He is Like a Ghost

1256 Words
Lumipas ang maraming buwan. Naging abala si Kim sa eskwela kaya naman ay madali lang siyang naka get over sa pagiging heart broken. Ngunit ang puso niya’y nanatiling sarado, walang pinapasok kahit sino. Marami siyang naging manliligaw ngunit ni isa ay walang binigyan ng pag-asa, ang kadahilanan niya ay napakabata pa nila at marami pa siyang pangarap sa buhay, pero ang katotohanan sa loob ng puso ng dalaga ay tila may hinihintay pa rin siya. *** Graduation Day! "Kim, bilisan mo na at baka mahuli tayo!", sambit ng ina niya na nasa pintuan na pala at handa nang umalis. Nakapostura ang ama niya, pati ang ina ay suot ang paboritong Sunday's dress, maging ang nakababatang kapatid ay guapong-guapo din sa suot. Ang lola niya ay hindi rin pahuhuli, bagets sa napiling kasuotan with matching mapupulang mga labi. Mukhang ang pamilya niya ang mas excited sa graduation niya. Nakuha ni Kim ang pangalawang pinakamataas na honor sa buong batch nila. Siya ang Salutatorian, kaya naman ay excited talaga ang kanyang mga magulang, may pa piging pa ito mamayang gabi dito sa bahay nila. "Opo 'Nay! palabas na!", sagot niya dito, suot na niya ang Tuga niya ng lumabas siya ng kwarto. Nag arkila ng tricycle ang ama niya para kanilang masakyan patungong paaralan, kung saan din gaganapin ang graduation rites nila. Hindi naman nag tagal naroon na sila sa event hall. ——— Sa kabilang banda ay husto namang dumating rin si Jay sa Nayon, naroon siya ngayon just to check on his Grand Father. May sakit ito ngayon. Dalawang linggo lang ang bakasyon niya sa Pinas kaya babalik din siya kaagad. Nakita niyang maraming tao sa sentro at may mga estudyanteng naka-suot ng tuga. Sa di kalayuan ay nakita nga niya si Kim na nakasuot din ng tuga kasama ang buong pamilya nito, papasok na ang mga ito sa loob ng paaralan. Biglang tumibok ng malakas ang puso ng binata pagkakita sa babae. Ang akala niyang wala na siyang nararamdaman dito ay mali pala, naroon pa pala, his feelings for her just stayed dormant inside his heart until today when he laid his eyes again on her. Nagpasya si Jay na mamaya na uuwi sa Mansiyon, he decided to watch Kim's graduation just from afar. Pumasok din sa event hall si Jay at umupo sa pinakamalayong upoan, to make sure Kim won't see him. Hindi din naman siya magtatagal doon at lalong hindi siya magtatagal sa Pilipinas kaya walang saysay kung susundin niya ang nararamdaman. He will eventually forget her overtime. At siguro ay nakalimutan na rin siya ng babae. At hindi nga nag tagal ay nagsimula na ang event. Nasaksihan ni Jay si Kim na humakot ng maraming mga academic awards maging sa mga extra curricular awards. Lihim na humanga ang binata sa dalaga. Hindi na niya tinapos ang event at umuwi na sa Mansiyon. Pagdating sa Mansiyon ay agad niyang pinuntahan ang lolo niya sa kwarto. Okay naman na pala ang kanyang lolo, may trangkaso lang , at may private nurse din ito na palaging kasama kaya kampanti lang si Jay. Bukas sa madaling araw na siya babalik sa Maynila. **** Pagkatapos ng graduation rites nila ni Kim at hindi matapos-tapos na mga pictorial ay umuwi na sila sa bahay. Naging busy naman sila sa paghahanda sa piging na ang tatay niya ang nag plano. Kumuha pa ito ng mga tao na tutulong sa kanila sa paghahanda, merong nagluluto at iba pang mga dapat gawin. Halos dumating din ang lahat ng mga ka barangay nila, para i-celebrate ang pagtatapos niya ng Senior high School, napakasaya ng selebrasyon nila bukod kasi sa kainan ay may sayawan at kantahan. *** Bago umuwi sa Maynila si Jay kinabukasan ay dumaan muna siya sa isang flower shop, nag order siya doon ng isang magandang bouquet na puno ng mga sunflowers. Narinig niya na may handaan sa bahay ng mga dela cruz para sa pagtatapos ng dalaga kagabi ngunit hindi na siya dumalo doon. Para saan pa? Baka imbis na makalimot siya sa dalaga baka tuluyang mahulog siya dito kapag magkita silang muli. Hindi pa ito ang tamang panahon kung sakaling susundin niya ang nararamdaman. Marami pa siyang responsibilidad sa Pamilya niya. Especially sa lolo niya na kung anong iutos ay hindi mababali. Sa Ngayon ay dapat tapusin niya ang pag-aaral at aralin ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo dahil walang ibang susunod dito kundi siya. Siya ang panganay na apo ni Don Franco kaya nasa kanya ang pressure ngayon ng pagpapatakbo sa mga negosyo sa susunod na mga taon. At doon pa lamang ay napakalaking responsibilidad na para sa kanya. Nagsulat siya ng maikling mensahi para sa dalaga, just a simply Congratulation message, nothing else. At nilagay na ang note sa mga bulaklak. Nagbigay siya ng instruction na ipa-deliver ang bulaklak sa bahay ng dalaga. Pagkatapos niyang ma-order at mapa-deliver ang bulaklak ay tuluyan ng umalis ang binata. Hindi niya alam kung kailan siya ulit makakabalik doon. Only time can tell. *** Nagulat si Kim ng merong naghahanap sa kanya ng maagang-maaga. Delivery? 'Ha? wala naman akong inorder? at meron palang delivery dito sa pinaka sulok ng bansa?', sa isip ng dalaga, midyo naiinis kasi naistorbo ang tulog niya, balak pa naman niyang gumising ng tanghali ngayon. "Miss Dela Cruz, delivery po para sa inyo!" anas ng rider. "Sir, Para sa akin ba talaga iyan? baka nagkakamali lang po kayo ng address po", sagot pa niya dito "Hindi po Miss, para sa iyo talaga ito," sabi pa ng delivery rider. Kinuha na lamang ni Kim ang Bulaklak at napansin niyang may maliit na papel na nakaipit sa loob ng mga bulaklak, kinuha niya ito at binuksan. ‘Kim, Congratulations on your graduation! I am so proud of you! JP.’ Ang nakalagay na mensahi doon. Nag isip pa si Kim kung sinong kaibigan o kakilala niya ang may initial na JP. At nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang kumpletong pangalan ni Jay, James Paul. Galing sa binata ang bulaklak. 'Narito si Jay ngayon? umuwi na ito galing ng ibang bansa?', mga tanong niya sa isipan. Lumilinga-linga siya sa paligid nagbabakasakali kung makita niya ang sasakyan nito, pero wala naman. Nagpasya na siyang magpunta sa Mansiyon para itanong ang binata. Dali-dali siyang nag tungo roon. Nakita niya ang hardinero ng pamilya na kasalukuyang abala sa pag lilinis ng bakuran. Kapitbahay nila ito kaya kilala niya. "Manong Tony! pwedi ho bang mag tanong?" "O ano iyun iha?" sagot naman ito na huminto muna sa pag wawalis. "Nandito ho ba si Sir Jay?", tanong niya dito na sinadyang pang mag lagay ng Panggalang bago ang pangalan ng binata para hindi halatang personal question iyon. "Naku iha! umalis na kaninang madaling araw, pabalik ng Maynila. Dumating siya kahapon para dalawin si Don Franco dahil may sakit sa ngayon ngunit bumalik din kaagad sa Maynila si Sir Jay. Maiksi lang daw kasi ang bakasyon niya sa Pinas", mahabang salaysay ng lalaki. “Ganoon ho ba, Manong! Maraming salamat po at magandang araw!”, paalam niya sa hardinero, pinilit na masaya pa rin ang boses kahit ang puso ay malungkot. Tumango naman ang hardinero sa kanya at nagpatuloy na ito sa ginagawa. Tumalikod na rin si Kim dito at sa mansiyon. Isang mahigpit na pasya ang nabuo sa puso at isipan ni Kim. She won’t be looking for that man ever again. She will learn to forget him like she never even met him in her life. ‘He is like a ghost. Magpaparamdam pero hindi magpapakita’, sa isipan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD