CHAPTER 3

1962 Words
Kaji's Pov While she's reciting her poem her tears start to flow. I want to go to her and hug her so she would not feel alone. "Are you okay, Ms. Salazar?" Our teacher asked. "Ah miss, sorry ahm tapos na po." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Miss can I excuse her?" "Sure." May pag-aalalang pagsang-ayon ng aming guro. Dinala ko siya sa may garden ng school namin at pinaupo sa isa sa mga bench don. Walang estudyante ngayon dito dahil may mga klase pa. "I know that you're not okay pero I'm just here if you need someone to talk." I said to her sincerely. Yumakap naman siya sakin at nagsimulang umiyak. Ilang minuto din siyang umiyak habang nakayakap sakin bago umayos ng pagkakaupo. Pinunasan niya ang mga luha niya at tumawa. "Ano ba yan hahahaha. Bat ba kasi ako umiiyak hahha." Tumatawa siya pero patuloy paring tumutulo ang mga luha niya. Hinawakan ko ang kamay niya para pahintuin ito sa pagpunas sa mga luha niya na patunay paring tumutulo. "Look at me, Crystal." Tumingin naman siya ng diretso sa mga mata ko kaya ngumiti ako. "Alam kong mahirap. Alam ko ding kahit sabihin mong galit ka sakaniya ay namimiss mo padin siya." "Gusto ko siyang makita." Malungkot na sabi niya at patuloy ulit na umagos ang mga luha niya. "Gusto ko siyang mayakap, gusto kong itanong sakaniya kung mahal niya pa ba ako." Niyakap ko ulit siya at nagsimula ulit siyang humagugol. Basang basa na ang uniform ko ng luha niya pero hindi ko yon ininda. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. "Alam mo ba dati palagi siyang may pasalubong sakin tuwing uuwi siya galing trabaho. Tapos tuwing may sakit ako lagi niya akong kinakantahan ng mga paborito kong kanta para gumaan ang pakiramdam ko. Pagnalaman niyang may nang-aaway sakin sinusugod niya sila. Sabi niya pa ako ang prinsesa niya." Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa boses niya. Dati ay ayaw na ayaw niyang napag-uusapan ang papa niya. Never din siyang nag open up sakin tungkol dito. Ang alam ko lang ay iniwan sila ng tatay niya noong bata pa lamang siya at ito ang dahilan kung bakit galit siya sa mga lalaki. Ayokong nakikita siyang nasasaktan, parang dinudurog ang puso ko pagnakikita ko siya umiiyak. Kung alam ko lang kung paano mapapagaan ang loob niya ay ginawa ko na. Hahanapin ko ang tatay niya pero sa ngayon mananatili muna ako sa tabi niya. Umayos siya ng upo at tumingin sakin tsaka ngumiti. "Pwede ba kitang maging papa?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Biro lang hahahaha." Pinunasan niya ang mga mukha niya ng palad niya bago tumayo. "Tara na." Nakangiting sabi niya sakin na parang wala lang nangyari. Alam kong tinatago niya lang ang nararamdaman niya. Pinipilit niya maging malakas para sa mama niya. Yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Nasa high school kami noong una ko siyang makilala, napagkamalan ko pa nga siyang baliw nung una dahil kinakausap niya ang sarili niya. Flasback Naglalakad ako ngayon pabalik sa classroom naman ng may marinig akong umiiyak. Dahan dahan akong pumasok sa loob at hinanap kung sino yon. "Ang daya daya mo. Iniwan mo kami. Sabi mo hindi mo kami iiwan. Sabi mo pupunta pa tayo sa Disney Land. Puro ka pangako di mo naman tinutupad. Ayoko sayo! Ayoko na sa tulad mo. Sinaktan mo si mama. Iniwan mo kami!" Nakita ko ang isang babae na nakaupo malapit sa bintana. Pinunit nito ang hawak na litrato at tinapon sa katabi nitong basurahan. Pinunsan niya ang mga luha sa kaniyng mukha at tumayo. "Ha! Kahit wala ka magiging masaya parin kami ni mama." Taas noong sabi nito at ngumiti. Crazy. Nasabi ko sa sarili ko. Pano ba naman kasi matapos niyang sabihin ay kumuha siya ng salamin sa bag niya at tsaka ngumiti at nagwacky face pa. End of Flashback Simula non lagi ko na siyang napapansin at simula din non ay nagustuhan ko na siya at ngayon minamahal ko na siya. "San mo gustong pumunta?" Tanong ko sakaniya. "Hmm? Kahit saan." Nakangiting sabi niya. Kung titignan mo siya ay parang walang nangyari kanina, parang hindi siya umiiyak kanina lang. She's a strong woman. "Mall?" Suggest ko sakaniya. "Hmm ano namang gagawin natin don? Tsaka may klase pa tayo." Ngumiti naman ako sa kaniya na nakuha niya naman ang ibig sabihin tsaka ngumiti din sa akin Dahan dahan kami naglakad papunta sa gate ng paaralan. Busy sa pagbabasa ang gwardiya kaya hindi niya kami napansin. Nakayuko at pigil hininga kaming dahan dahan na naglakad palabas ng school at nagdadasal na hindi sana mahuli. "Hay salamat." Nakahinga kami ng maluwag ng makalabas kami ng hindi napapansin. Sumakay kami sa tricycle na napadaan at nagpahatid sa mall. "So anong una nating gagawin?" Tanong ko sakaniya. "Kain muna tayo nagugutom na ko e." "Lagi ka namang gutom." Biro ko. "Syempre hahahaha." Nagpunta kami sa foodcourt at naghanap ng bakanteng pwesto. Hindi naman gaano karami ang tao ngayon dahil nga weekdays. Umorder lang ako ng makakain namin tsaka bumalik sa table. "Nice naman nakalibre nanaman." Nakangiting sabi niya habang tinitignan isa isa ang inorder kong pagkain. Call center agent ang tatay ko habang nagbebenta naman ng mga pagkain ang nanay ko kaya kahit papaano ay hindi ako nagigipit sa pera. "Anong libre? Utang yan baliw bayaran mo ko pagnagkapera ka na." Biro ko sakaniya kaya naman tinarayan niya ko. "Tse oo na. Pagawan pa kita ng bahay." "Hahahah sabi mo yan ah wala ng bawian." ***** "Yan sige barilin mo yan! Ayan pa! Ayon! Waahh! Ang dami nila! Ayon sa gilid!" Natatawa ako habang natataranta siya kakaturo sa akin nung mga kalaban. Matapos naming kumain ay dumiretso kami dito sa fun house para maglaro. Sa sobrang ingay ni Crystal ay halos pagtinginan na kami lahat ng tao dito. Kung makasigaw kasi ay kala mo may kaaway. "Hala! Namatay tuloy. Sabi ko kasi sayo andon sa gilid e." Malungkot na sabi niya pero tinawanan ko lang siya. "Tawa tawa ka pa diyan namatay na nga." Mataray na sabi niya. "Para kang bata." "Parang bata, bata naman talaga ako palibhasa ikaw gurang ka na." "Hoy anong gurang? Isang taon lang ang tanda ko sayo." 17 na siya at 18 naman ako. "Mas matanda ka padin blee." Asar niya bago naglakad papunta don sa may claw machine. "Gusto ko non." Nakangusong sabi niya habang nakaturo don sa may pink na dinasour sa loob ng claw machine. "Gusto ka ba?" Pambabara ko sa kaniya hahahahah ang cute niya talaga pag naiinis. "Kung ipakain ko kaya yang stuff toys sayo? Gusto mo?" Nakataas ang kilay na sabi niya. "Biro lang masyado ka naman seryoso hahahaha." "Tsk batukan kita diyan tapos sabihin ko biro lang din." "Kukuhain ko yan sa isang kondisyon." "Anong kondisyon?" Kunot noong tanong niya. "Ipapaubaya mo na sakin si fafa Calix hahaha." Sabi ko na pinilit gawing pambabae ang boses. "Asa ka! Sayo na yang stuff toys mo." Sabi niya tsaka ako tinalikuran at naglakad palayo kaya naman natawa ako. Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan niya kay Calix at baliw na baliw siya don. Grade 12 na si Calix habang kami ay grade 11 palang pero magkasing edad lang kami mas matanda lang siya ng buwan. "Hoy hintayin mo ko." Sigaw ko kay Crystal pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya naman tumakbo na ko para maabutan ko siya. "Binibiro ka lang e. Masyado kang seryoso. Sorry na." "Nakita ko si papa." Biglang sabi niya. "Ha?" "Pumasok siya don sa isang jewelry shop kanina may kasama siyang babae, yung asawa niya ata." Seryosong sabi niya habang nakatingin doon sa jewelry shop na nasa tapat namin. "Gusto mo bang puntahan natin?" Tanong ko dito. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "No. Siya ang nang-iwan, siya ang kusang bumalik. Hindi ako magaaksaya ng oras para magmakaawa sa kaniya baka akalaim niya pa naghahabol kami sa kaniya." Walang emosyon sabi niya. "Tara na." "S-sige." Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kaniya. "Ayos ka na ba?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa sakayan. "Wala namang dahilan para hindi maging okay diba?" Wala paring emosyong sabi niya. "Kung kailangan mo ng kausap o maiiyakan nandito lang ako. Isang tawag mo lang dadating ako." "Ano ka si Charlie Puth? Hahahaha." Bilib talaga ako sa babaeng toh. Kahit nasasaktan na nakukuha paring tumawa. "Pwede din hahahha." At ayon nga nauwi nanaman sa kami sa biruan at asaran. Matapos ko siyang mahatid sa kanila ay naglakad na din ako pauwi sa amin. "Besfriend!" Salubong sakin ng bestfriend ko. "Kailangan mo?" "You're too serious. Ano ng ganap sayo?" Nakangiti niyang tanong. "Gwapo parin naman." "Mas gwapo ako wag ka ng mangarap hahahaha. Oh ano may chance ka na ba sa kaniya?" Tanong niya ulit. Nakaakbay siya ngayon sakin habang naglalakad kami papunta sa bahay ko. "No." Tipid na sagot ko. "I told you,umamin ka na kasi malay mo naman diba." Naupo kami sa malaking bato na nasa gilid ng bahay namin. "Alam mo naman kung sino ang gusto non diba tsaka pag umamin ako magagalit yon." "Ako parin ba? Anong balak mo ngayon? You'll pretend forever?" Seryosong sabi niya. "Hanggat kaya, oo" "You're sick bro. Friendly advice lang, walang mangyayari kung patuloy ka lang na magpapanggap." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Yes bestfriend ko si Calix. Hindi alam ni Crystal dahil ayoko din namang ipaalam. Ayoko lang na malaman niya ang totoo na nagpapanggap lang ako na bakla para mapalapit sa kaniya. "What can I do? Ikaw yung gusto niya." "No comment ako diyan but I don't get it, you pretend to be gay but you can't confess. You're a coward bro." Sabi niya pa sabay mahinang sinuntok ang braso ko. "Hindi mo kasi naiintindihan." "Na ayaw niya sa mga lalaki? But she likes me." "Mahirap ipaliwanag. Umuwi ka na nga sa inyo. Usap nalang tayo bukas." Paalam ko sa kaniya. "Okay bye but think about it." Paalam niya at kumaway paalis. Mas nauna ko siyang maging bestfriend kaysa kay Crystal. Simula bata kami ay siya na ang kasama ko. Nakilala siya ni Crystal noong may ipagtanggol itong babae na pinagtutulungan sa may gitna mismo ng campus namin noong high school kami. Medyo natigil ang pagiging baliw ni Crystal kay Calix noong mag senior high si Calix dahil ibang paaralan na ang pinasukan nito pero kahit ganon ay gusto parin siya ni Crystal nung mga panahong iyon hanggang sa makatapos nga kami ng high school ay sinundan niya si Calix sa pinasukan nito sa senior high at ako? Sinundan ko din siya. Simula nang mapalapit ako kay Crystal ay paminsan ko nalang nakakasama si Calix. Alam niya na gusto ko ito at alam din niyang siya ang gusto nito pati ang pagpapanggap ko ay alam niya. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi niya tinangkang ligawan si Crystal kahit na nagustuhan niya din ito. Sabi pa nga niya noon na ayaw niyang mag-away kami ng dahil lang sa babae. Alam kong pagiging makasarili ang ginagawa ko pero ganon naman diba? Gagawin mo ang lahat pag mahal mo ang tao. Gagawin mo ang lahat para mapunta siya sayo. Oo selfish ako pero nagmamahal lang naman ako. Handa akong gawin ang lahat para mahalin din ako ng taong mahal ko. Si Crystal ang unang babaeng minahal ko at nsisiguro kong siya din ang huli. Hindi ako susuko sa kaniya. Tama si Calix walang mangyayari kung patuloy lang akong magpapanggap dapat may gawin ako. Magiipon lang ako ng lakas ng loob at hahanap ng tamang tyempo tsaka ako aamin sa kaniya. Sana lang ay hindi siya magalit sakin dahil hindi ko kakayanin pag lumayo siya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD