Isang taon mahigit ang lumipas.
Nasa opisina si Kim at busy sa ginagawa sa computer ng ang mga bagong pasok ay nag tsisismisan. Usually ay hindi na niya ito pinapansin pero narinig niya ang pangalan ni Jay o baka na misheard lang niya.
Automatikong tumalas ang mga tainga niya. Kulang nalang may antenna na lalabas sa ulo niya para masagap ng mas malinaw ang latest news galing mula sa mga marites.
“Ikakasal na si Boss James Perez! narinig niyo ba ang balita?”
“Bakit kaya hindi pa iyon umuwi ng Pilipinas no?
“Naroon siguro ang fiancee sa Amerika?
At iyon ang mga nasasagap niya sa pakikinig sa mga marirites na kasamahan. Nagsisisi tuloy siya, akala niya ay ang maririnig ay nandito na ito sa Nayon nila. Masakit na balita pala ang nasagap niya.
Sana all ikakasal habang siya dito ay minumulto pa din sa lalaki.
Napabuntong hininga tuloy siya ng malakas na narinig pala ng kabilang mesa ni Melanie.
“Okay ka lang Ms Kim?” tanong nito sa kanya.
“Ah, Oo. okay lang ako. May iniisip lang”, sagot na lamang niya dito.
At buong araw na talagang wala siyang ganang magtrabaho.
****
Kauuwi lang ni Jay mula sa trabaho at sinalubong kaagad siya ng ina niya.
“Iho! may dapat kang malaman!”, wika kaagad ng ina niya na mukhang nag-aalala.
“Mom, is there a problem?”, tanong niya dito.
“You’re lolo. Made another decision without your permission. I don’t know if he arranged this before or just recently”
“What arrangement, Mom?”
“You’re arrange to Marry the daughter of Mr and Mrs Ching, I received the call from your lolo earlier and he wants you to return to the Philippines because of this!”
“Don’t you worry Mom, I will talk to Lolo”
Hinawakan siya sa mga kamay ng Ina.
“I know you’re doing your best son, you’ve accepted these heavy responsibilities in such a young age. And I do not want you suffer for the rest of your life because of this arrange marriage. Your responsibilities are heavy already Son so I want you to come home atleast to a wife you truly love!”
“Thank you Mom!”
“I love you, Son! I am hopeful you will find someone who will truly loves you and deserves you!”
“Love you mom!” at hinalikan pa niya ito sa buhok.
Nang gabing iyon ay tumawag si Jenny sa kanya.
“Kuya Jay! alam mo bang kalat na sa buong Pinas ang balitang ikakasal ka na?”
“Sino bang nagkalat ng tsismis na iyan ha!”, tanong ng binata.
“I think the Ching’s has an interview earlier this week about their newly open Chinese Resto at may question ata doon para kay Dahlia Ching kung may boyfriend na, at ang naging sagot nito Kuya ay engaged na kayo ng babae!” sagot ni Jenny.
“Natawa na nanggigigil nga ako kuya ng malaman ko iyon! gagawa-gawa siya ng kwento eh!”, dagdag pa ni Jenny
“Actually Jen, Lolo has prior arrangement with them, kanina lang sinabi ni Mommy sa akin. Lolo has arranged my marriage with the Chings”
“What? kaloka talaga itong si Lolo!”
“But do not worry. I will handle this my self”. anas pa ng binata.
“Uwi ka na kasi dito kuya! Bakit ba nariyan ka pa? may utang kaba dito sa Pinas? may pinatay ka ba? o may pinagtataguan ka? bakit ayaw mong umuwi! namimiss na kita. At ang paaralan, stress na ako don! bawiin mo nang pagiging CEO, I will gave up my desk right away pag nandito kana!”
Natawa naman ang lalaki sa kapatid.
Oo nga dalawang taon na siya dito sa Amerika.
“Kuya, kapag hindi ka umuwi dito baka may manligaw na kay Kim! mauunahan ka! At alam ko kuya na patay na patay ka doon! sa tingin ko naman ay naghihintay lang din sa iyo yun dito!”
“What? si Kim? may boyfriend na iyon!”
“Sinong may sabi sa iyo? I just read her biography kuya! alam mo naman ako kapag na bored ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa, kaya I happened to check her dahil na curious din ako”
“And you’re wrong kuya! she is NBSB. And she added there the reason was something like.. She is somekind of waiting for a ghost to come back! at sa palagay koy ikaw yung multong iyon kuya! awoooo…”, dugtong pang biro ni Jenny sa kapatid.
Hindi na nakapag salita ang binata sa kabilang linya.
“Kuya?!”
“Andiyan ka pa?”
“Hello!… awwoooo… now I am really talking to a ghost now!” at ibinaba na ng kapatid niya ang telepono.
Nahulog na lamang sa mga kamay niya ang hawak na telepono.
Kung wala pang boyfriend si Kim. Sino yung nag text sa kanya?
He suddenly text Jenny and ask for Kim’s number.
Nag reply naman agad ito.
‘Oh? I guess the ghost will be back soon! hahaha’ , ang laman ng text ng kapatid.
May kasunod iyon maya-maya na text.
‘I will find it for you, wait!’
‘Here is her number +639203836440’
‘Enjoy texting’
Nag reply na siya dito ng salamat.
Kung ganoong wala pang boyfriend ang dalaga ay isa siyang malaking gago na nagtatago dito sa malayo. Pero sino ba naman ang hindi maniniwala kung may nag text nga sa kanya?
Prank text kaya ito noon?
Siya namang madaling magselos at magalit ay naniwala agad.
Pero hindi niya alam paano mag simulang kumonek ulit sa dalaga.
Kaya nag isip siya ng paraan.
Nag text siya sa dalaga pero pretending he is a friend of his brother Miguel at nag tatanong ng numero ni Miguel.
Doon muna siya mag tatanong sa kapatid para alamin ang lahat.
‘Magandang gabi po. Classmate po ako ni Miguel. Maaari po bang hingin ang numero niya? may group project po kasi kami at hindi ko po siya makontak. Maraming salamat po!’ , ang laman ng text niya sa babae.
Nag reply naman ito kaagad.
‘Wow! ang bilis mag reply’ sa loob-loob ni Jay.
‘Hi! Ito yung numero ni Miguel 0907489702. Please Kumbinsihin niyong gumawa at mag participate sa project para matuto, lagi lang iyong nasa computer kasi. Salamat!!’
Si Kim nga ito! kahit sa text ay naririnig niya ang boses ng babae.
Parang matatawa na maiiyak si Jay.
Nag reply pa siya. ‘Okay po. Maraming salamat’
Tiningnan niya ang orasang pambisig alas 8 ng gabi that means umaga sa Pinas.
Sana ay sagutin ng binatang kapatid ni Kim ang tawag niya.
He dialed his number at nag ring ang kabilang linya. Ilang ring pa ulit at sa wakas ay sumagot ang binata.
“Hello?”
He clears his throat first.
“Miguel it’s me Jay”
Walang sagot sa kabilang linya. Tapos narinig niya sa background ng binata na may kausap itong iba “Teka lang may kausap pa ako!” sigaw nito sa background.
“Hello! sorry no! ano po iyun ulit?” sabi naman ni miguel.
“Migs, its me James Perez! may tanong lang ako sandali lang ito”. anas niya. Takot baka ibaba na ng binata ang telepono.
“James? you mean Jay the CEO?” , pagklaklaro nito.
“Oo ako ito!” sagot pa niya.
“Tungkol saan po ba? ang tanong mo po sir? wala akong ginawang mali sa school ha!”
Natawa naman si Jay sa kausap.
“Huwag kang mag-aalala, tungkol ito sa ate mo!”
“Ah, si ate pala! teka may ginawa bang mali ang ate ko?”
“Wala naman! may tanong lang ako tungkol sa ate mo!”
“Ah, okay?”
“Kailan pa nag palit ng numero ang ate mo?”
“Ah! nawala niya kasi ang telepono niya ng minsang namalengke kami, mga almost 2 years ago na rin po! gusto mong number ng ate ko?”
“Ah kaya pala hindi ko siya makontak noon”, pag-kompirma niya.
“hindi na, meron na akong kopya ng numero niya”, dagdag pa niya.
“Ah, okay po.”
“Migs, last question nalang. May boyfriend na ba ang ate mo?” hindi na siya nagdalawang isip na magtanong dito.
“Naku! allergic ata sa lalaki iyon, o di kaya’y man heater! Tinataboy lahat ng manliligaw. Kaya walang boyfriend iyon since birth!” sagot ng binata.
“Gusto mo ba ang ate ko? Kung gusto mo, tulungan kitang manligaw!” anas pa ng binata!
“Yep, gusto ko ang ate mo! pero ako ng bahala doon. Huwag mong sabihin sa ate mo ang tungkol dito ha? sekreto lang ito, okay?”
“Okay, sige! Kuya! kailangan ko ng ibaba ang tawag, may tanong ka pa po ba?”
Natawa ng bahagya si Jay sa tawag sa kanya ni Miguel, nakiKuya na nga ito kaagad.
“Sige Migs, salamat!” at naputol na ang linya.
Napabuntong hininga na lamang si Jay. Bukas na bukas din ay aayusin niyang makauwi na ng Pinas.
****
Si Kim sa kabilang banda ay tahimik habang nagmamaneho ng sasakyan pa uwi.
Mabigat ang puso dahil sa masamang balita. Masamang balita para sa kanya lamang.
At habang nagmamaneho ay nabuo ang desisyon na mag resign na at luluwas ng Maynila. Baka doon tuluyan na siyang makalimot dahil bago ang kapaligiran, walang imahi ng multong si Jay.
Pagkadating sa bahay ay agad nag sulat ng resignation letter si Kim.
Hindi na muna niya pagsasabihan ang mga magulang sa plano niya.
Napansin ng Ina niya na matamlay siya habang kumakain.
“Kim, anak? may sakit ka ba?”
“Ah, wala po Nay, maayos ako, napagod lang sa maraming trabaho sa opisina!”, anas niya na pinilit na pasiglahin ang tono.
“Siyasige. Magpahinga ka na pagkatapos kumain!”
“Opo, Nay!”
At dumiritso na nga siya sa silid pagkatapos kumain.
At pilit matulog pero hindi siya dinadalaw ng antok.
Kaya binuksan niya ulit ang laptop at nag open ng app doon.
Tatapusin na lamang niya ang sinulat na nobela.
***
Kinabukasan ay maaga pa rin si Kim na nagising at pumasok sa paaralan kahit halos madaling araw nang nakatulog.
She will submit her resignation personally later.
Nang makakita na ng pagkakataon ang dalaga ay nagpunta na siya sa CEO’s office.
Kumatok na muna siya bago pumasok sa loob.
“Kim! what I can do for you?”, midyo gulat pa si Jenny na napasyal ang dalaga sa opisina niya.
“Magandang tanghali Miss Jen!”, panimula niya.
At ibinigay na nga niya ang resignation letter dito.
Nagulat si Jenny. “Why you are resigning? tell me if may hindi ka gusto dito o may gusto ka ba?” anas pa ng dalaga.
“Naku! wala Ms Jen. Personal po ang rason”, sagot niya dito.
“Is it about Heart problem?”
“Hindi naman Ms Jen. Nais ko lang na tuparin ang isa ko pang nais gawin kahit noon pa ang mag trabaho sa malaking kompanya sa Maynila. Gusto ko lang ng Fresh Start, yung tipong hindi pamilyar ang lugar maging ang mga tao”, mahabang salaysay niya.
Tumango-tango si Jenny.
“Naiintindihan kita! sometimes ganoon din kasi ako, madali kasi akong mabored, at pagkailangan ng breather ay gusto ko rin bagong paligid mga bagong tao ang makakasakamuha”. sagot nito sa kanya.
“Tinatanggap ko ang resignation mo, pero hindi ito effective agad-agad dahil hahanap pa kami ng ipapalit sa iyo, Kim. At sana nga ay makahanap kami ng kasing galing mo. Kaya this will be effective next month pa.”
Tumango si Kim. “Okay lang sa akin Ms Jen! Maraming salamat sa pag-intindi!”
“Pero you are very much welcome if you like to come back, after all this is your alma mater!”
Napa Smile si Kim. Ang babait talaga ng mga Perez sa kanya. “Tatandaan ko iyan, Ms Jen!”
Nag kwentuhan pa sila ng kaunti bago umalis si Kim sa opisina ni Jen.
Nang araw na iyon ay umuwi si Kim na may pag-asa sa puso. Pag-asang makakalaya na siya sa Multo ng binatang hindi na nagparamdam.