Chapter 1

2504 Words
"Mika! Ang bagal mo talaga. Andiyan na ang kuya Leo mo!" Sigaw ni manang Tere. "Pababa na po!" Taranta kong sagot. Hinahanap ko pa kasi yung sapatos ko. Alam kong makalat ako pero alam ko naman kung saan ko kinakalat mga gamit ko. "Manang! Nasaan yung sapatos ko!" Sigaw ko. " Aba! Ewan ko sayo bata ka! Inayos ko na mga gamit mo tapos ikakalat mo ulit. Dalaga ka na pero kung umasta ka parang lalake.!" Sermon niya sa akin na ikanakamot ng ulo ko. " Alam ko naman po kung saan ko kinakalat mga gamit ko." Paliwanag ko. "Alam mo pala ehh bat mo tinatanong sa akin?" Tanong niya na ikinaisip ko rin. "Oo nga noh!" Waring nag iisip. "Naku!! Ikaw bata ka!" Gigil na sabi niya at tinulungan na rin ako maghanap. " Nahanap ko na!" Sigaw ko. "Saan mo nahanap? " takang tanong ni manang saka tinuro ang laundry basket ko. "Ikaw talaga.." akmang hahabulin na sana ako pero napatigil ako nang makita si Kuya Leo na nakasandal sa may pintuan ng kwarto ko. "Kailan ka nagpagupit?" Seryosong tanong niya. Lumingon ako kay manang na nagkibit balikat lang saka binalik ang tingin kay kuya. "K-kahapon kuya. Ang init kasi, tsaka medyo humahaba na ang buhok kaya pinaikli ko." Lagpas balikat lang naman. "Nagmumukha ka na nga lang lalake sa kilos mo pati ba naman sa buhok mo isasama mo? Baka sa makalawa nasa taas na ng tenga mo yan?" Tanong niya na daig pa ang daddy ko sa panenermon niya. "Last na to! Promise!" Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko. "Mali! Yang kanan dapat tinaas mo." Sabi niya saka naunang bumaba. "Ehh mas sanay ako sa kaliwa ehh." Habol kong sagot sabay lingon kay manang. "Diba manang? " "Ang dami mong satsat. Bumaba ka na para makaalis ka na." Sabi niya habang tinutulak ako pababa. "Pinapaalis mo na ako ehh bahay namin ito?" Tanong ko pero pangbabara ko lang sakanya. "Oo nga noh. Pero papasok ka sa paaralan. Haaayy nakuu bata ka! Alis ka na at baka mapalo pa kita.!" Gigil niyang sabi na ikinatawa ko. Naasar na kasi ehh. "Malaki na ako para paluin manang." Sabi ko saka lumabas ng bahay at dumeretso sa sasakyan ni kuya Leo. "Pag malaman ko ulit na may binugbog ka sa school niyo, pababantayan na kita kay manong Kanor." Sabay paandar niya sa sasakyan. "Paanong hindi ko sila sasaktan ehh kung ano ano ang ginagawa sa akin." Reklamo sabay irap. "Nagpapacute lang sila sayo tapos sasaktan mo na? Paanong may manliligaw sayo ehh didiskarte palang sinisipa mo na." Sermon niya. "Duh! Ligawan nila mukha nila" sabay sandal ko ang kanang siko ko sa window lendge. "So magmamadre ka?" Tanong niya na ikanasama ko ng tingin sakanya saka ko siya inirapan. Narinig ko siyang tumawa pero di ko na siya pinansin hanggang sa nakarating kami. "Little girl!" Tawag niya sa akin na nasa labas na ako at siya naman ay nasa loob. Agad akong lumapit. "Don't call me that!" Reklamo kong bulong. Nakakainis ehh,kung may makarinig sakanya. "Anong masama sa tawag ko? Fact yun!" Sagot niya habang ngumingisi pa. "Hindi na ako little girl!" Gigil kong sabi. "So.. dalaga ka na?" Natatawa niyang sabi. "Binata na ako!" Sagot ko na nagboses lalake saka lumayo para hindi niya ako maabot. Tumawa akong nag paalam saka pumasok. "Mika!" Tiling tawag ni Gracia sa akin na halos kinatigil saka akmang iiwas para hindi halata na ako yung tinawag. Patakbo siyang lumapit sa akin saka ako inakbayan. "Grabe ka! Iiwasan mo nanaman ako!" Reklamo niya. "Paanong hindi ako iiwas ehh nakakahiya ka. Pwede mo naman akong lapitan tapos tawagin kesa ipagsigawan pa ang magandang kong pangalan. Nakakahiya, center of attention tuloy ako." Reklamo ko na may halong biro at nagsimula nang maglakad ulit. "Ang kapal mo girl, ikaw lang ba may pangalan ng Mika dito? " sabay irap sa akin. "Malay ko ba kung may nakikigaya!" Tawa ko. "Nasaan si Naja? Hindi ko na halos nakikita yung babaitang yun ahh." Tanong niya na waring hinahanap sa paligid. "Baka nasa ibang section." Sabi ko. "Anong ginagawa niya don?" Tanong niya na ikinakunot ng noo niya. "Nakikikopya ng assignment sa Biology." Sabi ko nang makita ko ang pagkagulat ng mukha niya. "Patay! Di ko pa pala natatapos yung assignment natin doon. 3rd period pa man din natin ang bio." Sabi niya na parang natataranta. Nginingisian ko lang siya dahil tapos ko na yung sa akin. Sinipag ako kagabi kaya nagawa ko siya. "Madali lang naman yung assignment." Paliwanag ko. "Explain mo lang kung ano biosphere, ecosystem at biotic system in your own words. Explain mo din how living and non living components of an ecosystem interact. Tapos give example pa ata yun kung di ako nagkakamali." Paliwanag ko. Nakita ko ang pag alala sa mukha niya. "Bat ang dami?" Lungkot niyang sabi. "Malay ko. Tanong mo si Ma'am Liwba kung bakit siya masipag mag paassignment." Naramdaman ko ang pagsundot sundot niya sa tagiliran ko at yung mukha niyang parang may kailangan. "Pakopya naman ohh! Please!" Pabebe niyang pagmamakaawa. "Ipapaliwanag ko sayo to ha? Magkaibigan lang tayo. Mag.ka.i.bi.gan.lang.ta.yo!! Maliwanag?" Pag iintindi ko sakanya. "Kaya nga magkaibigan tayo kasi magtutulungan tayo diba? Tutulungan mo ako diba?" Sabay taas baba ang kilay habang nakangiting nakatingin sa akin. Nakahawak na siya ngayon sa kaliwang braso ko. "Teka? Friends with benefit ba to?" Tanong ko. "Grabe ka naman!" Tapik niya sa akin. "Ngayon lang naman. Ayaw kong mamention ang pangalan mamaya sa mga walang assignment." Paliwanag niya. Tumingin ako sa relo ko sabay lumingon sakanya. "May 15 mins ka pa gumawa. Nasa libro lang ang sagot , hanapin mo na doon." Sabay tulak ko sakanya. "Sabi mo explain in your own words?" Reklamo niya. "Joke lang. Puro define lang yun. Bilis!" Sabi ko at agad naman siyan tumakbo papuntang library. Pagkatapos ng dalawang subject lumapit sa akin si Gracia. "Mika!" Bulong niya pero rinig ng katabi kong si kaloy. "Bulong ba yan?" Tanong ni kaloy. "Hoy kaloy! Nakikinig ka sa usapan namin." Reklamo niya na nakapameywang pa sa harap ko. "May pinag uusapan na ba kayo? Pangalan lang ni Mika narinig kong sinabi mo." Sabi niya. "Pake mo?" Sungit niya sabay taas ng kilay. "Diyan na nga kayo. " sabi ko saka tumayo at umalis sa klasrum. Rinig ko parin ang pagtatalo nila kahit nasa labas na ako. Napagdesisyonan kong pumunta sa canteen dahil sa break time naman na. Medyo nagutom at nakalimutan pala ni manang na ibigay yung baon ko. Sesermonan nanaman niya ako mamaya pag dating ko. Siya naman nakalimot ibigay sa akin pero ako ang pinapagalitan. Diba?? Habang naglalakad ako ay napasulyap ako sa mga naglalaro sa baskerball court. Oo nga pala at malapit na ang game nila. Todo ensayo at warm up. Lumapit ako sa may bungaran papunta sa court at sumandal habang nanonood ng practice nila nang may biglang sumulpot galing sa labas at nabangga nang napakalakas ang balikat ko kaya halos mapasubsub ako sa upuan na nasa tabi ko lang. Hindi ko natanaw ang mukha pero ang likod ay medyo pamilyar. Loko yun ahh. Di man lang nagsorry? I folded my fist like I wanted to punch him pero napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Naja na sumisigaw. "Anong ginagawa niya don?" Sabay lipat sa kabilang side para matanaw siya nang maayos. Sinundan ko ang tingin ng mga mata niya hanggang umabot ang tingin ko sa taong tinitingnan niya. Siya pala yung bumangga sa akin kanina na hindi man lang marunong magsorry. He is Henry Alejandro, a captain ball of JMA basketball team. (JMA-Jose Magsaysay Academy) Narinig ko ang bell hudyat na tapos na ang break time kaya agad akong tumakbong palabas at tumungo ng klasroom. Napasapo ako sa noo ng nasa harap na ako na hindi pa pala ako nakakabili ng pagkain ko. Biology pa man din ang susunod na subject. Siguradong gagapangin nanaman ako sa kaba nito dahil ang hilig pa man din sa recitation si Ma'am Liwba. Pumasok akong nakanguso dahil hindi nakakain ang mga bulate ko sa tiyan. Umupo ako at hinanap ng mata ko ang upuan ni Naja. Hindi ba yun papasok? Ehh nasa basketball court lang naman siya ahh. Naagaw nalang ako sa atensyon ko nang pumasok na si Ma'am Liwba na naka chin up. Terror na nga magturo, masungit pa, mahirap pang iapproach. Sure ako, tatandang dalaga to. "Pass your assignments, now!" Utos niya sa amin na kinataranta ng lahat. Gaya nga nang sabi ni Gracia, minention niya ang mga pangalan na walang assignments. Grabe talaga tong teacher na to. Kaya walang nakakalapit dahil sa sobrang perfectionist din. Hindi mareach ang standard. Natapos ang buong klase at napagod ang utak ko nakinig sakanya. As in pang doctorate kung magturo tapos english halos lahat ng gamit. Mga terms niya hindi abot ng libro na gamit namin. Tapos magpaparesearch nang wala sa libro? Itapon na kaya namin to, useless ehh. Pumunta kami sa Cafeteria para mananghalian nang makita naman ang basketball team na papasok din. "Si Naja ba yun?" Tanong ni Gracia habang ang tingin ay nasa grupo ng mga babae na nakasunod sakanila. Mga cheering squad sila. "Baka kakambal ni Naja." Sagot ko na ikinakunot ng noo niyang humarap sa akin. "Ang hilig mong mangbara, kailan ba kita makakausap ng matino ha Mika!" Sigaw nanaman niya na ikinatakip ko nang tenga. "Titino na ako. Promise! Huwag ka lang sisigaw sa tabi ko at nabibingi na ako!" Sagot ko saka ko siya inirapan. Dumeretso kami saka pumila sa may counter. Napansin namin na lingon ng lingon sa amin si Naja pero hindi pinapansin ng katabi ko. BFF kaming tatlo pero ewan ko lang at biglang umiwas bigla siya sa amin. "Doon tayo umupo." Turo ni Gracia sa dalawang bakanteng upuan. "Ayaw mo don sa dating table natin?" Tanong ko. May favorite area ng table kaming tatlo na doon lang kami umuupo lagi at kumakain. "No need. Dadalawa naman na tayo." Sabi niya na may halong pagtatampo sa tono ng boses. Ramdam ko siya dahil ako rin ay may kaunting pagtatampo pero wala naman magagawa ang tampo tampo kung hindi mo naman alam ang rason diba? Habang kumakain kami ay napansin naming lumapit si Naja sa amin na may dalang upuan at umupo sa tapat namin kasama ang pagkain. "Hi." Bati niya na ikinangiti ko habang ang kasama ko ay hindi man lang niya nilingon o sinulyapan. "Makikijoin ako ha?" Paalam niya na ikinatango ko pero bigla namang tumayo ang katabi ko saka lumabas ng Caf. Nakita ko ang lungkot sa itsura ni Naja pero di ko naman masisisi si Gracia na ganun ang magiging kilos niya. "I'm sorry. " sambit niya habang nakayuko siya. Inilapag ko ang dalawang kamay ko sa mesa at tumingin sakanya. "Ano ba kasi nangyayari sayo at bigla bigla ka nalang hindi nagpapakita tapos parang umiiwas ka pa sa amin." Tanong ko. "Sasabihin ko naman talaga sana sa inyo kaso napapangunahan ako ng hiya na baka hindi niyo ako supportahan." Sabi niya na ikinataka ko. "Susuportahan ka naman namin ahh." Paliwanag ko. Hindi naman kami strikto when ot comes to our friendship, gusto lang namin maging open kami sa isa't isa na walang tinatago. "Sayo oo, pero kay Gracia hindi." Sabi niya. "Ano ba kasi yun?" Tanong ko na medyo nalilito narin sa sinasabi niya. "Nagjoin kasi ako sa cheering squad since kulang pa sila ng isang girl. Sinabi ko yan noon kay Gracia kaso diniscourage niya lang ako. Hindi ko daw kaya." Paliwanag niya na kita ko ang lungkot sa mata niya. " Kaya ba hindi ka na masyadong nagpapakita at sumasama sa amin dahil andon ka sakanila?" Tanong ko na ikinatango niya. Pinaliwanag niya lahat na alam nadin ng faculties ang pagsali niya kaya excuse siya sa mga subjects since na malapit na ang competition nila. "Maiintindihan ka rin niya kung ipapaliwanag mo nang maayos sakanya." Sabi ko. "Salamat Mika ha at naiintidihan mo ako." Ngiti niya. "Ano ka ba. Yan ang nagagawa ng mga magkakaibigan, ang nagtutulungan, at nagdadamayan." Sabi ko. Natapos kaming kumain at humiwalay na siya sa akin dahil maya maya daw ay may praktis nanaman daw sila. Nadatnan ko si Gracia na nakaupo sa gazebo. Lumapit ako para bigyan siya ng sandwich. Hindi niya kasi naubos yung pagkain niya kanina. "Oh, kainin mo. Nagrereklamo na mga bulate mo." Abot ko pero sinamaan lang ako ng tingin. "Walang magagawa ang pagtatampo mo kung di mo pa siya napapakinggan. Lalong hindi kayo magkakaayos kung papairalin mo pride mo." Sabay inom ko ng tubig sa woter bottle na dala ko. "Kaibigan niya tayo pero bakit sa iba na siya sumasama. It hurts lang na wala na tayong kwenta sakanya." Naiiyak niyang sabi. "Pakinggan mo muna siya bago ka magconclude." Sabi ko na ikinaiwas niya ng tingin sa akin. "Dapat ang magkakaibigan ay nagtutulungan, nagdadamayan, nagsusuportahan at sasamahan kung saan masaya ang bawat isa. Kung may sinabi sayo na gusto niyang gawin, iencourage mo. Kaya nga magkakaibigan tayo dahil tayo tayo lang din ang nagkakaintindihan sa bawat isa. " paliwanag ko na kita ko parin ang tampo sa mukha niya. "Hindi ko kasi maiwasan ehh, since first year tayo, tayo na ang magkakasama. Akala ko sa mga magkakarelasyon lang makakaramdam ka ng selos, pati rin pala sa kaibigan mo. Kakatampo lang kasi at wala siyang sinasabi sa atin habang masaya siyang nakikita natin sa iba." Sabi niya na medyo naiiyak na. "Kaibigan palang medyo possessive kana, paano nalang kapag nagkaboyfriend kana?" Tanong ko na medyo sumilay ang ngiti niya sa labi. "Nagmamahal lang ng sobra. Gusto ko kasing pahalagahan ang mga mahal ko sa buhay ehh pero salamat nadin at pinaalalahanan mo akong wag maging selfish masyado." Ngiti niya. "Baliw ka rin paminsan minsan." Tawa kong sagot. Naiiyak lang kanina, ngayon naman ay pangiti ngiti na. Mabilis natapos ang oras sa buong hapon. "Yes! Uwian na! Makakalaro nanaman ako ng gameboy!" Excited na sabi ni Kian. "Ang old mo boy, PSP na ngayon ang sikat. Wala ka pa non?" Tanong niya. "Papabili ako kay papa pero sa ngayon antayin ko munang masira yun." Sagot niya. Napailing nalang ako. Puro games alam ng mga toh. Nasa hallway na kami ni Gracia nang marinig namin ang bulong bulungan nang mga 3rd year students na mga babae. "Mukhang nag away ata si Amir at Henry sa praktis nila." Sabi nung isang babae. "Bakit daw sila nag away?" Tanong naman ng isa. "Hindi ko masyadong alam ehh pero rinig ko sa iba ay na dahil daw sa babae." "Teka!" Gulat ko nang biglang nagsalita si Gracia. Nakikinig rin pala to? "Diba si kuya Amir yung nanligaw sayo last year?" Tanong niya na ikinairap ko sakanya. " Baka ikaw yung pinag aawayan nila girl!" Medyo lakas ang boses kaya napalingon ang grupo ng babae na ikinahiya ko. Napatakip ako sa mukha sa kahihiyan sa kaibigan kong to. Last year pa yun ehh, last year pa yun, ibang year na ngayon. At saka ano naman ang kinalaman ng mayabang na Henry na yun sa panliligaw ni kuya Amir sa akin last year?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD