Crystal's Pov
Shet na malagket. Eto na ba yon? Dito na ba magsisimula ang love story naming dalawa? Aamin na ba siya? Sasabihin niya na ba na gusto niya ko? Waaahh kinikilig akoooo shet.
Unti unti akong humarap kay Calix at sa bawat hakbang niya palapit sakin ay pabilis ng pabilis naman ang t***k ng puso ko.
"A-ako?" Tanong ko na nakaturo pa sa sarili ko. Hindi ko alam kung pano magrereact hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Nasa harap ko lang naman ngayon ang man of my dream koooo!!!
"Yes? Your name is Crystal right?" Omg mga bes nakakatunaw yung mga ngiti niya feeling ko anytime tutumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga ngiti niya.
"Ah eh oo." Naiilang na sabi ko.
"Is this yours?" May inilahad naman siyang pouch sa harap ko. Ito yung pouch na lalagyanan ko ng mga ballpen, kaya pala hindu ko makita nasa future husband ko lang pala.
"Yes it belongs to her. Thanks." Biglang sabat ni Kaji at kinuha ang pouch na inaabot ni Calix."
Bwiset inunahan ako di ko tuloy nahawakan yung kamay ni Calix ಠ︵ಠ
"Lets go." Biglang baling naman sakin ni Kaji.
"Ah teka lang. Ahm Calix pwede ba magtanong?" Kinakabahan ako shet.
"Sure."
"Paano mo nga pala ako nakilala." Ang pagkakaalala ko kasi never pa talaga kami nagkakila. Oo nga kilala ko siya pero siya? Kilala niya ko? Malabo.
Oh baka naman gusto niya din ako hindi niya lang maamin. O M G eto na talaga yon. Bye guys ikakasal na ko.
"My bestfriend told me about you." Bestfriend? Sino namang bestfriend yon? Isa ba yon sa mga kasama niya kanina sa cafeteria?
"Bestfriend? Sinong bestfriend? Kilala ko ba yon?" Curious lang bat ba.
"I don't think so. You just caught his attention by the way I need to go. Take care." Nakangiting sabi niya bago naglakad palabas ng school?
Sino naman kayang bestfriend ang tinutukoy niya? At paano naman ako nakilala non? Hindi naman ako sikat. 5 silang magkakaibigan sino naman kaya don? Ahh baka nagdadahilan lang siya dahil nahihiya siyang umamin. Hahahaha don't worry my Calix gusto din kita.
"Tara na anong oras na oh baka mapagalitan ka pa."
"Kilala mo ba kung sino yung bestfriend na tinutukoy niya?" Tanong ko kay Kaji habang naglalakad kami pauwi. Walking distance lang naman ang layo ng bahay ko sa school kaya di na kailangan mag commute at tatlong kanto naman ang pagitan ng bahay nila Kaji mula samin.
"Hmm hindi." Tipid na sagot niya. Sino kaya yon. Ang pagkakaalam ko kasi si Rainer ang pinakamalapit sakanya. Pero pano naman ako nakilala non? Kahit naman baliw na baliw ako kay Calix never pa ko gumawa ng kabaliwan sa harap nila. Tamang tanaw lang ako sakanya sa malayo.
"Curious ako bes."
"Curiousity can kill you kaya tigil tigilan mo yan."
"Oa mo naman di naman siguro killer yon noh."
"Hahahaha malay mo diba." Grabe ang tino talaga kausap nito kahit kailan, sarap isako.
Ilang minuto lang ay nakarating na din ako sa bahay. Nagpaalam na din si Kaji para umuwi. Naabutan ko si mama na nasa sala at nanonood ng t.v.
"Ma dito na po ako." Bati ko sakanya.
"Kumain ka na diyan, may niluto akong corn beef diyan." Sabi niya habang nakatutok parin ang paningin sa telebisyon.
Dumiretso muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Matapos mag palit ay lumabas na din ako para kumain.
Hayy kapagod pakiramdam ko ang haba ng araw ngayon.
Simula ng iwan kami ni papa naging malungkot na ang bahay na toh. Sa totoo lang daddy's girl talaga ako dati. Lagi kaming masaya non at makikita mo lagi si mama na nakangit. Kung ako lang ang pag-uusapan tanggap ko na naman na iniwan niya kami pero si mama hanggang ngayon umaasa pa din na babalik pa siya.
"Tumawag na ba sayo ang papa mo? Kelan daw siya uuwi?" Tanong ni mama
"Ma, tama na."
"Tama na ang alin? Nagtatanong lang naman ako." Sabi niya sabay tumawa ng peke.
"Ma, hindi na siya babalik."
"Paano ka naman nakakasiguro? Wala naman siyang sinabi na hindi na siya babalik diba?" Yan ang pinanghahawakan niya.
*******Flashback********
"Kailan mo balak sabihin samin?" Tanong ni mama kay papa habang kasalukuyan silang nakatayo sa may kusina.
Nandito ako sa kwarto ko at nakadungaw sa may pinto. Sapat na ang layo ko upang marinig ang pinag-uusapan nila.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Miguel alam ko na. Alam ko na, na may ibang pamilya ka." Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Cherry I'm sorry." Nakayukong sambit ni papa.
Paano niya nagawa samin toh?
"Gusto kong marinig ang paliwanag mo." Mahinahon paring sabi ni mama sakanya. Hindi niya sinampal o pinagbuhatan ng kamay si papa sa kabila ng nalaman niya. Hindi siya tulad ng ibang babae na nagwawala matapos malaman na may iba ang asawa nila.
"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo. May una akong pamilya bago kayo at may anak din kami." Hindi ko maintindihan si papa.
Akala ko ba mahal niya kami pero paano niya nagawa samin toh?
Tumingala si mama na tila ba pinipigilan ang mga luha niya na pumatak.
" Siguro nga mabuti na din na nalaman mo dahil hindi ko na din kayang magtago sayo. Narealize ko na mahal ko pa din pala siya. Sana mapatawad mo ko."
********End of flashback********
Ayon ang huling beses na nakita ko si papa. Nakakagalit lang dahil hindi man lang niya ko naisip. Hindi man lang sumagi sa isip niya na may anak din siya kay mama.
Matapos niyang sabihin yon ay bigla nalang siya umalis. I'm just 10 years old that day. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko dadamayan si mama. Masyado pa akong bata para madigest ng utak ko ang nangyari.
Hindi ko alam kung paano ko patatahanin si mama sa tuwing umiiyak siya. Sa murang edad natuto na kong kumilos para sa sarili ko dahil sa mga araw na lumipas matapos niya kaming iwan ay parang nawalan na din ng gana si mama na mabuhay.
Sabi nila kung may pagmamahal sa buong mundo magiging mapayapa ito. Pero mali sila, kasi hindi lang naman saya ang naibibigay sayo ng pag-ibig, madalas nagbibigay din ito ng sakit.
Lumapit ako kay mama at niyakap siya. Ganito ang lagi kong ginagawa para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
"Ma andito pa naman ako oh. Hindi kita iiwan. Hindi natin kailangan si papa kasi kaya naman nating dalawa diba. Ano naman kung mas mahal niya yung una niyang pamilya? Mas mahal naman natin yung isa't isa."
"I'm sorry anak." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Patawarin mo ko dahil nararanasan mo toh sa mura mong edad."
"Ano ka ba naman ma, bat ka ba nagsosorry? Tignan mo nga ako oh kayang kaya ko toh. Mana kaya ako sa nanay ko. " Nakangiting sabi ko habang nakangiti sakanya.
Ilang oras ko ding biniro biro si mama para lang mapasaya siya. Matapos kong iligpit ang pinagkainan ko ay pumasok na din ako sa kwarto ko.
Nagpahinga lang ako saglit bago ko gawin ang mga home works ko. Mabilis ko lang natapos ang tulang pinagagawa samin dahil nakahanap na ko ng inspirasyon ngayon.
Naglinis lang ako ng katawan bago ako natulog.
Kinabukasan
Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ko at tinignan ang oras. 9:14 am pa lang kaya naman ipinikit ko muna ang mata ko ng ilang minuto bago bumangon sa pagkakahiga.
"Goodmorning ma." Bati ko kay mama pagkakita ko sakanya sa may kusina.
"Maupo ka na dyan ng makakain ka na."
"Masyado pang maaga para sa tanghalian ma." Sabi ko sabay pasok sa c.r.
"Ikaw bata ka nasasanay kang hindi nag-aalmusal." Rinig ko pang sigaw niya.
"Kakain po ako bago pumasok." Sigaw ko pabalik bago mag-umpisang maligo.
20 minutes din ang itinagal ng paliligo ko. Nagtapis lang ako ng tuwalya bago pumasok sa kwarto para magbihis.
Matapos ko magbihis ay tumunod naman ang cellphone ko.
-Bestfriend kong shokla-
Papunta na ko baka naman kukupad-kupad ka nanaman.
Basa ko sa text ni Kaji. Makapagsabing mabagal ako kala mo naman napakabilis niya.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain.
"Wala kang pasok ma?"
"Wala rest day ko ngayon tsaka may kailangan akong ayusin na mga papeles."
"Para saan?" Curious na tanong ko.
"Para don sa aapply-an kong bagong trabaho. Nabalita ko kasi na magbabawas bawas ng tauhan don sa pinapasukan ko dahil baon na daw sa utang. Mas mabuti ng maghanap ng mas maaga para naman kahit matanggal agad ako e may papasukan ako."
"Ahh ano kaya kung magtrabaho na din ako ma?"
"Manahimik kang bata ka, magtapos ka ng pag-aaral mo dahil ayan lang ang maipapamana ko sayo." Seryosong sabi niya.
"Naipamana mo na naman ang ganda mo ma hahahhaa" Biro ko.
"Kung batukan kaya kita diyan. Manahimik ka at mag-aral ka ng mabuti."
"Batukan niyo na yan Tita." Napalingon naman ako don sa nagsalita.
"Eh kung ikaw kaya batukan ko." Pagbabanta ko kay Kaji. Natawa naman siya at tuluyang pumasok sa bahay namin.
Umupo siya sa harap ko kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabi ko bilisan mo tapos hanggang ngayon kumakain ka pa din."
"Ang aga aga pa wag ka ngang magmadali." Pagtataray ko sakanya. Feel at home na feel at home talaga tong baklang toh sa bahay namin. Namapak pa ng ulam, tibay.
"Kumain ka na ba Kaji? Sabayan mo na ang anak ko." Biglang sabat ni mama ng makalapit siya samin.
"No tita, kumain na po ako." Pagtanggi naman ni Kaji matapos siya hainan ni mama.
"Edi kumain ka ulit. Malulungkot yang anak ko sige ka pag di mo sanabayan kumain." Pagbibiro pa ni mama dito.
"Ma. Mas pabor nga sakin pag di siya kumain mas marami akong makakain tsk."
"Wag ka ngang ganyan sa nobyo mo."
"Ma! Hindi ko siya boyfriend, kita mo namang lalaki din ang gusto niyan e."
"Eh ikaw ba Kaji talagang hindi na magbabago ang isip? Lalaki ba talaga ang gusto mo? Kung magbago man ang isip mo andyan lang ang anak ko." Waahhh mapang-asar si mama, kainis.
"Kahit naman maging lalaki ako tita hindi naman ako magugustuhan niyang anak niyo."
"Hindi kita type duh!"
"Hindi din kita type duh!" Panggagaya niya sakin.
"Ang cute niyo tignan hahahaha. Oh siya sige mauna na ko sa inyo may aasikasuhin lang ako. Crystal ilock mo ang pinto bago kayo umalis ah. Ikaw naman Kaji ingatan mo ang anak ko." Sabi ni mama tsaka humalik sa noo ko.
"Yes tita, makakaasa ka." Sabi naman ni Kaji na may pagsaludo pa.
"Ikaw bilisan mo diyan anong oras na." Baling niya naman sakin.
"Eto na mahal na reyna." Pabiro kong sabi bago iligpit ang pinagkainan ko.
Matapos kong ayusin ang lahat lahat ay lumabas na din kami ni Kaji ng bahay at nilock ko ang pinto bago umalis.
"Ano natapos mo ba lahat ng homeworks natin?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang school.
"Yup, ako pa ba? Crystal ata toh." Proud na sabi ko.
"Taas ng confidence ah." Natatawang sabi niya.
"Ganon talaga pag maganda."
"Mas maganda ako wag kang mangarap."
"Asa ka."
Nagbiruan lang kami ng nagbiruan sa daan hanggang sa makarating sa school.
"Oy bat tulala ka diyan?" Biglang tanong sakin ni Kaji. Lunch break namin ngayon kaya nandito kami sa cafeteria.
"Pinagpapantasyahan mo nanaman si Calix?" Sunod na tanong niya.
"Hindi. Iniisip ko lang kung naaalala pa ba kami ni papa." Seryosong sabi ko. "Kasi diba sabi nila, may anak daw na nakakatiis sa magulang pero walang magulang ang kayang tiisin ang kaniyang anak, pero bakit siya pitong taon niya na kaming natitiis?"
Ayokong magdrama, ayoko ding umiyak pero di ko lang talaga maintindihan kung panong nagawa niya kaming tiisin ng ganon katagal.
"Naiintindihan ko naman na may iba siyang pamilya pero kahit ni hi or hoy wala? Grabe naman yon." Tumawa nalang ako ng peke para naman di masyadong malungkot yung paligid.
"Baka nahihiya lang siyang magpakita sa inyo dahil sa nagawa niya." Niyakap niya ako para pagaanin yung loob ko.
"Hay nako tama na nga drama. Para kanino nga pala yung ginawa mong tula para don sa subject nating literature?" Curious na tanong ko.
"Para sa mahal ko."
"Uyy umiibig ang bestfriend ko hahahaha. Sino yan?"
"Sikretong malupet hahahahaha."
"Yan ah madamot ka na." Malungkot na sabi ko kunwari.
"Sasabihin ko sayo pag naging kami na." Nakangiting sabi niya.
"May chance ka ba dyan?"
"Wala hahahahah." Loko talaga tong baklang toh.
"Baliw ka talaga hahahaha."
Nakakagaan talaga ng loob pag may kaibigan kang maasahan.
"Are you ready for today students? Hindi na ko tatanggap ng excuse ngayon ah. Pag walang gawa zero agad." Literature subject na namin ngayon at nag umpisa ng magtawag si miss Ignacio para magbasa ng kanilang mga gawa sa harap.
Ang galing ng mga kaklase ko sa paggawa ng tula. Mayroong idinedicate yung tula sa jowa, meron din naman sa nanay at tatay nila. Meron ding gumawa para sa mga favorite teacher nila. Yung iba naman sa kaibigan at iba pa.
"Okay next, Mr. Alejandro." Tumayo na si Kaji sa harapan at nag umpisang basahin ang tulang ginawa niya.
"I'm inlove with you
I want you to know
I don't know what to do
I'm afraid to show
I hope someday you'll see
That I love you as deep as sea
You're my dream
Because of you my life is not dim."
Ang ganda ng gawa niya. Sino kaya yung tinutukoy niya na mahal niya?
"Very good Mr. Alejandro. Keep up." Nakangiting sabi naman sakanya ng aming guro.
"Ang gwapo niya noh."
"Sana para sakin yung tula na ginawa niya."
"Silence student. So Mr.Alejandro para kanino yang ginawa mo?"
"To a special person." Sino naman kayang special person yon? Baklang toh naglilihim na sakin. Pero infairness ah ang gwapo niya habang binibigkas yung tula. Ang lalim pa ng boses niya kaya di ko din masisisi kung bakit maraming nagkakagusto sakaniya kahit na hindi siya straight.
"Ow I hope someday you'll be able to show her your feelings." Anong her dapat him hahahahah.
Ngumiti lang si Kaji tsaka umupo ulit sa tabi ko.
"Inlove talaga si bespren hahaha." Pang- aasar ko sakanya.
Ako ang huling tinawag kaya naman kabado akong pumunta sa harapan.
"Ang daming katanungan sa isip ko.
Tulad nalang na kung paano mo kinakaya na kalimutan ako.
Naalala mo pa ba ako?
O ako lang talaga ang nakakaalala sayo?
Oo galit ako
Pero hinahanap ko parin ang kalinga mo
Hinahanap ko parin ang mga yakap at halik mo
Kailangan ko ng tulad mo sa tabi ko.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito
Ikaw ang unang taong nagwasak sa puso ko
Ikaw na hindi ko inakalang magagawang saktan ako
Taong minahal ko ng sobra pero iniwan ako."
Ang sakit lang na yung taong dapat nagpapatahan sayo sa tuwing paiiyakin ka ng ibang tao ay siya ring magiging dahilan ng luha mo. Yung taong dapat nagpoprotekta sayo ay siya ring nananakit sayo. Yung taong dapat mananatili sa tabi mo habang buhay ay siya ring taong unang nang-iwan sayo.