A month past, at tuluyang bumubuti ang pagpapa-theraphy ni Jave, nagagawa na niyang maigalaw ang mga paa at iyon ay sa tulong ni Chantalle. Ang bagay na hindi inakala ni Jave ay himalang nangyari sa kanya. Malinaw ang sabi ng doctor noon na lubhang naapektuhan ang kanyang mga binti ngunit heto ay may pag-asa na siyang makakalakad muli. Makakatayo na siya gamit ang saklay ngunit hindi pa hinog para pinilitin niyang makalakad muli. Kinausap niya si Chantalle para sa isang mahalagang bagay. Hindi niya naituloy noon ang itanong sa dalaga ang dahilan upang naisin na makahanap ng mapapangasawa. Ngayong malaki ang naitulong ni Chantalle ay siya naman ang nais bumawi sa dalaga. “Ano po ang pag-uusapan natin sir?” “Sit down!” Umupo naman ako sa kanyang harapan at dama ko ang seryoso niyang mukh

