HINDI napigilan ni Jave ang sarili na tingin ng masama ang babaeng nakadagan sa kanya. Hirap man siyang maigalaw ang katawan ay biglang umusbong ang kayang pagkainis dito. Sinubukan niyang paalisin ito ng sa ganoon ay makahinga siya ng maayos.
"Alis!" Singhal niya kay Chantalle na patuloy sa pagtitig sa kanya. Hindi lamang niya mapigilan ang bugso ng damdamin dahil na rin sa ginawa sa kanya ni Sophie.
Malaking katanungan naman para kay Jave kung sino ang babaeng kanyang nakikita. Simula nang maimulat niya ang mga mata ay ito ang kauna-unahang babae ang kanyang nakita. Hindi niya kayang igalaw ang ulo kung kaya naman tanging ang tinig lamang niya ang kayang magpabatid ng kanyang damdamin.
"O-Oh' patawad Sir!" Natarantang umalis si Chantalle sa pagkakadagan kay Jave.
Agad naman siyang bumaba mula sa pagkapatong sa ibabaw ni Jave. Kahit ganoon ay malaking pasasalamat ni Dakin na hindi tumama ang babasaging bagay sa nakaratay na kapatid. Doon lumapit si Dakin sa kapatid nang marinig niyang nakapagsalita na ito.
"Jave, salamat at nakakapagsalita ka na. Pasensiya ka na at muntik ka na naman madisgrasya," ani Dakin.
"Kuya sino ba 'yang babaeng kasama mo?" iritadong tanong ni Jave.
"Naku, pagpasensyahan mo na si Chantalle, iniwas ka lang niya sa maaari sana mangyari sayo. Kinuha ko siya para mag-alaga sayo rito ng sa gano’n ay mapalagay kami sa tuwing wala kami sa iyong tabi," tugon ni Dakin.
"Hello po kuya, ako po si Chantalle Tarayo at tubong Cebu-"
"Stop! Pwede bang manahimik ka muna at ako'y na-iingayan sayo!" sigaw ni Jave ng hindi nagustuhan ang kadaldalan ng dalaga.
"I'm sorry po!''
Napatigil si Chantalle sa isang tabi nang mahimigan ang boses ni Jave na tila galit. Ngunit para sa kanya ay nauunawaan naman niya ang mga taong may ganitong kalagayan. Nag-alaga na rin siya ng maysakit niyang ina alam niyang ang mga pag-uugali ng mga ito.
“Naku miss pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. Sana maunawaan mo ang kalagayan niya dahil sa totoo lang hindi naman siya ganyan noon,” hinging paumanhing wika ni Dakin.
“Huwag po kayong mag-alala sir alam ko po kung paano mag-adjust sa mga taong may ganitong sitwasyon!” nakangiting tugon ni Chantalle.
“Salamat naman kung ganoon at makampante na ang loob ko na may taong marunong umunawa sa kapatid ko.”
Nababanaag sa mukha ni Dakin ang kaluwagan sa pag-iisip nang hindi siya nagkamali sa pagpili kay Chantalle para alagaan si Jave. Alam niyang lahat sila ay abala sa kanya-kanyang obligasyon sa buhay lalo at mayroon na siyang pamilya. Kahit ang kanilang mga magulang ay ganoon din dahil on hand ang mga ito sa pagpapatakbo ng kanilng negosyo.
Ang kanilang pamilya ay mayroong tailoring factory na sumusuply sa buong bansa. Ito rin ang kinalakihan ng kanilang buong pamilya na siyang nagpaangat sa kanila sa marangyang pamumuhay. Ngunit hindi pa ito maikumpara sa mga kilalang negosyante na siyang namamayagpag sa tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.
“Kuya, bakit kailangan pa natin kumuha ng kasambahay na nag-aalaga sa akin?” tanong ni Jave na hindi nagugustuhan ang desisyon ng kapatid.
“You need it! I just worried about your condition and beside we are busy too. Alam mo naman ang buhay natin!” pagpupumilit na tugon ni Dakin.
Unang beses ng pamilya na magkaroon ng kasambahay kaya ganoon na lang ang naging reaksiyon ni Jave. Nasanay sila sa buhay na sila-sila lang ang gumagawa ng kanilang pangangailangan sa sarili.
“But Kuya!” Napabuntong-hininga si Jave at hindi magawang tumutol lalo na sa kanyang kundisyon. Kahit ang dulo ng kanyang daliri ay hindi niya magawang maigalaw kaya wala siyang magawa sa kagustuhan ng nakakatandang kapatid.
“That’s final and also she’s good as my observation,” ani Dakin.
“Huwag kang mag-alala sir hindi naman ako nangangagat!” nakangisi na wika ni Chantalle na binalingan si Jave. Nais man niyang pagaanin ang loob ng binata ngunit ramdam niya na dadaan siya sa matinding pagsubok.
“Shut up! Hindi ako natutuwa sa mga biro mo!” masungit na binara nito si Chantalle.
Napapailing na lang si Dakin sa inasal ng kapatid at ang malakas na fighting spirit ni Chantalle kahit sa kabila ng kasungitan ni Jave. Lalo lamang siyang natutuwa dahil nakikita niya na ito ang bubuhay muli sa pag-asa na makarecover ang kapatid sa kanyang kundisyon.
“Sige Brother J, maiwan na kita sa pangangalaga ni Chantalle at ng may trabaho pa akong aayusin sa opisina. Ipapaalam ko rin kay Mommy na mayroon ngmagbabantay sayo,” pagpapaalam ni Dakin.
“Kuya!”
Napakagat labi si Jave nang iwanan na siya ng nakakatandang kapatid. Kahit anong pagtutol niya ay wala siyang magagawa para tumaliwas sa kagustuhan nito na ipaalaga siya sa taong hindi niya kilala.
“Bye sir!”
Dinig pa niya ang magiliw na pagpapaalam ni Chantalle sa kapatid. Tila ba langaw sa kanyang pandinig ang boses ng dalaga na nababanas siyang marinig. Una pa lang niya itong masilayan ay kumukulo ang kanyang dugo lalo at babae ito. Sariwa pa sa kanya ang sakit sa puso nang iwan siya ng kasintahan dahil sa kanyang kundisyon. Para sa kanya ang lahat ng babae ay pare-pareho lamang kaya ganoon na lang ang kanyang pagkainis sa mga ito.
Pinikit niya ang mga mata upang matulog muli para hindi niya naiisip ang lahat. Malaking hamon man sa kanya ang kalagayan na iasa sa ibang tao ang sarili gayong hindi niya kayang pangalagaan ito. All he could do is to accept slowly by slowly na wala na nga siyang pakinabang sa pamilya. Hindi na siya magiging hero ng mga ito dahil sa kalagayan at walang katiyakan na makakabalik pa siya sa buhay na mayroon siya dati.
“Sir, may kailangan ka ba?” malumanay na tanong ni Chantalle.
Ngunit puputi na lang ang uwak ay hindi siya sinagot ng binata. Napapailing na lang siya dahil may katigasan ng ulo ang kanyang aalagaan. Handa naman siyang pagtiyagaan ito kaysa naman mapunta siya sa kamay ng mga masasamang tao. Batid niya ang kabutihang loob ng taong nilapitan niya kaya ang tanging naiisip niya ay ang ibigay ang kanyang best.
Everything she would do for her mother and sister. Kaya siya napadpad sa lugar na malayo ay upang hanapin ang kapatid kahit walang katiyakan at walang impormasyon kung nasaan man ito ngayon. But she has faith that one day na makikita niya ito. Nagkasakit ang kanyang ina dahil sa pagkawala ng kapatid. Isa lamang ang magiging paraan para maibalik ang saya ng ina kundi ang makita ang kapatid na si Chara.
Hinayaan na lamang niyang matutulog si Jave at niligpit niya ang mga gamit ng binata at nilinis ang iba pang gamit sa mesa. Kailangan niya rin mag-adjust lalo at hindi pa niya nakikilala ang buong pamilya ng kanyang magiging amo.
Samantala sa bahay ng mga Bautista ay pababa ng hagdan ang mga magulang ni Jave na sina Mommy Jhona at Daddy Darius. Papunta sila sa tailoring shop nang masulyapan si Jimmy sa hardin. Ang buong akala nila ay nasa ospital ito upang bantayan ang kapatid.
Habang si Jimmy naman ay abala sa paggawa ng video para sa kanyang everyday vlog. Hindi niya rin maiwan ang ganitong gawain dahil kumikita siya sa pag-iindorse ng beauty products. Tila walang iniindang problema kapag nasa harap ng kamera ngunit agad siyang napatigil nang mapansin ang mga magulang na nakatitig sa kanya.
“Jimmy, what the hell are you doing here? You supposed at the hospital right now. Sino ang nagbabantay sa kapatid mo roon?” nakapamaywang na tanong ng ina.
Nababanaag ang galit sa mukha ng ina na makita siyang nasa bahay at walang kasama ang kapatid na nasa ospital. Pansamantalang itinigil ni Jimmy ang ginagawa at nilapitan ang ina upang magpaliwanag.
“Sandali ko pong iniwan sa nurse na nakatalaga kay Kuya dahil kailangan kong gumawa ng video for my vlog,” paliwanag naman ni Jimmy sa ina.
“What? Uunahin mo pa talaga iyan kaysa sa Kuya mo?”
Mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng ina ang Kuya habang nasa ospital pa ito. Ayaw ng ina na iba ang mag-aalaga sa kapatid dahil maselan ang kalagayan nito. Ang punto naman ng kanilang mga magulang ay mas kampante silang magiging maayos ang pag-aalaga kay Jave kapag isa sa kanilang pamilya ang magbigay ng panahon para kay Jave.
“Mom, just for a while lang naman at agad akong babalik doon kapag nagawa ko na ang nais kong gawin. Hindi ko kasi magawa ang video doon sa ospital dahil hindi maganda ang caption. Also I inform Kuya Dakin before I leave at the hospital,” mahinahong wika ni Jimmy.
“So, Dakin is there?” nakataas ang kilay na tanong ng ina.
“Maybe, I’m not sure but he allow me to go!” kibit-balikat na sagot ni Jimmy.
“My God Darius, dadaan muna tayo ng ospital para silipin ang anak natin!” Napahawak sa dibdib si Jhona sa sobrang pag-aalala sa anak.
Napabuntong-hininga siya na binalingan ang asawa dahil hindi nila tiyak na may kasama ang isa pa nilang anak. Nais man niyang bantayan ito ngunit nagkataon naman na marami silang tinatapos sa tailoring dahil nalalapit na ang deadline para kunin ng kanilang mga customer. On hand sila mismo sa pagdedesign ng mga pinapagawa sa kanila para mas tiyak nila ang kalidad ng kanilang produkto.
“Honey, just relax. Baka naman naroon si Dakin at siya muna ang nagbabantay kay Jave,” awat naman ni Darius sa kanya.
Napahagod pa ito sa likod ng asawa na sobrang nag-aalala sa anak na mag-isa lamang sa ospital. Bukod sa mag-isa lang ay kailangan pa ni Jave ng karamay gayong malala ang naging pinsala sa katawan nito. Kahit sila na mga magulang ay nahirapan na tanggapin ang naging sitwasyon ng anak. Nawala ito sa serbisyo na kung saan ay naturingan ng mga kasamahan na isang matalino at magaling na abogado.
"Let's go Darius!" Nagmamadaling anyaya ni Jhona sa asawa.