Lumipas ang maraming taon.
Naging tuluyan ng abala si Kim sa pag-aaral, lahat ng focus ay nasa pag-aaral lamang, hindi na niya iniisip ang lalaking minsan ay nagpatibok ng puso niya ngunit hindi rin tumatanggap ng manliligaw kahit isa dahil nanatiling sarado ang puso.
Nasa huling taon na rin si Kim sa kolehiyo ngayon, at ang main goal ay makatapos at makapagtrabaho sa Maynila, kinuha niya ang kursong BS accountancy.
Sa malaking universidad sa Kabisera nila siya nag aaral ng kursong kinuha, doon pa din sa Probinsiya nila.
Nang araw na iyun ay founding anniversary ng eskwelahan nila. Walang pasok dahil may programa ang buong campus bilang selebrasyon.
At bilang pangulo ng Student Committee ay maaga siyang pumaroon sa eskwelahan, sila ang punong abala sa paghahanda sa programa ngayong gabi.
Tonight’s main event is Mr and Ms Campus Competition. Marami silang bisita mamaya na magiging judges din sa patimpalak.
Base sa programme details ay dadalo ang mga may ari ng campus, may mga politician rin at iilang kilalang tao.
Nabasa niya ang pangalan ni Don Franco doon. Hindi na nagtaka si Kim, he is the owner and founder ng eskwelahan nila.
Naging busy si Faith sa paghahanda kasama ng iba pang mga estudyanti at mga school officers para maging successful ang event mamaya.
Mga bandang hapon ay sa wakas ay ready na ang lahat.
Umuwi na muna si Faith sa bahay nila at naligong muli at nagbihis para sa programa mamaya.
“Kumain ka muna Kim bago umalis, baka sa sobrang busy mo doon hindi kana makakain”
“Hindi na po ‘Nay, may handaan din po doon sa Campus ngayon, baka doon na ako kakain”
Nakapalit na siya ng damit ng bumaba sa hagdanan, hindi na naka P.E uniform kundi naka business like dress siya ngayon. Isa iyong 2pcs suit na Solid Cream ang color, na button down ang design and square neckline na may Puff Sleeve Cropped top and long Skirt Suit na may slit sa gitna na hanggang tuhod ang haba.
Para siyang dadalo ng business meeting mamaya. Pero iyon na ang pinili niya dahil mas komportable siya dito kaysa sa mag evening dress siya o mas sexing damit. Dahil sigurado siya na ang gagawin niya mamaya ay puro lang pagmamasid at pagbabantay na magiging smooth at walang problema ang programa, baka sa backstage lamang siya mamaya.
Hindi siya dadalo doon para makipag-saya o manood man lang. Sila ang naatasang mag organize at siguraduing maayos at successful ang foundation day celebration, lalo na at bigatin ang kanilang mga bisita.
Pinarisan na rin niya ng 1-inch open toe sandals ang damit niya na kasing kulay din ng damit niya.
Hindi na nga nagtagal pa ang dalaga at bumalik na sa Campus.
****
Sa kabilang banda ay dumating din si Jay sa Mansiyon, after more than 4 years of not able to visit he is finally here.
“Iho, Ikaw na ang dumalo mamaya sa foundation day ng unibersidad, masakit ang tuhod ko ngayon hindi ako makakadalo”
“Pwedi ho bang hindi na lang tayo aattend doon ‘Lo?” sagot pa ng binata.
“Meron bang birthday celebration na wala ang celebrant?” balik na tanong nito sa kanya.
“Eh, parang may jetlag pa kasi ako lo”
“No, just get ready and be there on time!”, at tumalikod na ang lolo niya.
“mmmm.. what should I wear then?”, mahinang bulong ni Jay. Walang magawa sa utos ng lolo.
****
Magsisimula na ang programa. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga estudyanti, mga magulang at mga bisita nila.
Sila ni Kim ang mag wewelcome sa mga invited guest and VIP’s and para na ring usheretts. May dala-dala pa siyang magandang bulaklak na garland para sa mga panauhin.
Unang dumating ang butihing mayor nila na malugod nilang wenelcome at sinuotan ng garland, inalalayan patungo sa silya nito.
Nagsidatingan pa ang mga ubang panauhin na gaya ng nauna ay binigyan nila ng papugay at inalalayan sa silya nila.
Napansin ni Kim na 5 mins na lang at magsisimula na sila ngunit wala pa ang matandang Don. Ito pa naman ang guest speaker nila ngayon. Nagtanong siya sa mga kasamang officers kung may tawag silang natanggap mula sa butihing may-ari ng eskwelahan ngunit umiling lang ang mga ito.
Dapat alisto sila na kung hindi makakadalo ang matanda dahil siguroy may balakid ito kung Bakit hindi makakadalo ay may solusyon dapat sila. Nag isip na siya kung sino ang kakausapin niya kung sakali, pakikiusapan niyang maging guest speaker.
Hanggang sa may parang kaguluhang nangyayari sa entrance ng event hall.
Ang mga estudyanti ay parang kinikilig , may naglabas pa ng mga celpon. May mga mahinang bulong-bulongan at meron na ngang tumili.
Tumaas ang leeg ni Kim upang matanaw kung anong nangyayari? May disgrasya ba?
May artista? pero wala naman silang guest na artista.
Hanggang inilugwa nga sa entrance ang isang matangkad, matipuno at nakapaguapong lalaki.
Nag sitilian ang mga estudyanting madaanan nito. Ang lahat ng attention ay naroon tuloy sa lalaking papalapit sa stage.
Para naman itong politico na sa bawat tili ng mga tao ay kumakaway ito, wari’y gustong kumuha ng maraming botanti.
Napakunot noo si Kim.
At ng makita na nga niya ang pamilyar na mukha nito ay Boom! bumilis ang t***k ng puso niya na hindi niya mawari bakit nenerbiyos siya?
Ngayon lang siya nenerbiyos sa buong taon sa campus , sa dami-dami na niyang sinalihang competition, sa dami-dami na niyang hinarap na mga malalaking tao sa campus.
Bakit?
Dahil si Jay ang kasalukuyang tinatanaw niya sa ngayon na paparoon sa kanyang kinalalagyan.
Mas gumuapo pa ito at parang mas lumaki din ang katawan. He’s more masculin at handsomer sa mga mata ni Kim.
Parang natauhan naman si Kim ng siniko siya ng katabi.
“Ang guapo niya pres. Sino siya?” sabi pa nito.
“Si James Perez, apo ni Don Franco”, mahinang sabi niya dito. Nenerbiyos pa rin siya at parang mawawalan ng self confidence.
Okay lang kaya ang suot niya ngayon?
‘Hoy! kailan ka pa naging insecure sa pananamit?’, saway niya sa sarili.
Papalapit na ang binata kaya ay nag focus na si Kim. Gagamitin niya ang kakayahan niyang maging nonchalant at maging pormal.
Pilit winaksi ang sariling nerbiyos. Bumuntong hininga pa siya ng dalawang beses, na animo’y siya ay sasalang sa kompetisyon.
Pagkakataon rin ba ito? Bakit siya pa ang may huling garland na dala, that means siya ang maglalagay ng garland sa lalaki.
‘Kalma girl! wag ka paapekto sa multo ng kahapon!’, saway niya sa sarili.
At sa wakas ay nasa harapan na nila ang binata, nagtama saglit ang mga mata nila pero si Kim ay unang bumaba ng tingin, naka smile siya gaya ng mga naunang guest.
“Welcome Mr Perez. Enjoy the celebration!,” sabi niya dito at itinaas ang garland na hawak.
Pagkakita ni Jay sa hawak niya ay humakbang pa ito ng isang beses palapit sa kanya at yumuko malapit sa mukha ng babae.
Napatingin tuloy si Kim sa guapong mukha nito sa gulat. At ayon, isang ngiti ang sumilay sa mukha ng lalaki.
Dali-dali namang isinuot ni Kim sa leeg ng binata ang garland at humakbang paatras.
“Dito po Mr Perez!”, sabi niya dito at nagpatiuna na siya sa binata patungo sa silya nito. Sumunod naman ang binata sa kanya.
Nang makaupo na ito ay hindi na nag abalang lingunin ni Kim ang lalaki, bumalik na siya sa dating pwesto niya malapit sa stage.
Pagdating niya sa mga kasamahan niya ay agad siyang hinila sa kamay ni Joy, isa sa malapit niyang kaibigan na school officers rin.
“Kim, nakita ko iyun ha! mukhang may tinamaan dito ngayon sa charm mo!”
“Ha? ano bang nangyari kanina?” , maang-maangan niya kahit alam niya ang ibig sabihin nito.
“Ang guapong Mr Perez ay malagkit ang titig sa iyo, mukha pa ngang gustong mag first move kaagad kanina, sinadya talagang ilapit ang mukha nito sa iyo, kinilig ako sa inyo girl!”
“Mukhang nagkakamali ka, wala namang nangyaring ganyan!”, patuloy na pag tatanggi niya.
“Ito naman killjoy! basta! pustahan tayo, manliligaw yan sa iyo!”
“Hay naku! focus na muna tayo sa responsibilities natin dito at mag sisimula na ang program”, sabi na lamang niya dito para tumigil na ito.