Fiera Nagmamadali na umalis ako at iniwan si Elixia na nakatingin lamang sa akin, naghihintay siya kung ano ang aking gagawin. Kailangan na pigilan ko ang pagkakagulo nila. Nag teleport ako papunta kay Victoria ngunit nahuli na ako dahil ginamit na nito ang kapangyarihan para kontrolin ang kanyang hukbo. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata, at ngayon ko lang napagtanto na tunay ang lahat ng nakita ko sa nakaraan. Isa siyang gahaman at tanging sarili niya lang ang kanyang iniisip. Mapagkunwari siya at nagawa niyang linlangin ang lahat ng nasa paligid niya. "Victoria! Itigil mo ang ginagawa mo!" Sigaw ko at nanlalaki ang matang nilingon ako nito. "Fiera.. pigilan mo siya,"naluluha niyang sabi at tinuro niya si Rethxia na lumalaban para sa kanyang buhay. "Siya ang nagsimula ng gulong

