Halos hindi ako makagalaw sa paraan ng paninitig mg dalawang kaibigan ko sa akin. Napansin ko ang paglingon ni Naja sa bandang counter at balik din ng tingin sa akin. Since before lunch time ang napag usapan namin na magkita kita ay napagdesisyonan na sa Jolibbee sa loob ng mall nalang kami kakain. "Bat kasama mo siya?" Takang tanong ni Naja sa akin. "M-makikisabay nadin daw na bumili ng regalo ehh." Paliwanag ko. "Sinira nanaman niya plano nating lumabas na tatlo." Irita niyang sabi. "Mika." Tawag ni Gracia na kanina pa titig na titig sa akin. "Hmm?" "Kailan ka pa naglilipstic?" Taka niyang tanong sa akin. Agad kong binasa ang bibig ko. Napansin nila? "A-ahmm. Ahaha. Mukhang naglipstic ba ako? Yung ketchup ito sa ulam ko kaninang umaga." Palusot ko pero di ko nakita sa mukha nila

