Chapter 2

3123 Words
"Buti nalang ang Filipino madaling maintindihan, pero ang english hindi." Reklamo ni Gracia saka padabog na nilagay sa arm chair ang libro niya. "Malamang Pilipino ka at dito ka sa Pilipinas pinanganak. " sagot ko na ikinatingin nanaman niya sa akin ng masama. "Sa math nalang ako. Mas madali pa. Gusto ko kasing maging accountant soon kaya magsisipag akong mag aral sa Math." Ngiting sabi niya. "Huwag mo nang pangarapin, magiging guro ka lang din. Susunod sa yapak na lola ng lola mo na mama ng lola mo na mama ng mama mo." Sabi ko. "Hindi ko mamanahin yun noh. Magiging kagaya ako ni papa." Ngiti niyang sabi niya na animoy nag iimagine sa kawalan. "Bahala ka, baka mamaya itakwil ka sa angkan niyo." Sabay humarap at umayos ng upo. "Nakareview na ba kayo sa Filipino?" Tanong ni Tina. "Sigurado namang multiple choice lang yun." Sagot naman ni Kaloy na nakataas pa ang isang paa sa table niya. "Basta yung sign language natin ha? Pag A ang sagot, hawak sa tenga, pag B naman sa ilong, pag C sa buhok." Ani ni Tina na pakulo sa kalokohan nila pag quiz namin. "Paano pag may D?" Tanong naman ni Kian. "Ahmmm." Waring nag iisip. " ahhh, alam ko na, hawak sa baba." Sabi niya na nakangiti pa. "Game!" Sagot ni Kian. Napailing nalang ako sa kalokohan nila. Bakit ba sila nanaman kasi kaklase ko ngayong taon. Tumataas lang naman grades nila sa mga ganyang gawain nila. Sa ibang section nalang sana ako nang makalayas nadin sa presensiya nila. Ilang minuto ay dumating na si Sir Halimuyog, ang Filipino Teacher namin. Nagcheck attendance na siya at pagkatapos nagsisimula na siyang maglabas ng big notebook niya na don nilalagay ang mga pinapaquiz niya. Napansin ko na nag oOk sign pa ang mga loko at excited pa. "Nakalabas na ba ang 1/2 sheet of paper niyo? Ok. Para sa unang tanong. Alamin ang sagot. Sino...? " nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha ng mga kaklase ko sa unang salitang lumabas sa bunganga ni Sir. Natawa akong pasecreto dahil mali ang inaasahan nila. Napakamot sila sa ulo dahil halos hindi nila alam ang mga sagot sa mga tanong. "Magpalit ng papel." Sabi ni Sir at sumunod ang lahat pero ewan ko lang sa tatlo ngayon na mukhang ayaw nalang makipagpalit. Pagkatapos macheck... "Anong nangyari sa inyong tatlo at bakit wala kayong nakuha kahit isa?" Tanong kina Kian, Tina at Kaloy na nakayuko lang. " Sorry sir." Sabay na sabi nilang tatlo. " Hindi ko palalagpasin ito next time ha! Mag aral kayo ng mabuti." Sermon ni sir sakanila pero hindi naman siya masyadong galit. Pagkatapos ibigay ni Sir ang mga pointers to review namin para sa exam ay umalis na siya. Next subject ay Computer pero tatapusin lang namin ang pinagawa ni Sir Rodriguez. Actually, tapos na nang iba, pumupunta lang sila para maglaro ng computer games na nakainstall sa còmputer at ang mga babae naman ay may pinagkakaabalahang iba. "Ano yan?" Tanong ko kay Gracia na harap ngayon ang Computer. "Friendster. Gusto mo gawan din kita ng account mo? Madali lang." Sabi niya na ikinailing ko. Wala akong alam sa mga ganyan at ayaw ko rin. Kikay masyado at di ko feel. "Ginawan na kita ng account ohh." Sabi niya na ikinalingong gulat ko. "Sinong may sabing gagawan mo ako niyan?" Inis kong tanong. "Ano ka ba. Sikat ngayon yan. Marami kang magiging friends dito na taga ibang lugar tapos pwede mo ring palitan yung background niya na babagay sa taste mo." Paliwanag niya kaya napasilip ulit ako. "Pati ba sila mama pwede kong maging friends diyan? Si Brent na malayo?" Tanong ko na nagkibit balikat lang siya. "Pero try nating isearch." Sabi niya at sinearch rin namin pero no found result. "Friends kami ni kuya Clinton dito." Kilig niyang nabanggit. Crush lang naman niya yun. "So?" Tanong ko na ikinalingon niya sa akin na nakasimangot at naniningkit ang mata. "Magkaibigan ba talaga tayo? Malapit ko nang isipin na tinatakwil mo na ako." Inis niyang sabi. Natawa lang ako sakanya at sa itsura niya. Wala akong balak mang inis, sadyang iritado lang ang tenga ko kapag nakakarinig ng crush crush na yan. Hindi ako bitter kasi di ko pa nararanasan yan, sadyang allergy ako sa mga ganyan lalo na sa ligaw ligaw? Ewww. Never in my life na magpapaligaw ako. Pagkatapos ng last subject namin ay lumabas na kami para umuwi. "Susunduin ka ulit ni Kuya Leo?" Tanong ni Gracia habang papunta na kami sa gate. "Wala namang ibang susundo sa akin ahh." Sagot ko. "Nakakainis ka talaga." Inis niyang sabi na ikinatawa ko. "Pag ako nagkaganti sayo, gagawin kitang babae." Sabi niya na ikinalayo ko sakanya. "Don't dare to do that!" Banta ko. "Aba, lumalabas ang pagka englisera ng babae kapag nababantaan." Maloko niyang ngisi. "Pagka ginawa mo sa akin yun magkalimutan na tayo." Sabi ko sabay pinagtiklop ang dalawang braso ko. "Sayang naman ang ganda mo girl kong hindi natin gagamitin at aayusin. Baka lalong humanga si Kuya Amir sayo." Pang aasar niya na ikinasama ko ng tingin sakanya pero nakangiti parin ang bruha. "Hi Mika." Bati ng lalake sa likuran na ikinalingon naming dalawa. It's Kuya Amir Dale Alfonso. Actually, isang taon lang naman pagitan namin. 3rd year sila, 2nd year highschool naman kami. Kaya kahit paano ay may konting hiya naman ako sa mas nakakatanda sa amin. Ngumiti lang ako para maipakita parin ang konting paggalang ko. Naramdaman ko ang paulit ulit na panunundot ni Gracia sa tagiliran ko. "Ano!?" Bulong na inis ko kay Gracia. "Maghello ka. Magpacute ka naman daw." Bulong na sagot niya pero inirapan ko lang siya. "May susundo ba sayo? Pwede kang sumabay sa akin?" Yaya niya pero umiling ako agad. "Susunduin ako ng Kuya ko. Salamat nalang po." Sagot ko pero naramdaman ko nanaman ang pagsundot ng katabi ko kaya kinurot ko na siya sa kamay. "Ouch!!" Sigaw niya. "What happen?" Takang tanong ni Kuya Amir pero bigla akong tumawa. "Aahh hehe, w-wala kuya. May kumagat lang daw sakanyang langaw." Paliwanag ko pero wait, mali yung nasabi ko. Kailan pa kumakagat ang langaw. "Ahh. Okey. I'll go ahead Mika. See you tomorrow. " paalam niya saka umalis na. "Kailan pa nangangagat ang langaw?" Takang tanong ni Gracia sa akin. "Noong... nagmeet ang sperm at egg nang langaw at lamok, tapos nung lumabas ay la-ngaw na?" "Ha?" Ayy waley ang joke. Nakalimutan ko, slow pala makagets ito "Mauna ka na nga!" Inis na tulak mo sakanya. Baka hindi na kurot ang magawa ko sakanya ehh. "Okey, ingat ka ha. Ay mali, ingat pala sila sayo." Paalam niya sabay takbo siyang natatawa saka umalis na din. Naghanap ako ng mauupuan muna habang inaantay si Kuya Leo nang marinig ko ang tunog ng bola na drinidrible at mga tawanan ng mga lalake. Hindi ko pinansin at umupo nalang sa may waiting area sa gilid. "Agahan niyong pumunta bukas sa practice." Sabi ng isang pamilyar na boses na di ko inabalang lingunin. "Yes Captain." Sagot naman ng mga ibang lalake saka sila umalis. Naramdaman ko nalang ang pagtabi ng isang lalake sa inuupuan ko at agad naman akong dumistansya konti palayo pero lumapit ulit siya. Umusod ulit ako pero nararamdaman ko rin ulit na lumalapit siya. Umusod ulit ako pero lumalapit ulit siya kaya tumayo ako at magrereklamo na sana nang makita na may makikiupo rin palang tatlong babae. Napabalik ako ng upo at napalingon sa katabi kong lalake na mahinang tumatawa ngayon. Kung sinabi ko kanina na ginagalang ko ang mas nakakatanda sa akin, pwes hindi sa taong katabi ko. Hindi ko rin ito kinukuya dahil wala sa itsura niya ang dapat ginagalang. "Anong nakakatawa?" Sungit kong tanong sa katabi ko. Nakita ko ang pag ismid niya sa labi niya upang pigilan ang pagtawa. "Nothing." Tanging sagot niya pero inirapan ko siya. Nakakaramdam parin ako nang inis kaya tumayo na ako at napansin ko ring tumayo siya. 'Aba at iniinis ba talaga ako' . Paglingon ko... " Napakagentleman mo talaga Henry. Salamat." Sabi ni Mrs. Galot saka umupo. "Walang anuman mam. " paggalang na sabi niya pero sa pagkakarinig ko ay nagpapasipsip lang. Aminin kong gwapo siya at malakas ang dating sa iba pero nadadala ako sa masamang ugali niya ehh. Ang yabang kaya. "You can sit in that space." Turo niya sa upuan na kalahati nilang ng pwet ko ang kasya. "Inaasar mo ba talaga ako!?" Inis kong tanong. "Mika! Don't shout at him. Inooferan ka na nga ng upuan ikaw pa ang galit." Sermon ni Mrs. Galot na ikinayuko ko pero narinig ko lang ang pagtawang mahina ng lalakeng to. Kung wala lang sanang mga tao dito nabugbog ko na sana to. Kainis ehh. "Sorry ma'am." Sabi ko na nakayuko. "Don't tell it to me. Tell it to Henry." Sabi niya na ikinalingon ko na may sama nang tingin. "Sorry." Diin kong sabi. Kainis ehh. "Parang napipilitan lang ata siya Ma'am." Sumbong niya pero ramdam ko na sinasadya niya. "Tell it with sincerity Mika." Sabi ulit ni Mrs. Galot. Pero magsasalita na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na busina nang sasakyan. I smiled with victory. "Mauna na po ako." Bilis kong pagpaalam saka tinalikuran ko sila at tumakbong papunta sa sasakyan at sumakay. Nakita ko ang pagkunot ng noo niyang nakatingin sa akin habang ako nakangisi naman. Never ko siyang sasabihan ng sorry with sincerity gaya ng sinabi ni mam kung wala naman akong ginawa sakanya. Never!! Pagdating sa bahay ay agad kaming niyaya ni Manang Tere maghapunan na. Dahil wala kaming ibang kasama dito ni manang ay sinasamaan na kami ni Kuya Leo kumain at pagkatapos ay tinatawagan si Brent sa landline. Siya lang kasi ang malayo sa aming tatlo dahil nasa Australia siya kaya kahit andon siya ay pinaparamdam parin namin na malapit kami sakanya. "Did you kick all of them again?" Tanong ni Brent na nasa kabilang linya. "Sinong them?" Tanong ko. "Your suitors ofcourse." "Meron ba ako non?" Sungit kong tanong. Kainis. Ngayon na ngalang tumawag yan pa ang ioopen na topic. "Nahh, don't tell me you're being in denial again. You're a girl ate Mika, you're not a boy." Sabi niya "Kailan ko ba sinabi na lalake ako. Babae naman ako ah. Tanggap ko yun sadyang bata pa ako para diyan." Sagot ko. Masyado kasi silang nag aalala sa gender ko. Babaeng babae kaya ako. "Speak in english." Reklamo niya. "Luh, ako mag aadjust? Nasa Pilipinas kaya ako." Sabi ko. Totoo naman. Pag nasa Pilipinas ka, magtagalog ka,wag feeling na taga ibang bansa para mag english english ka. "Okey, I'll call you again tomorrow. Take care!" Paalam niya saka nagpaalam nadin ako sakanya. Paakyat na ako nang mahalagilap ko si manang sa bungaran ng pinto sa likod na kinikilig mag isa. Lumapit ako ng dahan dahan na hindi niya naririnig saka sinilip yung binabasa niya. "Ka Penpal mo?" Tanong ko na ikinagulat niya "Aii anak ka ng kalabaw.. bata ka!" Gulat niya saka tinapik ang balikat ko. "Ano ba ginagawa mo dito? Matulog kana.!" Utos niya saka dumeretso sa lababo. " Anak ako ng tao manang, amo mo yun baka nakakalimutan mo." Pagpapaliwanag ko. Siyempre biro lang yun, sinabayan ko lang yung expression niya kapag nagugulat. "Matulog kana at maaga ka pa bukas." Sabay inom ng tubig. "Kapenpal mo yun? Taga saan?" Tanong ko pero bigla niya akong tinaboy saka pinaakyat na natatawa sa itsura niya. Hahaha. Si manang, kinikilig sa kapenpal niya. Nagising ako na mas maaga at nakahanda na para sa pagdating ni kuya. Nasa school na ako at as usual, kaming dalawa parin ni Gracia ang magkasama. Nakakamiss nadin si Naja. Kailan niya naman kaya maiisipan na na sumama sa amin kahit sandali lang. "Homeroom lang ngayong first period. Hindi ako papasok." Sabi ni Gracia "Bahala ka, basta ako, papasok ako." Sabi ko sabay iwan ko sakanya pero mabilis din sumunod. "Mika, ipunta niyo ito sa library." Utos ni Ma'am Carol, ang class adviser namin. " Gracia, tulungan mo siya at marami itong libro." Sabi ni mam pero... "Dito nalang po ako sa classroom mam tutulong. Ayaw kong magbuhat. Kaya po yan ni Mika, may tinatagong muscles yan sa kamay. " tawa niya na ikinataas ko ng kilay. "Akala ko ba ayaw mo dito maglinis?" Tanong ko kasi yun ang sabi niya kanina. "Nagbago ang isip ko. Maglalampaso nalang ako kesa magbubuhat ng mabibigat na libro." Sabi niya sabay ang pagwawalis habang ang isang paa ay naglalampaso. "Balikan mo nalang ang iba kung di mo kayang lahat buhatin." Sabi ni mam pero tumanggi ako. Ayaw ko nang pabalikbalik kaya isa isang pinatong ni mam sa kamay ko ang mga libro hanggang lagpas ulo ko na ito. "Pag dumating na ang mga boys ay ipapahabol kita para matulungan ka nila." "Naku, wag mo po akong ipahabol sakanila mam." Biro ko. Napailing na natatawa lang si mam sa akin saka ako lumabas ng classroom ng dahan dahan. Busy kasi ang lahat sa sari sariling classroom dahil may contest dito sa school, pagandahan ng classrooms na ang mamili ay ang mga administrators din base sa criteria na ibinigay. Dahan dahan akong naglalalakad upang maingatan ang libro na hindi mahulog nang may walang hiyang taong hindi ko alam kung hindi sinadya o sadya niya na banggain ako kaya nahulog ang mga libro at na out balance din ako kaya patumba narin ako nang maramdaman ko ang isang kamay sa bewang ko, kaya ang labas ay nasalo niya ako. Nang lingunin ko ang lalakeng nakasalo sa akin ay nakita ko si Henry na kita ang pag aalala sa mukha. "Henry!" Sigaw nang isang lalake saka siya parang natauhan kaya agad niya akong binitawan. Ang labas, bumagsak ako sa sahig. "Aray!!"daing ko habang hawak ko ang pwet ko na unang bumagsak. "Ayy Sorry!" Sabi niya pero sinamaan ko lang siya nang tingin habang hinahaplos ko ang masakit kong pwet. "Sorry talaga, pasensiya at we're running out of time na kasi. Hindi na kita matutulungan. Sige bye." Sabay takbo niya. Hindi ko naman hinihinging mag explain siya. Tumayo ako na inis na inis dahil sa mga libro na nakakakalat ngayon. "Tulungan na kita." Sabi ni Niko na biglang sumulpot nalang sa harap ko. "Ehem ehem." Sabi ng mga kasama niya sa gilid na parang mga kiti kiti na ang lilikot. "Kaya ko na, wag mo na akong tulungan." Sabi ko. Ang awkward kasi. Pagkatapos ko siyang basteden ay patuloy parin ang paglapit niya. Parehas lang kaming 2nd year pero nasa ibang section siya kaya hindi rin kami laging nagkikita. "I insist. " sabi niya na ikinatigil ko dahil seryoso ang mukha niyang nagsabi non. Hindi na ako umimik at kinuha ang mga natitirang libro. Pagbalik ko ng classroom... "Bat kasama mo sila? Akala ko ba binasted mo siya? Bat nakasunod parin sayo na parang aso?" Sabi ni Betty. "Tinulungan lang niya ako sa mga libro na nahulog." Paliwanag ko. "Bakit? Ano nangyari?" Tanong niya. Ikwekwento ko na sana nang maalala ang pag iwan ng mayabang ng lalakeng yun at pagbagsak ko sa sahig dahil sakanya. "Wala, n-na out of balance lang ako kanina." Palusot ko. Aasarin lang ako nito ehh. "Sana pala talaga sinamahan na kita kanina." Sabi niya na ikinalingon ko para makita kung sincere ba ang mukha niyang nagsasabi pero hindi ko nakita kaya di ko na pinansin. "Meryenda tayo." Yaya ko sabay ang paglingon sa akin na parang nagkaroon ng bagong pag asa ang mukha. "Libre mo?" Tanong niya na abot tenga ang ngiti. "Nagmumukha ka na talagang libre noh!" Sabat ko. Puro libre ang alam. Mabuti nalang at afford naman ng baon ko na 50 pesos ang pagkain at meryenda ko maghapon. Tapos magpapalibre lang to? "Kahit yung paborito ko lang na banana cue ni ate Linda. Ang tamis tamis kasi ehh." Pangungumbinsi niya. Nag isip pa kunwari ako na parang binibilang ang matitira kong pera. "Hmmm. Sige pero bayaran mo sa lunes." Sabi ko na ikinasimangot niya. "Libre nga babayaran ko pa? Ehh parang nangutang lang ako non ahh." Reklamo niyang ngumuso na ikinatawa ko. "Biro lang. Halika ka na nga at baka magmukha ka lalong s**o diyan." Tawa ko saka siya inakbayan at giniya papuntang canteen. "Naja!" Sigaw ni Betty. "Hi!" Bati niya sabay lumapit sa amin at nagyakapan ang dalawa. Isasali sana ako pero hinarang ko ang palad ko. Nakakahiya kaya. Parang nagbalik bayan lang isa na matagal na hindi nagkikita. "Napaka kill joy mo ever." Pang aasar ni Gracia sa akin. "Hindi ako killjoy. Sadyang OA lang kayo na in public kayong nagyayakapan. Feeling niyo naman maraming taon kayong hindi nagkita." Sabi ko sabay inom sa juice. "Ehh sa hindi naman talaga kami nagkikita ahh. Minsan minsan lang." Depensa niya. "Wag ka ngang masyadong maarte diyan Mika. Minsan minsan na nga lang tayong magkakasama ehh." Ngiting sabi ni Naja. "Kamusta pala ang practice niyo. Nakakasunod ka naman?" Pag iiba ko sa usapan. "Oo, tinutulungan naman ako at sabi ni coach na madali lang daw akong makasunod basta sa 2nd base lang muna ako at mag aassist din." Sabi niya. "Goodluck sa inyo at sana manalo kayo." Sabi naman ni Gracia na ikinangiti ni Naja. "Alam niyo ba? Kinausap ako ng crush ko kahapon." Kilig na sabi niya. Ahh, oo nga pala. Crush niya pala si Henry since last year. First crush niya dito sa school simula nung pumasok kami. I can't see anything special to him bukod sa good looks and bad personality niya. Sayang lang at nagpapaibabaw ang sama ng ugali niya sa akin. Narinig kong may kapatid siyang babae kaya I feel sorry for her. "So.. anong pinag usapan naman niyo?" Tanong ni Gracia habang ako ay bored na nakatingin sakanila. Crushes nanaman ang topic nila. Kung pwede lang na mag ala invisible man ay kanina pa sana ako wala dito. "Napansin niya kasi na bago akong member sa cheering squad, so... ayun." Kwento niya. Ayun nga.. "Yun lang?" Tanong ni Gracia. "Oo." Hiyang sagot ni Naja. "Akala ko pa naman kung ano na pinag usapan niyo." Bitin na sabi ni Gracia. "Next time, pag lumapit ulit siya sa akin. Susulitin ko yung oras para marami kaming pag usapan." Ngiting sabi ni Naja. "Naman. Buti ka pa nakakasama mo crush mo, samantalang ako hanggang tingin nalang ako kay Kuya Clinton." Lungkot niyang sabi saka ko tinakpan ang tenga ko sa pag uusap nila. Naiirita na kasi tenga ko ehh. Pwede na kaya akong mag exit at naaout of place ako dito sa dalawa. Bubwelo na sana akong tatalikod nang may sumalubong na masamang hangin. "Hi girls!" Bati sa amin nang nakakairitang boses ni Henry. Sa dami dami ng grupo ng babae dito ay kami pa ang pinagdiskitiang pansinin niya. Sinamaan ko siya nang tingin saka naman ang pagngisi niyang nakatitig sa akin. Gigil mo ako boy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD