Jay’s POV

2288 Words
Jay’s POV “Okay fine! ihahatid nalang kita sa bahay!” “How about your lakad?” tanong ni Jenny. “I’ll find a way!” anas ng binata. Pero baka paalis na rin si Kim sa mga oras na iyon kaya ay kinuha niya ang cellphone at nag text sa dalaga. Ngunit walang sagot ni isa. “Jenny! Let’s go! sa bahay mo na iyan kainin, nagmamadali ako!” “Ha? kuya naman gutom na ako!” reklamo na naman ng kapatid niya. “Kung gusto mong sumama sa akin, bitbitin mo na iyang pagkain. Tara na!” Padabog namang kinuha ng babae ang dalang pagkain. Mabilis silang naglakad patungo sa parking area. “Jen, sa backseat ka muna sumakay, may dadaanan tayo!” Hindi na nagsalita pa ang dalaga at tumalima na lamang, bad trip na ito dahil nagugutom. “Sorry kung gutom kana talaga, you can eat your food sa backseat but make sure don’t get messy”, sabi na lamang ng binata dahil kilala niya ang kapatid, she will throw a tantrums kapag gutom na. Biglang nag iba ang mood nang dalaga. “Yay! thank you kuya!” at hindi pa man sila nakakaalis ay kumain na talaga ito sa kotse. Pagdating sa labas ng school ay nagpalinga-linga si Jay hinahanap si Kim baka naroon lang ito sa paligid ngunit wala kaya dumiritso siya sa terminal. At hindi nga siya nagkakamali naroon si Kim nag-aabang ng masasakyan. Ngunit nakita rin niya ang isang lalaking lumapit kay Kim at may inaabot na bulaklak sa babae. Nakita niyang masayang tinanggap ni Kim ang bulaklak. Biglang gumuhit ang selos sa puso ng lalaki. Napakuyom ang mga palad. Minamasdan niya ngayon mula sa malayo ang babaeng espesyal sa puso niya na masayang nakikipag usap sa ibang lalaki. May nagmamay-ari na ba ng puso ng babaeng mahal niya? huli na ba siya? Naramdaman niyang dumukwang ang kapatid mula sa likod para suriing mabuti ang mukha niya. “Kuya! naiiyak ka na oh!?”, biro nito sa kanya, pilya talaga tung kapatid niya. Nakita nito ang babaeng tinatanaw niya ngayon. “kuya, its the same girl from before huh?! its time to change strategy kuya! dahil palagi kang nauunahan ng iba!”, anas pa nito. “Shh.. tumahimik ka nga!” naiinis na ang binata, ang selos na nararamdaman ay parang sa kapatid ibinunton ang galit. “Advice nga lamang eh! ang hina-hina mo kasi kapag usapang pag-ibig!”, hindi pa tapos si Jenny. At nakita nga niyang magkasama ng umalis ang dalawa. At doon nag snap sa galit at sa tindi ng selos ang lalaki! “Damn!” at hinampas pa niya ng malakas ang manibela. Nagulat naman si Jenny sa likod. Tumahimik na ito at hindi na kinukulit ang kapatid. Alam na niyang seryoso ang kapatid at talagang galit na kapag ganito na. *** Pagka-uwi ng bahay ay agad humiga sa kama niya si Kim. Napagod ang katawan, puso at isipan. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang huling text ni Jay. Bakit ba ito gustong sunduin siya kung may kasama itong ibang babae? a. Ipapakilala siya sa girlfriend nito para hindi na siya mag assume. b. Hindi ito GF niya kundi kapatid o kapag-anak kaya hindi hadlang para sundu-in man siya ng binata. c. pagselosin siya ng husto na gaya ngayon. d. None of the above. Para na siyang baliw sa pag iisip ng kasagutan. ‘Ah! basta sa ngayon ay balik tayo sa focus sa pagtatapos ng pag-aaral at kunin ang lisensiya at ng makapagtrabaho sa malayo! Huwag munang mag boyfriend at kalimutan ang mga sagabal na nakakasakit ng puso!’ Sa isipin ay parang gumaan ang saloobin ng dalaga. Nagbihis na siya at bumaba para tumulong sa kusina. Sa kabilang banda sa Mansiyon. Bad trip pa rin si Jay. Nag seselos siya sa lalaking kausap kanina ni Kim. Nagagalit din siya sa sarili at kay Kim dahil sa hindi ito nakapag antay sa kanya. Pero narealize din niya na baka nga hindi alam ni Kim ang nararamdaman niya. Halos sabunutan niya ang sarili. Ang tanga lang! Ang bobo talaga niya pag dating sa usapang pag-ibig. Tama nga si Jenny. Ang hina-hina niya kaya nauunahan ng iba. Napagturingan pa naman siyang matalino pero pagdating sa usaping puso ay ang bobo niya, natotorpi din siya sa babae. Napaka Seloso kasi niya at possessive kaya madali siyang magalit kapag may ibang tumitingin lalo na’t hahawak sa mga bagay na sa kanya. How about Kim? Hindi niya naman pag-aari ang babae pero grabi ang galit niya kanina. Hindi na niya alam kung anong gagawin ngayon. kaya hito siya at nilulunod sa alak ang lahat para makalimot at makatulog. *** Sa mga sumunod na mga araw ay parehong nilunod nila ang mga sarili sa trabaho sa paaralan kahit nasa iisang building lang ay hindi nag kikita ang dalawang may parang silent war. Si Kim ay talagang maingat at seryoso na ayaw ng makita ang lalaki at tuluyan ng kalimutan ito, kahit impossible iyon. Si Jay naman ay hindi pa alam anong gagawin. Hindi niya alam kung saan lulugar o saan mag sisimula. Sa kabila ng pagiging masayahin at palabiro sa mga barkada ay ang totoong siya na natotorpe sa babaeng gusto. Gusto niya si Kim sa una pa lamang kita niya nito. Siguro ay dadating din siya sa puntong seseryosohin at talagang ipush through ang panliligaw sa babae , dahil wala naman talaga siyang ibang babaeng gusto kundi si Kim lang simula’t simula. Pero sa ngayon ay mag fofocus na muna siya sa Negosyo, marami pa siyang dapat matutunan sa larangan ng pagnenegosyo at napakalaki ng negosyong dadalhin niya. **** Mabilis lang nagdaan ang mga buwan at graduation na nga ni Kim. Sa wakas ay unti-unti ng natutupad ang mga pangarap niya. At tulad ng inaasahan ay siya ang nakakuha ng pinakamalaking marka. Si Kim ang Summa c*m Laude ng buong BS accountancy. All her efforts and sacrifices were paid off. Pati ang mga sakripisyo at pagsusumikap ng mga parents niya ay hindi nasayang. Sa araw na iyon ay graduation rites na nila. Masaya at excited ang pamilya lalo na ang mga magulang ni Kim. Nasa event hall na sila at anumang oras ay magsisimula na ang processional march ng mga graduate students kasama ang mga proud parents. Habang nag hihintay ay nakita ni Kim ang pagdating ni Jay kasama ang lolo nito at ang babaeng nakita niya noon, na pinagseselosan niya, na sa tingin niya’y GF ni Jay. Hinala lang naman pero grabi talaga ang selos niya sa babae. Ni hindi niya alam kung may pagtingin si Jay sa kanya. Ang gaga lang talaga ano? Ngunit ng araw na ito, ay isasantabi niya ang anumang damdamin. She will enjoy this precious moment of celebration, her harvesting the fruit of her effort and hard labor. Hindi na nagtagal ay nagsimula na ang programa. Si Jay ang nag opening remarks. Mahaba-haba rin ang salaysay ng binata, wenelcome ang lahat , nagpasalamat sa lahat at nagbigay payo at inspirasyon sa mga kabataan at mga magulang iyon ang laman ng mensahi ng binata. Patapos na ito sa kanyang talumpati ng iwan kung sinadya ng binata na ipakilala sa lahat ang babaeng kasama at ganoon na lamang ang gulat ni Kim. “At bago ko tapusin ang aking talumpati ay nais kong ipakilala sa inyo ang aking nag iisang kapatid, Si Jenny Perez!”, na iginiya pa ni James ang kamay paturo sa babaeng maganda at sexy na ngayon ay nakatayo na dahil ipinakilala sa maraming tao. “Si Jenny ay magsisimula ding magtatrabaho dito sa paaralan natin para paglingkuran kayo simula sa susunod na pasukan, sana ay pakisamahan niyo rin siyang mabuti, maraming salamat po ulit sa inyong lahat”, dagdag pa ng binata. Palakpakan ang lahat ng tao. Napapikit si Kim. Kapatid pala ng mukong ang matagal na niyang pinagseselosan. Talagang Self inflicted lang talaga ang paseselos niya. Siya- siya rin ang may gawa. Gaga! Nakita niyang nakatingin sa kanya ang lalaki. Yumuko na lamang siya, nahihiya sa mga pinagagawa sa sarili noon. Hanggang sa awarding na ng mga excellent students. Halos hinakot na ni Kim ang lahat ng medalyon, mabigat na sa leeg ang lahat ng awards na nakuha niya. Isa-isang nakipagkamay sa kanya ang mga malalaking tao na nasa stage, kasama si Don Franco, yung Jenny at pati si Jay. “Congratulations iha! may regalo ako sa iyo, ipahahatid ko sa bahay niyo mamaya!”, wika ng matandang Don. “Naku! maraming salamat ho Don Franco!” Sunod noon ay si Jenny. Nagulat si Kim dahil agad - agad ay binibiso siya ng babae. “My kuya has a good eyesight! maganda ka nga lalo sa malapitan!”, anas nito sa napaka jolly na boses. Napatingin tuloy si Kim sa katabing lalaki. Jay just look away and clears throat. “Maraming salamat!”, maikling sagot niya sa babae. Inilahad naman ni Jay ang kamay para sa babae. Tinanggap niya ito. Naramdaman niyang pinisil iyon ni Jay ng malumanay. Nagtagpo ang tingin nila. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa magandang mukha ng binata. He suddenly leaned forward at inilapit ang mukha sa mukha niya and he whispered in her ears. “Congratulation Kim! I am so Proud of you! and goodluck in chasing your dreams! if you ever need help I am just a call away!”, anas pa ng binata sa kanya. At sa ganoon lang na gesture ng binata ay nawasak lahat ng pader na ilang buwan niyang binuo para dito. Namula ang babae. Kinilig o na touch hindi niya na alam kung ano iyon. “Maraming salamat!”, maikling sagot niya dito. Binitawan na ni Jay ang kamay niya. Na wari’y nag pabalik sakanyang kamalayan. Na overwhelmed kasi siya kaya halos hindi na humakbang ang mga sariling paa kanina. At naglakad na siya pababa ng stage at pabalik sa upoan niya. Bitbit ay ang mabigat na mga medalya sa leeg ngunit ang puso at kalooban ay masaya at magaan. *** Pagkatapos ng graduation rites ay umuwi na agad ang mag-anak, meron silang salo-salo na inihanda doon, at invited lahat ng kapit bahay. Masaya ang lahat , masasarap ang inihanda nila meron pang lechon baka at lechon baboy. May pa karaoke din siyempre ang lola niya. Nasa kalagitnaan na sila ng kasiyahan ng dumating ang pamilyang Perez, naroon si Don Franco, si Jenny at pati si Jay na hindi inasahan ng lahat. Malugod na tinanggap ng ama niya ang mga bisita. Si Kim ay dali-dali ring lumabas para salubungin ang mga bagong dating. Pero ang nakita niyang pumasok sa loob ng bahay nila ay ang matandang Don lamang. Nagpalinga-linga pa siya tila may hinahanap na iba. “Iha! I am here not just to celebrate along with you all but also to gave you our gifts”. sabay abot sa hawak na sobre, dalawa iyon. “Naku! maraming salamat ho Don Franco!”, anas niya sabay tanggap sa mga iniabot. “You can open it iha!” anas pa ng matandang don. Dali-dali namang tumalima ang dalaga. At ganoon na lamang ang gulat niya, Cash Gift worth 500,000 pesos iyon at ang isang sobre ay kontrata! Kinukuha siyang empleyado ng mga ito, Hired na kaagad siya, siya pa ang mamili saang kompanya siya ng pamilya gusto magtrabaho. “Naku! labis-labis naman po ito Don Franco! maraming-maraming salamat po dito!” “You deserve that iha!”, sabi naman ng matanda at nagkamay pa sila, pati ang ama ay kinamayan din ng matanda sabay sabing congratulations. Narinig niyang nagkakasiyahan sa labas. At narinig niyang may boses ng babae na parang naghahandang kumanta sa concert. “Common everybody! Wala ba kayong mga kamay!”, sabi pa nito sa microphone. Umalingaw-ngaw ang boses sa speaker. Hiyawan at palakpakan naman ang mga tao. Lumabas na ng bahay si Kim para alamin ang nagaganap sa labas. “Chill out, what ya yellin' for?” panimulang kanta ng babae. Napangiti si Kim ng makitang si Jenny iyon, game na game na kumakanta sa karaoke. Nakita rin niya si Jay na hindi na makatanggi sa pag aalok ng inumin galing sa mga kapit-bahay nila sa di kalayuang mesa. Halos matawa na si Kim sa hitsura ni Jay, isang matayog na CEO ng malaking kompanya pero hindi makatanggi sa inuman ng kanilang mga ka-barangay. Nagpatuloy ang pagkanta ng dalaga, may magandang timbre ng boses ang nakababatang kapatid ni Jay kaya hiyawan at palakpakan na naman ang mga tao! like she is a real artist! Nag simulang mag enjoy din si Kim sa kanta ni Jenny, napapalakpak din siya dito. Hanggang sa nakita siya ng babae at hinila sa kamay patungong harapan ng mga tao! “Lets givin’ up to our Summa c*m Laude! Let’s gave her around of applause!”, parang emcee sa show na pagpapakilala ni Jenny sa kanya. Palak-pakan at hiyawan din ang mga kapitbahay nila. Binigay ni Jenny ang microphone sa kanya at nag gesture kay Kim na kumanta. At wala ng hiya-hiya pa, tonight is her celebration kaya nararapat lamang na hindi siya killjoy. Kaya kumuha ng maraming hangin ang dalaga upang kantahin ang nalalapit na chorus ng kasalukuyang kanta. Hiyawan ang mga tao, may maganda at powerful singing voice din siya na namana sa lola niya. Nakita niyang nakatanaw sa kanya ngayon ang lalaki. Iwan kung imagination lang niya iyon, pero parang paghanga ang nakikita niya sa mata ng binata. Kumuha na ng isang microphone si Jenny at nakipag duet na sa kanya sa iisang kanta. Hindi din pahuhuli at wariy kompetisyon iyon. Nang matapos ang kantang inawit nila ay lumapit na sa kanya ang binatang nakatitig lang sa kanya kanina. Bigla tuloy kinabahan si Kim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD