bc

Daywalker Series 6: Alessandro, The Defender of Mankind

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.6K
READ
revenge
dark
manipulative
bxg
bold
genius
nerd
vampire
apocalypse
first love
like
intro-logo
Blurb

Naging bisyo na ni Narian ang pagpi-flirt sa mga lalake. At dahil sa kalasingan, kamuntik nang mawala ang kanyang pagkainosente, mabuti na lang may bumasag sa salamin ng kotse kung saan sila nakapuwesto ng lalake. May nagsasapakan sa labas at bigla siyang iniwan sa ere ng kanyang partner.

After five years, he changed her lifestyle and focused on her job as part of Sangre Organization. But it seems to break her promise again when she meets the handsome hybrid and a young Chemist and Forensic Pathologist, Dr. Alessandro Clynes. She will do anything to win his heart.

Pero tila si Alessandro ang karma niya. Ipinanganak ata ito’ng walang pakiramdam kaya tinawag niyang 'walking dead'. Ang masaklap pa, dahil dito ay sinisingil na rin siya ng lalaking nabiktima niya noon. Ano ang pipiliin niya, katahimikan, o ang pag-ibig niya kay Alessandro?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alessandro’s Identity Name: Alessandro Clynes Age: 29 Height: 6’1’ Favorite Color: Blue/White Short Profile: “I’m born to defend mankind. No distractions, no alibis,” Alessandro’s motto in life. a 29-year-old hybrid vampire and the youngest chemist and forensic pathologist. He got his degree in the prestigious university exclusively for the vampire in London. He doesn’t need to study for many years to become an expert because his dad was hands-on to teach him a lot of knowledge that not all taken from school. He loves everything in white, white roses, chemicals and he’s comfortable in the dark and cold places. He was the youngest chemist and the first-ever vampire who invented the advanced technology incubators and radars. He can save lives with his wild and creative mind.  Chapter 1   NAHIMASMASAN si Narian nang biglang naglaho ang lalaking kalampungan niya sa loob ng kotse. Kung hindi lang dahil sa kirot na nararamdaman niya sa kanyang kanang braso ay hindi niya mapapansin na may mga lalaking nagsusuntukan sa labas. Kahit hilo pa’y pinaandar niya ang makina ng kotse saka nagmaniobra. “Thank God, I’m still a virgin,” usal niya habang nagmamaneho. Hindi natuloy ang pag-angkin sa kanya ng lalaking isang linggo lang niyang nakarelasyon. Pinatulan lang niya ang hamon sa kanya ng mga barkada na gawin ang one week relationship challenge. NATATAWA si Narian sa tuwing bumabalik sa isip niya ang mga kalokohan niya noong nag-aaral siya ng college. Nag-iisa siyang anak ng mommy niya. Hindi pinanagutan ng ama niya ang kanyang ina noong ipinagbubuntis siya nito. Anak siya sa pagkadalaga ng kanyang ina. Kaya napilitang magtrabaho sa ibang bansa ang mommy niya. Pinalad itong makapagtrabaho sa palasyo ng hari ng Saudi Arabia. Pero magmula noong nakapag-asawa ng arabo ang mommy niya, hindi na ito umuwi ng bansa. Nagpapadala na lang ito ng pera bilang suporta sa kanya. Pinalaki siya ng luho at makamundong bagay. Siya naman ay nahanap ang kaligayahan sa barkada na kahit bad influence ang iba ay wala siyang choice dahil ang mga iyon lang ang umaaliw sa kanya. Natapos niya ang kursong nursing at nakapagtrabaho ng dalawang taon sa ospital. Pero dahil sa impluwensiya ng pinsan niyang pulis na si Farah, nag-take siya ng civil service exam at pinalad siyang nakapasa bilang pulis. Pero boring din dahil sa opisina lang siya palagi. Kaya ang hang out niya ay sa bar, kasama ng mga barkada niya mula pa noong nag-aaral siya. Noong nakaraang taon lang, nabalitaan niya na namatay ang mommy niya sa sakit na colon cancer. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makita sa huling sandali ang kanyang ina. Kahit papano ay hindi niya iniisip na kawawa siya. Mataas pa rin ang kompiyansa niya sa sarili na magiging maligaya ang buong buhay niya. Ang goal niya ngayon ay makatagpo ng lalaking mayaman, guwapo at mamahalin siya ng buong-buo. Itinago ni Narian ang mga gamit niya sa iisang maleta. Darating na ang rescue helicopter ng Sangre Organization. Kahapon nang nilusob ng mga halimaw ang bayan nila ay una niyang isinalba ang kanyang sarili. Nataong day off niya kaya hindi siya kasama sa nabulabog ng mga halimaw. Nasorpresa siya dahil noong una ay hindi nagkaroon ng record ang mga pulis na merong halimaw na nakapasok sa bayan nila. Tiwala siya na protektado sila dahil maaga pa lang ay nagdeklara na ng lockdown ang bayan at travel ban. Pagdating sa safe house ng organisasyon, tinungo kaagad ni Narian ang kuwarto na inilaan para sa kanila. Kasama niya ang ina ng pinsan niyang si Farah. Hindi ito tumitigil sa pag-iyak at bukam-bibig ang anak. Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama. Hindi siya kinakabahan kaya naniniwala siya na ligtas si Farah. Naka-duty si Farah sa istasyon nila noong lumusob ang mga taong infected ng virus. Hindi niya mapatahan ang ginang kaya pinabayaan niya ito. Binuksan niya ulit ang maleta niya upang matiyak na nadala niya lahat ng importante niyang gamit. Nataranta siya nang hindi niya makita ang safety box niya kung saan nakalagay ang mga alahas na pinadala ng mommy niya. Nagkakahalaga rin ng kalahating milyon ang mga alahas. Pag-ahon niya sa kanyang maleta ay tumalsik ang mga alahas. Hindi pala niya nailagay sa safety box ang mga iyon dahil masyado nang masikip. Nasapo niya ang kanyang noo. Minsan talaga ay lutang ang kanyang isip. “Poor, Narian! Bata ka pa para mag-ulyanin!” Kinagalitan niya ang sarili. Isa-isa niyang pinulot ang mga alahas na mga ginto. Ang huli niyang dinampot ay ang necklace na merong pendant na singsing. Ngayon na ulit niya nakita ang bagay na iyon magmula noong kamuntik na siyang ma-hold-up dahil isinuot niya iyon. Inilagay niya sa kanyang palad ang singsing. Malaki ito sa daliri niya. Minsan na niyang ipinatingin sa pawnshop ang singsing noong nagipit siya. Ang sabi ng staff, purong ginto raw ang singsing at black diamond ang bato na nasa ibabaw nito. Pero no’ng sinabi na babayaran siya ng isang daang libong piso, bigla siyang umatras. Naliliitan siya sa halagang iyon. Sa panahon ngayon, sino kaya ang magkakainteres na bibili ng singsing na iyon? Wala nang datong ang mga tao dahil sa mga halimaw na sumira sa kabuhayan nila. Isinama niya ang singsing sa mga alahas niya. Naniniwala pa rin siya na ang singsing na iyon ay pag-aari ng lalaking nabiktima ng kalokohan niya, dahil iyon lang naman ang nakasama niya noong gabi sa loob ng kotse niya kung saan niya napulot ang singsing. Kinaumagahan, dumating si Farah sa safe house. Tama siya, ligtas ito. Kahit papano ay ipinagdasal niya ito. May isang guwapong binata na sumagip sa pinsan niya. Pero obvious na isa itong bampira. Noong una, naiinis siya sa mga bampira dahil nakikialam ang mga ito sa mga operations nila. Sa huli ay na-realize niya na mayroong dahilan ang mga ito kung bakit nahihimasukan ito sa trabaho nila. Kung hindi dahil sa mga ito ay hindi nila malalaman na unti-unti nang nauubos ang mga tao. Nakalulungkot isipin na unti-unti nang nalalayo ang tunay na mundo sa kanila. Ang ikinakatakot niya, baka tumanda siyang hindi nakikilala ang future husband niya. Ayaw niyang mamatay na virgin. Nai-quarantine pa si Farah dahil nagkaroon ito ng exposure sa mga infected ng virus. Under observation pa ito. Nagkaroon sila ng munting pagtatalo dahil sa iginigiit niya na hindi dapat ito maging apektado sa boyfriend nitong kinain ng halimaw. Well, she was just concerned. She knows how stupid Farah’s boyfriend is. Ilang beses na niyang nahuli si Alfred na may kalandiang ibang babae. Sadyang napakabait nitong pinsan niya, minsan sa sobrang bait ay nagiging tanga. WALA pang isang linggo sa safe house si Narian ay nabubugnot na siya. Hindi siya sanay na nakamukmok lang sa kuwarto. Hindi siya mabubuhay na walang bar at disco. She was a wild party girl. Living in an Island without bar was like killing her softly. Hindi siya puwedeng magtagal sa ganoong lugar na pare-parehong tao lang ang nakikita. Puro dagat ang nakapaligid sa kanila. Ni walang music. Minsan ay gusto na niyang magwala. Pero no choice, kailangan niyang magsakripisyo kaysa maging halimaw siya. Pero kailangan niya ng bagong destinasyon bago pa siya masiraan ng bait. Itong pinsan niya, nagluluksa pa rin sa nawalang nobyo. Lalo siyang nairita. “Tama nang ngawa, hindi maibabalik ng luha mo ang salbaheng si Alfred!” sita niya sa pinsan nang dalawin niya ito sa quarantine facility. Puwede naman silang mag-usap pero may suot siyang protected gear. Nasa loob lang ng kuwarto si Farah at siya ay nasa labas. May maliit lang na bintana na salamin at doon sila nag-uusap. “Bakit ba ang hard mo kay Alfred? Nagbago na nga siya ‘di ba?” humihikbing sabi nito. “Hm! Iba kasi ako. The second change is okay but the third? No way!” “Eh kasi never ka pang na in love kaya ganyan ka kung magsalita.” Tumawa siya. “Normal lang ma in love basta huwag sobra. Ako kasi wais pagdating sa lalaki. Ayaw kong maaubuso, no. Nakamamatay ang sobrang pagmamahal.” “Magkaiba tayo, Narian.” “Oo na. Iba talaga ako.” Naubos na ang oras niya sa pagbisita. Pinalabas na siya ng guwardya. Wala siyang choice kundi aliwin ang kanyang sarili. Under construction pa ang ibang pasilidad at magkakaroon daw ng mga libangan ang mga tao. Kailan pa kaya? Hindi na niya kayang maghintay. Malakas ang panalangin niya, merong miyembro ng organisasyon ang nag-aalok ng trabaho para sa kanila. Nag-fill-up kaagad siya ng registration from at pumili ng trabaho. Ayaw niyang makipagsapalaran sa labas ng safe houses kaya pinili niya na magtrabaho sa loob ng Sangre Academy. Ipinakita niya ang background niya sa medical department. Natanggap naman ang kanyang napiling designation. Excited na siyang lumipat kaya nag-impake na siya kaagad.   Dapat ay bukas makalawa pa sila lilipat pero dahil nakagat ng isda na affected umano ng virus si Farah, napaaga ang pagpunta nila sa Sangre Academy. Kalalabas lang nito sa quarantine at napahamak na. Malas ata itong pinsan niya. Medyo crowded ang lugar pagdating nila dahil nataong lunch break ng mga estudyante. Napasugod siya sa clinic ng naturang paaralan. Gusto niyang makiusyuso kaso hindi siya pinayagan ng nurse na makapasok. “Sandali, pinsan ko ang pasyente! Kailangan niya ng magpapalakas ng loob!” singhal niya sa magandang nurse. Insecure kaagad siya dahil mas lamang ito sa kaputian at malakas din ang s*x appeal. “Sorry, miss, hindi puwedeng ma-pressure ang pasyente dahil baka imbes na matanggal ang virus sa sugat niya ay lalong kumalat,” sabi nito. Namaywang siya. Nang tumalikod ang nurse ay ihinarang niya ang katawan sa pinto. Baka ika niya’y kakatayin ng mga ito ang pinsan niya. Bakit kasi kailangang i-lock ang pinto ng clinic? Sa ospital, hindi puwedeng mag-isa lang ang pasyente sa emergency room, kailangan may kaanak na mag-assist at mapagtanungan ang doktor. Merong maliit na butas sa ibaba ng seradura. Sumilip siya. Likod ni Derek ang nakita niya na nakaharang sa pinto. Si Derek ang nagdala roon sa pinsan niya. “Excuse me?” Pumitlag siya nang marinig ang baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa kanyang likuran. Lilinga-linga siya sa paligid bago tuluyang pumihit sa kanyang likuran. Napako ang paningin niya sa dibdib ng lalaking nakasuot ng puting coat, a doctor’s coat. Nabasa niya ang name tag nito. “Dr. Clynes”. Pagkuwan ay itinaas niya ang tingin sa mukha nito. Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. Insecure siya sa mapuputing balat na parang labanos at makinis. Para siyang nauubusan ng pag-asa na pumuti pa ang balat niya. Kahit may pera siya, hindi siya nag-take ng mga gamot na pampaputi. Pero ang lalaking ito, hindi lang maputi, makinis ang balat, kundi isang adones na madalas ay nakikita lang niya sa mga fairytail, o isang prinsepe na madalas ay nakasakay sa puting kabayo. O ‘di kaya’y isang anghel dela guardia. At ang isang ito, over qualified sa standard niya para maging man of her dream. Siguro nasa two inches ang haba ng buhok nito na sinuklay lang palikod ang direksiyon kaya walang ni isang hibla na nakalaylay sa mukha nito. He has cold eyes with perfect set of eyebrows, a light brown eyeballs, pointed thin nose, rosy red thin heart shaped lips and cute cliff chin. Napanganga siya. HIndi sapat ang salitang ‘guwapo’ para ma-discribe ang pisikal nitong anyo. He’s almost perfect. Para itong manikin lalo nang pansin niya ay hindi ito gumagalaw. Seryosong nakatitig lang ito sa kanya. “Excuse me, can I come inside?” untag nito. Kumislot siya. Iba ang kahulugan sa isip niya ng sinabi nito. Umiral ang pagiging green minded niya. Parang nakarinig ang pinto dahil biglang bumukas. Nanrindi siya dahil sa bilis ng t***k ng kanyang puso. Pumasok sa clinic ang lalaki. At dahil nanatiling nakabukas ang pinto, kaagad siyang pumasok. Pero hindi na si Farah ang pakay niya, kundi ang guwapong doktor na nag-aasikaso rito. Mapa-side view, back o kahit saang anggulo niya tingnan ang batang doktor ay napaka-attractive nito. Likod lang, bihag na ang puso niya. Nakatunghay lang siya sa isang sulok habang pinagmamasdan ang guwapong doktor. At nang lumabas si Dr. Clynes, bumuntot na siya rito. Sa isang iglap ay nagbalik ang ugaling limang taon niyang isinantabi dahil sa takot na makarma. Baka mausog ang pangarap niya na makatagpo ng ideal man kaya uunahan na niya. Dinala ni Dr. Clynes ang blood sample na nakuha kay Farah sa laboratory. Mukhang malayo ang iniisip nito dahil hindi namalayan na nakabuntot siya. Bago magsara ang pinto ng laboratory ay nakapasok siya kasunod ng lalaki. Malawak at malinis ang laboratory. Nabasa ni Narian ang mga sign. Nagsuot siya ng laboratory gown ayon sa patakaran ng laboratory. Nagsuot din siya ng hairnet at disposable mask. Nakita niya na inilagay ni Dr. Clynes ang specimen sa isang glass slide saka pinatakan ng kung anong kimikal. Pagkatapos ay in-scan ito sa isang machine na nakakonekta sa monitor. Nilapitan niya ito. “Give me a small amount of citric acid, please,” utos nito sa kanya. Tumakbo siya sa estante ng mga kimikal pero hindi niya alam kung saan roon ang kailangan ng doktor. Ang dami kasing mga kimikal. Kahit may mga pangalan, nahihirapan pa rin siya. Nagsimula siya sa kimikal na may litrang ‘C’ Huli na niyang nabasa ang section ng acid. Pagkakita sa nasabing acid ay nagsalin kaagad siya sa maliit na measuring cup. Pag-abot niya ng kimikal kay Dr. Clynes ay napa-doble ang paglingon nito sa kanya. Hanggang sa tumitig ito sa mukha niya. “W-who are you?” nagtatakang tanong nito. Tumayo siya nang tuwid. “I’m Narian Mastura, at your service!” sagot niya. “Who gave you permission to come here?” Ibinaba niya ang kanyang mask. “Doc, isa po ako sa bagong recruit na magtatrabaho rito. May background ako sa medical. Registered nurse ako. May two years experience ako sa isang public hospital. Pero nag-take ako ng civil service kaya ako naging pulis. Pero hindi ko naman nakalilimutan ang mga pinag-aralan ko. Na-assign na rin ako sa laboratory. Don’t worry, hindi ako magkakalat dito,” pakilala niya saka malapad na ngumiti. “Never mind. You can leave me now,” sabi nito. Sa dami ng sinabi niya, iyon lang ang isinagot sa kanya. Pero kahit parang napahiya, nanatili siyang nakangiti at taas noo. “Okay. Pinsan po kasi ako ng pasyente kaya gusto ko ring masiguro na ligtas siya,” aniya. “Just wait for the result outside,” sabi nito. Ibinalik nito ang atensiyon sa ginagawa. “Alright,” sabi niya saka naghubad ng laboratory gown. Habang humahakbang siya palapit sa pinto ay maya’t maya ang lingon niya kay Dr. Clynes. Mamaya ay bigla siyang humataw sa bumukas na pinto. “Aray!” malakas na daing niya. Hindi kaagad niya namukhaan si Derek dahil sandaling nanilim ang paningin niya. Naramdaman na lang niya ang kamay ni Derek na kinakapa ang ulo niya. “Sorry,” sabi lang nito. Uminit ang ulo niya nang makita ang mukha ni Derek na tila natawa pa. “Next time, kumatok ka naman!” singhal niya rito. “Automatic na nagbubukas ang pinto kapag may nasagap na enerhiya na rehistrado rito. Kaya kung nauntog ka, kasalanan mo dahil hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo,” nakangising sabi ni Derek. Napahiya pa siya. Nilingon niya si Dr. Clynes, nakatingin ito sa kanila pero dedma lang. Doon siya lalong nainis. Hindi ata ito naa-attract sa babae. Baka naman bakla. “Fine!” aniya saka lumisan. Naiinis si Narian. Bigla siyang nanliit sa kanyang sarili matapos siyang balewalain ng dalawang guwapong lalaki, lalong-lalo na si Dr. Clynes. Nasanay siya na effortless ang pagkuha niya ng atensiyon ng mga lalaki. Hindi niya kailangang magsuot ng sexy na damit para mapansin. Kahit anong isuot niya ay lumilitaw ang alindog niya. Natural ang lusog ng dibdib niya at pang-upo, bagay na ipinagmamalaki niya. Iyon ang pan-akit niya sa mga lalaki. O baka naman hindi marunong mag-appreciate ng natural beauty ang mga lalaking bampira. Pagkalipas ng halos dalawang oras, binalikan niya si Farah. Nakatayo na ito. Masigla naman ito kaya hindi siya nangangamba na apektado ito ng virus. Ayaw niyang maging halimaw ang pinsan niya. Ito na nga lang ang pamilya niya. “Okay ka na ba, Farah?” tanong niya rito. “Oo. Makirot lang ng konti ang sugat ko,” sagot nito. “O eh hindi ka pa rin okay. Magpahinga ka muna.” “Ang sabi naman ng doktor, wala nang naiwang virus sa sugat ko.” Pumanting ang tainga niya nang marinig ang ‘doktor’. “So ligtas ka na?” aniya. “Oo naman. Merong inilagay sa sugat ko para mas mabilis daw gumaling.” “Mabuti naman.” Umupong muli sa kama si Farah. Mas gusto niya ang aura nito ngayon, hindi na mukhang nagluluksa. Pansin niya na sumigla ito simula noong napadalas ang dalaw ni Derek sa safe house at nakita niya na kinakausap nito. Hm, she smell something fishy. “So, okay ka na?” pagkuwan ay tanong niya rito. “Okay naman. May tiwala naman ako sa doktor na nag-asikaso sa akin.” Para siyang kinikiliti nang maisip na naman si Dr. Cyles. Lumuklok siya sa gilid ng kama ni Farah. “Uy, hindi mo ba napansin? Ang pogi ng doktor!” kinikilig na sabi niya. Tiningnan siya nang masama ni Farah. “Ayan ka na naman sa mga pogi. Huwag ka rito magkalat, mga bampira ang narito,” anito. “Ano ka ba? Mga guwapo ang bampira lalo na si Dr, Clynes.” “Landi nito. Lahat naman na guwapo pinapatos mo kahit siguro may asawa.” Tinampal niya ang hita ng pinsan. “Excuse me, ah! May kalandian ako pero hindi ako pumapatok sa lalaking may asawa. Ew! Sayang ang beauty ko kung papatol ako sa tali na.” “Paano kung may asawa na si Dr. Clynes?” Napalis ang ngiti niya. “Uy, ramdam kong binata pa siya. Basta, if ever  na binata pa siya, liligawan ko siya,” nahihibang nang sabi niya. “Gaga ka talaga!” Ang abalang nurse na nag-aayos ng mga gamot sa estante ay napalingon sa kanila. Nakataas ang isang kilay nito. Kinawayan niya ito ang nginitian. “Hi! Sorry ang ingay ko,” aniya. “Ayaw ni Dr. Clynes sa maiingay,” sabi nito. “I’m Charie nga pala.” Saka nagpakilala. Napangiwi siya. “Kaya ko namang maging behave eh,” sabi niya. “Naku! Suntok sa buwan ‘yan, insan. Ikaw ba mabubuhay na hindi dumadaldal sa loob ng isang oras? Kahit nga tulog ka ang ingay mo, eh,” supalpal ni Farah. Pinukol niya ito ng mahayap na tingin. “Tse! Kontrabida ka rin, eh.” Tumayo na siya. “Sige na, lumabas ka na baka hinahanap ka na ng staff,” ani ni Farah. Nagpaalam na man siya rito. Hinintay lang nila ang susunod na anunsiyo ng ilang opisyal ukol sa pag-stay nila sa Academy. Habang naghihintay ay dinala sila sa mga kuwarto kung saan sila maglalagi. Hindi pa puwedeng umalis ng clinic si Farah kaya nauna na sa kuwarto si Narian. Dalawa lang sila ni Farah sa isang kuwarto. Inayos kaagad niya ang kanilang mga gamit. Kahit anong busy niya, nai-imagine pa rin niya ang mukha ni Dr. Clynes. At kahit medyo naiinis siya, hindi iyon sapat para husgahan na niya ang guwapong doktor. Hanggang sa na-realize niya na halos lahat ng doktor na nakilala niya ay seryoso at mahirap nakawin ang atensiyon. Pero iba si Dr. Clynes, kahit sinong babae ay hindi gagawing excuse ang pagiging doktor nito. At hindi rin excuse sa kanya ang pagiging bampira nito. Alam niya kahit hindi ito normal na nilalang, meron at meron itong kahinaan at kiliti kung tawagin. Kailangan lang niyang mahuli ang mga iyon. Napapangiti siya habang bumubuo ng mga ideya sa kanyang isip-mga ideya kung paano niya makukuha ang loob ni Dr. Clynes. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makikipaglaro sa apoy. No choice na rin siya dahil sa lubha ng pinsala ng mga halimaw sa lugar nila, baka hindi na siya mapapansin ng mga normal na lalaki. Baka nga sa hirap ng buhay eh, matatakot na ang iba na magkapamilya. May forever naman siguro sa mga hybrid vampire. Kumislot siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. One week na itong tahimik magmula noong nagkagulo sa bayan nila. Pagtingin niya sa screen ay may unregistered number na tumatawag. Mukhang roaming dahil mahigit onse ang numero. Pinindot niya ang answer key saka inilapat sa kanyang tainga ang cellphone. Pero hindi siya sumasagot. Pinakinggan lang niya ito. “Hi, sexy!” sabi ng boses lalaki sa kabilang linya. Nagulat siya. Parang kilala niya ang boses pero hindi niya masyadong matandaan kung sino. “W-who are you, please?” sagot niya. Tumawa lang ang lalaki. Nairita siya sa malanding pagtawa nito. “Hey! Who the hell are you?!” singhal niya. “Oh, sorry, I’m just surprised. I thought you’re already dead,” sabi nito. “F*ck you! You, must die, asshole!” Inis na in-off niya ang kanyang cellphone. Nanginginig siya sa galit. Kung sino man ‘yon, wala siyang pakialam. Baka isa lang iyon sa taong walang magawa sa buhay at nagti-trip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

NINONG III

read
363.6K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.1K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.7K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook