Fiera Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang masaganang pananim na nakapalibot sa akin. Iba't ibang uri ng mga tanim at puno, sariwa rin at malamig ang hangin na umiihip ng malumanay at maririnig ang masasayang huni ng mga ibon. Dahan-dahang tumayo ako mula sa pagkakahiga at tumayo para mas mapagmasdan ko ang buong paligid. "Alamin mo ang nakaraan," ani ng isang boses na tiyak akong kay Elixia. Nakarinig ako ng halakhakan mula sa dalawang dalagita na naglalaro sa gitna ng malawak na taniman. Nagtatawanan ang dalawa habang kumukuha ng mga tanim. Pati ako ay napapangiti dahil sa masaya nilang aura, nakakahawa ang kanilang tawa. Makikita mo ang natural na kagandahan na taglay ng bawat isa. Magkahawak kamay ang dalawa na tumakbo papunta sa isang village bitbit ang nakuha nilang pr

