The war begins!

1745 Words
At dahil bago si Kim sa Lugar nila ay hindi pa niya kabisado ang lugar kaya nagpasya siyang mamasyal- masyal sa di kalayuan na mag isa. Hanggang napako siya sa isang malaking bahay doon. “Oh? may mansiyon pala dito sa probinsiya?” anas niya sa sarili. Tumitingin-tingin siya sa paligid. Walang katao-tao. Kaya nagpasya na siyang umalis, baka ay haunted house iyon, midyo may kalumaan pa naman iyon. Ngunit hustong pag lingon niya ay sapol ang mukha niya, isang bola ang lumipad na hindi alam ni Kim kung saan nanggaling, tinamaan siya ng bola sa mukha at agad siyang natumba. Na shock yata ang katawan niya dahil hindi siya nakagalaw, dilat ang mata niya pero nakahiga lang siya, alam niyang nakadilat siya dahil langit ang nakikita niya ngayon. “Oops!” narinig pa niya sa di kalayuan at tapos mga yabag sa damuhan naman na papalapit ang kasunod na narinig ni Kim. At maya-maya pa ay isang magandang mukha ang sumilip sa paningin niya. Naglahad pa ito ng kamay para tulungan siyang tumayo pero ang bibig ay may nang uuyam na ngiti. Pagkakita ni Kim sa ngiti nito ay umusok yata ang ilong ni Kim, alam niyang sinadya nitong batuhin siya ng bola. Hindi niya tinanggap ang kamay, kundi hinampas niya ito ng malakas. “Ouch!” sabi pa ng lalaki. Kusang tumayo ang dalaga. “Sinadya mo akong patamaan ng bola mo ano?”, pang uusig niya dito. “Hindi ah! hindi ako…” hindi pa natapos ng binata ang sasabihin dahil nakita niyang kinuha na ng babae ang bola at buong lakas din na binato sa mukha ng lalaki ang bola, at sapul din ito sa mukha. Sa ilong tinamaan ang binata kaya agad lumabas ang dugo sa ilong nito. “What the hell!.. “ anas ng binata, naramdaman nito ang mainit na lumabas sa ilong niya. “Tama lang iyan sa iyo dahil ikaw ang nauna!” sigaw pa ni Kim na galit na galit pa rin, hindi batid na may malaking dumi sa noo niya, at iyon ang nakita ng lalaki kaya natawa ito ng bahagya kanina ng mag offer ito ng kamay. “I said, I didn’t throw the ball at you!” pasigaw na rin sagot ng binata habang sapol pa rin ang ilong na may dugo na. May isa pang lalaki na patakbong sumaklolo sa lalaki. “Jay, you’re okay?” tanong pa nito. At binigyan ng masamang tingin si Kim. “Yeah! I’m alright! tayo na, iwan na natin ang baliw na babaeng iyan!” anas pa ng lalaki at naglakad na ang dalawa papasok sa gate ng mansiyon. “Ah! taga diyan ka palang mokong ka! kaya pala kasing sama ng ugali mo ang sama ng aura ng bahay na iyan!” sambit pa ni Kim na iwan kung narinig pa nito ang pinagsasabi niya. Kinuha pa niya ang bola at inihagis sa gate bago padabog na umalis doon at umuwi na. *** “Sabi ko sa iyo! huwag mong ibato ang bola eh!” pag sisisi pa ni Jay sa pinsang si Jack. “eh, kasalanan ko ba, bigla siyang humarap eh, kaya ayun! sapol sa noo!” may pagmamalaki pang anas ng pinsan niyang maloko. “Pero maganda ang babae ah, ngayon ko lang siya nakita dito!” dagdag pa nito. “Naku! lahat naman ng bago sa mata mo ay maganda!” biro nito sa pinsan. “Hindi ah! maganda talaga yung babaeng nakaaway mo kanina pinsan” “Nakaaway ng dahil sa iyo! loko ka!” “Hayaan mo, babawi ako sa iyo!” Kumindat pa sa kanya ang pinsan, hindi niya alam kung magtitiwala siya dito o baka mapapahamak na naman siya dahil dito. Narito sila sa probinsiya at sa hacienda nila dahil bakasyon sa eskwela, utos ng lolo nila na narito sila para matoto sa pamamalakad ng hacienda kapag walang pasukan. Jay always love the nature, the simple life in the province at ang preskong hangin dito. Ang mga tao din sa probinsiya ay mga mababait at nirerespito sila. Kanina lang sa kauna-unahang pagkakataon na nakaencounter siya ng babaeng napakatapang, siguro din naman ay dahil nasaktan nila ito. Kung makita niya ito ulit ay hihingi siya ng pasensiya dito. *** Pagdating sa bahay ay galit pa rin si Kim. Napansin iyon ng lola niya. “O apo! anong nangyari sa iyo? bakit may dumi sa Noo mo?” “Ha? ano po lola, may dumi sa mukha ko?” Tumango ang matanda. Dali-daling tumingin sa salamin na nasa salas ang dalaga. At iyun nga isang malaking pabilog na dumi ang parang inuukit sa noo niya. Kaya pala pinagtitinginan siya ng mga taong kasalubong kanina, meron pang iba ay pilit itinago ang tawa sa harapan niya. At kaya pala ganoon na lamang ang ngiti ng binata kanina sa kanya. Nakakatawa naman pala ang hitsura niya. “Hindi ko pa rin kasalanan iyon, sila pa rin ang nauna!” bulong niya sa sarili at nagtungo na sa banyo para linisin ang mukha. Iginugol na lamang ni Kim ang buong oras sa hardin ng lola niya at ang pagpapakain ng mga alaga nitong hayop. Nang dapit hapon na ay nautusan siya ng lola niya na kunin ang alagang baka na sumisibsib ng mga damo sa di kalayuan. “Lola, di ko po alam paano iyun gawin!” reklamo niya dito. “Iha! kunin mo lamang iyong tali niya at hilahin, susunod na iyon sa iyo! at dalhin mo sa bahay kubo pagkatapos ha!” “O-opo lola!” hindi na nakatanggi ang dalaga dahil wala naman din ibang gagawa nun dahil hindi pa nakauwi ang ama at nanay niya na nagpuntang bukid, at hindi din siguro kaya ng nakababatang kapatid niya ang magpastol ng baka. Kaya No choice siya kundi hanapin ang baka at iuwi sa bahay kubo nito. Nakita naman din niya ito kaagad, nakatali sa may puno. Nilapitan niya ito. “Moo diyan ka lang ha, at iuuwi na kita, busog ka na naman di ba?” kinausap pa niya ang baka. Lumingon lamang ang baka sa kanya, wari’y walang pakialam at nagpatuloy pa sa pag sibsib ng damo. Tinanggal na niya ang tali sa puno at mahigpit na hinawakan ang dulo ng tali, at baka makawala pa itong baka. Magsisimula na siyang maglakad pauwi ng may tumikhim sa likuran niya, paglingon niya ay ang lalaki kaninang umagang nakaaway niya. Biglang kumulo na naman ang dugo niya pagkakita sa lalaki. Magsasalita na sana siya ng masakit dito ngunit nakita niyang biglang nanlaki ang mga mata ng lalaki at biglang tumakbo papalayo. At huli na ng ma-realized ng dalaga, ang baka na kanina naroon lang sa tabi niya sa hindi kalayuan ay tumakbo rin at sinundan ang lalaki. At ang dulo ng lubid na hawak niya ay nahatak, at dahil hindi handa ang babae sa biglang paghatak ay nabitawan niya ito. Ang lalaki pala ang hinahabol ngayon ng baka niya. Hindi alam ni Kim kung matatawa siya sa hitsura ng lalaki o maaawa. Nakakapit ito ngayon sa puno habang ang kanyang baka ay nasa baba at hindi pa rin tinantanan ang lalaki. “Buti nga sa iyo!”, at hindi na nga napigilan ng babae na tumawa ng malakas. Naawa naman siya dito kaya pinuntahan na niya ang baka at kinuha ang tali dito. Napansin niyang naka Red T-shirt ang lalaki kaya siguro hinabol ng baka. Natatawa pa rin ang babae habang kinukuha ang baka. Takot na takot ang hitsura ang lalaki na nasa taas na talaga ng puno. “Hoyy! ilayo mo yang baka mo! kundi lulutuin ko iyan!” sigaw pa nito sa kanya. “Opo your majesty!” sigaw niyang balik dito at tumatawa pa rin. “Huwag kang mag suot ng pula kung ayaw mong habulin ng baka!” dagdag pa niya dito. At umalis na rin kasama ang baka na hila-hila. Tawang-tawa pa rin si Kim habang papalayo, hila-hila ang baka. **** Jay’s POV Paalis si Jay patungong sentro dahil may pinapabili ang lolo niya, iwan kung bakit siya ang napiling utosan meron naman silang mga katiwala doon. Habang nasa daan ay nakita niya ang babae na naglalakad. Itinigil niya ang sasakyan niya at sinundan ang dalaga, lumiko kasi ito sa may talahiban. Hindi siya napansin nito kahit midyo malapit lang ang agwat ng layu nila. ‘Ah, magpapastol pala ng baka’ , sa isipan niya ng makitang kinukuha nito ang lubid mula sa puno. Natawa pa siya ng kausapin nito ang baka. Tumikhim muna siya bago mag salita. Balak niyang humingi ng despensa sa nangyari kaninang umaga, pag amin niyang may kasalanan sila, nasaktan ang babae kanina sa bola. Ngunit napansin ni Jay na ang baka ay nakatingin sa kanya at pumosisyon ito na parang susuwangin siya. At hindi nga siya nag kakamali. Mabuti na lamang at alerto siya nakatakbo pa siya palayo bago siya tuluyang masuwag nito, yun nga lang ay hinabol pa siya nito. Dali-dali na lamang siyang umakyat sa puno sa di kalayuan, dahil kung hindi ay hindi siya tatan-tanan ng baka. Narinig niyang Bumunghatit ng tawa ang babae. Ang walang hiya, nagawa pang pagtawanan siya, nagawa pang ma-amuse sa nangyari sa kanya, it is a matter of life and death for him. Kung hindi siya alerto baka matusok na siya ng sungay ng baka na iyon at mamatay. Nakita niyang paparating na ang babae at kinuha ang baka. “Hoyy! ilayo mo yang baka mo! kundi lulutuin ko iyan!” sigaw niya dito. Imbis na mag sorry ito ay tinatawanan pa rin siya hanggang ngayon. “Opo, your majesty!” sigaw pa nito pabalik sa kanya. “Huwag kang mag suot ng pula kung ayaw mong habulin ng baka!” dagdag pa ng babae. ‘Oo nga pala, naka red shirt siya ngayon, what a coincidence’, sa isip na lamang niya. Nakalayo na ang babae tangan-tangan nito ang baka. Pero hindi pa rin siya bumababa. ‘Teka! may sungay ba ang baka na iyon?’ na mental block tuloy siya sa sobrang nerbiyos. ‘Meron! hindi nga lang malaki’ sagot ng isipan niya. Para na siyang baliw. Kaya tama parin na umakyat siya sa puno to save his life! Isa pang problema, mukhang hindi na siya makababa sa puno. ‘Anong kamalasan ba ito! ang babaeng iyon ang nagdala ng kamalasan niya’, sa isipan pa rin niya. Kaya binabawi na niya ang planong paghihingi ng sorry dito. If she wants war, I will gave her war! Desisyon niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD