Finally Seeing Him After Long Time

1141 Words
Araw ng Lunes Maaga si Kim na pumasok sa trabaho. Pagkapasok pa lamang ng mga kasamahan niya sa opisina ay diritso agad ang mga ito sa kanilang meeting de avance. Matalas talaga ang mga pandinig ng mga ito, nakasagap na ng balita maagang-maaga . At narinig nga niya na bibisita daw ang anak ng CEO nila ngayong araw. May pagka mysterious din itong CEO nila dahil isang taon na siya sa kompanya ay hindi pa niya nakikita ito, lagi itong nasa Amerika. At ngayon daw ay ang anak ang narito. Ikinabit-balikat nalang niya ang balita, anyway kung may mga empleyadong gustong kitain ang pinakaboss nila ay iyon lamang sigurong mga matataas na official ng kompanya. Isa lang naman siyang Chief Accounting officer. Sa kanilang department kung may kikitain ang CEO siguro ay ang CFO nila. Muling isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Hanggang may kaunting kaguluhan ang narinig ng dalaga. “Hoyy!! ang guapo ng anak ng CEO natin..” narinig niyang nag bubulungan ang mga babaeng kasamahan sa opisina. “Ayy..nakakalaglag panty!” tili pa ng isa. “Alam mo yung mga male lead character sa mga nobela, ganoon na ganoon ang hitsura! matangkad, matikas at guapo, idagdag pa napakayaman nito!”, dagdag pa ng isa. “Napakaswerti kaya ng magiging girlfriend nito no?”, sabi pa ng isa na wari’y nanaginip ng gising. ‘Narito na pala ang laman ng balita buong araw sa opisina’, bulong niya sa sarili. Nagpatuloy lang si Kim sa ginagawa, hindi na lamang pinansin ang mga kasama. Hanggang sa may lumapit sa kanyang mesa. “Ms Dela Cruz pinapatawag ka sa itaas?”, wika ng head nila sa office na ang mukha ay mayroong bahid ng pagtataka. Ang mga kasamahan ay sa kanya nakatanaw din. Maging siya man ay nagtataka bakit siya pinatatawag. “Ako po talaga sir?”, paninigurado niya. ‘May nagawa ba siyang mali? Baka gustong kitain ng boss ang pinakabago sa kompanya hindi ang pinakamataas na officials?’, tanong niya sa sarili. Tumango ang kanilang Head. “Oo ikaw, faster at nag-aantay na ang boss natin!”, anas pa nito na wari’y naiinis dahil hindi pa siya kumilos. Napatindig na tuloy siya sa upoan. Inihatid siya ng kanyang manager sa elevator. “Good luck! paghusayan mo kung ito’y tungkol sa trabaho, okay?”, habilin pa nito sa kanya. “Opo , Sir! I will do my best!” At sumakay na siya sa elevator papuntang top floor. Nasa 18th floor ang opisina ng boss, habang sila sa Finance and Accounting ay nasa 12th floor. Habang unti-unting umakyat ang elevator ay unti-unti ring kumakaba ang dibdib ni Kim. Bakit siya pinatatawag ng amo? At sa wakas ay nakarating din siya sa Top floor. Automatikong bumukas ang pinto-an ng elevator pagkatapos. Lumabas na siya dito at naglakad patungo sa Opisina ng Boss. Ang mesa ng sekretary ng Boss ay nasa labas ng silid ng Boss kaya ito ang kinausap niya. “Mr Lim pinatawag daw po ako?”, pukaw niya sa binatang sekretary na busy sa computer nito. Agad naman itong nag-angat ng mukha. Nang makita siya ay ngumiti ito sa kanya. ‘Guapo din itong sekretary ng boss niya na si Kenneth Lim’, sa isipan niya kaya pala marami sa mga katrabahong babae ay nagpapa-cute dito. “Ah, Yes! Ms Dela Cruz, sumunod ka po sa akin.” anas nito. At nagpatiuna na itong maglakad, kumatok sa pintoan ng opisina ng Boss, naghintay ng ilang segundo at binuksan na ang pintoan. Sumunod na lamang siya dito. Nang makapasok na sila sa opisina ay hindi naiwasan ni kim na pansinin ang interior design ng magara at malaking opisina ng amo. Overlooking ito sa City. Kulay puti ang pintura na may wood accents. Clean, modest and minimalist. Pero napakaganda ng opisina. “Sir, narito na po si Ms Dela Cruz”, wika ng sekretary sa Boss na nakatalikod at naka upo sa malaking swivel chair nito. Napatingin si Kim sa Upoan na nakatalikod pa, bigla yatang bumilis ang takbo ng puso niyang hindi niya mawari. “Maiwan na kita dito Ms Dela Cruz”, sabi pa ng binatang sekretary bago tumalikod at lumabas na ng pintoan. Para namang nawalan ng kakampi si Kim ng tumalikod na si Kenneth. Para siyang haharap sa husgado na walang abogado. Nilakasan na lamang niya ang loob. “M-magandang hapon po, Sir!”, Nasamid pa ang dila niya ng bumati siya dito. Umikot ang upo-an at ganoon na lamang ang gulat ni Kim dahil ang naroon at prenteng naka-upo ay walang iba kundi si Don Franco. Ang lolo Ni Jay! Pagmamay-ari din ba ng pamilya ang Finance Company na pinagtatrabahoan niya ngayon? “Nice to meet you iha! matagal-tagal din tayong hindi nag kita!” Nang makabawi pagkabigla si Kim ay agad siyang Ngumiti dito. “Nice meeting you again Don Franco! Oo nga eh, dito na po kasi ako nanalagi sa Maynila. Malimit na po akong umuuwi sa probinsiya natin”, sagot niya dito. “Anyway, nagkita na ba kayo ni Jay?”, tanong pa nito. “Ah, eh.. hindi pa po”, maikling sagot niya. “Naku! pagpasensiyahan mo nalamang ang isang iyon ha?! may emergency kasi sa isang branch doon sa BGC kaya dali-daling naparoon!” Kumunot ang noo ng dalaga. Wari’y hindi naintindihan kung bakit humihingi ng dispensa ang matandang Don para sa Apo kung hindi pa nito siya makita. Magtatanong na sana siya ng muling magsalita ang matanda. “Let’s have dinner together tonight iha! isama mo si Jay! “, dagdag pa nito. Lalong nagtaka si Kim. Bakit sa tono ng pananalita ng Don ay parang may karapatan siya sa apo nito. Ni hindi pa nga niya nakita ang binata for so many years. “Ah.. eh.. baka..” hindi na naman niya maituloy ang sasabihin. “Huwag mo akong tanggihan iha, nakapag book na ako sa Hyatt Hotel for dinner mamaya, You will love their specialty doon which is Steak and alaskan King crab”, anas pa nito. “O- opo Don Franco!”, sabi na lamang niya. “And stop calling me Don Franco, From now on call me Lolo, okay?!”, anas na naman ng matanda. Ano bang nangyayari? nakatulog ba siya at panaginip lang ito? Lihim niyang kinurot ang sarili, nilakasan pa niya ito. ‘ouch!’ sa isip niya. Masakit naman meaning she is not dreaming right now. O di kaya’y may dementia o ammesia o sakit sa pag-iisip si Don Franco? o napagkakamalan lang siya nitong ang Fiancee ni Jay na si Dalhia Ching? Magkamukha ba sila ng babae? hindi naman siguro. “ah.. Don Fra..”, magsasalita naman sana siya ng biglang bumukas ang pintoan. At inilugwa doon ang lalaki. Ang lalaking laging laman ng puso at isipan. Si Jay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD