Fresh New Start

1723 Words
Ngunit sadyang pinaglalayo siguro sila ng tadhana o sinusubukan sila. Dahil ng maayos na lahat ni Jay ang mga dapat tapusin at gawain upang makabalik sa Pinas ay isang hindi inaasahang pangyayari. His dad was involved in a car accident. Malubha ang ama niya at kasalukuyang nasa ICU. Nagmamaneho ang ama niya pauwi na sana ng bahay nila ngunit isang matulin na sasakyan ang nawalan daw ng prino at bumangga sa kotse ng ama. Head On kaya wasak ba wasak ang kotse ng ama. Both drivers were critical ng dalhin sa hospital. Kaya naman si Jay ay hindi na naman makakauwi ng Pinas at hindi na niya alam kung kailan pa. Maging si Jenny ay lumuwas din sa Amerika. Hindi na naikwento ni Jenny kay Jay ang tungkol sa resignation ni Kim. Nawala na sa isipan niya dahil sa nangyari sa kanilang ama. Naging Busy si Jay sa mga sumunod na mga araw Juggling between managing their business both sa abroad at sa Pinas. While his Father is still in the hospital. At ng dahil sa lahat ng mga pagsubok na ito ay muling isinantabi ni Jay ang usaping Puso. It can wait. At the right time and in the right place! *** Lumipas ang isang buwan. Nasa Maynila na si Kim. Naging emotional pa ang pag-alis niya sa bahay kanina. Noong isang linggo lang niya sinabi sa mga magulang ang pag reresign niya at ang planong lumuwas ng Maynila. From here she will start a new life. Nakakita naman siya agad ng apartment na lilipatan at may target company na rin siyang aaplayan. Nang araw na iyon ay patungo siyang Makati para mag apply ng trabaho sa isang malaking Finance and banking company. Bitbit ang Confidence sa sarili at ang portfolio niya. Naka corporate attire siya ngayon, na mapagkakamalan talagang siya ang boss sahalip na isang applikanti. Mas maaga siya kaysa sa oras na nakatakda para maihanda niya ang sarili sa interview. Kasalukuyan siyang nasa elevator na patungo sa palapag kung saan gaganapin ang interview, ang mga kasama sa elevator ay napansin niyang ang iba doon ay nakatingin sa kanya, ang iba naman ay pasimpleng sumusulyap sa kanya. Hanggang may isa ngang nag tanong sa kanya. “Miss ikaw ba yung naka Top 2 sa CPALE , parang nakita kita sa TV kasi”, tanong pa nito. Ngumiti siya dito at tumango. “Applikanti ka ba dito? o dito ka na nagtatrabaho?”, tanong pa ng isa. “Mag-aapply pa lang po ako ngayon!”, sagot naman niya dito. “Naku! prehas pala tayo! sana’y matanggap tayo no? ayy mukhang ikaw ay sure nang matatanggap Miss”, anas pa nito. “Sana nga ay matanggap tayo ngayon! Bigay lang natin ang 101% best natin para magtagumpay!”, wika niya sa mga ito. Tumango-tango naman ang halos karamihan. At hindi nga nagtagal ay isa-isa na silang tinawag para sa interview. Pang huli si Kim. It was a funnel interview. 3 people were alternately asking questions on her. Tela, tinesting talaga nila ang kakayahan at kapasidad niya. Akala siguro nila ay swerti lang iyong naging Top Notcher siya sa Board Exam. Pero lahat ng katanungan nila ay kampanti at very accurate niyang sinagot. May current events pa tungkol sa economy natin sa bansa ang naitanong. Mabuti na lamang ay lately sa kadahilanang wala siyang magawa sa apartment niya ay nagbabasa siya ng mga current events, sa economy , sa stocks market at maging mga issue sa Tax dito sa bansa. May nagtanong din bakit napili niyang mag-apply doon sa Kompanya nila na kung tutuusin ay kabila-kabila ang offer na natatanggap ni Kim. She paused before answering. “Will.. I wanted to experience applying for my dream job without taking advantage on those offers that were already laid before me. I want to get the job through my efforts and knowledge, this is also to be Fair for these applicants who were doing their best today!” “And I chose your company because I heard you are the most prestigeous one and that my talent and knowledge may contribute to your global development and more success in the future, if you allow me”, sabi pa niya. Halos pumalakpak ang isa sa mga interviewer mabuti na lamang ay napigilan nito ang sarili. Nag-usap usap ang tatlong nag interview sa kanya. At ilang minuto pa ay humarap na ito sa kanya. “Miss Dela Cruz! You are hired!” nakangiting sabi ng isa sa mga taong nasa harapan ni Kim. She was hired on the spot! “Thank you!” maiksing sagot niya sa interviewer na nag announce na nakapasok siya. “And you can start anytime!”, dagdag pa nito. Maya-maya pa ay may tumawag sa dalaga at iginiya sa isa pang silid. At doon mayroon na agad siyang kontrata. Binasa muna niya ang kontrata bago pirmahan. Nakasaad doon ang mga impormasyon tungkol sa Pays, allowances, benefits and compensations. And of course her role, nakasaad doon gaano ka importanti ng papel niya sa kompanya kapalit ng malaking halagang sweldo. Pinirmahan na niya ang papel at sinabi niyang sa Lunes na siya gustong magsimula. She will spend her freetime first leisurely. Baka magpunta siyang Mall o di kaya’y divisoria para bumili ng mga damit. Halos buong araw ang itinagal niya sa opisina. at bago umuwi ay dumaan na muna siya sa kaibigan at ibinalita ang nangyari sa buong araw niya. Doon na rin siya nakikikain ng haponan. Ibinalita rin niya sa pamilya niya ang magandang balita. Tinawagan niya ang mga ito pagkatapos niyang kumain kina Faith. pasado alas 10 na ng gabi ng umuwi siya ng apartment niya. Agad na siyang nag linis ng katawan at nahiga na sa kama. Masaya sa araw na iyon pero hindi pa rin ang puso. *** Sa kabilang panig ng mundo. Hawak-hawak ni Jay ang telepono niya, nasa kanyang silid siya at nagmumuni-muni. Hindi na naman siya makatulog, ang kanyang isipan ay lumilipad na naman patungong Pilipinas. At nagdadalawang isip siya ngayon kung tatawagan ang dalaga o personal na lamang niyang ipagtatapat ang saloobin pagdating ng Pilipinas. Ang Ama niya ay ligtas na at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital. Sa wakas ay nanaig ang kagustuhang tawagan na ang babae. Nag-ipon na muna ng lakas ng loob ang binata bago diNial ang numero ng dalaga. Nag ring…Ngunit walang sagot mula sa babae, hanggang nag out if reach na lang. Nang-akmang ibaba na niya ang cellphone ay nag ring ito. Dali-dali sinagot ng binata ang tawag na hindi chineck kung sino ang tumawag. “Hello!? Sagot niya na kinakabahan pa. “Kuya?! what happened? you sound tense!” anas ng babae sa kabilang linya. Si Jenny lang pala ang tumawag. Akala na niya ay si Kim. He thought Kim’s returning his call. Nadismaya ang lalaki. Tumikhim muna ang binata bago sumagot dahil parang may bumara sa lalamunan niya. “Ah! No, I was just in a hurry to grab and answer the call.” pagsisinungaling niya. “What’s up?” dagdag pa niya. “Well.. nothing…I just want to share, because I forgot to tell you this actually”, hindi alam ni Jenny saan mag sisimula. “Spell it out, Jen!” anas pa ng binata. “Kim already resigned! she’s now in Manila”, anas ng dalaga. “And you approved her resignation? did you ask why? Did you offer an option to her?” sunod-sunod na tanong ni Jay sa kapatid. “Of course I did! pero desidido na siyang umalis. Anong magagawa ko?”, sagot naman ni Jenny sa kapatid. Napabuntong hininga si Jay. “Thank you for letting me know Jen!” “No problem Kuya! I just thought you deserve to know. When are you coming back to the Philippines?” “Probably in few months when dad fully recover already!” “Okay, I am excited to see you here again kuya!” anas ng Kapatid niya. “And you know what kuya? I actually able to talk to that girl Dahlia Ching last night at The Hotel, lolo brought me there with him and it happened she was there too!” dagdag pa ng dalaga. “And I told her that you already had a girlfriend and engaged already, para naman sila na ang bumack-out sa arrangement Kuya! I don’t like her, to be honest!”, pagtatapat ng dalaga sa kapatid. “Grabi ka naman! baka hindi na talaga ako ma engaged nito, pinangunahan mo talaga!”, biro niya sa kapatid pero sa totoo ay midyo lumuwag ang kalooban niya sa narinig mula dito, dahil isa pa itong arranged marriage sa iniisip niya na kailangan niyang harapin. “Eh! hindi ka kumikilos eh! para maputol na iyang arrange marriage! hindi ko din gustong maikasal ka sa hindi mo mahal! unfair kaya iyon!”, sagot ng dalaga sa kanya. “At dapat pagtrabahoan mong mabuti na ma engaged ka sa lalong madaling panahon kay Kim, kasi ay nasabi ko na sa kanila partially, sinabi ko nalang na secret engagement iyon”, dagdag pa ng dalaga. Tumikhim muna si Jay bago sumagot, may bumara naman sa lalamunan niya pagkarinig sa pangalan ni Kim. “Well.. thanks sa tulong Jenny! Ang Balak ko kasi ay sa pag-uwi ko na kakausapin ang mga Ching’s, which na udlot nga ang pag-uwi ko kaya ganoon. But Yes! eventually I will fix that”, sagot niya dito. “At tungkol kay Kim, Yes, I’ll do everything to get her when I’m back. She’s always been my one and only”, hindi na nahihiyang pag-amin niya sa kapatid. “Ayeee… inlab talaga ang kuya ko! kaya Gow ka na! hanapin mo si Kimmy!”, anas pa ng kapatid. Tumango-tango si Jay na animo’y nakikita siya ng kausap. “I will!” Finally sagot niya dito. Nang matapos ang pag-uusap nila ng kapatid ay tinawagan niya ang Secretary niya sa Pinas. Binigyan ng instruction to check Kim kung saan ito nagtatrabaho ngayon. Hindi naman nagtagal ay nag ring ang telepono niya, ang sekretary niya ang tumatawag. Ito ang gusto niya sa sekretary niyang si Ken very efficient and has wider connections, madali nitong nagagawa at nahahanap ang lahat ng pinapagawa niya. “Sir, I’ve found her”, panimula nito. Napangiti si Jay sa report ng sekretary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD