bc

The Innocent Star Bride (Tagalog)

book_age18+
2.1K
FOLLOW
12.5K
READ
friends to lovers
independent
brave
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isang matapang at matalinong abogado si Jave Bautista ngunit sinubok siya ng kapalaran. Binawian siya ng kalayaang mamuhay ng normal matapos maaksidente ang kanyang sasakyan. Iniwan siya ng kasintahan nang malaman nitong wala na siyang silbi.

Ngunit dumating si Chantalle Tarayo sa kanyang buhay. Isang inosente at isip bata, ngunit maalaga at mapagmahal na babae. Inalagaan siya nito hanggang sa unti-unting gumaling. Pinakasalan niya ito ngunit sa isang kasunduan lamang.

Paano niya matatakasan ang sariling kong mahal na niya si Chantalle?

Aminin ba kaya niya ang tunay na nararamdaman?

Mahalin kaya siya ni Chantalle gayong kapatid ang turing sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
JAVE'S P.O.V Nagmamadaling tinungo ni Jave ang kotse sa parking lot nitong Law office building. Mayroon silang usapan ng kanyang kasintahan na si Sophie na magkikita sa isang restaurant. Balak niyang magpropose sa mayamang kasintahan na matagal na niyang karelasyon. Isang heridera si Sophie Mendoza, anak siya ng mayamang businessman. Mas nakakaangat ng pamumuhay kay Jave. Habang nagmamaneho siya sa kalagitnaan ng highway ay hawak-hawak niya ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing para sa kanyang proposal. Bigla naman tumunog ang kanyang phone at kaagad niya itong dinukot sa kanyang bulsa Napangiti siya ng makita kung sino ang tumatawag. Ang kanyang kasintahan, Sophie is beautiful and talented. Nasa kanya na ang lahat, yaman, talino at ganda. Walang sinumang lalaki ang hindi mahuhumaling sa kanya. "Hello Honey!" nakangiti kong sagot. Abot langit ang ngiti ni Jave habang ang isang kamay ay nasa manibela. Mahal na mahal niya si Sophie dahil matagal na niya itong kasama at iisang University lang sila nag-aaral noon. "Hon, are you coming?" tanong niya sa kabilang linya. "Yeah of course, I'm on the way now. Kailan ba kita hindi sinipot sa tagpuan natin?" malumanay kong tanong. "No! I mean baka abala ka pa sa trabaho mo. Alam mo na ang buhay ng isang abogado," aniya. "Don't worry Honey, I always have time when it comes to you. I love you." Itinapat ko sa aking labi ang phone nang sabihin ko ang katagang nag-uumapaw sa aking puso. "Okay! Okay! Have a safe drive. I love you too Hon," tugon niya. "Bye.. Bye.. Honey hmm.. Mwuahh." Hinalikan ko ang phone na para bang siya mismo ang hinalikan ko. Ngunit bigla akong nagulat nang maiangat ang paningin sa kalsada. Isang ten wheeler truck ang nasa intersection ang tumatawid at matatamaan ko ito. Ipinikit ko ang mga mata dahil alam kong mahahagip ko ito at hindi ko na maiiwasan pa. Beeeeep...... Beeeeep.... Bang! Bang!" *** Nang magising ang diwa ko ay nanatili akong nakapikit. Nagtataka ako kung bakit parang manhid ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa. Hindi ko rin maibuka ang bunganga para magsalita. Ang tahimik at wala akong nariring na taong nagsasalita. Maliban sa tunog ng machine na parang nasa ospital. Bigla akong kinabahan sa bagay na sumagi sa aking isipan. "What hospital?" tanong ko sa sarili. Bigla kong minulat ang mga mata para kumpirmahin ang nasa isip. Puting kisami at fluorescent lamp ang nakikita ko. Hindi ko maigalaw ang ulo para ibaling ang paningin sa paligid. "Oh my God! What happened to me?" Nangilid ang mga luha ko ng mapagtantong isa na akong inutil. Ipinikit ko ang mga mata at damang-dama ang sakit sa dibdib. "Paano ako ngayon? Hanggang kailan ako magiging ganito?" tanong ng aking isipan. Patuloy ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi. Ramdam ko ang mga likidong dahan-dahang dumadaloy patungo sa aking tainga. Gusto ko itong punasan ngunit hindi ko magawa. Napatigil ako sa malungkot na emosyon nang marinig ko na bumukas ang pinto. May mga mabibigat na hakbang ang papalapit sa aking kinaroroonan. Naamoy ko ang kanyang pabango at nakikilala ko kung sino siya. Narinig ko ang pag bumuntong hininga niya. At ako'y nanatiling nakapikit at pinapakiramdaman ang kanyang galaw. "Hon, I'm sorry! Mahal kita ngunit hindi ko kayang alagaan ka habang buhay. Sa kalagayan mo ngayon hindi ko kayang ipaglaban ka dahil lang sa mahal kita. Patawad ngunit iwan na kita, salamat sa lahat at paalam." Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa aking labi. Pinigilan ko ang sarili na malaman niyang gising ang aking diwa. Narinig ko ang kanyang mga hakbang na papalayo sa akin. Muling kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Matapos kong marinig ang mga sinabi ng babaeng minahal ko. Hindi niya pala ako kayang tanggapin ngayong wala na akong silbi. Ang babaw lang pala ng kanyang pagmamahal sa akin. Basta-basta niya akong iwan sa kalagayan kong ito. Doble ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Ngayong nawala na sa akin ang lahat. Ang kalayaan kong mamuhay ng normal at makabalik sa trabaho. Pati na ang babaeng minahal ko ng lubusan ay nawala rin. Bakit pa ako nabuhay? Ano pa ba ang silbi ng isang tulad kong inutil na?" Masakit para sa kanya ang nangyari sa kanyang buhay. Wala siyang magawa dahil nakabendahi ang ang kanyang paa at mga kamay. Tanging mga mata lamang ang kaya niyang igalaw. Kahit ang pananalita niya ay binawi rin sa kanya. Walang nakakaalam kung hanggang saan siya magiging pasanin ng pamilya. Narinig niyang bumukas muli ang pinto. Nagkunwari siyang muli na hindi pa gising at nais niyang malaman kung sino ang dumating. "Ma naman! May ginagawa din ako, alam mong kailangan kong gumawa ng mga video for my vlog!" maktol ni Jimmy. Nag-uusap sina Jimmy at ina ni Jave. Si Jimmy ang bunsong kapatid ni Jave. Nahihirapan silang alagaan si Jave dahil may kanya-kanya silang tarbaho. Pangalawa si Jave sa tatlong magkakapatid. Siya ang hero ng kanilang pamilya dahil sa husay niyang abogado at angking talino. "Eh' sino pa ba ang mag-aalaga sa kuya mo? Kung maaari ipagpaliban mo muna ang ginagawa mo. Mas kailangan ka ng kuya mo," sabi ng kanilang ina. "Bro, magpagaling ka na kaagad ha! Alam mo naman walang ibang tutulong sa atin," bulong nito kay Jave. Parang hiniwa sa sakit ang muling nararamdaman ni Jave. Alam niya kung gaano ka hirap ang idudulot ng kanyang kalagayan. Pinigil niya ang kanyang hinginga at gusto na lamang niya kitilin ang buhay. Para mas magaan para sa kanyang pamilya dahil para siyang pinapatay sa sakit. Sakit na dulot ng kanyang sitwasyon. Biglang tumunog nang malakas ang machine sa kanyang tabi. Ang kapatid at ina niya ay natataranta sa narinig. Ti.................tuloy-tuloy ito at wlang tigil. "Dok... Dok.... Tulong... Tulong." Nagtatakbo si Jimmy palabas habang tinatawag ang doktor. Nakalimutan na nitong pindutin ang emergency button na nasa tabi lamang ng higaan ni Jave. Umiiyak ang kanyang ina na yakap-yakap siya. Sa takot nito na bawian ng buhay ang anak. Jave anak lumaban ka, huwag mo kaming iwan." Hagulgol ng kanyang ina. Nang dumating ang doktor at mga nurse ay ipinasok siyang muli sa emergency room. Habang ang ina at kapatid ay nasa labas ng emergency room naghihintay ng resulta....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
969.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.1K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook