The attraction!

1514 Words
Kinabukasan ay maaga na naman sa bukid ang mga magulang niya , isinama nila si Miguel doon. Kaya siya at si Lola Celia lamang sa bahay. Hindi na kasi pweding iwan mag isa ang matanda sa buong maghapon. “Iha! maaari ba kitang mautusan? naubusan kasi ako ng sinulid, baka ay makabili ka doon sa tindahan” “Opo lola, pwedi naman!” “Siyasige, ibili mo ako ng kulay puti at kulay bughaw na sinulid ha, may damit akong nirerepair kasi!” anas pa ng lola. “Lola, huwag ka ng mag tatahi, ako na lamang ang gagawa niyan, sasakit ang mata mo lalo pag magtatahi ka” Naku iha! wala na nga akong pweding gawin dito sa bahay kundi ang pagtatahi na lamang kaya hayaan mo na ako!” “Sige lola pero huwag kang magpagod ha! Sige ibibili kita ng sinulid” “Maraming salamat apo!” At lumabas na nga siya ng bahay at nagtungo sa pinakamalapit na sari-sari store. Nagpasalamat siyang mayroong sinulid doon sa tindahan dahil kung hindi baka sa nayon pa siya makakabili. Pauwi na siya sa bahay ng may sasakyang parang sinabayan siya sa paglalakad. Huminto siya at huminto rin ito. Nagtaka si Kim kung anong nangyayari. Naglakad muli si Kim ngunit ang mata ay nasa kotsi lamang upang kung anong balak ng driver ay handa siya. Hindi pa umandar ang kotse kahit ilang metro na ang pagitan nila. Ngunit ganoon na lamang ang takot niya ng muling umandar ang kotsi at mabilis ang takbo patungo sa kanya. Sa tingin niya’y sasagasaan siya nito kaya napahiyaw siya. “Ahh..” sabay pikit sa mata. Ngunit imbis na kotse ang bumangga ay tubig ang naramdaman niyang ibinuhos sa kanya. Hindi siya sinagasaan ngunit doon dumaan ang kotse sa parti ng kalsada na may tubig kaya naman lahat ng tubig na iyon sa kalsada ay tumalsik sa kanya dahil sa mabilis itong takbo. Nabasa tuloy siya. “Hoy!” tanging lumabas sa bibig niya. Huminto naman ang sasakyan at bumukas ang bintana nito sa may unahan. At doon lumabas ang ulo ng lalaki at tinawanan siya nito ng malakas. Kumulo ang dugo niya pagkakita sa lalaki. Ang lalaking kaaway niya! “Walang hiya ka! lumabas ka riyan sa sasakyan mo!” sigaw pa niya dito ngunit ay isinirado lang nito ang bintana at pinaharurot ang sasakyan. Mga usok lang ang natira pagkatapos pinasibad ng binata ang sasakyan. *** Nakita ni Jay sa rear view mirror niya ang namumulang galit na galit na babae. Pero hindi masaya si Jay, dapat ay masaya siya at nakaganti na siya dito. Kailangan ba talaga ng ganti? natanong niya sa sarili. Ikiniling na lamang niya ang ulo at iwinaksi sa isipan ang babae. Babalik na rin naman siya sa Manila soon. Hindi na niya ma-eencounter muli ang babae. Nang makarating sa mansiyon ay agad binigay ni Jay ang pinabiling pisa ng sasakyan ng kanyang lolo. Kahit matanda na ito at maraming pera ay ito pa rin ang nagkukumpuni ng sirang sasakyan doon sa mansiyon kahit may mekaniko naman, at kayang -kaya bumili ng bago. Nang gabing iyun ay hindi nawala sa isipan ni Jay ang babae. Bumabalik sa isipan niya ang maganda nitong mukha habang naglalakad sa kalsada noong sabayan niya ito kanina habang nasa loob siya ng sasakyan. Doon lamang niya nakita ng husto ang mukha ng babae. Tama nga si Jack, maganda ang babae. Napakaganda! **** Nagpupuyos pa rin sa galit si Kim ng dumating sa bahay. “O iha bakit basang basa ka?” tanong ng lola niya ng iabot niya dito ang pinabili. “Wala po lola, biglang umulan doon kanina pero tumila rin pagkatapos”, pagsisinungaling niya dito. “Naku! magbihis ka na baka sipunin ka pa niyan” “Opo lola!” at nagtungo na nga siya sa kwarto niya upang magbihis. *** Sa mga sumunod na mga araw ay hindi na muling nag krus ang landas ng dalawa. “Hay! mabuti naman at hindi na nagpakita yung kumag na iyon, kung magpapakita Moo habulin mo ulit ha?!” kausap pa rin niya ang baka. Naroon na naman siya sa damuhan at kinukuha na ang baka dahil hapon na. Naglalakad na sila pauwi ng mapansin niyang may nagkakagulo sa di kalayuan. Nang makarating doon ay nakita niyang buhat-buhat ng isang lalaki ang buntis na babae, manganganak na ata ito dahil hindi na maipinta ang mukha ng babae. At hindi rin nakaligtas ang sasakyan na iyon, ang sasakyang paulit-ulit na minumura niya. Mabilis na isinakay sa sasakyang iyon ang buntis at sumakay rin ang lalaki. Mabilis ding pinatakbo na ang sasakyan pagkatapos. Nang nasa malapit na sa kanya ang sasakyan ay nakita niya ang lalaking kinamumuhian ang siyang nagmamaneho doon. Focus lang ito sa daan hindi lumilingon. Seryoso ang mukha at makikita sa mata ang pag-aalala. “Mabuti na lamang at naroon si Jay at nag kusang dalhin sa hospital” narinig pa niyang sabi ng kapitbahay nila. “Napakabait talaga ng apong iyun ni Don Franco!” dagdag pa ng isa. Napaismid si Kim sa narinig. ‘akala niyo lang ‘yun’, sa isipan niya. Nang gabing iyun ay usap-usapan sa pamilya niya at sa buong barangay yata ang kabayanihan ng binata. Tanging si Kim lang ang hindi na impress sa lalaki. *** Sa Linggong iyun ay may salo-salo sa Mansiyon ng mga Perez sabi ng lola niya. Ang matandang Don ay ang retired Kapitan ng baranggay nila pero kapag birthday nito ay imbitado lahat ng ka-barangay. Literal na buong barangay ang bisita. Imbitado ang lola at ang buong pamilya. “Hindi po ako sasama sa inyo ‘la! “ pagtanggi ni Kim sa lola. “Bakit naman apo, at ng makilala ka ng mga taga barangay natin pati ng mga apo ni Don Franco” “Masaya ang handaan, apo!” dagdag pa nito. “Kimberly, hindi kami makakadalo alam mo namang busy pa rin kami ng nanay mo sa bukid, kaya samahan niyo ang lola niyo sa Mansiyon” , sabi pa ng ama niya. “Tay si Miguel na lamang ang sasama kay lola” “Uy, bakit ako lang, tayo nga ang sinabi ni Tatay no!” “Pumunta ka na iha! para may magbantay sa lola niyo, alam mo naman itong si Miguel puro laro lang ang nasa isipan, baka mapano ang lola niyo doon atleast nandiyan ka ‘nak!” malambing na wika ng nanay niya. At doon hindi na nga nakatanggi ang dalaga. Maagang umalis ang nanay at tatay niya, ang salo-salo naman sa Mansiyon ay sa tanghalian. Mga alas 9 pa lamang ng umaga ay busy na ang lola niya sa paghahanda ng maisusuot, talagang excited. Socialera siguro itong lola niya noong kabataan. Siya naman ay halos hindi kumilos. Nasa salas lang siya at nanood ng tv. Nakita na lamang niyang bihis na bihis na ang lola niya pati si Miguel. Pagcheck niya ng orasan ay alas 10 na pala ng umaga. “Magbihis kana apo! hihintayin ka namin”, utos ng lola niya. “Sige po!” matamlay na sagot niya dito. Dumiritso na siya sa kwarto niya. Nakaligo na naman siya kaninang umaga at nakatoothbrush na rin kaya diritso na lamang niyang sinuot ang sunday’s dress niya. Bulaklakin iyon na Aline ang skirt, ruffled design ang sleeve, off shoulder at hanggang tuhod ang haba ng dress. Nag pulbo lang siya at nag lip tint. Pinasadahan ng suklay ang makintab at mahabang buhok. At ready na siya wala pang 10 mins. Pagbaba niya sa hagdan ay napatingin ang lola niya sa kanya. “Ang ganda ng apo ko! sa akin ka nagmana!” pabiro pa nito sa kanya. “O siyasige! tayo na mga apo!” At umalis na nga silang tatlo, maglalakad lang sila kasi wala naman ding masasakyan sa lugar nila at walking distance lang din naman ang layu ng mansiyon. May mga kasabayan pa silang mga kapitbahay din. “Ito na ba ang apo mo Celia? ay kagandang bata ah! Mana sa ina ano?” sabi pa ng isang may edad na ring babaeng kapit bahay. “Abay Oo si Kimberly apo ko! at sa akin iyan nagmana ng ganda, noong kabataan koy ganyan din ako kaganda!” biro pa nito sa mga kapit bahay. Nagkatawanan pa ang mga magkakapit bahay. Hindi naman nag tagal ay naroon na sila sa mansiyon ng mga Perez. Puno ng mga mesa ang malawak na bakuran nito. May musika na rin na pinapatugtog, Parang fiesta sa nayon ang vibes noon kahit birthday naman ang selebrasyon. Naupo na rin sila sa mahabang mesa kasama ang mga kapitbahay. Marami rami na rin ang dumating na mga bisita. Nagpalinga-linga si Kim at nakahinga ng maluwang ng hindi makita ang binatang kaaway, galit pa rin siya dito. At hindi nga nagtagal ay naroon na ang Emcee sa pinaka entablado doon, hudyat na magsisimula na ang party. At ilang segundo pa ay ipinakilala na nito ang birthday celebrant. Palak pakan naman ang mga tao doon. At sa isang iglap ay napako ang tingin ni Kim sa isang binatang naglalakad palabas ng mansiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD