Kinaumagahan.
Naalimpungatan si Kim dahil ang init ng araw ay tumatama na sa kanyang mukha.
Akma siyang bumangon pero naramdaman niya ang sakit ng ulo.
‘Wait! kailan pa ako naka-uwi?’, tanong niya sa sarili. At tiningnan niya ang katawan sa ilalim ng kumot, iyun pa din ang suot niya kagabi.
Wala siyang maalala. Ang tanging naaalala niya ay tumutungga siya ng inuming matamis, na mapait na maanghang.
Hindi siya umiinom kaya ayun nalasing kaagad siya ng mag desisyon siyang sumubok uminom.
Uminom siya upang makalimot sa lalaki ngunit baliktad ang nangyari kagabi dahil laman lang naman ng panaginip niya buong gabi ang lalaking nais kalimutan.
The dream was Like almost real, she can even felt him on her hand. Nagsasalita din sa panaginip niya si Jay kagabi na hindi katulad ng mga naunang panaginip niya.
Habang binabalikan niya kung anong nangyari kagabi para maalala kung bakit narito na siya sa kama ngayong paggising niya, ngunit nanlaki ang mga mata ng dalaga, at napahawak pa sa mga labi niya because only she remembered was the kiss.
She remembered Jay kissed her in her lips.
is it a dream? or real?
Because it was so vivid that she felt his warm and soft lips.
Nababaliw na talaga siya. Baka siguro kailangan na niyang magpatingin sa isang Psyc Doctor sa lalong madaling panahon.
She shake her head to erase those intimate scenes in her dreams na naalala niya, ang hindi niya maalala na gusto niyang alalahanin ay kung paano siya naka-uwi pero wala talaga kahit anong pilit niya.
May naghatid ba sa kanya? kung sino kaya?
O baka nag lakad lang siya siguro pauwi kahit lasing.
Sa wakas napagod din ang babae at tinanggap na lamang sa sarili na isang misteryo kung paano siya naka-uwi. Basta importanti ay buo at ligtas siyang naka uwi.
Kung may naghatid man sa kanya kagabi ay buong puso siyang nagpapasalamat dito.
At ipinangako sa sarili na hindi na uulit pa. Dahil wala namang magandang dulot, sakit lamang sa ulo ang natamo niya.
****
Maagang nagising si Jay kinabukasan o sabihing hindi masyadong nakatulog.
Nasa personal Gym niya siya ngayon.
Habang nag-eehersisyo ay tumunog ang celphone niya.
Ang lolo niya.
“Hi Lolo! I miss you!” sambit pa niya dito.
“Mabuti naman Jay at narito ka na sa Pinas. Samahan mo ako sa Birthday Banquet ni Mr Mendoza Mamaya. At ng maipakilala kita sa mga Chings”, anas pa nito.
“Lo! sabi ko naman sa iyo diba? na may babaeng nagmamay-ari na ng puso ko! at ang babae lang ito ang pakakasalan ko!”
“At sino naman iyan? ipakilala mo sa akin!”, utos pa ng lolo niya.
“Lo, you already knew her. And I knew that you also like her a lot! its Kim! Remember her?”
“Oh? Si Kim? yung batang mabait, maganda at matalino?”, tanong pa nito na gusto pang linawin kung insakto ba ang narinig.
“Oo, si Kim yung taga probinsiya natin!”
Narinig niyang tumawa ang matanda.
“Well.. You did a good job in chosing her Jay! not bad! I like her to be my Granddaughter in law! Dalhin mo siya sa akin at ng makapag kape naman kami minsan, matagal ko na siyang hindi nakikita”, utos na naman ng matanda sa kanya.
“Yes, as soon as possible po. Teka! narito ka ba sa Maynila ‘Lo?”, Tanong niya dito.
“Yep, I’m in my room right now.”
Natawa si Jay! “Tumawag ka pa talaga ‘Lo, Eh nasa Gym lang naman ako sa ibaba. Pwedi naman tayong mag-usap mamaya”. Anas pa niya dito.
“Well.. Gusto ko lang kausapin ka agad-agad pag dating ko dito. Pero Samahan mo pa rin ako sa banquet ha. Kakausapin natin ang mga Chings to cut and stop the arrangement. Ako na ang bahala doon”, wika pa ng matanda.
Para namang natanggalan ng tinik si Jay pagkarinig doon.
One problem down and solve. And kasunod nito ay ang Operation Making Kim his Girlfriend ! Yakang-yaka na niya iyon. Sana ay hindi siya matorpe na naman.
“Okay po ‘Lo! sasamahan kita mamaya”, sagot niya sa lolo niya.
At naputol na ang linya.
***
Nang gabing iyun ay sinamahan nga niya ang Lolo niya sa Birthday Banquet ng kilalang negosyanti at kaibigan ng lolo niya.
Pareho sila ng Lolo na eleganti at guapo sa suot nilang Suit. Mabilisan lang siyang nag-order at pinadeliver ang suot niya sa isang kilalang brand.
Pagdating nila sa engrandeng event hall ay marami ng tao sa loob.
Nakita rin niya sa di lakayuan ang bestfriend na si Ced kasama ang girlfriend nito.
Pupuntahan niya ang mga iyon mamaya after their meeting with Chings.
Iginiya sila ng Usherette patungo sa kanilang upoan.
Ilang sandali pa mula ng maka-upo na sila sa kanilang mesa ay husto namang dumating na ang mga Chings, Si Mr and Mrs Ching kasama si Dahlia Ching. Dumiritso na rin ang mga ito sa mesa nila.
Agad nag kamayan ang dalawang party to acknowledged their affliation.
Si Lolo ang unang nagsalita pagkatapos nilang maupo paikot sa pabilog na malaking mesa doon.
“Mr Ching, Mrs Ching, masaya akong nagkita tayong muli at nagkakausap ng ganito kasama ang maganda mong anak at ang apo ko.
Alam kong sa huli nating pag-uusap ay naipagkasundo ko ang aking apo kay Dahlia.
pero nais ko sanang bawiin iyon dahil na realize kong nagiging unfair tayo sa dalawang bata.
Hindi ba dapat ay malaya silang makakapili ng mamahalin at sasamahan sa pang habang buhay?
Kaya pasensiya na kayo, nakagawa ako ng desisyon na hindi ko man lang kinuha muna ang opinyon ng aking apo at maging ni Dalhia,
sana ay pahihintulutan at sang-ayon kayo na putulin na ang arrangement. Handa akong magbayad ng penalty o danyos kung saka-sakali!”, mahabang salaysay ng lolo niya.
Tumango-tango naman ang mag-asawa habang ang anak nila ay nakatungo lang ang ulo, wari’y nahihiya o naiilang.
“Hindi na kailangan pang may danyos Don Franco. Sang-ayun akong hindi na itutuloy ang ating prior arrangement ng mga bata.
Marahil ay nadala lang tayo sa ating mga nais na mapalago at mapaigting ang ating samahan sa negosyo sa pamamagitan ng dalawang bata.
My Dahlia can find a man of her own, who will love her truly!”, Mahabang sagot naman ni Mr Ching.
“Thank you kung ganoon. Wala na tayong problema pa!”, anas ng lolo niya.
Tumango at ngumiti si Mr Ching sa lolo niya. Tumayo ito at nakipagkamay ulit sa lolo niya.
“I heard you’re engaged already iho? Congratulations!”, anas ni Mrs Ching na bumaling sa kanya.
Pasimple tumingin si Jay sa Lolo niya. Akala niya’y may violent reaction ito pagkarinig sa engagement kuno nila ni Kim.
“Salamat Mrs Ching! hindi pa naman namin napag-uusapan ang kasal. The engagement was just to sealed our relationship with a promised of forever in the right time”, sagot niya sa Ginang.
Nag smile ang Ginang sa kanya.
Binalingan ni Jay ng tingin si Dahlia na nasa tabi ng Ina.
Tahimik lang ito doon at walang emotion sa mukha. Hindi galit hindi rin masaya.
Nag kwentuhan pa ang kanyang lolo at si Mr at Mrs Ching.
Nag excuse na siya para puntahan ang Kaibigan na nasa di kalayuang mesa.
Nakita naman agad siya ni Ced at Faith na papalapit.
“Bro! Nice to see you sa wakas!” anas pa niya kay Ced na tinapik ang balikat.
“Is this Faith? your fiancee? waahhh… where did you find such a gem Bro!?”, biro pa niya sa kaibigan.
“Sorry Bro but you can’t find anyone like my Fiancee anywhere”, sagot pa nito sa kanya.
Nagbiso-biso pa sila ng Babae. Maganda ang Fiancee ng kaibigan. Pero para sa kanya si Kim lang ang pinakamaganda.
“Well, Good thing I already find my own Gem too, Bro! and I will introduce her to everybody sooner!”, anas niya sa kaibigan.
“That’s my friend! hindi talaga pahuhuli! I will look forward to it Jay!” , anas ni Ced.
Nagkwentuhan pa sila ng maraming bagay-bagay. Doon na siya umupo sa mesa nila ni Ced at hindi na bumalik doon sa mesa kasama ang mga Chings.
Hindi naman sila masyadong nagtagal doon sa party dahil nagyaya ng umuwi ang lolo niya.