Ilang minuto na kaming nasa loob ng sasakyan niya pero di pa niya ako iniimikan simula kaninang pumasok ako. Halos pinagpapawisan nadin mga kamay ko sa kaba na baka galit parin siya sa akin. Nilingon ko siya pero nakapikit parin na nakasandal sa head rest ng upuan na parang ayaw paistorbo sa katahimikan ng paligid ngayon. Maaga kaming pinauwi ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers, kaya eto ako ngayon at maaga rin ang pagsuyo ko kay Hen dahil kanina. Nahihiya naman kasi akong hindi tanggapin ang bulaklak at chocolate na bigay ni niko since na marami ring nakatingin sa amin. Hiyawan at tukso ang naging rinig kanina pero di ko ininda yun dahil sa mga oras na yun ay rinig ko na ang kaba sa dibdib ko lalo at di ako makatingin sa seryosong mukha ni Hen na nanonood din sa amin. "H-hen

