The accident

1028 Words
Si Lalaki iyun! “Lola Celia! sumabay na po kayo sa akin, dadaan naman din ako sa inyo, patungo ho akong sentro!” “Abay! sige iho at ang mga paa koy pagod na rin!” sabay kalawit ng lola niya kay Kim sa kamay. “Sumakay na tayo apo! libre eh! at ng hindi na tayo mapagod maglakad”, anas pa ng lola niya. Ang kapatid na lalaki ay nauna pang sumakay doon. Hindi na rin nakatanggi ang dalaga dahil sumakay na rin ang lola niya sa sasakyan ng binata kasunod ng kapatid. Walang imik si Kim na sumakay na lamang din doon. At sa buong biyahi ay sa labas lang ng sasakyan ang tingin ng dalaga. “Iho! babalik ka pa ba ng Maynila?” tanong ng lola niya dito. “Opo Lola Celia, sa susunod na linggo na po!” “Naku! pihong mamimiss ka ng mga taga Nayon iho!” Ngumiti ang binata. “Ako din ho lola, mamimiss ko din ang Nayon at ang mga tao dito!” Napatingin si Kim sa unahan ng sasakyan at napako ang tingin niya sa rearview mirror. Nagpang-abot ang tingin nila ng binata. ‘Kanina pa ba ito nakatingin sa kanya?’, natanong na lamang ni Kim sa sarili. Unang bumawi ng tingin si Kim. Hindi niya mawari ang nararamdaman pero wala na ang inis na nararamdaman para sa binata. Ang mga tingin ng binata sa kanya ay walang emosyon. Blanko lang iyun kaya hindi niya mawari kung galit pa ba ito o hindi na. Pero sa palagay niya ay galit pa din ang binata dahil doon sa hinabol ito ng baka. Baka kung wala si Lola dito kasama niya ay sa malamang may gagawin na naman itong kasamaan para makaganti. Ikinabit balikat na lamang niya ang isipin. Andito naman ang lola niya, she is well protected. Kalaunan ay nakarating na din sila sa bahay nila Lola Celia. Bumaba pa si Jay para alaayan ang lola sa pagbaba mula sa sasakyan nito. Akmang aalalayan din siya ng Binata para makababa pero hindi niya pinansin ang kamay nito bagkus ay nag kusa siyang bumaba ng sasakyan. “Maraming salamat iho sa paghatid mo sa amin, mag iingat ka sa pagmamaneho ha!” “Opo, sige po lola! at tutuloy na po ako!” wika ng binata. Minsan pang tinapunan niya ng tingin ang dalaga pero pumasok na ito ng bahay. Mukhang galit pa rin ang babae sa kanya. **** Lunes Nagpunta na ng paaralan si Kim para magpa enroll. Nasa huling baitang na rin siya sa wakas sa Senyor High School! Dahil tanghali na ng nagpunta siya ng paaralan ay hapon na talaga ng matapos siya. Hindi niya aakalain na madami-dami pa rin ang mga estudyanting hindi pa nakapag enroll at kagaya niyang last minute na. Pagkatapos niya sa eskwelahan ay nagpunta pa siyang palengke at may mga iilang biniling gamit. Gabi na ng siya’y umuwi. Nag text naman siya sa kanyang ina na papauwi na siya para hindi ito mag-aalala. Habang nag lalakad sa daan ay may biglang napakabilis na saksakyang humahagibis at halos nalang banggain si Kim, wala ng nagawa ang babae kundi ay tumalon sa gilid ng kalsada upang hindi mapuruhan ngunit pangpang iyon kaya nahulog si Kim at nagpagulong-gulong habang pababa, padaus-os. Mabuti na lamang at damohan iyun kaya hindi gaanong nasaktan si Kim ngunit sa kamalas-malasan pa ay may malalim na butas para patubigan pala ang dulo ng pangpang at hustong doon talaga siya na shoot. Mababaw lang ang tubig sa loob pero nabasa pa rin siya. Lampas tao din ang lalim ng butas at mabuti na lamang at kaunti lang ang laman na tubig sa ngayon. Nang makabawi na sa pagka shock si Kim ay kinapa niya ang sarili, pinapakiramdaman kung may bali o sugat siya. Sa awa ng Panginoon, wala naman siyang bali, siguroy galos lang iyung sumasakit na ngayon sa tuhod at siko niya. Akma na siyang aakyat doon sa gilid para makalabas na sa patubigan pero hindi siya makaakyat, wala siyang makapitan, hindi niya abot ang tuktok doon. Wala rin siyang pweding patungan. Nagsisigaw na lamang siya ng tulong dahil wala siyang magawa para makalabas doon. Kinapa niya ang kanyang selpon pero wala doon sa bulsa niya. Biglang nagpanic na si Kim. Ang kaisa-isang pag-asa niya ay nawala na ng lubusan. Nahulog siguro ang selpon niya ng nag pa gulong gulong siya sa pangpang patungo dito sa patubigan. ‘Naku po! dito na ba ako mamamatay’, sa isipan niyang nagpapanic na. ‘Hindi! lalaban tayo self! tatawag tayo ng tulong!’, kumbinsi niya sa sarili “Tulong! May tao po dito sa ilalim!” malakas na sigaw niya. Ngunit mga kuliglig lang ang wari’y nakarinig sa kanya dahil ito lang din ang sumasagot sa dalaga. Tumingala siya sa langit, mabuti na lamang at mukhang hindi uulan ngayong gabi, ang mga bituin sa langit ay nagkikislapan, parang nang-aasar sa kanya, hindi siya marunong lumangoy kung sakaling uulan at mapupuno ang patubigang ito, kaya hinayaan na lamang niyang bully-hin siya ng mga bituin sa langit. “Kailanman ay hindi na ako mag wiwish sa inyo! mga bully kayo!” parang baliw na inaway na niya ang mga bituin ng mapagod sa kakasigaw at mukhang wala pa ring nakakarinig sa kanya. ‘Siguro’y dito na lamang ako magpapalipas ng gabi, siguro naman bukas ay mahahanap na ako!’ at tuluyan ng nawalan ng pag-asa ang babae. She’s about to give up but narinig niyang may asong tumatahol sa di kalayuan. Nakinig pa si Kim at nabuhayan na siya ng loob ng mukhang sa kanyang kinaroroonan patutungo ang aso dahil mas lumalakas ang tahol nito. Naglakas loob na si Kim, at buong lakas na sumigaw ulit. “Dito po, sa loob ng patubigan! may tao dito!”, halos maputol ang mga litid niya sa leeg sa lakas ng sigaw niya. Narinig na niya na may mga pares pa ng paa ang mukhang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan niya. Sisigaw pa sana siya pero narinig na niya ang boses ng lalaki. Nakadungaw na ito sa kanya, ang mga mata ay punong-puno ng pagtataka. Tutulungan kaya siya nito? parang nang-aasar pa kasi ang tingin nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD