CHAPTER 18 MAGANDANG balita ang bumungad sa kanilang lahat nang sabihin ng doctor na makakalabas na muli si Jave. Tila dininig ng Diyos ang panalangin ni Chantallle sa mabilisang paggaling ni Jave. “Oh’ ngayong uuwi na muli ang kapatid ko ay asahan kong patuloy mong alagaan ang kapatid ko,” saad ni Dakin. “Huwag kang mag-alala sir, ako’y hindi magbabago sa nasimulan at salamat sa paulit-ulit mong pagtulong sa skin.” Buong pusong pangako ni Chantalle sa taong may malaking bahagi sa kanyang magandang trabaho ngayon. All she think is bless so, Dakin is one of her hero. Bukod sa malaking tulong sa kanya ay palagi pa siyang pinagtatangol sa ina ng mga ito. “Good to hear that!” “Kuya, I wish you visit me sometimes,” said Jave. “Okay, I will!” Marahil ay nais naman nitong makausap ang Ku

