Chapter 2

1199 Words
CHANTALLE’S P.O.V Pagbaba ng ko ng barko ay palinga-linga ako sa paligid. Wala akong kamag-anak o kakilala dito sa Maynila. Ngunit lakas ang loob ko na pumunta rito kahit pa man ay hindi ko kabisado ang lugar. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ang sabi naman ng taong nakausap ko at siyang nagtulong sa akin para sa pamasahe ay pagdating ko dito sa Maynila meron kakausap sa akin. Basta ang tanging naiisip ko ay ang humanap muna ng trabaho. Kapag may trabaho na ako ay saka ko na hahanapin ang nawawala kong kapatid. Halos sampung taon nang nawawala ang kapatid ni Chantalle. Dinukot ito ng hindi kilalang tao, noong araw na naglalaro sila ng tago-taguan. Alang-alang sa kanyang ina na may sakit ay sinikap niyang makapagtapos ng high school. Pinangakuan niya ang ina na hanapin ang kapatid kapag nakapagtapos siya ng sekondarya. Nanggaling pa siya sa probinsiya ng Cebu at lumuwas ng Maynila. Hindi niya batid kong anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa lugar na wala siyang alam at kakilala. Ngunit sa kanyang paglalakad sa labas ng sea port ay may lalaking sumalubong sa kanya. Sa tingin niya ay eto na ‘yong lalaking sinasabi ng nagpakilala sa kanya na recruiter at mukha naman maayos ang porma hindi masama. “Miss, wala ka bang sundo?” bungad niyang tanong sa akin. “Wala nga po eh.” Pailing-iling kong sagot at sabay huminto ako sa gilid ng isang maliit na tindahan, at inilapag ko ang bayong na bitbit. Huminto din ang lalaking kumausap sa akin. Sa tantya ko sa kanyang edad ay nasa mahigit kwarenta anyos na ito. Ito na siguro ang taong sinasabi sa akin na makakausap ko pagdating dito. Napangiti pa siya nang mapagtanto na kinakabisado ko ang buo niyang pagkatao. “Maghahanap ka ba ng trabaho? Ako ‘yong nagpapahanap ng tao para magtrabaho. Ikaw ba si—” Ano nga pangalan mo?” tanong niya na pakamot-kamot pa sa ulo. “A-Ah opo, Chantalle Tarayo po ang pangalan ko. Pero hindi ko po alam kung saan ako papasok ng trabaho,” sagot ko naman. “Ah gano’n ba! Hahanapan kita ng trabaho. Gusto mo ba sumama sa akin?” “Hmm....Anong trabaho naman?” balik kong tanong. “Basta sumama ka lang para makita mo,” anito. Mukha naman siyang mapagkatiwalaan at isa pa wala rin naman akong mapupuntahan dito sa Maynila. Sasama na lang ako sa kanya at hahanapan pa niya ako ng trabaho. Pero teka hindi ko pa siya kilala. Tinitigan ko siya sa mata at binabasa ang reaksiyon ng kanyang mukha. “Huwag ka matakot sa akin, hindi ba sinabi sayo ng kausap mo sa inyong lugar na nagpapahanap ako ng tao na gustong mamasukang katulong. Gusto ko lang tumulong,” turan nito at may ipinakita pang ID sa akin. Agad ko namang kinuha ang kanyang ID at binasa ang kanyang pangalan. Nagtiwala naman ako agad sa kanya at walang pagtutol na sumama. Sumakay kami sa isang puting pick up car. Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay huminto kami sa isang lugar. Palinga-linga ako sa paligid at kinakabisado ang lugar, nagbabakasakali na may mabasa. Sa ‘di kalayuan may nakita akong isang sign board at mataman ko itong tinititigan para maaninag at mabasa ang nakasulat. “Makati street?” Makati pala itong lugar na pinagdalhan sa akin ni kuya Ed. Iyon ang kanyang pangalan na nakalagay sa ID. Agad naman akong bumaba at buhat-buhat ang bayong na pinagsidlan ko ng mga damit. Mukha namang maayos itong lugar at malalaki ang mga bahay na nandito. "Sumunod ka sa akin," anito nang makababa kami ng sasakyan. Agad naman akong sumunod sa kanya ng walang pag-alinlangan. Pumasok kami sa isang apartment at bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa sala na para bang may hinihintay. Tumayo ang lalaki at humarap sa amin habang titig na titig sa akin. Sa tingin ko ay nasa kwarenta anyos na rin ito at mukha namang disenteng tao. "Nandito na pala kayo!" anito. Kaagad naman siyang kinausap ni kuya. At ako naman ay inikot ang paningin sa loob ng apartment na ito at wala man lang akong nakikita na mga larawan sa pader. Malinis naman at may maayos na kagamitan ngunit wala akong nararamdaman na may kasama itong si kuya sa bahay. Inilapag ko ang bayong na bitbit habang ang mga mata ay nakatuon kay kuya na nagsasalita sa aking harapan. "Okay, maupo ka at pag-uusapan natin ang iyong magiging trabaho," ani kuya. "Sige po, pero pwede po bang maki-gamit ng iyong palikuran?" paki-usap ko kay kuya. "Tunguhin mo na lang ang dereksiyon na ito nasa bandang likuran ang C.R." Itinuro ni kuya ang daan patungong palikuran at umupo silang dalawa sa sofa. Nagmadali akong lumabas ng palikuran at ayaw kong mainip sila sa paghihintay sa akin. Ngunit nagulat ako sa aking nakita na inabutan ng lalaki si kuya ng maraming pera. "Ikaw na bahala sa kanya," anito sa lalaki. Kinabahan ako sa aking narinig. Panandalian akong napatigil sa isang sulok at nag-iisip sa tamang gawin. Mukhang ibininta ako ni kuya sa lalaking ito. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Oh' Diyos ko tulungan mo ako," bulong ko sa sarili. Lumapit ako sa kanila at hindi nagpahalatang may alam ako sa kanilang usapan. Hindi ko man batid ng buo ang kanilang pinag-usapan ngunit ramdam ko na may kakaiba silang binabalak. Tumingin ako sa pintuan at hindi ito nakasara. Kinakabahan man ako sa aking naiisip ngunit ito ang nararapat gawin para sa kaligtasan ko. Kalmado akong naglalakad at tinungo ang bayong na dala ko. Bigla ko itong dinampot ang kumaripas ng takbo. Hindi ko na sinuot ang bakya kong tsinelas at nagtatakbo na walang suot sa paa. "Hoy..... Hoy...." Bumalik ka rito," sigaw ni kuya. "Habulin mo siya." Sigaw naman ng lalaki na aking narinig. Inakyat ko ang gate kahit ako'y nakasaya. Sanay ako sa bukid at palaging umaakyat sa puno kaya madali lang para sa akin ang akyatin ang kanilang gate. Sinipit ko ang bayong sa aking kilikili at tumalon ng bongga. Nang makalapag ang aking mga paa sa lupa ay walang akong sandali na sinayang. Tumakbo ako ng matulin sa abot ng aking makakaya. Malayo-layo na rin ang tinakbo ko ngunit nakasunod pa rin sa akin si kuya. Nang may nadaanan akong isang shop na nakabukas ay bigla akong pumasok sa loob. Hindi ko na alam kung anong shop ang pinasukan ko basta ang nakita ko sa loob ay ang dalawang tao na nakaupo sa counter table. Hingal na hingal akong lumapit sa lalaki. Agad naman siyang napatayo sa gulat nang makita ako. Lumuhod ako sa kanyang harapan na humihingi ng tulong at yumakap ako sa kanyang mga binti na parang bata. "S-Sir! Sir! Tulungan mo po ako! Hinahabol po ako ng lalaki. Ibibinta niya ako sa kanyang kakilala," hinihingal kong pagmamakaawa. "Ano? At sino ka ba?" gulat niyang tanong. "Sir parang awa mo na tulungan niyo ako." Muli kong paki-usap at nagtago sa kanyang likuran. "Hoy! Babae ka, bumalik ka sa akin!" malakas na sigaw ni kuya na nasa pintuan "Ayaw ko.... Ayaw ko...."Napapailing kong sagot habang nakayakap sa binti mg lalaki. Hindi ko na iniisip ang hiya basta nasa ligtas lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD