Fallin’ for you!

981 Words
Lumabas ang Don galing sa loob ng mansiyon kasama ang dalawang apo nito pagka-announce ng pangalan nito. Nakita ni Kim ang lalaking kinamumuhian. Napakaguapo nito sa suot na black polo shirt at black pants, at dahil maputi ang lalaki ay lalong tumingkad ang kulay ng balat nito, preskong tingnan sa buhok nitong brinush-up with Gel. Ang isa pang lalaki ay guapo din sa suot na white polo at khaki color pants, pero mas pabor ang mata ni Kim sa naunang lalaki. Umiling-iling si Kim, bakit ba pinagkumpara niya sa isip ang dalawang binata. At bakit tela nawawala na ang galit niya sa puso, napapalitan na yata ng paghanga. Hindi maaaring maattract siya dito. Walang hiya ang lalaking iyan, parang pag remind niya sa sarili. At mula sa isiping iyun ay tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaki na nasa di kalayuan. At siya namang pag lingon nito sa gawi nila kaya nagtama ang mga paningin nila. Mabibigat din na tingin ang ipinukol ng binata sa kanya. Kung meron mang mga power lightnings na lumalabas sa mga mata nila, siguradong nag-clash na ito. Umupo na sa unahang silya ang mga lalaking apo habang ang Don ay kinuha ang mic at nagsalita sa entablado. Welcome at thank you speech ang ginawa nito. Ang matanda kahit may edad na ay makikita pa rin ang tikas ng tindig, kahit may mga wrinkles na ay naroon pa rin ang bakas ng pagiging magandang lalaki. Masasarap ang pagkain na inihanda doon. Parang Fiesta nga sa dami ng tao. “Lola, diyan ka lang at ako na ang kukuha ng pagkain mo ha!” “Sige apo, salamat!” Tumindig na si Kim at nagtungo sa buffet area. May pila pa kaya nakikipila na rin siya. Nang malapit na siya sa mga pagkain ay natarget lock na niya ang nag iisa na lamang na grilled fish para sa lola niya. Akma na niyang kunin ito pero naunahan siya ng taong nasa likuran niya. “ano?..” at napalingon siya bigla sa likuran niya, at muntik pa siyang mabuwal ng bigla siyang umatras ng mapansing napakalapit lang pala nila ng lalaking kinamumuhian? Mabuti na lamang at maagap ito at nasalo agad siya, ang kamay nito ay nasa likuran niya, habang ang isang kamay ay hawak pa rin ang plato nito na naroon na ang isdang gusto sana niyang kunin. Napatingin si kim sa mukha ng lalaki ganoon din ang lalaki sa mukha niya. “oii….” narinig nila sa mga tao sa paligid. Kaya dali-dali ng tumayo ng tuwid si Kim. Imbis na tarayan niya ang lalaki ay hindi na lamang kasi nasa kanila ang mga mata ng mga tao sa paligid. Nanunukso pa ang mga ito. Binalewala na lamang niya ang lalaki, trinatong hindi nag eexist. Hindi siya nagpasalamat dito sa pagsalo sa kanya ng muntik ng mabuwal at hindi rin siya nagalit dito ng kunin nito ang gusto niyang ulam. Nagpatuloy si Kim sa pagkukuha ng ulam. Pinili na lamang niya ang mga gulay na nandoon at mabuti na lamang at may fish fillet pang natira. Bawal na kasi sa lola niya ang karni at masisibong pagkain. Kumuha lamang siya ng fruits at iilang deserts for her, iyun lang ang kakainin niya. Matapos mapuno ang plato ay dumiritso na siya sa mesa nila. Nakita pa sa sulok ng mata ni kim na ibinigay din ng lalaki ang hawak na plato sa lolo nito, baka para rin iyun sa lolo niya ang isda. Napahiya tuloy siya ng lihim sa sarili. Pagkatapos ng kainan ay may sayawan at kantahan pa. Ang kanyang lola ay ngayon lang niya nakilala ng lubos, bida-bida pala ito sa kantahan at sayawan. Kumanta ang lola niya ng Rosas Pandan, old folked song na hindi niya maintindihan ang lyrics pero ay magaling kumanta ang lola niya kaya ay nag enjoy ang lahat. Hapon na ng isa-isa ng nag siuwian ang mga bisita. Uuwi na rin sila ngunit nag demand ang lola niya na mag banyo muna. “Lola baka pupwedi pa pong pigilan iyan at sa bahay na lamang?” “Naku iha! sasabog na ang pantog ko!” Nataranta namang naghanap ng banyo ang Dalaga. “Miguel huwag mong iiwan ang lola ha, magtatanong lang ako ng banyo, saglit lang ako.” “sige po ate!” At pumasok na sa mansiyon ang dalaga. Busy lahat ng mga kasambahay sa loob, nagliligpit na. Wala siyang pweding pagtanongan. At sa wakas ay nakita niya ang lalaki na pababa na ng hagdan, dali-dali niya itong inakyat sa hagdan wari’y nalimutan na niya ang mga galit niya sa lalaki. “Mr. Tulungan niyo po ang lola ko!”, hinawakan pa niya ang laylayan ng polo nito. “Huh? napaano ang lola mo?” panick register in his eyes immediately. Napansin naman ni Kim ang rumihistrong panik sa mukha ng lalaki at na realise niyang mali ang approach niya kaya naman binitawan na niya ang pagkahawak sa laylayan ng polo nito at nahihiya pang isabi ang mga kataga; “Ah, hindi naman critical ang lola, naiihi lang, saan ba ang banyo niyo Mr?” mahinang tanong niya. Nag relax naman ang mukha ng lalaki sa narinig. “Sige ituro ko sa iyo kung saan” At sumunod na siya dito. May banyo pala malapit sa exit ng kusina. Nagpasalamat siya dito at binalikan ang lola. At inalalayan na ni Kim at kapatid ang lola patungong banyo. Sa wakas ay nakapagbanyo rin ang lola Celia niya. “Okay ka na po lola?” tanong ni Kim sa lola niya. “Oo apo! tayo nang umuwi!” Hindi na nakita ni Kim ang binata kaya ay lumabas na sila ng mansiyon. Nang nasa labas na sila ng Gate ay hinintuan sila ng isang sasakyan. Nagtaka tuloy si Kim, baka kidnapper ito. Magpapanic na sana siya ngunit isang guapong mukha naman ang nakita niya ng bumukas ang bintana ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD