Finding the Ring

1109 Words
Nang makarating na sila sa hotel-resto ay inalalayan pa siya ng binata na makababa sa kotse. “Kim, don’t be surprise or get angry if I will be extra sweet with you tonight, okay?” pagbibigay paalala nito sa kanya. Tumango siya sa lalaki. ‘Of course this will be for the show’, bulong ni Kim sa sarili. Magkahawak kamay pa sila na naglakad papalapit sa pina-reserve na mesa. Naroon na pala ang matandang lalaki. Malawak ang ngiti nito na pinagmamasdan sila habang papalapit. Pagdating sa mesa ay agad siyang nag biso sa matanda. “Mabuti at narito na kayo, ipapahanda ko na ang pagkaing pinaluto ko!”, anas ng matanda ng makabalik na ito sa pagkaka-upo. “Okay po lolo!” sagot ni Jay dito. Inilibot ni Kim ang mata sa kabuoan ng resto. Maganda at malawak ang lugar. Para itong may intimate at classic style na ambiance. May tumutugtog din na live music sa di kalayuan, isang pianist na nagpadagdag sa classic at eleganting atmospera doon. Naaamoy din ni Kim ang mga masasarap na luto ng pagkain doon. Hindi nga nagtagal ay dumating na ang mga pagkain nila. Kaya naman ay nag-umpisa na silang kumain. At gaya ng sabi ng matanda ay slow cooked Steak ang inorder nito, salad on the side at yung napakalaking alaskan king crab. Pinaghihimay pa siya ni Jay sa alimasag na iyon para makakakain siya ng mabuti. Kaya naman ay nabusog talaga siya sa masarap na haponan nila. Masaya din silang nag-uusap-usap habang inuubos ang pagkain. Hanggang may tanong si Don Franco na napahinto sa pagkain si Kim at muntik pang mabilaukan. “Kailan niyo ba balak magpakasal?” Hindi sumagot si Kim. Hinayaan niyang si Jay ang sumagot doon. “For now ‘Lo, we are enjoying each other’s company, wala pa kaming napag-isipang ensaktong date, baka end of the year o early next year po.”, anas ng binata. Nanlaki ang mata ni Kim sa sagot ni Jay! Pinanindigan talaga ang pagkukunyari nila. Paano kung dumating nga ang mga petsang iyon? paano na ang gawin nilang explanation sa matanda. Ngumiti na lamang si Kim sa matanda. “I don’t see your engagement Ring Kim? you forgot it to wear?” tanong pa ng matanda ng mapansing wala nga pala siyang suot na sing-sing. “Oo lolo, nalimutan kong isuot kanina sa pagmamadali, maaga kasing dumating si Jay sa bahay at hindi pa ako nakapag ready”, sinakyan na lang niya ang pagkukunyari nila. “Okay! just tell me when ang kasal upang icelebrate natin ito ng bonggang-bonga, gusto ko na rin makakita ng apo sa tuhod, makalaro sila habang akoy nakakalakad pa!” anas pa nito. Na ikinapula na naman ng mukha ni Kim. “Of course lolo! sooner you will meet your little great grand children!”, sagot pa ni Jay sa lolo nito. Nanlaki ang mga mata ni Kim sa sinabi ng binata. Ang dami na nitong binitawan na mga salita na hindi niya alam kung maisakatuparan ba, kawawa naman si Don Franco, mag eexpect ito sa wala. Kaya palihim niya itong sinipa sa ilalim ng mesa as warning na Tama na. Pero imbis na tumahimik ito ay ngumiti pa ng malawak ang binata. “Balak ko nga po ‘lo, na sa mansiyon na tumira si Kim. Total iisa na naman na kompanya kami papasok, mabuti na iyong may kasama siya sa pagpasok at pag-uwi, ng hindi na rin ako mag-aalala na siya lang mag-isa sa bahay niya”. Lalong lumaki ang mata ni Kim sa narinig. Sunod-sunod niya itong sinipa sa ilalim ng mesa. Ngunit ningitian lamang siya nito. Kinuha pa ang mga kamay niya at hinalikan sa harap ng lolo nito. Wala ng magawa ang dalaga kundi ay makisabay na lamang sa palabas na iyon ng binata. ‘Humanda ka talaga sa akin, mamaya!’ sabi niya sa loob-loob niya. “Magandang ideya iyan apo! at ng sumigla ang mansiyon, tayo-tayo lang ang naroroon, at kung babalik na ako sa probinsya ikaw na lamang ang maiiwan, mabuti na iyong may kasama ka araw-araw sa bahay”, sang-ayon pa ng matanda. “Oo nga lolo! napakalungkot tumira sa malaking bahay na mag-isa!” Nalungkot pa kunyari ang binata. ‘Hay naku! bakit hindi nalang mag artista ito!’, kuhang-kuha nito ang inis niya. Nag serve pa ng dessert ang waiters, strawberry shortcake, na tugma namang paborito niya. Habang ang dalawang lalaki ay tumutungga ng redwine, low alcohol content lang naman iyon. Pero siya ay ang cake ang pinunterya. Maya-maya pa ng puro busog na talaga sila ay nagpaalam na ang matandang lalaki. “Iha, mauuna na akong umuwi ha! eenjoy niyo muna ang gabing ito, maaga pa naman!”, paalam nito sa kanya. “Jay, alagaan mo si Kim, mauuna na ako at mag-iingat sa pagmaneho pauwi!”, paalam nito sa lalaki. “Sige ho Lolo, mag-ingat din kayo!”, paalam niya sa matanda. “Ihahatid na kita sa labas lo?”, tanong naman ni Jay dito. “Hindi na, kaya ko na. Naroon naman din ang driver naghihintay na sa akin”, anas pa nito at naglakad na palabas ng resto. Nang wala na ang matanda ay hinampas niya ang balikat ng binata. Nilakasan niya talaga iyon. “Ouch!” naanas na lamang ng binata. “Bakit mo naman sinabi ang mga iyon sa lolo mo, mageexpect talaga iyon! bahala ka!” “Hayaan mo na, makalimutan din iyon ni Lolo”, sabi pa ng binata. “Paano kung hindi?” “Edi pakakasal tayo!” anas pa ng binata. “Huwag ka ngang mag biro ng ganyan! kaya mo nga ginawa itong pagpapanggap dahil ayaw mong maikasal sa hindi mo mahal.. so parang ganoon na din iyon! sa ibang babae lamang.”, wika ng dalaga. “Well.. atleast tolerable ka naman at tsaka Maganda!”, biro pa nito sa kanya. Nahampas ulit niya ito sa braso. Pero this time ay sinalo ang kamay niya at hindi na pinakawalan. Hawak-hawak nito ang kanang kamay niya habang nakangiti. “Oo nga pala, you need an engagement ring”, anas pa nito. “Hindi na kailangan Jay, may sing-sing naman ako doon sa bahay, iyun na ang isusuot ko, para hindi ka na gumastos”, anas niya nito na pilit binabawi ang kamay niya na mahigpit pa ring hawak- hawak ng binata. “Nope! should be very beautiful ring for you!”, wika ng binata. At imbis na bitawan ang kamay ay mas hinigpitan nito ang hawak. “Let’s go! let’s find your ring!”,anas nito at iginiya na siya patayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD