Lumipas pa ang ilang buwan.
Naging busy si Kim sa trabaho sa bagong Kompanya. Gaya ng dati ay bahay- trabaho ang ginawa.
Paminsan-minsan na nga lang niya nabibisita ang pamilya sa probinsiya. Maging ang kaibigang si Faith ay bihira na rin silang mag-usap.
Iwan ba awtomatikong nagiging workaholic siya. animo’y sariling kompanya ang pinapaandar.
Marami din siyang work assignments. Napapansin niyang lalong binibigyan siya ng maraming workload kahit mostly ay malayo pa ang deadline but iba kasi siya basta may trabahong ilalatag ay gusto niyang tapusin agad-agad.
Ito rin ang nakaka-contribute bakit bahay-trabaho na lamang siya. But she also kind of like it dahil wala na siyang time para mag emote at problemahin ang kanyang buhay pag-ibig.
Nang araw na iyon ay maaga siyang natapos sa work niya kaya nakarelax-relax siya bago umuwi at hindi siya mag o-overtime ngayon.
Pagdating sa bahay ay naligo at ininit na lamang niya ang natirang ulam kaninang umaga at iyon na rin ang pinag haponan niya.
Nasa kama na siya ng nag ring ang phone niya, ito na namang numero na walang pangalan. Unknown caller ang nakalagay kaya ay hindi na niya sinagot ang tawag, baka scam.
Nang mamatay ang pag riring ay tumunog na naman ito but this time she saw the name, its her bestfriend Faith.
“Oh! ano na Girl! kumusta ang may jowa?”, sagot niya agad dito. Mabuti pa itong Bestfriend niya, nahanap na ang lalaking para dito, sa isang iglap ay nagkaboyfriend.
Talagang ma swerti itong si Faith, at hindi lang gwapo , matangkad at mabait ang Jowa nito, napakayaman pa.
Whoaa! Baka umulan ng swerti noon ng makilala niya ito at naligo siguro si Faith sa ulan na iyon dahil hinakot lahat ng swerti, habang siya baka subsob ang mukha sa trabaho, kaya ni isa o kahit kusing walang nakuhang swerti sa katawan.
“Napakasaya Girl! parang nasa cloud 9 ako palagi!”, sambit nito na hindi napigilang tumawa.
“Rinig na rinig ko nga ang tawa mo, kaya I believe in you masaya ka nga!”, sagot na lamang niya dito.
“Bakit ka pala napatawag, girl?” dagdag tanong pa niya dito.
“Hayaan mo girl! mahahanap mo rin ang para sa iyo sa tamang panahon! or may kakilala akong bagay sa iyo! iririto kita!”, excited pa nitong sabi.
“Ha? sino naman iyan, abir?”
“Bestfriend ni Ced! guapo din iyon at stateside! sa palagay ko bagay kayo kasi ay kalog din iyon!”
“Ipakilala kita sa kanya, sa kasal ko! siya kasi ang kukuning bestman ni Ced!”
“Ha?! ikakasal ka na?”, shock na tanong ni Kim. Halos mag iisang taon pa lang ang relasyon ng mga ito, kasal kaagad.
“Oo girl! nag propose na nga si Ced sa akin dai!”, anas pa ng kaibigan.
“Sigurado ka na ba talaga diyan kay Ced?” tanong pa niya.
“Oo girl! Absolutely and No doubt! Siya na talaga! nakikita ko na ang future ko with Him, with our children in the future!”, anas pa ng kaibigan na wari’y tumutula.
“Kailan ba ang kasal niyo?” tanong na lamang niya dahil mukhang inlove na inlove talaga ito at siguradong tuloy na tuloy ang kasal nito.
“Well, in a few months from now, marami pang aayusin, pero kukuha naman ng Wedding planner si Ced”, wika nito.
“Ikaw ang kukunin kong Maid of Honor ha? Huwag kang tatanggi”, dagdag pa nito.
“Sure! I’ll be your most beautiful Maid of Honor!”, nakangiting turan niya dito.
Natatawa rin ang babae sa kabilang linya.
At tulad ng dati ay mahaba ang kwentuhan nila sa telepono ng kaibigan.
At sa wakas ay nagpaalam na ito mayamaya pa.
Kung siya ay napakalabo ng lovelife ang bestfriend naman niya ay swerti sa love life.
Pero masaya siya para sa bestfriend, lumaki kasi itong walang mga magulang, si Lola Maria lamang ang nag-iisang kasama ni Faith hanggang lumaki. Kaya deserve din nitong madagdagan ang family members, at lalong deserve nitong mahalin ng wagas at totoo.
Hindi makatulog si Kim ng gabing iyun mabuti na lamang at walang pasok bukas.
Pabaling-baling siya sa kama. Nang tingnan niya ang orasan sa ibabaw ng side table ay pasado alas 11 pa.
‘What the hell!’, naanas niya sa sarili, para siyang matanda, ang aga-aga kung matulog kahit walang pasok bukas. Nang biglang maisip na mag clubbing. Since she can’t sleep and she’s feeling a bit down why not.
Wala siyang experience sa clubbing dahil wala siyang social life! Bahay -eskwela lang siya noon at ngayon naman ay Bahay- trabaho naman.
Baka mamatay na lamang siyang hindi makaka- experience ng mga ganoong mga bagay.
Why not change the history! Kaya naman buo ang loob na ibe-break ang sariling comfort zone.
Pupunta siya sa Club Royal. Magwawala siya doon, susubukan lahat ng hindi pa nasubukan.
Baka makahanap din siya ng lalaking papalit sa multong Jay na iyon sa puso niya.
Napangiti siya sa naiisip.
pwes! humanda ang lahat at papunta na siya.
Nagbihis na siya ng sa tingin niya’y babagay sa lugar na pupuntahan.
Isang off shoulder and body hugging dress na hanggang itaas ng tuhod ang kinuha niya at isinuot kulay pula pa ito kaya may pagka fierce ang datingan.
She also wore make up na babagay sa suot niya ngayon, na bihirang-bihira lang niyang gawin, she only put powder at lip gloss sa araw-araw na papasok sa opisina.
Nang ready na ay binitbit na niya ang maliit na bag at pumara ng taxi.
****
Jay’s POV (Earlier event)
Si Jay ay hawak-hawak ang cellphone.
Hanggang sa ngayon kapag tinatawagan niya si Kim ay nag riring lang ito at walang sagot.
Mga ilang buwan na rin niyang sinusubukang tawagan ang babae, hindi rin siya nag text dito to avoid confusion dahil nga natext na niya ang babae noong magpanggap siyang kaklase ni Miguel.
Sa huli ay laging gumigave-up si Jay. Hindi bali malapit na naman siyang umuwi ng Pinas.
***
At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lalaki.
Habang papalapag ang eroplano ay maraming pumapasok sa isipan niya, mga bagay na nais niyang gawin. Pero ang pinaka-importanti ay si Kim.
This time ay susundin na niya ang puso at hindi na pakakawalan ang babae.
Ilang sandali pa ay nasa arrival na si Jay. Malayo pa ay nakita na niyang kumakaway si Ken, ang sekretary niya at ito ang susundo sa kanya ngayon.
“Magandang hapon po Sir? kumustang biyahi?”, tanong pa ni Ken sa amo ng nakalapit na ito sa kanya.
“Magandang hapon Ken! my flight was smooth actually, thanks!” sagot niya dito habang may napapansing kakaiba sa sekretary. Parang kakaiba ang ngiti nito at kumikislap ang mata.
“Hey! pansin ko may kakaiba sa iyo ngayon Ken? in love?”, tanong niya sa binata habang naglalakad sila patungong sasakyan.
Ngumiti naman ang lalaki sa tanong niya.
Hindi lingid sa kaalaman ni Jay ang nabubuong pagkamabutihan ng kanyang kapatid na babae at ang guapong sekretary niya.
“Masaya lang ang puso ko Sir!” maikling sagot nito.
“Well.. if it’s Jenny who makes you happy right now, then you must keep it up. And you won’t have any problem with me, boto ako sa iyo Ken. Just do not hurt her!”, pagbibisto niya dito.
Nanlaki ang mga mata ni Ken, hindi makapaniwala na may alam siya.
“Yes! its Jen. She so precious, I won’t ever hurt her Boss, that’s the promise I made to myself when she accepted me! And Thank you for letting me love her!”, anas pa ng binata.
Kasalukuyang binabaybay na nila ngayon ang kahabaan ng kalsada pauwi sa Mansiyon.
***
Nang gabing iyon ay nakatanggap ng imbitasyon si Jay galing sa mga kaibigan.
Nabalitaan siguro nila na narito na siya sa Pinas.
Kaya naman ay pinagbigyan na niya ang mga ito.
Ang venue ay ang paborito at dating tagpuan ng magkakaibigan sa isang sikat na Bar.
Kaya kahit may kaunting Jetlag pa ay nagpunta ang binata. Namiss din niyang magbonding kasama ng mga kaibigan.
Sa nakaraang mga buwan at taon ay puro lang trabaho ang inatupag niya lalo na ng nasa States siya. Kaya ngayong gabi ay mag uunwind muna siya ng kaunti.
Naroon na ang mga kaibigan sa Bar ng dumating siya. Pero wala si Ced ang matalik na kaibigan, at naalala niya ay kaarawan nito ngayon.
Hindi pweding hindi ito mag cecelebrate ng kaarawan kaya naman ay tinawagan niya ang lalaki sa cellphone nito. Pero nag ri-ring lang ito. Nang maubos ang lahat Ring ay nag dial ulit siya, this time Ced answered him.
Pero napag-alaman niyang nasa bakasyon pala ito kasama ang lola at ang girlfriend.
Mabuti pa itong kaibigan niyang napaka pihikan noon pero nahanap na sa wakas ang love of his life! at binalak na talagang magpakasal sa lalong madaling panahon.
Samantalang siya ay magsisimula pa lamang suyuin ang babaeng laging laman ng puso’t isipan.
Binati na lamang niya ng Maligayang Kaarawan ang kaibigan at hindi na pinatagal ang tawag.
Nagpalinga-linga si Jay sa kabuo-an ng Club Royal hanggang madako ang paningin niya sa isang babae na naka upo sa mataas na upoan sa counter kaharap ng bartender na parang lasing na. Halos makipag-away na ito sa bartender.
Nanlaki ang mga mata ng binata sa nakita.
‘Kim?’ sa loob-loob niya. Sa lahat ng lugar na pwedi niyang makita ang babae ay dito pa sa club. Tiningnan pa niyang mabuti kung may kasama ba ito, pero mukhang mag-isa lang.
Kaya nag paalam na siya sa mga kasamahan at pinuntahan ang babae.
“Shabi ko’k.. ay gushto ko pa..ng inumin, bi*kyan mo ko non!”, lasing na sabi ni Kim sa bartender, narinig ni Jay na wika ni Kim sa kaharap na trabahanti.
“Naku ho maam! lasing na po kayo!”, saad naman ng lalaki.
“Hi*kdi pa.. akho lashing!..” hindi na natapos ni Kim ang sasabihin dahil parang nakatulog na ito at bumulagta na sa counter top.
“Anong nangyayari dito?”, tanong niya kaagad sa empleyado ng nakalapit na siya sa babae.
“Nalasing ho si Maam Sir, pang limang baso na po niya ng margarita”, sagot naman ng empleyado.
“Hindi kasi ito sana’y uminom, ako ng bahala dito!”, wika niya sa empleyado.
Tumango naman ang empleyado sa kanya.
Bumaling siya sa dalaga na tila’y tulog na.
Inalog niya ito ng mahina, “Kim? wake up, I’ll get you home”. sabi niya dito.
Nag angat naman ng mukha ang dalaga at tumitig sa kanyang mukha.
Nagulat si Jay sa ginawa ni Kim pagkatapos. She scope his Face with her two hands and gently press it, inilapit pa ang mukha nito sa mukha niya.
“You’re not real!.. bakit nagpapakita ka nanaman.. sa panaginip ko!.. dapat ay kalimutan na kita!.. isa kang multo.. Guapong multo!”. Sabay bitaw sa mukha niya at bumalik ito sa pagkakahiga ng mukha sa counter top.
Napangiti si Jay sa narinig. Midyo kinilig.
That means she always dreamt of him. Pero dapat maihatid niya ito sa bahay nito baka ano pang mangyari dito o may mga masamang tao na mag take advantage. Mabuti na lamang talaga at nag punta siya ngayon at siya ang nakakita sa babae, baka may masama ng mangyari dito kung sakali.
“Kim, ihahatid na kita sa inyo! saan ka ba nakatira?” tanong pa niya sa babae.
Nag-angat na naman ito ng mukha. “Diyan sa puso mo!”, at isinaksak pa nito ang hintuturo sa dibdib niya.
Napangiti na naman ang lalaki. Even she was drunk, she is still beautiful and she still can make his heart flatter.
“Sabihin mo nalang anong address mo”, sabi niya sa babae.
Dumukwang ang babae palapit sa mukha niya. He can smell the alcohol in her breath. Nadama ni Jay ang mainit na hininga ng dalaga sa balat niya na nag dulot ng kakaibang sensasyon sa kanya.
She whispered to him her address.
Inalalayan na niya ang babae pababa ng high chair. Muntik pa itong mahulog ng makababa na, mabuti na lamang ay maagap si Jay at nayakap niya ito, ang kanyang kamay ay nakapulupot sa baywang ng babae.
Napasinghap siya ng maamoy ang pabango ng dalaga.
Ang babae naman ay nakapikit pa rin habang yakap niya.
Sa wakas ng mahimas-masan siya sa pagkakabighani sa babae sa amoy at sa ganda nito, parisan pa ng matagal ng itinagong damdamin niya sa babae ay bahagya na niya itong inilayo sa katawan.
“Kim, makakalakad ka ba?”
Umiling lang ito. At inilahad ang dalawang kamay pataas patungo sa kanya, na parang bata na nais magpakarga sa ama.
Wala ng nagawa si Jay at ikinarga na nga niya ito parang bride para maka uwi na.
Isinakay niya ito sa kotse niya sa passenger side. Nakapikit pa rin ang babae.
Nang makasakay na siya ay ikinabit na rin niya ang seatbelt nito at pinaandar na ang sasakyan patungo sa address na sinabi ni Kim.
Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa lugar.
“Kim, narito na tayo! kaya mo na bang maglakad?” tanong na naman niya dito.
Hindi sumagot ang babae pero tinanggal nito ang seatbelt at pinindot na ang pintoan ng sasakyan para makalabas na. Para lang itong nag sleep walk.
Dali-dali namang lumabas din si Jay sa kotse at inalalayan ang babaeng naglalakad na ngayon patungong apartment nito. Parang tulog pa din ito pero naglalakad na na parang zombie.
Nasa likod lang si Jay naka-alalay dito baka matumba o mabangga.
Dalawang palapag ang building na iyon at umakyat pa sa hagdanan ang babae. This time Jay already hold her on both shoulder para i-steady ito while walking.
At sa wakas ay nasa harap na ng isang pintuan ang dalaga. Nag tipa ito sa lock code at awtomatikong bumukas ang pinto.
Pumasok na ang babae sa loob. Nagdadalawang isip pa si Jay kung tutuloy din siya sa loob ng bahay ng dalaga.
Nang makitang nag struggle itong alisin ang buckle ng sandals nito ay pumasok na siya at siya na ang nag alis para mahubad na ang sandalyas.
Dumiritso ang babae sa kama ngunit bago pa makarating doon ay natisod ito sa carpet.
Mabilis na sinalo niya ang babae pero siya din ay natumba dahil nawalan siya ng balanse.
Napapikit na lamang si Jay at hinintay ang impact sa katawan niya. Naunang natumba si Jay sa sahig kasunod si Kim.
Kaya ngayon ay nasa ibabaw niya na ang babae. At dahil sa impact ng pagkatumba ay nagmulat ng mata ang babae.
Their eyes met. Walang gustong bumitaw sa titigan nilang iyon.
“Jay! are you for real or still a dream?” mahinang anas ng dalaga.
Hindi nakasagot si Jay. Nanlaki na lamang ang mata niya ng unti-unting ilapit ni Kim ang mukha nito sa mukha niya.
Napalunok ang binata pero pumikit rin agad ng paparating na ang mga labi ng babae patungong mga labi niya.
Lumapat ang malambot na labi ng babae sa kanyang mga labi ngunit segundo lamang iyon dahil nahulog na lamang ang ulo nito sa gilid ng mukha niya, kasabay ng buong bigat ng katawan ng babae ay nakadagan sa kanya. Nakatulog na muli ang babae.
Napabuntong hininga na lamang ang binata.
Bakit ba kasi ito nag lasing?
Maingat na siyang bumangon at kinarga ang dalaga at maingat na inilapag sa kama nito.
Mabibigat at malalim na ang paghinga nito tanda na mahimbing na ito.
He pulled her blanket up para mas komportable ang tulog nito.
Hindi maiwasan na pagmasdan ni Jay ang mukha ng dalaga habang natutulog ito.
‘God! how he miss this beautiful face!’
Para namang nabato-balani si Jay habang minamasdan ang mukha ng dalaga.
He kissed her gently on her soft lips and then kissed her on her forehead after.
“Good night and sweet dreams, baby!” mahinang bulong niya sa babae.
He made sure she is safe and comfortable before leaving her without a trace.
Because probably she won’t remember what happened tomorrow. And he don’t want her to feel embarassed.