A Dangerous Man

961 Words
Klint’s POV Unang kita pa lamang niya sa babaeng nag ngangalang Kimberly Dela Cruz ay nahulog agad ang loob niya. Unang araw yata ng babae sa trabaho ng unang makita niya ito. Nagtatanong sa kanya kung anong floor ang sa accounting department. Nauna siya ng ilang buwan sa babae na makapasok sa kompanya kaya alam na niya ang pasikot-sikot doon. Na assign siya sa Admin department habang ang babae ay sa accounting at financial department. Mula noon ay laging maaga na siyang pumasok ng trabaho para maabutan lamang ang dalaga doon. At kahit sa elevator man lamang ay makita at makasama niya ang magandang babae. Marami ang nagpapalipad hangin sa babae ngunit walang niisang nagtagumpay. Hindi tumatanggap ng manliligaw ang babae. Iwan nila kung bakit. May nobyo na yata ito, ang sabi-sabi ng iba. Kaya siya ay inilihim na lamang ang paghanga. Mas piniling mahalin ang babae sa lihim. Ngunit habang tumatagal ay lalo lamang tumitindi ang nararamdaman niya sa babae. Maligaya siya tuwing mag smile ito sa kanya o di kaya’y bumati pabalik sa kanya. Minsan pa nga ay sinusundan niya ito mula sa trabaho pauwi sa bahay nito. Just to see her more. Hanggang isang gabi. Dahil sa hindi makatulog at laging laman ng isip ang babae ay nagpasya siyang puntahan ang babae. alas 10 na iyon ng gabi. Pagdating doon ay may ilaw pa ang bahay nito. Nagpasya siyang doon na muna magpapalipas ng ilang minuto. Hanggang sa may kotseng pumarada sa tapat ng bahay. Bumaba ang babae mula doon na mukhang lasing na lasing. Bumaba rin ang isang matangkad na lalaki. Hindi niya naaninagan ang mukha dahil naka talikod sa kanya. Na alarma siya. Sino itong lalaking kasama ng babae? Gusto niyang sugurin ito , Ngunit nakita niyang inalalayan naman ng lalaki ng buong ingat si Kimberly Hanggang makapasok na ito sa bahay. Ito kaya ang boyfriend ng babae? Nag-antay pa siya ng ilang minuto. Ngunit hindi pa lumalabas ang lalaki mula sa bahay ng babaeng mahal. Kinakain na ng matinding selos ang puso niya. Hanggang mga kalahating oras ay bumaba na rin sa wakas ang lalaki. Nakita na niya sa wakas ang mukha nito. Pamilyar sa kanya ngunit hindi niya kilala. Parang nakita na niya ito somewhere. Nang Makaalis na ang lalaki ay palihim niyang chineck ang pintoan ng babae, nakalock ito. Hindi na rin siya nag tagal at umuwi na rin na mabigat ang damdamin. *** Lunes Balita sa buong kompanya na dadating ngayon ang anak ng CEO. Hindi pa nila nakita kailanman, kaya excited ang lahat na makita ito lalo na ng mga kababaihan. At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang lalaking naghatid kay Kimberly ng gabing iyon. James Paul Perez. Kaya ba hindi tumatanggap ng ordinaryong manliligaw ang babae dahil may-ari ng kompanya ang gusto nito? Namuo ang puot sa puso niya para sa lalaking karibal niya. Kahit alam niyang hindi siya kapantay dito. Mas lumala pa ang puot niya ng isang hapon ay sinundan niya si Kimberly sa bahay nito. Hindi siya umaalis hangga’t hindi pa pinapatay ni Kimberly ang ilaw, ibig lamang sabihin noon ay tulog na ito. pero ng gabing iyon ay nakita na naman niyang dumating ang kotse ng binata. Bumaba ang nakaposturang lalaki at pumanhik sa itaas. At maya-maya pa nga ay bumaba na ang dalawa, Inalalayan pa ng lalaki ang napakagandang babae, mas gumanda ito ng may make up at naka dress. At sumakay na sa kotse. Mas umigting ang selos at galit niya sa dalawa. Mukhang may date ang mga ito ngayong gabi. Kaya sa galit niya at kinontak niya ang kaibigang gangsters. Binayaran niya ang mga ito upang looban ang bahay ng babae. Binigyan ng instraksiyon na kunin lahat ng pweding maibintang gamit at sa kanila na ang mga iyon. At sulatan ng babala ang babae. Kahit paano ay naibsan ang galit niya ng mabalitaang tagumpay ang mga kaibigan. Sana’y ang mga ito sa mga ganoong bagay. Hindi naglalagay ng ibedensiya, walang finger prints at nakatakip ang mga mukha kaya mahirap ma trace, mahirap hulihin. Mabuti na lamang din at siya man ay laging natatakpan ng Cap ang mukha niya sa tuwing paparoon sa lugar ng babae. Kaya kahit itrace nila at papanoorin ang cctv footage ay hindi siya mamumukhaan. Palagi rin siyang nakatago sa hindi abot ng cctv. Kampanti ang lalaki na hindi siya mahuhuli. At ngayong araw na ito, ay nakasabay pa nga niya ang babae na bumaba sa elevator, na bihirang mangyari. Hindi niya nakasabayan ito kanina sa elevator. At kahapon ay leave daw ito, sabi ng kaibigan niya na nasa parehong department ng babae. Binati niya ito at binati rin naman siya nito. Ngunit napansin niyang aloof ito at parang hindi sumasabay sa conversation nila. Hanggang sila na lamang dalawa ang naroon sa elevator. Hindi siya bumaba sa ground floor bagkus ay sinundan niya ito sa basement. Iwan niya kung bakit basta na lamang nagawa niya iyon. Wala siyang balak na masama dito. Gusto lang niyang makasama o makausap kahit saglit ang babae. Ngunit napansin ata ng babae na sinusundan niya ito kahit kalma lang siya at parang casual lang na naglalakad. Nakita na niya ang James Perez sa unahan. ‘Ah! ito pala ang kasabay na mananghalian ng babae. Wala itong lakad pero may ibang lalaking kasabay sa lunch ngayon! ang lalaking karibal!’ Lumihis na siya ng direksyon at kinuha ang susi sa bulsa. Mabuti na lamang at dala-dala niya ang lumang kotsi ng ama. At insakto namang nasa hilira na siya ng nakaparadang kotse. Sumakay na siya dito at mabilis na pinasibad ang sasakyan. Bahala na kung saan siya dalhin ng manibela basta makalusot lamang siya doon. Siguradong mag susumbong ang babae at siguradong rereviewhin ang cctv footage. Mabuti na lamang at mabilis at matalino siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD