Maagang umuwi si Kim mula sa trabaho. Pagkauwi sa bahay ay agad siyang naghanap ng maisusuot mamaya.
Hyatt hotel is a Five star hotel. Siguradong Sosyal na lugar iyon.
May nakita naman siyang sa tingin niya’y babagay sa lugar na pupuntahan.
Isa iyong color black na dress may malalaking print na hugis petal na color pastel. Strappy-Sleeveless , May Waist Belt and i-Tie mo nalang sa likuran ang belt. Eleganti at pormal sa harapan dahil mukhang long dress iyon na hanggang ibaba ng tuhod ngunit sa likod ay seksi, para siyang nag suot ng crop top at skirt kung titingnan sa likuran.
Iyon na lamang ang susuotin niya.
Naligo na muna siya bago isinuot ang damit na napili. Nag aapply ng manipis na make up pagkatapos.
Sinipat niya ang sarili sa salamin at ng masatisfied sa sariling reflection ay ready to go na siya.
‘Wait! susunduin ako ni Jay, pero alam ba nito ang address niya?’, ngayon lang pumasok sa isipan ang sitwasyon.
Hindi niya nabigay sa binata ang address niya at wala siyang kontak dito.
Nagsimula siyang maghanap sa company contact info sa laptop niya.
Ngunit wala pang isang minuto ay nag ring ang doorbell niya.
Napaisip si Kim kung sino ang possibleng nasa labas.
Si Jay kaya ito?
Isinara na lamang niya ang laptop niya at nagpunta sa pintuan.
“Sino yan?”, tanong niya sa taong nasa labas. For safety purposes baka akyat bahay ito.
“It’s me Jay!”, sagot naman nito.
Binuksan niya ng maliit ang pinto-an may harang pa din na security Chain para sigurado.
At nakita naman niya ang matangkad na lalaki sa labas ng pintuan niya.
Bumilis pa ng pintig ng puso niya ng makita ito.
Ang lalaking pilit kalimutan ay narito sa harapan na niya.
Binuksan na niya ang pintuan. Si Jay nga! Napakaguapo sa suot nito.
“Ahm.. kunin ko lang ang bag ko!”, sabi niya sa binata, napayuko dahil hindi kinaya ang tingin ng binata. Pakiramdam kasi niya ay minamasdan siya nito mula ulo hanggang paa.
Baka hindi maganda ang suot niya?
Well.. wala na siyang oras na magpalit kaya magtiis ito kung ayaw nito sa kasuotan niya.
Tumalikod na siya at kinuha ang bag na nasa mesa lamang.
“Let’s go!” sabi pa niya dito sa tahimik na binata.
Inilock na niya ang pintoan bago nagpatiunang bumaba na at nagtungo sa sasakyan sa ibaba.
Nakasunod lang ang binata sa kanya.
Pagdating ng sasakyan ay pinagbuksan pa siya ng binata sa passenger’s side ng kotse bago ito pumasok.
She remembers to wear the seatbelt and so she does it before he can make a move to fasten her belt himself.
Inunahan na niya ito, ayaw niyang ma-ulit ang noong eksena, delikado.
“You’re ready? Let’s go!”, unang salita na narinig niya mula sa binata ng nasa kotse na sila.
****
Jay’s POV
(Earlier that day)
He visited J&F Finance Corp. isa ito sa mga kompanyang pagmamay-ari nila. They provide Financial aid and loan assistance to all companies who seek for financial help.
Ang tumatayong CEO nito sa kasalukuyan ay ang Mom niya, pero dahil nag lielow ang ina at sumunod nga ito sa ama niya sa ibang bansa ay isa na ito sa kompanya na siya na ang mag-papatakbo.
Kasama niya ang lolo niya si Don Franco, habang nasa Maynila ito ay binibisita nito personally ang mga Negosyo.
They had a brief meeting along with all the department managers.
At ngayon naman ay bumabiyahi ulit siya patungo sa isa pang branch nila sa BGC. Ang lolo niya’y nagpaiwan doon sa J&F tower sa makati.
Hindi na niya nagawang kumustahin si Kim kahit alam niyang nagtatrabaho ito doon sa kompanya nila dahil sa sobrang busy niya.
Hindi naman seryoso ang problema sa BGC branch nila, meron lang iilang investors na bumack-out marahil na pirata sa kalabang kompanya, dahil narin cguro sa wala ang CEO parati , ang mommy niya kaya madaling makalusot ang piratahan dahil kampanting wala ang boss.
Ngunit narito na siya, kaya ibabalik niya ang tight security sa kompanya, ibabalik niya ang confidentiality ng mga list of investors nila, dahil merong sekretong nag le-leak nito.
Nasa kalagitnaan na sila ng meeting ng mga heads doon sa BGC branch ng makatanggap siya ng mensahi mula sa sekretary niya si Ken.
Pinapatawag daw ng lolo niya si Kim at nais makausap.
‘Naku! nalaman na pala ni Lolo na naroon si Kim sa kompanya!’ sa loob-loob niya.
Kailangan siya doon dahil baka magkabukingan na sila sa kanyang mga kasinungalingan tungkol sa relasyon nila ng dalaga.
Walang kaalam-alam si Kim sa sitwasyon kaya sigurado itong malilito iyon.
Kaya tinapos na niya ang meeting doon at dali-daling nagpunta pabalik sa J&F tower.
Halos paliparin na nga niya ang sasakyan upang makarating agad sa lugar.
Nang naroon na ay agad nagpark at lakad-takbo patungo sa CEO’s office.
Husto namang nakita niyang nag-uusap pa ang lolo niya at ang dalaga kaya dumiritso na siyang naglakad patungo kay Kim.
Nakita niyang midyo nagulat pa ang dalaga pagkakita sa kanya.
Hindi niya alam kung ano na ang pinag-uusapan ng dalawa kaya ay minabuti na niyang gawin ang hindi nararapat just to keep his lies to his lolo.
Sinadya niyang hapitin ang baywang ng dalaga at siniil ng halik sa gilid ng mga labi nito. Hindi kita iyon ng matanda dahil nakatalikod siya dito.
Alam niyang nagtataka at nagugulat ngayon ang dalaga kaya bago pa siya masampal nito ay inamin na niya dito ang sitwasyon niya. Pabulong na wari’y may sinasabi siyang sweet note sa babae, pero isa iyong pagpapaliwanag.
“Lolo, please excuse us. I need some privacy with my Fiancee”, sabi pa niya sa lolo pagkatapos. He need to explain everything to Kim.
Nakita niyang namula si Kim dahil sa sinabi niya. ‘How I wish I could have sweet moments with you!’, nahiling niya sa sarili. Sa sarili lamang.
Tumawa naman ang matandang Don.
“Of course, you both need to catch up since you’ve been away for a while Jay. Aalis na din naman ako, uuwi muna ako sa mansiyon. Don’t forget our Dinner tonight ha!”, sabi pa ng Don at tumingin pa kay Kim.
Parang inanyayahan na nito si Kim sa hinahandang dinner sa Hotel ng lolo.
Tumango si Kim sa matanda.
“Mag-ingat po kayo ‘lo”, anas na lamang niya sa paalis na matanda.
Nang tuluyang naka-alis na ang matanda ay iginiya na niya sa opoan si Kim para makapag-usap sila ng maayos.
He explained everything to her, walang labis walang kulang.
Pinagmamasdan niya ang magandang mukha ng dalaga wari’y gusto kumuha ng hint kung OO o Hindi ba ang sagot nito.
Bumawi ng tingin ang dalaga.
“Ahmm.. hindi ko alam anong isasagot sa ngayon, Jay”, wika nito sa kanya.
“I understand, Kim. I know this is not an easy situation for you”, sagot na lamang niya.
Oo naman, mabigat itong pinapapasan niya sa babae.
“Can you gave me one last favor, just tonight at dinner, please.. come with me!”, hiling niya dito kasi ay mag-aantay ang lolo niya kung sakali.
Tumango naman ang dalaga dito.
“Thank you so much, you don’t know how much I am thankful to you Kim. You save me from an arrangement na baka habang buhay akong magiging miserable”, masayang pag-amin niya dito.
“Susunduin kita sa bahay mo mamaya mga alas 6 pm for the dinner, okay?”
“Okay!”, maikling sagot ng dalaga.
****
Excited ang binata sa dinner nila. Kaya naman ay agad siyang naligo pag dating ng mansiyon at nagbihis.
Hindi nga nagtagal ay nasa harapan na siya ng bahay ni Kim.
He gather his courage kahit may kaba. Pumanhik na siya sa hagdanan at nag door bell.
Maya-maya pa ay bumukas na nga ang pinto-an.
There the dazzling and always pretty Kim stood in front of him. Kaya naman para na lamang siyang napako sa kinatatayoan at nakatitig lang sa babae. He was like being mezmerized by her charm.
“Ahm.. kunin ko lang ang bag ko!”, anas nito na nagpabalik sa kanyang kasalukuyang isip.
Hindi na nagtagal ay nasa highway na sila. Matrapik kasi ay uwian ng mga trabaho.
Tahimik lang siyang nagmamaneho.
Hanggang magsalita ni Kim. May tanong na hindi niya akalaing itatanong.
“Jay, may tanong ako, bakit alam mo pala ang address ko?”
Tumikhim na muna ang binata bago sumagot.
“Ah! nakita ko sa office file, yung employee’s data doon ko nakuha ang addres mo!” pag sisinungaling niya.
“Ah okay, kasi kanina naghanap din ako ng contact info mo dahil narealised kong hindi mo alam ang address ko, paano mo ako masusundo kung ganoon?”, sabi pa ng dalaga.
“Yep, I have my own resources”, pagmamalaki pa nito sa babae.
“Of course ikaw ang nagmamay-ari ng pinagtratrabahoan ko eh!”, anas pa ng babae na unti-unti ng nagiging babbly.
Sa tingin ni Jay ay unti-unti na itong naging komportable kasama siya.
“Alam mo bang umalis ako sa school at nag apply sa sariling sikap sa kompanyang akala ko ay hindi sa inyo?” anas pa nito.
“Gusto ko kasi matanggap ako base sa kakayahan ko na hindi dadaan sa impluwensiya at pabor ni Don Franco? pero sa huli ay nasa kompanya paring pagmamay-ari ninyo ang bagsak ko!”, natatawang dagdag sabi ng babae.
“Well, you did! you got the job because of your ability and knowledge Kim! wala kaming ka-alam alam na nag apply ka sa J&F corp. Kanina ko lang din napag-alaman na nagtatrabaho ka pala doon.”, anas niya sa dalaga.
Natahimik na si Kim pagkatapos.
Hindi naman nag tagal ay narating na nila ang hotel.