Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko si Naja na tumatawa ngayon. "Okey na kami ni Henry. Alam kong hindi niya rin ako matitiis." Tuwang sabi ni Naja habang nakatambay kami ngayon dito sa kwarto niya. Nagkatinginan kami ni Gracia at sabay na napailing dahil nagmadali pa kaming pumunta dito sa bahay nila para lang tingnan at samahan siya pero ayun at nagawan din naman pala ng paraan at nagkaayos din. "Ano bang dahilan at bakit siya nakikipaghiwalay sayo?" Curious na tanong ni Gracia. Ngumiti lang siya. "Sa aming dalawa nalang yun. Mahirap na at baka mamoblema pa kayo sa aming dalawa. A couple should solve their own problems." Sabay tingin sa akin. "Diba Mika?"sabay ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. Kumunot ang noo ko sa gustong ipahiwatig ng mata niya pero hindi ko nalang

