Chapter 27

1471 Words

Kaifier "Bakit mo ginawa 'yun, Ma?!" Galit na sigaw ko sa aking ina. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang lahat ng ito. Dahil sa kagagawan niya ay marami ang nasawi, maraming buhay ang nawala kasama na nag buhay ng babaeng iniibig ko. "Patawarin mo ako..." mahinang bulong nito pero sapat na para madinig ko. Ngunit hindi sapat sa akin ang narinig kong paghingi niya ng tawad. Huli na ang lahat, kung sana ay hindi siya nagpalamon sa kanyang pagkaganid marahil ay hindi ito mangyayari. Anong klaseng ina siya? "Patawad?! Hindi, hindi kita mapapatawad. Nang dahil sayo ay namatay si Fiera! Namatay ang mate ko." Pabagsak na isinarado ko ang pinto ng silid-aklatan at dumeretso sa kwarto ko kung saan nandoon ang bangkay ni Fiera. Binuksan ko ang pinto sa aking silid at sumilip ng bahagya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD