Chapter 26 Kneel Tahimik kaming sumunod ni auntie sa utos ni lola. Nakita ko ang pagbaba nina Angelie at Daddy dahil narin siguro sa sigaw kanina ni lola sa amin. "What's happening?" Habang pababa na tanong ni Daddy. Tumigin si Angelie kay auntie na ngayon nakaupo sa sofa, nakayuko at pinaglalaruan ang daliri sa tuhod niya. Kinakabahan. "Sinong nakakaalam?" Tanong kaagad ni lola. "Answer me!!" Napapikit si auntie sa sigaw ni lola. "Cla-clark." Basag na boses na sagot ni auntie. Lalapitan ko na sana kung saan siya sofa na nakaupo ng bigla akong tinuro ni lola. "Stop! Huwag mo siyang lalapitan!" Galit na sabi sa akin ni lola. Napahinto ako sa paglapit at umupo sa isang sofa. Nakita ko parin ang pagtatanong sa mukha ni daddy. Napa-awang ang bibig ni Angelie at mukhang alam

