Natagpuan na lamang ni Kim ang sarili sa isang mamahaling jewelry store sa loob din ng Hotel.
Kahit pilit niyang sinasaway ang binata ay wala talaga siyang nagawa, para itong nabingi at hindi siya marinig.
At ito nga ay nakaupo siya sa malambot na sofa doon habang nag-aantay kay Jay.
Si Jay naman ay abala sa pagpili ng magandang singsing para kay Kim.
Hanggang nakita niya ang isang silver ring na may infinite band , may mga maliliit na diamante sa band nito at isang malaking diamante sa gitna nito.
Ito na! sa wakas nakita na niya ang singsing na para talaga kay Kim.
Agad niyang binili iyon.
Itinago pa niya iyon sa loob ng coat niya. At lumabas na sa tindahan.
“Tara na Kim! wala akong makitang maganda dito eh!”, anas pa niya sa dalaga.
“Ano? ang tagal mo kaya doon tapos wala kang nakita?”, reklamo niya dito.
“Oo eh, wala akong makitang babagay sa maganda mong mga daliri”, biro pa nito sa kanya.
“Sheess.. Oa nito!”, saway niya dito pero sa loob-loob ay kinikilig.
“Bukas, labas tayo! hahanapin natin ang singsing na para sa iyo!”, anas pa ng binata.
“Naku! parang ginawa mo nalang itong rason para lumabas kasama ako eh!”,biro nito sa lalaki.
“Ahmm.. partly!”, sagot nito sa kanya na nakangiti pa.
“Naku! humanda ka kung ako ang iimbitahan mong lumabas kasi magdedemand talaga ako ng masasarap na pagkain!”, hamon niya dito.
“No problem for me!”, confident na sagot ng binata.
“Nakss! iba talaga ang anak mayaman! Money is not an issue!”, sagot niya dito.
“It’s not an issue but a problem!”, balik na biro nito sa kanya na hindi na napigilan ni Kim na mapatawa.
Naglakad-lakad pa sila sa may kalapit na Mall. Pero hindi naman na naghanap ng singsing si Jay. Naglilibot lang talaga sila.
Sa wakas ng makaramdam ng pagod ay nagyaya ng umuwi si Kim.
“Uwi na ako, Jay! may trabaho pa tayo bukas!”
“Okay, ihahatid na kita!”, anas ng binata.
Ilang minuto lang ay lulan na sila ng kotse. Tahimik sila sa loob habang nasa biyahi. Hindi na matrapik kasi ay pasado alas 10 na ng gabi kaya madali lang silang nakarating sa bahay ni Kim.
Pero bago pa makababa si Kim ng sasakyan ay hinarap siya ni Jay at tinitigan sa mga mata.
May kinuha sa loob ng coat nito.
Nagulat si Kim ng buksan nito ang isang box.
Isang napakagandang singsing. Kumikislap-kislap sa reflection ng mga ilaw sa paligid.
“Kim, this may sound crazy but will you marry me?”, anas ng binata sa kanya na nakangiti.
Natawa naman si Kim.
“Can I answer even more crazier? YES!”, at nagtawanan pa sila.
At isinuot na ni Jay ang singsing sa daliri ni Kim. At insakto iyon.
“Akala ko’y hindi ka pa nakabili? meron na pala at ang ganda-ganda nito Jay!”, anas niya sa binata.
“Nakabili na ako, gusto ko lang mag libot-libot pa tayo sa Mall”, wika ng binata na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi.
“Ah. kaya pala lakad lang tayo ng lakad, hindi ka naman nag hahanap ng sing-sing”, anas ni Kim.
Natawa na si Jay.
“Napansin mo pala!” wika ng binata.
“Oo naman. Hindi nalang kita pinuna”, paglalahad ni Kim.
“At tutuloy na ako ha, maraming salamat sa masarap na haponan at naenjoy ko ang pamamasyal natin!”, dagdag pa ni Kim.
“Wait! ihahatid na kita sa itaas!” anas pa ng binata.
At bago pa makatanggi ni Kim ay bumaba na si Jay sa kotse at pinagbuksan siya nito mula sa labas.
Wala na siyang magawa kundi bumaba na rin.
“Salamat! hind na sana kailangan”, wika ni Kim.
“Mas kampanti akong ihatid ka, that way I know that you’re safe”, paliwanag ng binata.
“Okay, sige!” sagot ni Kim at nagpatiuna ng umakyat sa unit niya sa itaas.
Ngunit papalapit pa sila ay napansin na ni Jay na may nangyari sa unit ni Kim.
“Kim, back out please.. Dito ka sa likuran ko!”,
“Ha? bakit?” tanong ng babae.
“I guess someone broke into your house”, anas ng binata. Napansin niya kasi ang basag na smart lock.
Pagkarinig ni Kim ay agad nagmadali ito sa pintoan, napasunod na lamang si Jay dahil hindi na niya napigilan ang babae.
At iyun nga! wasak nga ang smart lock nito, although sirado ang pinto pero hindi na ito naka lock.
“Kim, let me get inside alone first kasi hindi natin alam kong nasa loob pa ang akyat bahay and call the police too”, utos ng binata sa babae.
Agad naman tumalima si Kim dito. Nag dial na siya sa pinakamalapit na police station.
Habang si Jay ay nakapasok na sa loob. Malinis pa rin sa loob. Tiningnang mabuti ni Jay ang loob ng banyo at loob ng silid ng babae. Walang Tao.
“Kim, you can get inside now. Wala na dito ang akyat bahay”.
Pumasok na si Kim at chineck kung may nawala sa mga gamit niya.
At nawala nga ang laptop niya at iba pang mga mamahaling kagamitan niya.
Ngunit ang pinakanakakatakot at nakakatindig balahibo ay ang note sa bedside table ng babae na natagpuan ni Kim.
Sinulat gamit ang lipstick niya.
‘I’ll be back! I’ll make you mine!’
Napaatras si Kim sa nakita, husto namang nasa likuran lang niya si Jay kaya bumangga siya sa malapad na dibdid nito.
Awtomatiko namang nayakap siya ni Jay mula sa likuran.
Kung normal na gabi lang ito at walang nanloob sa unit niya ay malamang kinilig at natunaw na siya sa mga bisig ni Jay.
Pero ng mga sandaling iyon ay takot ang nakabalot sa babae.
“Jay! tingnan mo ang nakasulat sa mesa!”
“Hindi lang ito normal na akyat bahay Kim, Parang may stalker ka!”, anas ng binata.
Lalong natakot ang dalaga sa narinig niya.
Nitong mga nagdaang araw ay wala naman siyang napansing kakaiba. Wala naman siyang bagong nakilala.
Husto namang dumating na ang mga police.
Ipina blotter na nila ang nangyari. At kinuha na rin ng mga police ang kuha ng mga cctv na nasa labas ng bahay at mga kalapit na mga establish cemento for investigation.
Ipinangako rin ng mga police na mag papatrolya sa lugar gabi-gabi.
“Maam, mas makakabuting huwag ka munang manatili dito, umuwi ka muna sa kamag-anak o mga kaibigan mo! dahil base sa sulat na iniwan ng nanloob ay isa itong banta! kaya mas mabuti kung umiwas ka muna sa lugar na alam ng taong ito lalo kung ikaw lang mag-isa! habang ongoing pa ang investigation natin!”, payo ng police sa kanya.
“Sige po Sir! Doon na muna siguro ako sa kaibigan ko pansamantala!”, sagot ni Kim.
“You’re going with me Kim! mas safe ka sa bahay. May mga guards tayo doon. Hindi natin alam kung alam din ng taong ito ang bahay ng kaibigan mo, paniguradong minamanmanan ka nito kahit siguro noon pa!”, anas ng binata.
Tumango-tango ang police. “Mas mabuti ngang ang lugar ay hindi kapa nakaparoon Maam, para walang anumang hint ang stalker mo. Huwag kang mag-alala at gagawin din namin ang lahat para mahuli ito sa madaling panahon!”, dagdag pa ng police.
“Sige po Sir! Maraming-maraming salamat ho!”
At nagkamay pa sila ng officer. Ganoon din si Jay sa mga officers.
“Kim, grab your things at uuwi tayo ng mansiyon, doon ka muna habang hindi pa natin nahuhuli ang taong iyon!”, utos niya sa babae.
Tumango-tango naman si Kim.
Kinausap pa ni Jay ang mga police habang nagiimpaki si Kim.
Parang hindi pa maproseso sa utak niya ang nangyayari.
Ang mga magulang niya baka mag-aalala lang ang mga iyon kapag sabihin niya ang nangyari ngayon, wala namang masamang nangyari sa kanya kaya baka hindi na niya ikwento. Baka pati sa bestfriend niya dahil busy pa naman ito sa nalalapit na kasal, ayaw niyang makadagdag sa alalahanin.
Mabuti na lamang at nangyari ito na wala siya sa bahay niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
Mabuti na lamang at narito si Jay, handang kipkipin siya habang hindi pa nahuhuli ang salarin.
At doon pa bumuhos ang mga nararamdaman niya habang nag iimpaki.
Tumulo nalang bigla ang mga masasaganang luha sa mga mata.
“Kim, you’re alright?” tanong ni Jay sa dalaga ng makitang hindi na ito kumilos para mag impaki.
Hindi sumagot ang dalaga imbis ay yumakap na lamang ito kay Jay, habang masaganang tumutulo ang mga luha.
He was stunned seeing Kim in tears. Napatiimbagang ang lalaki. Ramdam niya ang takot ni Kim. He swears he will find this as**ole himself and kill him.
Hinapit ni Jay si Kim mas niyakap ng mahigpit at marahang tinapik-tapik ang likod, marahang pinapakalma.
“Shh.. I am here! I promised to protect you Kim. Nothing bad will ever happen to you as long as I’m here with you!”, anas ng binata.
Dinampi-an pa niya ng masuyong halik ang babae sa buhok.
Unti-unti namang nahimasmasan si Kim.
“I’m sorry! ngayon lang nag sink-in sa akin, mabuti nalang pala at wala ako dito kanina kung hindi.. kung hindi baka napaano na ako ngayon!”, wika ng babae na tumulo na naman ang luha.
Pinahid ni Jay ang luha ni Kim.
“Hindi magtatagumpay ang maghahangad ng masama, Kim!” anas ng binata.
“Now, where’s your things, let me help.” dagdag ng binata.
Kumiwala naman si Kim sa pagkakayakap sa binata pinahid ang mga luha at bumalik sa pag-iimpaki.
“Hindi na, malapit na din akong matapos. Thank you!”. sagot ni Kim.
Maya-maya pa ay bitbit na ni Jay ang bag ni Kim pababa ng hagdanan.
Nailock na rin ang pintoan, nilagyan na ng malaking Padlock.
Matapos nilang makipag usap sa mga police at sa may -ari ay umalis na sila patungong Mansiyon.