Jay ‘s POV
Nasa study room siya ngayon at nirereview ang mga terms and condition ng clients na imemeet niya bukas ng tumunog ang cellphone niya.
Pagkakita niya sa screen kung sino ang tumawag ay si Sabrina pala. Bestfriend, kababata at karamay sa trabaho.
Ang babae ang isa sa tumulong sa kanya ng magka problema nila sa kompanya noon sa Amerika.
It looks like she’s also back in the Philippines.
Napangiti siya. Malalaki rin ang utang na loob niya dito.
“Hey! are you back in the Philippines?” tanong agad niya dito.
“Yep! and please join me here in club royal! ang boboring ng mga kasama ko dito. Wala si Ced wala ka rin! Para lamang akong nag iisa dito!”, may hinanakit pang wika ng babae.
“Are you available tonight Jay?”, dagdag tanong pa nito.
“No Sab! I won’t be available tonight. I have works to do sa house! Kayo na muna diyan!”,Pagtanggi niya sa kaibigan, dahil maiiwan si Kim mag-isa sa mansiyon kung sakali.
“Jay! you forgot probably. It’s my birthday today! and seems like everyone is ignoring me at forgetting me!”, anas na naman nito.
“Oh no? I forgot! I am sorry Sab! okay! wag ka nang magtampo. Susunod ako pagkatapos nitong trabaho ko!”.
“Talaga? please at least I have you tonight to celebrate my birthday!”, anas ng babae na mukhang nabuhayan na ng loob.
“Yes! tapusin ko muna to ha! sige paalam na muna, ete-text kita kapag parating na ako!”, paalam niya dito.
At pinatay na niya ang telepono. Sinadya niya iyong tapusin agad ang tawag dahil magdadrama na naman iyon sa telepono sa mga hinanakit sa magulang nito, maging sa boyfriend nito na kahihiwalay lang, at nakakarinda na pakinggan.
Ilang segundo ang lumipas ay narinig niya ang mahinang katok sa pinto at maglingon niya doon ay si Kim pala.
“Jay, dinner is ready!” ani Kim.
“Okay, thank you! bababa na ako!”, tugon naman niya.
‘Narinig kaya ni Kim ang tawag?’ sa isipan niya.
Nagpatiuna na si Kim na bumaba at sumunod na lamang siya dito.
Pagdating sa mesa ay agad niyang naamoy ang aroma ng curry.
“Here’s your request your Majesty!”, biro ni Kim sa kanya.
“Wow! it looks appeticing!” anas niya na hindi mapigilang amoyin ang mangkok ng ulam.
“Mmm.. amoy pa lamang ay matatakam kana!”, anas niya na siya namang tunay.
“Thank you! Sige kain na tayo!”, anas ni Kim at nilagyan na ng kanin ang plato niya.
Kahit sa simpleng gesture na iyon ng dalaga ay umiinit ang puso niya.
“Mmm… as expected Kim! ang sarap ng luto mo!”, hindi niya mapigilang komento dito, the chicken was well cook and the sauce is creamy.
“Thank you!” sagot ng dalaga.
Pero napansin ni Jay na halos hindi kumakain si Kim.
“Kim, are you sick? seems you don’t have appetite?” tanong niya dito.
“Ah! hindi. Huwag mo akong pansinin. Ganito talaga ako kapag ako ang nagluto, para bang nabubusog na ako sa amoy ng niluluto ko. I am okay. Dont you worry!”, sagot nito.
Minasdan ni Jay si Kim sa mukha at mukhang pagod ito, baka nga napagod lamang ang dalaga.
Nakita naman niyang kumakain na ito mamaya-maya. Kaya hindi na siya nag usisa pa.
“Oopss.. I almost forgot, we have a dessert. Kukunin ko muna!”, anas ni Kim.
At nagmadali na itong umalis ng mesa at ng bumalik ay may dala na itong panghimagas.
Nilagyan nito ang isang platito ng panghimagas na bitbit kanina at ibinigay sa kanya.
“Oh? mangoe float! How did you know it’s my Favorite!”, anas niya. Nagulat siya dahil sa maikling panahon ay nakagawa pa ito ng dessert na paborito pa niya.
“Natatandaan ko kasi noon, nung may party sa bahay namin, madali mong nasimot ang isang platong mangoe float, so I’m thinking you like it so much!”, anas ng dalaga.
Natawa siya sa narinig. Natandaan pa talaga ng dalaga ang huling kita nila noon sa party nito na sinimot talaga niya ang pinggan ng kaparehong dessert.
“I did’nt know you’re that observant huh?
napansin mo tuloy ang lakas kung kumain!”, anas niya dito.
Ngumiti lang si Kim sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay pumanhik na siya sa silid at nag linis ng katawan. Ang akala niya ay susunod na sa kanya ang babae pero natapos na siyang maligo at mag toothbrush ay hindi pa pumasok si Kim sa silid.
Kaya naman ay hinanap niya ito sa baba, at nakita nga niyang nasa labas nito at naglalakad-lakad.
“Hey! Why you’re here alone?”, tanong niya dito.
May bumabagabag ba sa babae?
Lumingon naman si Kim sa kanya at ngumiti.
“Nagpapahangin lang, pampaantok at ang ganda ng view dito sa inyo ha! overlooking sa City. Bihira ang may ganitong tanawin tuwing gabi kaya sinisimot ko na habang andito pa ako!”, anas ni kim.
Hindi siya nakasagot sa babae agad. The words she said Hits him hard.
‘Habang andito pa ako!’
‘Habang naririto pa ito sa bahay niya!?’
‘Habang magkasama pa sila?’
‘Habang nagpapanggap pa sila?’
Maraming ibig sabihin ang katagang iyon. Parang suntok iyon sa sarili ni Jay.
“Kim, you can stay here all you want and watch the view everynight!”, nasagot niya sa dalaga na parang wala sa isip na sagot.
Ang nais niyang isagot ay ‘hindi ka kailanman aalis dito sa bahay, sa buhay niya’.
Pero hindi lumabas sa bibig niya.
Ngumiti ulit si Kim sa kanya. Pero napansin niyang may lungkot sa mata nito.
Humugot ng lakas ng loob si Jay at magtatapat na siya ngayon sa dalaga sa tunay na nararamdaman ngunit hindi pa man siya nakapagsalita ay tumunog ang cellphone niya.
Nagdadalawang isip si Jay na sagutin ang tawag. Ngunit nagsalita si Kim.
“Jay, sagutin mo muna ang tawag baka importanti iyan”, anas ni Kim.
Sumunod naman siya dito at kinuha na ang cellphone.
“Excuse me, I’ll be quick!”, paalam niya sandali. Nang makalayo-layo na ay sinagot na niya ang tawag. It’s Sabrina again.
“Sab!”, sagot niya.
“Jay! nasaan ka na! bakit ang tagal-tagal mo!”, anas ng babae na obvious ng lasing.
“Sir! nagwawala na po si Maam dito! nakakabulahaw na ng ibang customer, Baka pupwedi niyo na ho siyang kunin dito!”, anas ng lalaking bumawi sa cellphone ng babae.
“Yes! I will be there in 20 mins more or less!”, sagot niya dito.
“Salamat sir!”
“Please keep her safe muna ha!”, anas ni Jay dito.
“Upo sir, huwag kang mag alala!”, anas ng lalaki sa kabila.
Kahit papaano ay ayaw niyang may mangyaring masama sa kaibigan. Wala itong mga kapatid at puro busy ang mga magulang sa negosyo kaya may mga panahon na nag rerebelde ang babae.
Pero naiintindihan niya si Sabrina kung bakit ito ganito.
Pagkatapos makipag usap sa telepono ay binalikan niya si Kim.
“Kim, I will be out tonight to attend my bestfriend’s birthday party but I will be back soon, okay?”, paalam niya sa babae.
“Hindi ka naman dapat magpaalam sa akin, Jay. But yeah! thanks for letting me know. Mag enjoy ka doon! No need to rush back home”, anas ni kim na may kasama pang isang malambing na ngiti.
“Papasok na rin naman ako mamaya-maya. Don’t worry about me!”, dagdag pa nito sa kanya.
Ang ngiti sa mga labi ni Kim ay sadyang nakakapagpagaan sa damdamin ni Jay.
Kaya napangiti rin siya sa babae.
‘Let me help my friend tonight kim! but I will surely confess to you my true feelings soon. In the right time’, just wait for me!’, sa kalooban ni Jay.
At umalis na siya.
Hindi na nakita ni Jay ang masaganang luha sa mga mata ni Kim.