo," sabay irap ko sa kan'ya. Pero nawala ang aking inis nang makita ko ang aking anak na masaya habang pinapalitan siya ng diaper ng kan'yang Daddy. "Im sorry mahal. Akala ko sa may basurahan ko 'yon naihagis. Hindi ko alam na sayo ko naman pala ito naitapon," sabi nito. Nagtimpi lang ako ng inis sa kan'ya dahil alam kong pagod at puyat lang siya sa kan'yang trabaho. Ngunit luminga linga pa ko dito sa loob ng aming silid kung may basurahan pero wala akong nakita at napangiwi na lang ako sa kan'yang tinuran. Tatlong buwan na kaming kasal ng aking asawa at anim na buwan na din ang aming anak. Dito sa Probinsiya namin naisipan na tumira ng aking asawa nang sa gayon ay para ipamulat sa aming anak ang simpleng pamumuhay dito sa nayon. Ayaw kong lumaki siya na mulat sa karangyaan kahit na tutol pa ang aking asawa. Patapos na ko sa pagbibihis at ganoon din ang aming anak. Ang aking asawa naman ang gumagawa sa pag aalaga sa tuwing naririto siya. Napakabuting asawa at napakabuti niya'ng ama sa aming anak. Wala na kong mahihiling pa dahil isa na kaming masayang pamilya. Paalis na kami sa aming tinitirahan at papunta kami ngayon sa sementeryo upang dalawin ang aking mga magulang kung saan sila nakahimlay. Its been 9 years from now, natapos na din ang aking inaasam asam na mabigyan ng hustisya sa pagpaslang sa mga mahal ko sa buhay. And all of that because of the help of my dear husband. "I love you mahal," sabay yakap ko sa kan'ya habang narito na kami nakasakay sa bago niya'ng biling sasakyan habang binabaybay na naminpapuntang sementeryo. "I love you too mahal. Ang sweet natin ngayon ha. Are you hungry mahal?" Tanong nito sa akin. "Hindi pa naman," agad kong sagot. "Bakit mo natanong eh kakatapos lang natin kumain kanina bago tayo umalis ng bahay," dagdag ko pa. Hindi na ito sumagot sa tanong ko at itinuon niya'ng muli ang pagmamaneho. Karga ko ngayon ang aming anak at sarap na sarap ito sa pagtulog. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami agad sa sementeryo. Gising na din ang baby ko at tuwang tuwa ito nang makita niya ulit ang kan'yang Daddy. Mukhang mas gusto ng anak ko ang Daddy niya kaya ang asawa ko ang kumarga sa kan'ya. "Mas gusto mo sa akin baby ha kaysa kay Mommy," sabay halik niya sa pisngi ng baby namin at tuwang tuwa namn siya kapag hinahalikan siya ng Daddy niya. "Ang daya baby ha," tampo ko. "Bakit siya tuwang tuwa siya sayo kapag hinahalikan mo, samantalang ako panay palo niya sa mukha ko kapag hinahalikan ko siya sa pisngi. Bakit gano'n?" "Baby tampo na ang Mommy mo," kausap niya ang anak namin. "Mahal huwag ka ng magtampo. Baka namis lang ako ng anak natin kasi bihira lang niya ko makita," sabi nito. "Narito naman ako na sobrang mahal na mahal ka," sabay halik nito sa aking noo ngunit pinalo lang siya sa mukha ng baby namin. Hindi ko ba alam sa anak namin kapag kasama namin ang Daddy niya ay ganito siya na parang marunong ng magdamot. Well naiintindihan ko naman ang baby ko dahil bihira niya lang makasama at makita ang Daddy nito. Bukas na bukas ay aalis na naman ito paluwas papuntang Maynila. "See? Baby bad 'yon ha," sabi ko. "Okay lang ako mahal, lambing lang 'yon ng babay natin. Diba baby?" Tanong nito sa baby namin. Ngumiti ito at tila nakakaintindi na siya sa mga salita. Narito na kami sa puntod ng aking mga magulang. Inilapag ko na ang mga bulaklak sa may tabi ng lapida at nagsindi na din ng kandila. Tahimik kaming nagdasal ng aking asawa at ang aming anak ay biglang tumahimik habang minamasdan nito ang nakasinding kandila. Nakaramdam ako na parang may yumakap sa akin dala ng malamig na hangin na biglang nagparamdam. Niyakap ko ang sarili kong katawan at alam ko na ang mga magulang ko ang mga ito. Napapikit ako at inalala ang mga masasayang araw na magkakasama pa kami noon nang sila ay nabubuhay pa. Hindi na kami nagtagal pa dito sa sementeryo at binalak na naming umuwe dahil nagmamadaling umalis ang aking asawa dahil sa nagkaroon ng problema sa kan'yang kompanya. Hinatid lang niya kami pauwe dito sa bahay. Gusto ko siyang pigilan na umalis subalit napakahalaga sa kan'ya ang mga pinaghirapan ng kan'yang mga magulang. "Im sorry mahal. I need to go again but I'll come back soon when I finally fix the problem in my company. Babalikan ko din kayo agad ni baby. I love you both," malungkot niyang sabi. Humalik pa muna ito sa amin at niyakap bago pa siya tuluyang makasakay sa kan'yang sasakyan. Mabilis niya'ng pinaharurot ang sasakyan nito at mukhang nagmamadali siya'ng makabalik agad para lang makarating sa Maynila. Mabigat na paghakbang ang dalawa kong mga paa nang ako'y makapasok sa loob ng bahay dahil sa kararating lamang niya kagabi dito ay aalis na naman agad. Parang gusto ko ulit tumira sa Maynila pero kailangan ko pang ipamulat sa aking anak kung saan ako lumaki at narito ako mismo sa dating bahay ng aking mga magulang. Pinaayos lang ng konti ng aking asawa ang ibang parte ng bahay upang hindi ako mahirapan kapag kami lang dalawa ni baby ang naiiwan. Kami kami lang ni baby ang naririto sa bahay dahil 'yung kasamahan ko dito sa bahay ay pinauwe ko muna siya kapag narito ang aking asawa. Pero biglaan din ang kan'yang pag alis dahil sa nagkaroon ng urgent meeting sa kan'yang kompanya. Pinatulog ko muna si baby bago ko siya ilagay sa kan'yang crib. Mahimbing ang tulog ng aking anak kaya makakakilos ako ng maayos. Nagtungo ako sa labas para kuhanin ang mga natuyong mga damit ng aking baby ngunit sa paglabas ko ay may nakita akong isang lalaki na nakasilip rito sa may bandang gate namin. Agad akong nagtungo doon sa may gate at lumabas. Napasakay agad ang lalaki sa may itim na van at dali dali ang pag alis ng kanilang sasakyan. Nangunot ang aking noo dahil ngayon lang nangyari 'to na may taong nagmamasid dito sa bahay. Kinontak ko ang aking asawa upang ipaalam sa kan'ya subalit hindi nagriring ang kan'yang phone. Lumakas ang kaba ng aking dibdib at napahawak pa ko doon. Bumalik ulit ako sa loob ng bahay upang tignan sa cctv footage kung nakuhanan ng video 'yong taong nagtangkang makapasok dito sa loob ng bakuran. Binuksan ko ang laptop at nireview ang kuha ng cctv footage kanina. Napahawak ako sa aking bunganga nang makita ko ang lalaking 'yon. Imposibleng mangyari 'to at bakit niya naman gagawin 'yon? Hay! di bale na nga. Hinayaan ko lang na nakaopen ang laptop para makita kung babalik pa siya ulit dito o hindi. Binasa ko na muna ang mensaheng kanina pa tunog ng tunog ang aking cp. Napakadaming text messages na halos mapuno na ito nang makita ko. Walang tigil sa pagpapadala na wala namang laman ang iba. Pero may isa akong nabuksan na may naglalamang mensahe. Be carefull mahal, I love you. 'Yung baby natin alagaan mong mabuti. With emoji na bungisngis ang tawa. Hindi naman ganito kung magtext ang aking asawa. Pakiramdam ko ay may taong nanloloko sa 'min. Pero gamit naman niya ang numero niya. Sinubukan ko siyang kontakin ngunit out of coverage pa din. Anong nangyayari? Kinontak ko siya'ng muli at nagring agad ito saka sinagot niya agad ang tawag ko. "Maygad thank you at sinagot mo din agad ang tawag ko," sabi ko sa kabilang linya na halos mapatalon pa sa tuwa. "You miss me again mahal?" Tanong niya. Ayaw ko naman sabihin na No dahil ang totoo ay miss ko talaga siya kahit kakaalis lang niya kanina. "Yeah, actually I just want to confirm na ikaw ang humahawak ng cp mo dahil nagtataka ako kung bakit gano'n ka magtext." "Oh 'yun bang emoji? Im sorry mahal, mali talaga ang napindot ko dahil nagdadrive ako at nagmamadaling makabalik agad sa kompanya.Tawagan na lang kita mamaya mahal. Im in a hurry, I love you mahal, si baby alagaan mong mabuti habang wala ako," sabi nito. "Mahal ka din namin ni baby mahal, mag iingat ka and I miss you," masaya kong tugon. Maya't-maya ay pinutol na niya ang tawag. Natanggal na din kung ano ang mga bumabagabag sa aking dibdib at nakapagtrabaho ako ng maayos habang sarap na sarap pa din sa pagtulog ang aming anak. Natapos ko na din itiklop ang mga damit ni baby at isinilid sa may pink nitong cabinet. Binalikan ko ulit si baby na hanggang ngayon ay natutulog pa din. Halos dalawang oras na itong natutulog sa may crib. Habang lumalaki siya ay nagiging kamukha na niya ang kan'yang Daddy. Masasabi kong Daddy's girl ito paglaki niya. Aantayin ko na lang ang pagdating ni tito Ronan at kuya Damian. Palagi sila nagawi dito sa bahay na may dalang mga pasalubong para sa anak ko. Halos mapuno na ang mga gamit nito loob sa kan'yang silid. Lumipas ang kalahating oras nang makarating sila dito sa bahay kasabay ng paggising ng aking anak at tila alam nito na darating ang kan'yang two daddies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD