Chapter 3

1408 Words
CHANTALLE’S P.O.V Nag-aatubiling sumamang muli si Chantalle sa lalaking sumundo sa kanya sa daungan ng barko. Patuloy siyang nagmamakaawa sa lalaking hinihingan niya ng tulong. “Sir, Ma’am, tulungan niyo po ako ayaw ko sumama sa kanya!” nakaluhod na pagmamakaawa ko. “Teka nga lang! Ano ba ang ugnayan niyo sa isa’t isa?” tanong ng babaeng naka-office suit. “Ma’am, may utang po iyan sa akin at wala siyang pambayad kaya ibininta ko siya sa kakilala ko para magtrabaho siya doon,” sabat ni kuya Ed. “Hindi po totoo ‘yan Ma’am!” pasigaw kong tugon. “Naku hindi ko alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo. Ngunit hindi naman yata tama na ibinta mo siya sa iba, porket wala siyang pambayad sayo,” ani ng babae. “Okay ganito na lang, papakawalan ko ang babaeng iyan ngunit bayaran niyo sa akin ang kanyang utang,” ani kuya Ed. “Ang sama mo, pagkatapos mo akong pangakuan na ipasok ng trabaho ibininta mo pa ako!” bulyaw ko sa kanya. Talagang naloko ako ng taong ito. Pinagbintangan pa akong may utang sa kanya. Natauhan ako nang maalala ang sinabi nitong may utang akong malaking halaga sa kanya. Hinarap ko siya ng buong tapang. “Teka! Saan ako nagkakautang sayo kuya?” tanong ko nang mahimasmasan. “Binayaran kita sa isang lalaking nag-recruit sayo para makapunta ng Maynila,” sagot naman nito. Naalala ko ang isang lalaking nagpakilala sa akin na recruiter at nagbigay ng tulong sa akin para lumuwas ng Maynila. Ngunit ang sabi nito sa akin ay pagdating ko ng Maynila ay maraming mapapasukan na trabaho at makahanap ng mapapangasawa. Wala naman siyang inalok sa akin na trabaho o lugar at taong mapupuntahan sa Maynila. Ang sabi lamang nito ay may makakausap ako. Pagdating ng Maynila at ako na ang bahalang maghanap sa kapalaran ko. Hindi ko akalain na ganito ang madadatnan kong kapalaran. Hindi ako naka-imik at natulala na lamang sa nalaman ko. Hindi ko alam na ibininta na pala ako. “Okay makipag-areglo kami sayo,” pagsang-ayon ng lalaking hiningan ko ng tulong. Nagulat ako sa sinabi ng lalaking hiningan ko ng tulong. Bakit kaya niya nais makipag-areglo kay kuya Ed?” “Honey! Bakit ka makipag-areglo sa mga iyan? Wala tayong paki kung ano man ang kanilang problema. Pwede naman natin ereport sa pulis ang mga ito,” angal ng babae. “Basta ako na ang bahala! Mukha namang nagsasabi ng totoo itong babae. ‘Ano nga pala pangalan mo ining?” baling tanong sa akin. “Chantalle Tarayo po,” sagot ko. “Okay! Ako nga pala si Dakin at ito ang aking asawa si Beng,” turan nito at hinarap si kuya Ed. “Ikaw sumunod ka sa akin!” wika ni Dakin na kinawayan si kuya Ed para sumunod sa kanya. Pumasok sila sa maliit na silid sa opisinang ito. Ang akala ko ay shop ito na nagtitinda ng kung ano-anu. Inikot ko ang paningin at nahagip ng aking paningin ang nakasulat sa pader. Naiwan naman kami ng asawa niyang si Beng. “DATING AGENCY? Anong agency ba ito?” tanong ko sa sarili. Baka pwede ako mag-apply sa kanila para makahanap ng trabaho. Nararamdaman kong mabuting tao sila. “Saan ka ba galing?” tanong ni Ma’am Beng. “Sa Cebu pa po, nais ko po maghanap ng trabaho at mapapangasawa para may tumulong sa akin sa pagpagamot sa Nanay kong may sakit at hanapin na rin ang kapatid kong nawawala,” sagot ko. “Ano naghahanap ka ng mapapangasawa eh’ ang bata mo pa!” gulat sa sabi nito sa akin. “Wala po akong magagawa dahil may sakit ang Nanay ko at wala naman ibang tutulong sa amin,” malungkot kong tugon. Buo na ang pasya ko sa bagay na iyan, at ang tanging pag-aasawa lang ang makakatulong sa akin para masuportahan ang Nanay at mahanap ang kapatid kong nawawala. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay lumabas sa silid ang dalawang lalaki. Nakangisi namang nakatingin sa akin si kuya Ed. ‘Ano kaya ang kanilang pinag-usapan?” Nagmamadaling umalis si kuya Ed na wala nang lingon sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo. Dinaig pa niya ang nanalo sa lotto sa galak at parang isang bula na naglaho sa aking paningin. Napakislot naman ako ng tawagin ni Sir Dakin. “Miss, Chantalle pumasok ka sa opisina ko, mag-uusap tayo,” saad niya sabay talikod at tinungo ang kanyang opisina. Agad naman akong sumunod sa kanya. Nang makapasok ako ay nakita ko ang mga larawan sa pader. Larawan mga magpartner at may mga foreigner na ikinasal sa pinay. Lalong kumunot ang noo ko sa mga larawan na aking nakikita. “Sir, anong agency po ito? Tumatanggap po ba kayo ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho?” “A-Ah…. Hindi Miss.” Nakaawang ang kanyang labi nang marinig ang sinabi ko. Ang agency na ito ay para doon sa mga naghahanap ng mapapangasawa. Katulad diyan sa mga larawan na nasa pader,” nakangiti niyang tugon. “Ah’ gano’n po ba? Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?” “Oo nga pala binayaran kita ng malaking halaga sa lalaki para sa iyong kalayaan,” saad nito at inabot ang isang papel. “Huh! Magkano po ang binayad mo sa kanya?” gulat kong tanong. “Kalahating milyon,” agaran naman niyang sagot. “Kalahating milyon? Kalahating milyon? Teka! Magkano ba iyon?” pakamot-kamot sa ulo kong tanong. “Five hundred thousand. Kaya kita kinausap ngayon dahil ikaw ang gusto kong mag-alaga sa kapatid kong nasa ospital. Kapalit ng perang ibinahad ko ay mgtrabaho ka sa akin,” saad nito. Naku! Naloko na ang laki ng utang ko paano na si inay at ang pangangailangan niya. Paano pa ako makapag-ipon nito?” “Sapat na ba iyon para makabayad ako sayo?” “Hindi! Kailangan mong magtrabaho sa akin hanggang sa makabayad ka,” seryoso niyang sagot. “Sir, alam kong malaking pera ang binayad mo. Ngunit hindi ko kayang bayaran iyon kahit pa magtrabaho ako sayo. May sakit ang nanay ko at kailangan niya ng panustos sa kanyang gamot. Pwede po bang hanapan mo ako ng mapapangasawa na foreigner?” Napaayos naman siya ng upo sa sinabi ko. Tinitigan niya ako at napapatango itong pinagmasdan ang kabuuan ko. “Hmm… well pwede ka konting ayos lang sayo dahil maganda kang bata,” anito. “Huwag po kayo mag-alala nasa hustong gulang naman na ako. Mukha lang akong katorse,” pilya ko namang sabi. “Okay, hanggat wala pa akong nahanap na magiging kapartner mo ay sa skin ka muna magtrabaho,” pagsang-ayon niyang tugon. Matapos ang kanilang pag-uusap ay napagkasunduan nilang aasikasuhin ni Dakin na makahanap ng mapapangasawa si Chantalle para makabayad ito sa pinaluwal ni Dakin na malaking hakaga para sa kanyang kalayaan. JAVE'S P.O.V Nang maimulat ni Jave ang kanyang mga mata ay ganoon pa rin ang nakikita. Ang akala niya ay tuluyan na nitong nawakasan ang kanyang buhay. Isa siyang matapang na abogado ngunit sa pagkakataong ito ay nilukob ng takot ang kanyang puso. Wala na siyang magawa kundi tanggapin ang nakatakdang kapalaran. Siguro nga ay may mabigat na dahilan kung bakit pa siya binuhay ng diyos. Hindi niya alam kung ilang araw, linggo o buwan na siyang nakaratay sa hospital. Lalo lamang bumibigat ang kanyang pakiramdam kapag naiisip ang paghihirap ng kanyang mga magulang na alagaan siya. He closed his eyes and hoped that tomorrow will bring him into better days than yesterday. Nagising ang kanyang diwa sa ingay na narinig. Nakiramdam siya sa paligid at nanatiling nakapikit ang mga mata. Naririnig niya si Dakin na may kausap na babae at hindi pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Si Dakin ay ang asawa ng kanyang Ate na panganay sa kanilang magkakapatid. Nanlaki ang mga mata ni Jave nang maimulat, nakita niya ang isang babasaging bagay na nakalutang sa ere at sa ilang saglit ay babagsak ito sa kanyang mukha. Dahil sa hindi siya makagalawa ay wala siya nagawa kundi ang ipikit muli ang mga mata. Kung nakaligtas siya sa una at ikalawang pagkakataon, baka ito na ang oras ng kanyang kamatayan. Pinigil niya ang kanyang hininga sa takot na maramdaman ang sakit na idudulot nito. Ngunit isang mabigat na katawan ang bumagsak sa kanyang dibdib, kasabay nito ay ang malakas na ingay ng babasaging bagay ang bumagsak sa sahig. "Aaaahhh......." Isang malakas ang ungol ang kumawala sa kanya at sa lakas niyon ay naibuka niya ang kanyang bibig. Lumakas ang t***k ng kanyang puso. He suddenly opened his eyes, at sa kanyang pagmulat ay isang nangniningning na mga mata ang bumungad sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, na parang walang nangyari. Nanatili pa rin itong nakadagan sa kanyang ibabaw…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD